Professional Documents
Culture Documents
Noong unang panahon. May isang halamang inaalagaan ng mga diyos at diyosa. Sa sobrang
halaga ng halamang ito, itinago nila ito sa kalangitan. Kamay lang ng diyos at diyosa ang pwedeng
humawak dito. Itinago nila ito sa mga tao, pero may isa lang na nakakaalam. Isang datu na
nanggaling sa isang malayong kabundukan. Siya ang pinakamalakas na mandirigma sa buong
kalupaan at katubigan. At siya rin ay kilala para sa kaniyang pagkauhaw para sa lakas at kasikatan.
Isang araw, inakyat niya ang pinakamataas na bundok at sumigaw sa kalangitan. Siya ay
nagdemanda sa mga diyos at diyosa na maibigay sa kanya ang mahalagang halaman. Ngunit ito ay
kanilang ibinalewala. ikinagalit ito ng Datu, inis na inis siya. Hinamon niya ang mga diyos at diyosa na
kung matatalo niya ang matandang dragon na natutulog sa kailaliman ng lupa ay ibibigay nila ito sa
kanya. At pumayag naman sila.
Pinasok niya ang pinto at sinalubong niya ang isang napakahabang hagdan pababa sa
kailaliman ng lupa. Umabot siya ng ilang buwan upang makaabot sa ibaba. Pagbaba ay naglakbay pa
siya ng ilang kilometro para maabot ang kuweba ng matandang dragon. Pag-abot niya ay nakita
niyang natutulog ito ng mahimbing. Dahil masyado siyang nagpakitang gilas, ginising niya ang
natutulog na dragon. Nagising ito at bumangon, kasing laki nito ang sampung elepanteng nagpatong-
patong. Kinalaban niya ito ng isang linggo at sa wakas ay nanalo rin siya.
Pag talikod niya, nakita niya isang malaking daan palabas, na may elevator. Andito pala
dumadaan ang dragon. Paglabas niya ay nasa likuran na siya nung kuweba sa itaas ng lupa. Nagtaka
siya kung bakit hindi na lang siya duon dumaan. Naglakad siya ulit pabalik sa pinakamataas na
bundok. Dala dala niya ang pagkalaki-laking ulo ng dragon. At duon sa tuktok, nakatirik. Isang
halamang kumikinang-kinang sa hiwaga.
Dinala niya ito sa kanilang triboipinalaganap nila ito. Nadiskubre nila na kapag sinunog ang
binilad na dahon nito, ito ay naglalabas ng mahiwagang usok. Ang sinumang makalanghap nito ay
makakaramdam ng kalangitan. Ipinatuloy ng kanilang angkan ang pagpatubo nito hanggang sa
dumating ang mga dayuhang kastila. At ipinasunog ang kanilang tribo.
Habang sila ay nagsusunog, nakaamoy sila ng isang amoy na nagdadala ng ligaya. At lahat
sila ay nakaramdam ng langit. Kinabukasan ay binalikan nila ang lugar na ito. At natagpuan nila ang
mahiwagang halaman. Nakita nila ang kakayahan nitong bigyan ng kalangitan ang taong
makakalanghap ng usok nito. At sa sobrang hiwaga ng halamang ito ay ipinangalan nila ito sa
kanilang reyna: si Reyna Maria Juana. At dito lumaganap ang marijuana.