You are on page 1of 1

Ang Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan.

Siya ay malaki, mabilis at


malakas. Iginagalang siya ng lahat ng kanyang nasasakupan.

Minsan, nilibot ni Haring Tamaraw ang kagubatan. Dumating siyang pagod na pagad. Kaagad
siyang nakatulog sa ilalim ng punong Narra. Dumating si Daga. Tuwang-tuwa siyang naglalaro
sa may puno ng Narra. Sinaway siya ng mga ibon na nakadapo sa mga sanga ng
puno. Ipinaalam nilang natutulog si Haring Tamaraw. Dali-daling tumakbong paalis si
Daga. Hindi sinasadyang natapakan ni Daga ang paa ni Haring Tamaraw. Kumilos si Haring
Tamaraw at naipit ang paa ni Daga. Umirit si Daga.

Nagising si Haring Tamaraw. Galit na galit siya. Hinuli niya si Daga at bilang parusa, kakainin
sana niya ito. Nagmakaawa si Daga kay Haring Tamaraw. Nangakong hindi na siya uulit at
sinabi pang baka siya'y makatulong kay Haring Tamaraw pagdating ng panahon. Pinakawalan at
pinatawad ni Haring Tamaraw si Daga. Nagpasalamat naman si Daga.

Isang araw, naghahanap si Haring Tamaraw ng makakain sa kagubatan. Sa kanyang paglalakad


ay natapakan niya ang isang patibong na hawla na panghuli ng malalaking hayop sa
kagubatan. Napasok at nakulong sa hawla si Haring Tamaraw. Walang magawang tulong ang
mga hayop. Nagkagulo sila at hindi malaman kung ano ang gagawin sa kanilang hari.

Walang anu-ano dumating si Daga na galing sa paghahanap ng pagkain. Nginatngat kaagad niya
ang mga tali sa hawla. At nakalusot si Haring Tamaraw sa pagkakaligtas ni Daga sa
kanya. Nagpasalamat si Haring Tamaraw kay Daga. Mula noon, naging mabuting magkaibigan
si Haring Tamaraw at si Daga.

You might also like