You are on page 1of 10

ST.

ANTHONY’S COLLEGE
San Jose, Antique
Liberal- Arts Education Department

GEC 111: INTRODUKSYON SA PANITIKAN NG PILIPINAS


ARALIN 14

REHIYON IV- A
(CALABARZON)

LALAWIGAN KABISERA

Cavite Imus
Laguna Santa Cruz

Batangas Batangas City

Rizal Antipolo
Quezon Lucena

Alinsunod sa Kautusang Tagapagpaganap 103 na nilagdaan ni Pangulong Arroyo noong May 17,
2002 ay napahintulutan amg paghati ng Rehiyon IV sa Rehiyon IV-A at Rehiyon IV-B.
Tanyag ang rehiyon IV- a sa tawag na CALABARZON alinsunod sa mga lalawigang bumubuo dito.
Pinagkalooban ang rehiyon ng mga magigiting na anak tulad nina Jose P. Rizal, Apolinario Mabini,
Hen. Miguel Malvar, Manuel L. Quezon, Marcelo Agoncillo, Apolinario dela Cruz at iba pa.
Ang rehiyon ay pinagkalooban din ng mga tanyag sa larangan ng sining ng musika at pagguhit tulad
ninaLucio D. San Pedro at Nonoy Diestro sa larangan ng musika at sina Carlos “Botong” Francisco,
Jose V. Blanco, Nemensio Miranda Jr., Perdigon Vocalan at marami pang iba sa larangan ng pagguhit.
Nagmula rin sa rehiyong ito ang ilan sa mga tanyag na artista sa pelikula at telebisyon ng
kasalukuyang panahon tulad nina Jericho Rosales, Toni at Alex Gonzaga, Francis Magalona, Jestoni
Alarcon, Jessa Zaragosa, Nikki Gil, John at Camille Pratts at marami pang iba.
Tagalog ang wika ng mga mamamayan nito bagamat may iba’t ibang baryasyon.
Mayaman din sila sa tradisyon, kultura at literature.
Sa rehiyong ito lalo’t higit sa Batangas matatagpuan ang bantog na kapeng barako.
Ang Quezon na isa sa mga lalawigan nito ay tinaguriang pinakamahabang lalawigan sa kabuuang
Luzon.
Mardicas Dance isang tanyag na sayaw ng digmaan mula sa sa bayan ng Ternate, Cavite.
Karakol Dance isang uri ng street dancing na kung saan ipinaparada ng mg tao ang kanilang mga santo
kasunod ng isang prusisyon sa ilog.
Sanghiyang o Sayaw sa Apoy isang ritwal bago pa man ang pananakop ng mgadayuhan na ginagawa
ng mga taong bihasa sapaglakad sa ibabaw ng apoy. Ito ay ipinagdiriwang ng mga taga- Indang at
Alfonso sa Cavite. Ginawagawa ang ritwal na ito bilang pagpupugay sa Bathala para sa masaganang
ani, pasasalamat para sa paggaling ng may sakit at paglaya mula sa kamatayan.
Tinagurian ang Batangas bilang Puso ng Katagalugan.
Ang lalawigan ng Rizal ay kilala sa tawag na Duyan ng Pambansang Sining.
Kaliraya/Kalilayan ay dating katawagan sa lalawigan ng Quezon.

ILAN SA MGA KILALANG MANUNULAT

1. JOSE RIZAL
Ang pinakadakilang anak hindi lang ng Rehiyon IV-A kundi maging ng bansang Pilipinas. Kilala ang
kanyang pangalan sa larangan ng literatura na naging dahilan upang bansagan siya bilang Pambansang
Bayani ng bansa.
ILAN SA KANYANG MGA AKDA:
Sa Aking Mga Kababata
Noli Me Tangere (Huwag Mo Akong Salingin) 1887
El Filibusterismo 1891
Mi Ultimo Adios (Huling Paalam) 1896
Sobre La Indolencia de los Filipinos (Hinggil sa Katamaran ng mga Filipino)
Ala Juventud Filipina (Sa Kabataang Pilipino) 1879
Filipino Dentro de Cien Anos (Ang Pilipinas sa Loob ng Isandaang Taon)

2. ALEJANDRO G. ABADILLA
Kilala sa kanyang palayaw na AGA. Tinawag siyang Ama ng Modernistang Pagtula sa Tagalog/ Ama
ng Makabagong Panulaang Tagalog at Ama ng Malayang Taludturan. Bukod sa pagiging makata, isa
rin siyang nobelista at kritikong pampanitikan.
ILAN SA KANYANG MGA AKDA:
Ako Ang Daigdig
Piniling mga Tula ni AGA
Tanagabadilla
Mga Kuwentong Ginto

3. ILDEFONSO SANTOS
Isang makata na gumamit ng sagisag- panulat na Ilaw Silangan. Isa siyang tanyag na manunulat sa
Tagalog noong panahon ng mga Amerikano. Kahanga-hanga ang kariktan ng kanyang mga tula dahil
sa pananalitang ginamit niya.
ILAN SA KANYANG MGA AKDA:
Tatlong Inakay
Ang Guryon
Sa Tabi ng Dagat
Ulap at Mangingisda
Kabibe at Tag-init

4. REV. FR. ARNEL S. VITOR


Premyadong makata at manunulat ng Rehiyon.
ILAN SA KANYANG MGA AKDA:
Ang Tutong
Ang Dalawang Pilak

5. PASCUAL POBLETE
Siya ay kinilalang mandudulang may maapoy na pagmamahal sa kalayaan ng bayan. Ginamit niya ang
kanyang panulat upang gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino.
ILAN SA KANYANG MGA AKDA:
Amor Patria
Buhay ni San Vicente Ferrer
Nagsalin ng Noli Me Tangere sa Filipino
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

6. PADRE MODESTO DE CASTRO


Siya ay itinuring na pangunahing manunulat noong ika-19 na daantaon. Kinilala siya dahil sa kanyang
angking kakayahan sa pagsulat ng mga sermong pampolitika na kanyang binibigkas at nang tumagal
ay sinulat para malathala.
ILAN SA KANYANG MGA AKDA:
Urbana at Felisa
Coleccion de Sermones
Exposicion de la Siete Palabras
Novena de San Pedro.

MGA KAUGALIAN AT PAMAHIIN NG REHIYON IV-A


KAUGALIAN
1. Pagmamano
2. Paggamit ng “po at opo” sa nakatatanda 
3. Mahilig makipagkapwa-tao
4. Mapagkumbaba

PAMAHIIN
Sa Kusina:
1. Bawal kumanta sa harap ng kalan
2. Bawal kumanta sa hapag-kainan
3. Bawal paglaruan ang apoy 
4. Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon
Sa Kasal:
1. Bawal isukat ang damit pangkasal 
2. Bawal magkita ang magkapareha bago ang araw ng kasal 
3. Dapat unahan ng babae ang lalake na lumabas ng simbahan 
4. Masama sa magkapatid ang magpakasal ng sukob sa tao
5. Bawal mamatay ang kandila ng ikinakasal

MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG REHIYON IV-A


BUGTONG
• Ang mga bugtong ay maituturing na isa sa mga gintong bahagi ng ating kultura na hindi nakuhang wasakin,
sunugin at ibaon sa limot ng mga sumakop sa atin, pagkat marami sa ating mga bugtong tulad ng salawikain at
kasabihan ay di natitik sa mga aklat. 
SALAWIKAIN, KASABIHAN AT KAWIKAAN
• Ang bawat salawikain, kasabihan at kawikaan ay nagbabadya ng mga aral sa buhay hango sa karanasan at
pangyayari o balong kadluan ng kagandahang asal at mabuting kaugalian na dapat pagkunan ng halimbawa ng
mga kabataan.
MGA AWITING BAYAN 
•Ang awiting ito ay nagpapakilala ng mga kaisipan at damdamin ng bayang nagpapahayag ng mga katangian sa
buhay. Ang mga ito ay madamdamin at nakalulugod.
TULANG PASALAYSAY
• Ang ganitong uri ng tula ay nagsasaad ng pag-uulat ng mga bagay-bagay o mga pangyayayari sa pamamagitan
ng berso. 

REHIYON IV- B
(MIMAROPA)

LALAWIGAN KABISERA

Occidental Mindoro Mamburao


Oriental Mindoro Calapan
Marinduque Boac

Roblom Romblon

Palawan Puerto Prinsesa


Ang Rehiyon IV-B ay watak-watak dahil sa mga pulo nitong magkakahiwalay at ang bawat isa ay may
sakop pang mga pulo na magkakahiwalay rin.
Ito rin ay rehiyon na halos lahat ng lalawigan ay napapalibutan ng tubig at wala itong mga land border.
Ang rehiyon ay tinaguriang Treasure Trove of Southern Luzon at pinarangalan bilang isa sa limang
nangungunang rehiyon na pinagkukunan ng bigas sa buong bansa noong 2012.
Ang mga dayalektong maririnig sa rehiyon ay ang: Tagalog, Iraya, Alangan, Tawbuid, Hanunoo,
Tadyawan, Buhid, Ratagnon.
Ang pulo ng Mindoro ay unang tinawag na Mait.
Ang pangalang Mindoro ay katawagang binigay ng mga Kastila na mula sa salitang Mina de Oro dahil
daw maraming mina ng ginto sa pook na ito noong unang panahon.
Ang lalawigan ng Occidental Mindoro ay kilala bilang Home of Indigenous Mangyans.
Ang Oriental Mindoro ang isa sa mga ipinagmamalaking lalawigan ng Rehiyon IV-B dahil ditto
makikita ang maraming Tamaraw.
Kilala rin ang lalawigan ng Marinduque bilang Geographical Center of Philippine Archipelago.
Kilala rin ang Moriones ng Marinduque sa Rehiyong ito na isang pambansang pagdiriwang tuwing
Mahal na Araw.
Kilala ang Putong isang pagpuputong ng koronang bulaklak sa ulo ng selebrante o panauhing
pandangal.
Ang Romblon naman ay kilala bilang The Leading Producer of High Quality Marble sa bansa at
itinuturing na isa sa mayamang lalawigan.
Kilala rin ang probinsya ng Palawan bilang The Only Oil Producing Province sa buong Pilipinas.
Isa sa ipinagmamalaking lalawigan hindi lang ng Rehiyon IV-B kundi maging ng buong Pilipinas.

ILAN SA MGA KILALANG MANUNULAT


1. N.V.M GONZALES
Nestor Vicente Madali Gonzales. Kilalang makata, mamamahayag, manunulat at guro. Isa siya sa mga
manunulat noong panahon ng mga Hapon na gumamit ng sariling wika sa kanyang mga akda.
ILAN SA KANYANG MGA AKDA:
Warm Hand
Children of the Asa-Covered Loom
Lunsod, Nayon at Dagat-dagatan

MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG REHIYON IV-B


Mayaman ang literatura ng Rehiyon IV-B patunay dito ang kanilang mga tula na isinulat nila ng pa-
iskrip sa mga biyas ng kawayan, sa tapyas ng bato, sa mga sungay ng kalabaw at sa mga table sa pamamagitan
ng kutsilyo bilang kanilang panulat.

AMBAHAN at URUKAN (Mindoro)


 Mga bantog na tula ng Rehiyon.
 Ang Ambahan ay ang tulang paawit na ginagamitan ng iskrip na pumapaksa sa panunuyo at pag-ibig.
 Ang Urukan ay isang tulang paawit na puspos ng mga salita,karunungan at mga katutubong ulat ng
mga matatanda. Ito ay sinasaliwan ng gitara, plawta, lira at ilan sa mga instrumentong may kwerdas.
PANUBONG
 Isang tulang paawit na nagpaparangal sa isang dalagang may kaarawan o parasa panauhin ng kanilang
baryo/nayon. Ito ay laganap sa Marinduque.

REHIYON V
(REHIYON NG BICOL)
LALAWIGAN KABISERA

Camarines Norte Daet


Camarines Sur Pili
Catanduanes Virac
Albay Legazpi
Sorsogon Sorsogon City
Masbate Masbate City

Madalas daanan ng bagyo at panlima sa mga may pinakamalaking pangkat ng mga etnolinggwistika sa
Pilipinas
Kilala ang Bicol na rehiyon bilang Rehiyon ng mga Bulkan dahil higit na marami ang bulkang
matatagpuan dito kaysa ibang rehiyon ng Pilipinas.
Ang Wikang Bicol ay ibinatay sa Malayo Polynesian na may halong Arabia, Intsik at Kastila kaya
nagkakaiba ang mga wika sa bawat lalawigan.
Kilala ang Bicol na “Ibalon mula sa salitang Ibalio” na ang ibig sabihin ay ilipat sa kabilang gilid o
mga taong marunong tumanggap ng panauhin.
Tinawag din ng mga Kastila na Los Camarines ang Bicol.
Ang lalawigan ng Sorsogon ay isa sa pinakamakasaysayang lugar sa Pilipinas.
Ang Catanduanes naman ay bantog sa taguring Pulo ng Dagat Silangan (Isle of the Eastern Sea) at
Lupain ng Hinihilang mga Pakpak (Land of the Hauling Wings).
Ang lalawigan ng Albay ay nagmula sa iba’t ibang pangalan (a) “Ibal” - sentro ng kalakalan/bilihan,
(b) “baybay” - tabing dagat, (c) “alhay” - patuyuin ang nilabhan, (d) “antabay” - sandigan para suporta,
dahil ang Albay ay suporta ng Luzon.
Sawagnan ang unang pangalan ng Albay at tinawag itong Albaybay nang gawing isang bayan noong
1616. 
ILAN SA MGA KILALANG MANUNULAT

1. ANGELA CARIDAD LEGASPI MANALANG


Siya ay kabilang sa unang henerasyong babae sa University of the Philippines. 
ILAN SA KANYANG MGA AKDA:
Yellow Moon
To A Lost One
To the Man I Married
2. MARNE L. KILATES
Ay isang premyadong Filipinong makata, tagasalin, at editor na tubong Bikol. Bukod sa pagsusulat ng
tula, si Kilates ang tagasalin ng mga tulang nasusulat sa Filipino. 
ILAN SA KANYANG MGA AKDA:
Children of the Snarl
Poems En Route
Mostly In Monsoon Weather
Pampang ng aking Pag-ibig
3. RICKY LEE
Ang buo niyang pangalan ay Ricardo Arriola Lee. Isa siyang scriptwriter ng mga pelikula,
mananaysay at kwentista. Isa siya sa mga pinagpipitaganan at kinikilalang scriptwriter ng bansa.
ILAN SA KANYANG MGA AKDA:
Brutal
Sa Kuko ng Agila
Cain at Abel
Dyesebel
Sinner or Saint
4. KERMA POLOTAN-TUVERA
Kilala bilang Cataalina Pascual. Isang kinikilalang manunulat na Pilipino sa Ingles.
ILAN SA KANYANG MGA AKDA:
The Hand of the Enemy (1962)
A Collection (1968)
Imelda Romualdez Marcos (1970)

MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG REHIYON V


Ariwaga o Sasabihon (Kasabihan)
Binubuo ng 2-4 taludtod na may sukat at tugma. Naglalayon itong ipaalala sa mga kabataan ang magagandang
ugali.
Halimbawa
a. Ang takot sa tipaklong
Di aani ng anuman
b. Sa gitna ng dagat
Marami ang naghahanap
Isa lang ang pinalad. 
Salawikain o Kasabihan
Ito ay naging batayan na ginagamit kadalasan lalo na sa “pagpapaalala sa mga tao ng maaaring kalabasan ng
maling gawa. Ito ay karaniwang tumatalakay sa moral, kabutihang loob at nagpapahiwatig ng pawang
katotohanan tungkol sa buhay.
Halimbawa:
Ang masinaginsagin maanghit pa sa kanding.(Ang nagkukunwari ay maanghit pa sa kambing.)
Ang natotohanan guro uwak na dai ikatago.(Ang katotohanan ay tulad ng uwak na hindi naitatago.)
Ang ngusong marnotabrutal siring sa ganong makinuto.(Ang ngusong maingay ay tulad ng sa manok na
pumuputak.)
Tigsik
Ito ay binubuo ng pagbigkas ng maikling tulang bilang parangal o papuri sa isang tao o bagay. Ginaganap sa
isang tigsikan (drinking party).
Halimbawa:
a. Itinotoast ko ang payapang gabing ito na siyang dahilan ng ating pagdiriwang dahil ang minimithi nating
bulaklak ay naririto.
b. Itinotoast ko ang lahat ng nilalang ng Diyos maliit man o malaki walang pagkakaiba malaki man o maliit,
pare-parehong may silbi.
Patodan o Paukod (Bugtong)
a. Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis (sili)
b. Pag busog nakatayo
Pag gutom nakaupo (sako)
c. Payong ng ita
Di nababasa (dahon ng saging) 
Awiting Bayan O Kantang Suanoy
Tinatawag na Suanoy ang mga awiting bayan sa Bicol. Ang mga awiting bayan sa Bikol ay mga pagpapahayag
ng nararamdaman at paniniwala ng mga tao na nilikha sa paraang paawit.
Halimbawa:
SARUNG BANGGI ni Potenciano Gregorio Sr.
Si Nanay, Si Tatay
Isipin mo Sana
Iba’t ibang uri ng awitin..
 Dinusa- kanta tungkol sa pag-ibig
 Tolbon- mga awitin na kinakanta sa pista

ang awitin sa kalungkutan at sa


Diwata-

kapighatian dahil sa pagkamatay


ng isang
kamag-anak
ang awitin sa kalungkutan at sa
Diwata-

kapighatian dahil sa pagkamatay


ng isang
kamag-anak
 Diwata- mga awitin sa kalungkutan at kapighatian
 Sarague - awiting pangritwal.
 Dumago - awiting para sa namatay na ninuno.
  Angoy- awitin sa burol. 
 Tagulaylay - awiting panggera
 Hoarasa - inaawit matapos ang isang kalamidad tulad ng pagsabog ng mga bulkan, matinding bagyo.
Alamat At Mito 
Halimbawa
Ang Pinagmulan ng Daigdig
Ang Alamat ng Albay
Si Irago at ang Binata
Ang Alamat ng Birheng Penafrancia
Ang Alamat ng Bulkang Mayon
Kwentong Bayan
Juan Osong
Ang Kapanganakan ni Juan Osong,
Ang Paglisan ni Juan Osong
Ang Salbaheng Anak
Ang Tamad na Asawa
ILAN SA MGA KILALANG AKDA NG REHIYON V

“Panyong Binurdahan”
Isang babaeng nagngangalang Lulay ay inutusang paikut-ikutan ang ulo ni Juan.
“Papel de Canton”
Isang mahabang kanta na sulat diumano ng isang lalaki na ipinadala bilang pagsuyo sa kanyang minamahal.
“Sorompongaon o Dugsungan”
Paligsahan sa pag-awit tuwing may mga kasiyahan.
Halimbawa:
Manang Pulana - mayroong bersyon na nakatalang pinakamalaswa.
Nanay, may Tao sa Sirong at Si Bentoy - awiting may kaugnayan sa pagtatalik
An Masinunodsunod (Ang Mabuting Tagasunod) - nagmumudmud ng panutong moral at binubuo ng mga payo
sa mga kabataan pagdating ng pag-ibig at pagpapakasal, at paggalang sa mga nakakatanda.
Sarong Hatol (Isang Payo) - payo sa mga tamad na tao.
“Ibalon “
Ito ay kilalang epiko ng rehiyon.
“Ibalon” o “Ibalnon” ang naging tawag ng mga Kastila sa pook na ito at sa pangalang ito unang nakilala ang
lupain ng mga sinaunang Bikolano. Naging batayan nito ang “ibal” o “ibay” na siyang kauna-unahang tawag
ng tangway ng Bikol. Ang “ibal” ay salitang pinaikli na ang Ibalyo(Bikol) o Ibaylo(Bisaya) na
nangangahulugan na maging tuwiran mula sa Bisaya patungo sa kabilang ibayo sa dakong Timog Luzon.

REHIYON VII
(REHIYON NG GITNANG BISAYAS)

LALAWIGAN KABISERA

Cebu Cebu City


Bohol Tagbilaran City
Negros Oriental Dumaguete City
Siquijor Siquijor

Tinawag na Gitnang Bisayas ang Rehiyon na matatagpuan sa tinatawag na Geographical Heartland ng


bansa.
Bisayang Cebu /Cebuano o Sugbuhanon ang ginagamit na wika ay sinasabing dominanteng wika at
lingua franca ng Gitnang Bisayas napinaniniwalaang naimpluwensiyahan ng Hebrew, Arabia at
Sanskrit.
Ang lalawigan ng Cebu ay tinawag na Queen City of the South dahil ito ang naging sentro ng
industriya at kalakalan noong panahon ng Kastila.
Sa rehiyon ding ito ipinagdiriwang ang Sinulog Festival.
Kilala rin sa pangalang Sugbo ang lalawigan ng Cebu noon bago dumating ang mga dayuhan at isa ito
sa makasaysayang lugar sa Pilipinas.
Ang lalawigan ng Siquijor ay tinawag na Isla del fuego o Isla ng Apoy ng mga Kastila noon dahil sa
maraming salaginto sa pulong ito.
Ang mga mamamayan ay binubuo ng mga Cebuano sa Cebu, Boholano sa Bohol, at Negrenese sa
hilagang Negros.
May mga pangkat-etniko rin sa Negros Oriental na tinatawag na Magahat at Bohol na tinatawag
naman na Ekaya

ILAN SA MGA KILALANG TAO AT MANUNULAT NG REHIYON


1. Sergio, Osmeña Sr. 
Naging pangalawang Pangulo ng Pilipinas sa panahon ng Komonwelt.
2. Vicente Sotto
Kinilalang "Ama ng Panitikang Cebuano"
3. Gabriel Elorde
Naging pandaigdig na kampeon sa larangan ng boxing.
4. Vicente Sotto
Si Vicente na tubong Cebu, ay kilala bilang “Ama ng Panitikang Cebuano” at “Ama ng Malayang
Pamamahayag.” Sumulat siya ng maikling kuwentong at dula sa salitang Cebuano.
ILAN SA KANYANG MGA AKDA:
Maning
Gugma sa Yutang
Naawhan at ang Operatang Maktan
5. Vicente Rama
Kinilalang manunulat, manlilimbag, at lider-politiko.Sumulat ng mga kuwento at nobela at naglimbag ng
pahayagan na nagging habian ng opinion ng karamihan, gayon din ng pag-uunlad ng Panitikang Cebuano.
ILAN SA KANYANG MGA AKDA:
Larawan (1921)
Dona Marcosa (1947)
Ang Sibat ni Bathala (1948)
6. Vicente Alcoseba
Mahusay na manunulat ng mga tula at mga kuwento para sa Bisaya.
ILAN SA KANYANG MGA AKDA:
Sarsuwelang Buruka sa Gugma,
Saloma
Katapusang Hinabang
Ga-ong Kusog
Malayan Bisaya.

ILAN SA MGA PANITIKAN NG REHIYON VII


Ang panitikan ng Gitnang Kabisayaan ay hindi lubos na itinaglay maliban sa pagsapit ng ika-20 na siglo
At nagkaroon ng iba't ibang mga uri ang panitikan ng Rehiyon VII.

URI NG PANITIKAN KATUMBAS SA FILIPINO


Tigmo Bugtong
Saglitanan Salawikain
Diwata Kasabihan
Ambahan/ Biyao Awiting-Bayan
 Saloma- awit ng mandaragat
 Hila/Holo/Hia- awit panggawain
 Kandu- awit epiko
 Kanogon- awit ng namatayan
 Tirana- awit sa debate o pagtatalo
 Balitao- awit sa pag-ibig
 Dayegon – awit na pangharana
 Sambotani/Tagulaylay- awit ng pagbitay sa
kaaway
Balak Tula
Sugilanon Kwento
Mubong Sugilanon Maikling Kwento
Binarisbis Prosa
Gumalaysay Sanaysay
Garay Taludturan
Tinambay Komedya
Dula Drama

You might also like