You are on page 1of 5

LAYUNIN

Sa katapusan ng pagtalakay ng PANITIKAN NG REHIYON V ang mga mag-aaral ay


inaasahang magagawa ang mga sumusunod:
 Makapagbibigay ng sariling opinyon at ideya hinggil sa paksang tinalakay;
 Masusuri ang mga akdang pampanitikan na nakilala at umusbong sa rehiyon; at
 Makakakuha ng mga karagdagang kaalaman mula sa iba na maaring magamit sa
hinaharap.

PANITIKAN NG REHIYON V
REHIYON NG BICOL

Kaligirang Pangkasaysayan

 Madalas daanan ng bagyo at panlima sa mga may pinakamalaking pangkat ng mga


etnolinggwistika sa Pilipinas Kilala ang Bicol na rehiyon bilang Rehiyon ng mga Bulkan
dahil higit na marami ang bulking matatagpuan dito kaysa ibang rehiyon ng Pilipinas.

 Kilala ang Bicol na "Ibalon mula sa salitang Ibalio" na ang ibig sabihin ay ilipat sa
kabilang gilid o mga taong marunong tumanggap ng panauhin.

 Tinawag din ng mga Kastila na Las Camarines ang Bicol.

MGA LALAWIGAN NG REHIYON V

Lalawigan Kabisera
Camarines Norte Daet
Camarines Sur Pili
Catanduanes Virac
Albay Legazpi
Sorsogon Sorsogon City
Masbate Masbate City

MGA PANITIKAN NG REHIYON V

 ARIWAGA O SASABIHON (Kasabihan)


Binubuo ng 2-4 taludtod na may sukat at tugma. Naglalayon itong ipaalala sa mga
kabataan ang magagandang ugali
Halimbawa:
a. Ang takot sa tipaklong
Di aani ng anuman

b. Sa gitna ng dagat
Marami ang naghahanap
Isa lang ang pinalad.

 SALAWIKAIN O KASABIHAN
Ito ay naging batayan na ginagamit kadalasan lalo na sa "pagpapaalala sa mga tao ng
maaaring kalabasan ng maling gawa. Ito ay karaniwang tumatalakay sa moral, kabutihang
loob at nagpapahiwatig ng pawang katotohanan tungkol sa buhay.

Halimbawa:
a. Ang masinaginsagin maanghit pa sa kanding. (Ang nagkukunwari ay maanghit pa sa
kambing:)

b. Ang natotohanan guro uwak na dai ikatago. (Ang katotohanan ay tulad ng inak na hindi
naitatago.)

c. Ang ngusong marnotabrutal siring sa ganong makinuto. (Ang ngusong maingay ay tulad
ng sa manok na pumuputak.)

 TIGSIK
Ito ay binubuo ng pagbigkas ng maikling tulang bilang parangal o papuri sa isang tao
o bagay. Ginaganap sa isang tigsikan (drinking party)

Halimbawa:
a. Itinotoast ko ang payapang gabing ito na siyang dahilan ng ating pagdiriwang dahil ang
minimithi nating bulaklak ay naririto.

b. Itinotoast ko ang lahat ng nilalang ng Diyos maliit man o malaki walang pagkakaiba
malaki man o maliit, pare-parehong may silbi.

 PATODAN O PAUKOD (Bugtong)

Halimbawa:
a. Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis (sili)

b. Pag busog nakatayo


Pag gutom nakaupo (sako)

c. Payong ng ita
Di nababasa (dahon ng saging)

• AWITING BAYAN O KANTANG SUANOY


Tinatawag na Suanoy ang mga awiting hayan sa Bicol. Ang mga awiting bayan sa Bikol ay
mga pagpapahayag ng nararamdaman at paniniwala ng mga tao na nilikha sa paraang
paawit.
Halimbawa:
SARUNG BANGGI ni Potenciano Gregorio Sr.
Si Nanay, Si Tatay
Isipin mo Sana

Iba't ibang uri ng awitin…


 Dinusa- kanta tungkol sa pag-ibig
 Tolbon- mga awitin na kinakanta sa pista
 Diwata- mga awitin sa kalungkutan at kapighatian
 Sarague- awiting pangritwal
 Dumago- awiting para sa namatay na ninuno
 Angoy- awitin sa burol.
 Tagulaylay- awiting punggera
 Hoarasa- inaawit matapos ang isang kalamidad tulad ng pagsabog ng mga bulkan,
matinding bagyo.

• ALAMAT AT MITO

Halimbawa:
 Ang Pinagmulan ng Daigdig
 Ang Alamat ng Albay

 Si Irago at ang Binata


 Ang Alamat ng Birheng Penafrancia
 Ang Alamat ng Bulkang Mayon

• KWENTONG BAYAN

Halimbawa:
 Juan Osong
 Ang Kapanganakan ni Juan Osong
 Ang Paglisan ni Juan Osong
 Ang Salbaheng Anak
 Ang Tamad na Asawa

• ILAN SA MGA KILALANG AKDA NG REHIYON V

  "Panyong Binurdahan" - Isang babaeng nagngangalang Lulay ay inutusang paikut-


ikutan ang ulo ni Juan.

 "Papel de Canton" - Isang mahabang kanta na sulat diumano ng isang lalaki na


ipinadala bilang pagsuyo sa kanyang minamahal.

 "Sorompongaon o Dugsungan" - Paligsahan sa pag-awit tuwing may mga kasiyahan


Halimbawa:
 Manang Pulana- mayroong bersyon na nakatalang pinakamalaswa.
 Nanay, may Tao sa Strong at Si Bentoy- awiting may kaugnayan sa pagtatalik
 An Masinunodsunod (Ang Mabuting Tagasined)- nagmumudmud ng panutong moral
at binubuo ng mga payo sa mga kabataan pagdating ng pag-ibig at pagpapakasal, at
paggalang sa mga nakakatanda
 Sarong Hatol (Isang Payo)- payo sa mga tamad na tao.

 "Ibalon" - Ito ay kilalang epiko ng rehiyon.

 "Ibalon" o "Ibalnon" - ang naging tawag ng mga Kastila sa pook na ito at sa pangalang
ito unang nakilala ang lupain ng mga sinaunang Bikolano. Naging batayan nito ang
"that" o "thay" na siyang kauna-unahang tawag ng tangway ng Bikol. Ang "ibal" ay
salitang pinaikli na ang Ibalyo Bikol) o Ibaylo (Bisaya) na nangangahulugan na maging
tuwiran mula sa Bisaya patungo sa kabilang ibayo sa dakong Timog Luzon

MGA MANUNULAT NG REHIYON V

1. ANGELA CARIDAD LEGASPI MANALANG


Siya ay kabilang sa unang henerasyong babae sa University of the Philippines.

Ilan Sa Kanyang Mga Akda:


 Yellow Moon
 To A Lost One
 To the Man I Married

2. MARNE L. KILATES
Isang premyadong Filipinong makata, tagasalin, at editor na tubong Bikol. Bukod sa
pagsusulat ng tula, si Kilates ang tagasalin ng mga tulang nasusulat sa Filipino.

Ilan Sa Kanyang Mga Akda:


 Children of the Snarl
 Poems En Route
 Mostly In Monsoon Weather
 Pampang ng aking Pag-ibig

3. RICKY LEE
Ang buo niyang pangalan ay Ricardo Arriola Lee. Isa siyang scriptwriter ng mga
pelikula, mananaysay at kwentista. Isa siya sa mga pinagpipitaganan at kinikilalang
scriptwriter ng bansa

Ilan Sa Kanyang Mga Akda:


 Brutal
 Sa Kuko ng Agila
 Cain at Abel
 Dyesebel
 Sinner or Saint
4. KERMA POLOTAN-TUVERA
Kilala bilang Catalina Pascual. Isang kinikilalang manunulat na Pilipino sa Ingles.

Ilan Sa Kanyang Mga Akda:


 The Hand of the Enemy (1962)
 A Collection (1968)
 Imelda Romualdez Marcos (1970)

You might also like