You are on page 1of 12

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES


SANTA MARIA, BULACAN CAMPUS

PANITIKAN NG REHIYON III:


GITNANG LUZON

Ipinasa nina:
Castro, Hazel Ann
Maranan, Maricar A.

BSA 1-1

Abril 24, 2019


REHIYON III – GITNANG LUZON (CENTRAL LUZON)

Introduksyon
Ang Rehiyon III o Gitnang Luzon ay matatagpuan sa pagitan ng rehiyon I at rehiyon II sa
hilaga at NCR sa timog. Nahahati ang rehiyon sa dalawang dibisyon: ang Kanlurang Cordillera
at Gitnang Kapatagan. Kilala ito bilang “Rice Granary of the Philippines” dahil ito ang
pangunahing pinagkukunan ng bigas sa buong bansa. Pagsasaka pa rin ang karaniwang
hanapbuhay sa rehiyong ito. Bukod dito, ang mga sumusunod na hanapbuhay ay pangkaraniwan
din sa mga mamamayan dito: ang pangingisda, paghahayupan, pagmimina, industriyang
pantahanan, at pagpoproseso ng asukal.

Ang rehiyong ito ay tahanan din ng mga dakilang Pilipinong bayani, manunulat, pangulo,
iskolar, artista at madami pang iba. Ilan sa kanila ay sila Francisco Balagtas, Juan Crisostomo
Sotto, Diosdado Macapagal, Gloria Macapagal-Arroyo, Marcelo H. Del Pilar, Bert “Tawa
Marcelo, Nicanor Abelardo at Regine Velasquez.

Naging mahirap ang pamumuhay sa Gitnang Luzon nang sumabog ang Mt. Pinatubo
noong Hunyo 1991. Ito ang pangalawang pinakamalaking pagsabog ng bulkan sa buong daigdig
noong ika-20 na siglo. Mahigit 1500 na katao ang namatay at 500,000 katao ang nawalan ng
tirahan. Higit na nasalanta ang lalawigan ng Zambales, Pampanga at Tarlac.

Mga Mamamayan
 Ilocano – Nueva Ecija
 Kapampangan – Pampanga at ilang bahagi ng Tarlac
 Tagalog – Bulacan, Bataan at Nueva Ecija
 Aeta/Ita (Agta/Ata) – Zambales

Mga Pangunahing Wika sa Rehiyon

 Tagalog
 Kapampangan
 Sambal
 Ilocano
 Pangasinan

Mga Lalawigang Bumubuo sa Rehiyon III


1. AURORA
 Baler (Kabisera)
 Isinunod sa pangalan ni Dona Aurora Quezon na asawa ni dating Pangulong Manuel
L. Quezon
 Noong Agosto 13, 1979, sa bisa ng Batas Pambansa Blg 7 ni dating Pangulong
Ferdinand Marcos ay naging ganap na lalawigan ang Aurora na dati ay bahagi lamang
ng lalawigan ng Quezon na nasa Rehiyon IV-A (CALABARZON)

2. BATAAN
 Balanga (Kabisera)
 May tatlong bersyon kung bakit tinawag na “Bataan” ang Bataan ayon kila Victor De
Leon, Mauricio Q. Pizzaro at Rev. Fr. Wilfredo C. Paguio
 Unang Bersyon. Ang pangalan ng Bataan ay nanggaling umano sa salitang
“Vatan” na pangalan ng isang sinaunang datu na naghari sa lalawigan noong
hindi pa dumarating ang mga Kastila sa Pilipinas.
 Ikalawang Bersyon. “Bata” “Nino” kasing-kahulugan daw nito ang
pagiging isang bagong probinsya ng Bataan matapos itong mahiwalay sa
Pampanga noong 1754.
 Ikatlong Bersyon. Ang pangalan ng Bataan ay hinango umano sa salitang
Tagalog na “Butaan” na ang kahulugan sa Ingles ay monitor lizard” na mas
kilala sa tawag na bayawak.

3. BULACAN
 Malolos (Kabisera)
 Ang Bulacan ay nagmula sa salitang bulak. Sinasabi na ang lalawigang ito ay
sagana sa puno ng bulak kaya naman tinawag itong Bulacan.
 Sa simbahan ng Barasoain naganap ang paggawa ng Konstitusyon ng Unang
Republika ng Pilipinas noong 1848.
 Isa sa 8 lalawigang naghimagsik laban sa kastila noong 1896

4. NUEVA ECIJA
 Palayan (Kabisera)
 Nagmula ang pangalan ng Nueva Ecija sa matandang lungsod ng Ecija sa Seville,
Spain.
 Nangunguna sa produksyon ng palay sa buong Pilipinas
 Isa sa 8 lalawigang naghimagsik laban sa kastila noong 1896

5. PAMPANGA
 San Fernando (Kabisera)
 Ang pangalan ng Pampanga ay nagmula sa mga taong unang nanirahan sa tabi ng
pampang o tabi ng ilog.
 Dating bahagi ng Pampanga ang mga probinsya ng Bataan, Bulacan, Nueva Ecija,
Pangasinan, Tarlac at Zambales.

6. TARLAC
 Tarlac (Kabisera)
 Nagmula ang pangalan ng Tarlac sa isang uri ng talahib na damo o “Malatarlak”
 Tinaguriang “Melting Pot” ng Pilipinas dahil tahanan ito ng mga Ilocano,
Pampangueno, Pangasinense at Tagalog.
 Isa sa 8 lalawigang naghimagsik laban sa kastila noong 1896

7. ZAMBALES
 Iba (Kabisera)
 Nagmula ito sa ginagamit na wikang Zambal. Nagmula sa salitang “Samba” na
ang ibig sabihin ay pananampalataya sa mga espiritu ng kanilang mga ninuno.

PANITIKAN NG REHIYON III


 Alamat
 Awiting Bayan
 Bugtong
 Dula
 Epiko
 Maikling Kwento
 Nobela
 Salawikain

ALAMAT
1. Alamat ng Bundok Arayat (Sinukuan)
Ang pagmamahal at ang mga handang gawin ng mga tao para sa kanilang minamahal ang
temang Pilipinong ipinakita ng alamat ng bundok Arayat. Ipinapakita nito na dahil ang pag-
ibig ay isang napakahalagang konsepto para sa mga Pinoy, kayang-kaya nila itong gamitin sa
napakaraming kuwento, lalong-lalo na sa kuwento ng tatlong bundok sa luzon; ang
pagmamahal ni Haring Sinukuan, ang selos ni Haring Pinatubo at ang nag-iisang bundok
Arayat na may nasirang rurok na naging sentro ng buong kuwento.

2. Alamat ng Gapan
Ito ay patungkol sa isang batang matigas ang ulo. Hindi niya sinusunod ang mga iniuutos
sa kanya ng kanyang ina, sa halip, ginagawa pa niya ang mga bagay na ayaw na ayaw ng
kanyang ina.
3. Alamat ng Bundok Pinatubo
Maraming ipinakita ang alamat na ito. Ipinakita rito ang pagmamahal ng isang pinuno sa
kaniyang pinamumunuan at ang kaniyang kalupitan sa isang inosente. Ipinapakita nito ang
pagmamahal ng isang ama sa kaniyang anak. Ang pinakamahalagang ipinakita ng alamat na ito
ay ang pagbibigay ng pansin sa kapaligiran. Makikita rin sa alamat na ito ang mga kaugalian ng
ating mga ninuno na nakahubog sa kanilang kapaligiran: tulad ng pagkahilig sa pangangaso.

AWITING BAYAN
1. Basultu/Basulto
 Kanta para sa mga naiinip
 Ito ay naglalaman ng mga matatalinghagang salita na pangkaraniwang ginagamit sa
pagpastol ng mga kambing, baka, kalabaw at iba pang mga hayop.
 Maaari itong awitin habang sinasayaw.
 Ito ay pataludtod.
 Nang lumaon, nagging isa na rin itong kompetisyon tuwing pista na sinasabayan ng
musika at pagsayaw.
HALIMBAWA:
O Caca, O Caca (Oh Brother, Oh Brother)
Tinanam Kung Kamantigi
Karin Pu Kekami
Puntung Biabas
Inyang Malati Ku
2. Pamuri
 Mula sa salitang “buri” na ang ibig sabihin ay gusto.
 Ito ay isang awit ng pag-ibig o love song
HALIMBAWA
Aruy! Katimyas na Nitang Dalaga (Ay! Kaakit-akit ang Naturang Dalaga)
Atsing Neneng
3. Pang-obra
 Ito ay isang awit sa pagtatrabaho
HALIMBAWA
Bye Ning Kasamak (Ang Buhay ng Magsasaka)
Deting Tatanam Pale (Itong mga taong nagtatanim ng palay)
4. Paninta
 Mula sa salitang “sinta” na ang ibig sabihin ay minamahal o pag-ibig.
 Kung ang pamuri ay para sa isang taong minamahal sa romantikong paraan, ang
paninta naman ay para sa pamilya at kaibigan.

HALIMBAWA
Eku Pa Kalingwan (Hindi ako Nakalimot)
Ing Dalumdum ning Bengi (Ang Kadiliman ng Gabi)
Atin Ku Pung Singsing (Mayroon akong singsing)
5. Karagatan
 Ito ay isang patulang larong ginagawa tuwing may lamay.
 Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtatanong at pagsasagot gamit ang tula

6. Diparan
 Ito ay tulad ng sawikain ngunit inaawit.
 naglalaman ng mga salawikain at kasabihan ng mga kapangpangan. Ang kanilang
paksa ay hango sa katotohanan na kanilang naranasan sa buhay

7. Bulaklakan
 kinakanta ito kapag may namatay para ipagdasal nila ang kaluluwa ng namatay at
para narin ipagdasal ang mga taong may sakit.
HALIMBAWA
Bulung Lara

Ang pag-awit ng gawang pampanitikan at pagkakaroon ng tugma ay ang dalawang


pangunahing katangian ng panitikang Kapampangan bago dumating ang mga mananakop. Ang
tugma ay isang representasyon ng umiiral na kaayusan sa kapaligiran at buhay ng mga tao.
Samakatuwid, para sa mga Kapampangan noong panahong yaon, ang pag-alis ng tugma ay
katumbas ng pagsuway sa natural na daloy o galaw ng buhay.
Sa mga nabanggit na anyo ng panitikan, makikita na ang panitikan ay isang natural na
bahagi ng pamumuhay ng mga Kapampangan. Ang panitikan ay hindi isang bagay na ginagamit
at nililikha lamang ng mga intelekwal sa paaralan o unibersidad kundi isang elemento na
nakatahi sa iba’t ibang gawain ng tao – sa lamay, pagtatrabaho, panliligaw, pagkikipagkapwa, at
iba pa. Bukod pa rito, ang panitikan ay nagsisilbing paliwanag at paglilinaw ng iba’t ibang
tradisyon. Halimbawa, ang pagbigkas ng bugtong sa mga lamayan ay isang pahiwatig na para sa
mga Kapampangan, ang okasyong ito ay isang masayang pagkakataon , isang pagtingin na
maaring taliwas sa paniniwala ng ibang grupo ng tao.
Makikita sa mga sinaunang anyo ng panitikang Kapampangan ang kalikasan bilang
pangunahing paksa o inspirasyon. Sinasalamin nito ang kaisipang nagpapahayag na ang lahat ay
bahagi ng kalikasan . Mapagtatanto rin na ang sinaunang panitikan ay isang paraan upang
maipaliwanag ang mga hindi maipaliwanag na lubos na maaaninag sa mga alamat .
Ang heograpiya rin ay may malaking papel sa paghubog ng sinaung Panitikang
Kapampangan. Mapapansin na ang Bundok Arayat o kilala rin sa tawag na Bundok Alaya ay
isang popular na paksa ng mga gawang pampanitikan. Dulot ito marahil ng katotohanan na
tanaw ang naturang bundok sa 22 bayan ng lalawigan.

BUGTONG
Mataas kung nakaupo
Mababa kung nakatayo
Sagot: aso
Ako’y may isang katotong irog
Saanman paroo’y kasunod-sunod
Mapatubig ay di nalulunod
Mapaapoy ay di nasusunog
Sagot: anino

DULA
1. Moses, Moses
 Trahedya
 Rogelio R. Sikat
 Nagtataglay ito ng mga kultura, kaugalian at kalagayan ng ating lipunan lalo na sa
usapin ng pulitika sa ating bansa, mga karahasan at pati na rin ang paghihiganti ng
mga taong nabiktima ng pangyayaring ito . Sumasalamin din ito sa mga desisyon na
nagagawa natin kung puno ng galit ang ating mga puso. Karaniwan, nakakagawa tayo
ng maling desisyon na magpapalala pa sa sitwasyon.

2. Kahapon, Ngayon at Bukas


 Isinulat ni Aurelio Tolentino
 Itinanghal sa entablado sa Manila’s Teatro Libertad noong May 14, 1903.
 Ang dulang ito ay isinagawa laban sa mga Amerikano. Sumasalamin ito sa
paghahangad ng kalayaan ng mga Pilipino

EPIKO
1. Sandayo (Epiko ng Zamboanga)
 Pangunahing tauhan ng epikong-bayang ito si Sandayo, anak nina Datu Salaria at ng
asawa nitong si Salaong ng Tubig Liyasan. Gayunman, hindi siya iniluwal ng
kaniyang ina kundi nahulog sa buhok nito sa ikasiyam na ulit na pagsuklay. Sa
pagsapit ng kaniyang unang buwan, ipinasiya ni Sandayo na maglakbay at mula roon
ay masasaksihan ang katapangan at kahusayan ng bayani sa pagharap sa mga hamon
at labanan.

MAIKLING KWENTO
1. Si Binibining Phathupats
 Juan Crisostomo Sotto
 Si Yeyeng ay mula sa liblib na pook, mahirap lamang kaya’t siya’y nagtitinda ng
ginatan at bitso-bitso. Nang makapasok sa paaralan si Binibining Yeyeng dahil sa
isang Amerikanong sundalo ay natuto siyang mag-Ingles. Di nagtagal ay hindi na siya
nagsasalita ng Kapampangan na siya niyang talagang wika dahil nakalimutan na raw
niya ito at ito ay matigas sa dila. Sa huli ay pinagtawanan siya ng mga nakakakilala
talaga sa kanya at sa sobrang inis siya ay napamura sa wikang Kapampangan.

NOBELA
1. Kahapon, Ngayon at Bukas (Larawan ng Bayan)
 Aurelio Valenzuela Tolentino
 Nailathala noong Setyembre 1913 mula sa Limbagang Tolentino na may tanggapang
nasa San Nicolas, Maynila.
 pagpapakita ng mga bagong imperyalista, ang mga Amerikano, pagkatapos ng daang
taon ng pang-aalipusta ng mga Kastila at ang panaka-nakang pagsulpot ng mga
Tsino. Dagdag pa rito ang matayog na tayo ng mamayan laban sa mga susubok pa at
patuloy pang nangaalipin sa Pilipinas.

Ang Kahapon, Ngayon at Bukas ni Tolentino ay may kaugnayan pa rin sa mga


pangyayari sa kasalukuyan. Ang sistema ng pamahalaan ay nasa ilalim pa rin ng impluwensya ng
Washington, D.C. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay nananatili pa ring mababa: ang mga mahihirap
ay lalong naghihirap at ang mga mayayaman naman ay lalong yumayaman dahil sa mga
patakarang ipinatutupad ng mga politiko kung saan karamihan sa kanila ay nagtapos ng pag-aaral
sa ibang bansa partikular na sa US. Sa madaling salita, ang ating bansa ay nasa ilalim pa din ng
kolonisasyon.

2. Mga Ibong Mandaragit


 Amado Hernandez
 makikita ang diskriminasyon sa kulay, ginagamit itong basehan kung ano ang
katayuan ng isang tao. Kung maputi ka, mataas at magaling ka ngunit kung ikaw ay
maitim, kahit anong gawin mo mababa pa din ang magiging pagkilala at pagtingin
sayo ng mga tao.
 Para itong mga ibon na iba-iba ang sukat, kung ito ay malaki, ito’y kakatakutan, tila
ba ito ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Sa isipan nito lahat ay takot sa kanya,
kungkaya makukuha niya anuman ang gustuhin niya.

3. Luha ng Buwaya
 Si Amado Hernandez ay tinaguriang Ama ng mga Manggagawa sapagkat lubos na
inialay niya ang kanyang sarili para sa kapakanan ng mga mahihirap na kanyang
ipinakipaglaban sa kanyang mga sulatin. Ang ganitong layunin ay tinataglay ng
nobela sa pamamagitan ng mga tauhan, tulad ni Bandong at ang mga magsasaka’t
iskuwater, na nagkaisa upang makamit ang kalayaan na inaasam. Bakas sa nobela ang
mga kaisipan o ideyang nais ipahayag ng may-akda sa katauhan ni Bandong, na
naging isang instrumento upang ipagtanggol ang mga api.

4. Anino ng Kahapon
 Francisco Laksamana
 Ito’y pinamagatang Anino ng kahapon ni Francisco Laksamana dahil ang nobela ay
nababatay sa mga karanasan at mapapait na pangyayare sa mga tauhan, paghihiganti
ng taong api at ang pagbalik sa mga nakaraang hindi na muling mababalik.

TULA
1. Isang Dipang Langit
 Amado Hernandez
 Ito ay pinamagatang “ Isang Dipang Langit” sapagkat ito ay tumutukoy sa pag –
asang maaabot pa at matatanaw ang sikat ng araw na tanda ng tagumpay habang
nasa loob ng bilangguan ang manunulat.
2. Himala Ni Bathala
 Francisco “Soc” Rodrigo

 Walang bahid alinlangan, yaring aking paniwala


Na himalang mahiwaga na nagmula kay Bathala
Yaong mga pangyayaring hindi inakala
Na nagbukas nang biglaan sa pintuan ng paglaya
Para sa’ting inalipin at inaping Inang Bansa!

 Si Sen. Francisco “Soc” Rodrigo ay isinilang sa San Jose, Bulakan, Bulacan


noong 1914. Ipinaglaban niya sa pamamagitan ng kanyang mga tula ang kalayaan
ng Pilipinas mula sa Diktaduryang Marcos. Tinuturing siyang isa sa mga bayani
ng EDSA People Power 1986.
SALAWIKAIN
Ang taong nagigipit,
Sa patalim kumakapit

Kapampangan Tagalog
Ing asung balabaluktut Isang asong nakabaluktot buongaraw
butul man e akapulut hindi makahanap ng buto

MGA SANGGUNIAN:
https://www.slideshare.net/mstweety/rehiyon-iii-gitnang-luzon
https://www.slideshare.net/cherryjoybasug/rehiyon-3
http://aileendcasas.blogspot.com/2010/08/kahapon-ngayon-at-bukas-ni-aurelio.html
https://www.coursehero.com/file/p3k1ctf/REHIYON-III-GITNANG-LUZON-AURORA-
Kabisera-Baler-BATAAN-Kabisera-Lungsod-ng/
https://www.academia.edu/4627307/1_PANIMULA
https://leimsolidum.blogspot.com/2017/03/pagsusuring-basa-sa-tulang-ang-guryon.html

You might also like