You are on page 1of 2

Saan galing ang kulay ng tigre?

Isang transcription ng Kwentong Hwong ikinuwento ni Gng. Vah Lao.


link: https://www.youtube.com/watch?v=0jYfIUtE1Gk&t=235s

Nung unang panahon, nilikha ng inang kalikasan ang sangkatauhan, mga hayop sa lambak, mga hayop sa
bundok, mga hayop sa ilog at lahat ng iba pang mga bagay. Isang araw sinabi ng inang kalikasan, nilikha ko
ang lahat, ngayon ay magpapanggap akong mamatay at makita kung ano ang nararamdaman ng mga tao at
hayop at kung paano sila magluluksa para sa akin. Tapos nagkunwaring namatay ang inang kalikasan. Ang
lahat ng mga hayop sa lambak at mga hayop sa bundok, mga hayop sa ilog at mga tao ay dumating upang
magluksa para sa kanya. Nagluluksa sila para sa kanya na nagsasabing “sa taong ito ay pumanaw ang inang
kalikasan, walang sisikat ng araw at walang ng ulan. Hinding hindi tayo magiging maunlad at mapalad. Pag-
katapos ay dumating din ang mga taga-Hwong sa libing ng inang kalikasan. Habang papunta sila sa libing,
isang palaka ang nahulog sa isang butas ng pinanggalingan ng aning patatas. Habang nasa loob ay nagsalita
ito at nagtanong. May tao ba riyan? Narinig ito ng isang taong dumadaan. Oo tao ako. Kung ganun, maaari
mo ba akong hilahin palabas ng butas na ito? Pagkatapos ay tuturuan kita kung paano magluksa nang tama
para sa inang kalikasan. Matapos tulungan ng tao ang palaka sa labas ng butas. Tinuro niya sa kanila ang
tamang sasabihin. Kapag pumunta ka upang magluksa para sa inang kalikasa. Dapat kang magdalamhati sa
pagbigkas ng mga salitang ito. “Pumanaw na ang ating inang kalikasan, ngayon ay wala na tayong araw at
ulan, tayo ay magiging mahirap, tayong Hwong ay magdurusa at maghihirap. Dapat ganyan ang sabihin para
maging masaya ang inang kalikasan.

Nang pumunta ang mga tao upang makita ang inang kalikasan, nagdalamhati sila sa mga salitang ito. Inang
kalikasan, bakit ka namatay ngayong taon? Wala na kaming araw at ulan. Maghihirap kami at magiging ma-
hirap. Ang palaka ay natuwa sinunod nila ang turo ng tamang pagdadalamhati. Ang palaka at ang mga tao ay
patuloy na nagluluksa na nagsasabing “Bakit ka namatay sa taong ito? Wala kaming araw at ulan. Magdurusa
kami at magiging mahirap. Biglang nagalit ang inang kalikasan sa palaka. Kaawa-awa na nilalang! Bakit mo
ginaya mo lang ang sinabi ng mga tao. Kung hindi mo narinig mula sa mga taong ito ay hindi mo alam kung
paano magluksa para sa akin. Ngayon alam ko na ang mga tao ay tapat, at mahal nila ako. Hahayaan kong
kainin ka ng mga tao. Nadismaya ang palaka, hindi inamin ng tao na tinuruan lang niya ang mga ito. Sa galit
niya at tuwing huhulihin siya ng tao may pumupulandit ang mapait na lason mula sa kanyang likod.

Pagkatapos ang lahat ng iba pang mga hayop, mga hayop sa lambak, mga hayop sa bundok, mga hayop sa ilog
ay nagtanong sa inang kalikasan. Inay! Kakainin din ba kami ng mga tao? Isa-isang sumigaw ang mga hayop
mula sa iba’t ibang uri. Inay! Kakainin din ba kami ng mga tao? Nagreklamo ang mga oso at baboy-damo.
Bakit mo binibigyan ng pabor ang mga taong ito? Tumayo din ang mga tigre at ang mga dragon at nagrekla-
mo. Ang mga tao ay napakaliit na nilalang, kung ikukumpara sa amin. Pinappayagan mo din ba silang kainin
kami? Hindi kami natutuwa dito. Bukas, hinahamon namin ang mga tao na makipagkumpitensya sa aming
mga talento. Kung manalo kami kakainin namin sila. At kung matalo kami, hahayaan namin silang kainin
kami.

Kinabukasan ang oso, baboy-damo, tigre at ang dragon ay pumunta upang kausapin ang mga tao at nagsabi,
Kailangan ninyong makipagkumpitensya sa amin. Hindi namin matanggap ang pagbibigay ng awtoridad
ng inang kalikasan na hayaan kainin mo kami. Pero kung manalo ka. Papayagan ka naming kainin kami.
Sumang-ayon ang mga tao sa kanilang kondisyon. Ngunit hiniling ng mga tao na ang kumpetisyon ay gagan-
apin sa isang tuyong damuhan malapit sa gilid ng bundok at at ito ay gaganapin sa hapon sa susunod na araw.
Kung matalo kami, kakainin mo kami agad. Pero kung manalo kami, hayaan mo kaming kainin ka. Ngayon
ay nagkasundo silang lahat na magdaos ng kompetisyon para ipakita ang kanilang kakayahan. Maagang
dumating ang oso, baboy-damo, tigre at ang dragon at tinawag ang mga tao. Kailangan na nating pumunta
ngayon, kung gusto mong marating natin ang tuyong damuhan sa gilid ng bundok ngayong hapon. At kaya
nagtungo sila sa tuyong damuhan. At nang dumating.

Tiger, mas malaki ka sa amin. Maaari mo bang ipakita muna sa amin ang iyong mga kakayahan? Sabi ng
tigre. Sige! maghintay kayong lahat dito, aakyat ako sa itaas, at ipapakita ko sa inyo ang aking mga kakayahan
mula doon. Umakyat siya sa bundok at nagsimulang kamutin ang lupa at umatungal nang malakas habang
ang lahat ay nakatingin sa kanya. Pagbaba niya ay nagtanong ang mga tao. Tigre, iyon lang ba ang iyong ka-
kayahan? Oo iyon lang, sagot ng tigre. Oso, ikaw naman, maaari mo bang ipakita sa amin kung ano ang iyong
kakayanan? Sige! At umakyat din siya sa bundok at umungol saka pinatumba sa isang suntok ang isang puno.
Pagbaba niya ay nagtanong ang tao. Oso, iyon lang ba ang iyong kakayahan? Oo iyon lang, sagot ng oso.
Sumunod naman ay ang mga baboy-damo. Baboy-damo, maaari mo bang ipakita sa amin ang kakayanan
mo? Umakyat din sa bundok ang baboy-damo, at habang papaakyat, sinagasaan niya at itinumba ang bawat
kawayan, puno ng papaya, at puno ng saging dinaanan niya. At habang nasa ibabaw ng bundok. Tanong ng
mga tao. Baboy damo, iyon lang ba ang iyong kakayahan? Oo iyon lang, sagot ng baboy-damo. At bumaba
sa bundok. Dragon, ikaw na ngayon, maaari mo bang ipakita sa amin ang iyong mga kakayahan? Umakyat
din ang dragon sa bundok. Nang ihampas niya ang kanyang buntot at ibinagsak ito sa lupa. Nayanig ang lupa
at gumuho ang ilang bato na nahulog sa paanan ng nanonood. Nang bumaba siya sa bundok. Sinabi ng mga
tao, yun lang ba ang iyong kakayanan? Oo iyon lang ang aking kakayahan, sagot ng Dragon.

Ang huling magpapakita ng kanilang kakayahan ay ang mga tao. Sinabi ng lahat ng mga hayop, ngayon kayo
naman ang magkita ng inyong kakayanan. Sabi ng mga tao, hindi namin maipapakita sa iyo ang aming mga
kakayahan sa ngayon. Tingnan mo ang araw ay malapit nang lumubog, hindi namin maipakita ang aming
mga kakayahan sa dilim. Dito lang kayo, babalik kami ng madaling araw tapos ipapakita namin sa iyo ang
aming mga kakayahan. Ang lahat ng mga hayop ay sumang-ayon na manatili. Lahat sila ay napagod sa pag-
papakita ng kanilang mga kakayahan, at kailangan na magpahinga. Kaya natulog na silang lahat. Habang sila
ay natutulog, bumaba ang mga tao sa burol at nagsimulang sumipol para tawagin ang hangin na lumapit at
umihip. Habang umiihip ang hangin ay sinimulan nilang sunugin ang tuyong damuhan sa paanan ng bun-
dok. Madaling nagliyab ang apoy dahil sa hangin. Na tila walang hayop na makakatakas. Ngunit bago pa ito
makapinsala, tumalon ang tigre at tumakbo upang tumakas na naging dahilang mabago ang kulay nito na
itim at kulay kahel. Nakatakbo rin ang oso at sa isang kwebang malapit at nagtago. Tumakbo rin ang baboy-
damo habang papatakas nagtayuan ang balahibo nito. At ang dragon ay walang paraan upang makatakas sa
apoy. Kaya ginamit niya ang kanyang buntot para maghukay ng butas. Nagtago ito sa butas, dahil init ay nag-
ing sanhi ng pagbaligtad ng mga kaliskis nito patungo sa ulo nito.

Kaya naman ngayon, madali nang makita kung ano ang dragon, at kung ano ang ahas, sa pamamagitan
lamang ng pagtingin sa kanilang mga kaliskis. Alam narin natin ngayon kung bakit ang mga oso ay gustong
itago ang kanilang mga sarili sa mga kuweba. At ngayon alam na natin kung bakit ang balat ng baboy-ramo
ay balat na may tusok tusok sa likod. At alam narin natin kung bakit, ang kulay ng tigre ay parang nagliliyab
na apoy.

You might also like