You are on page 1of 4

Ang Sagisag ng Pangulo ng Pilipinas ay isang sagisag na nagsisimbulo sa

kasaysayan at dignidad ng Pangulo ng Pilipinas. Ang orihinal na disenyon nito ay


nilikha ni Kapitan Galo B. Ocampo, Kalihim ng Philippine Heraldry Committee at
ang ibang elemento nito ay inihalintulad sa Sagisag ng Pangulo ng Estados
Unidos[1]. Una itong ginamit ni Manuel Roxas noong 1947.

Armiger Pangulo ng Pilipinas


Adopted 1947 (kasalukuyang itsura, 2004)
Isang bughaw na bilog na kalasag at sa gitna ay may dilaw na araw
na may walong sinag. Sa ibabaw ng araw ay isang pulang tatsulok.
Sa loob nito ay ay ang tradisyonal na leon-dagat (Ultramar) na
Escutcheon mula sa Sagisag na binigay ng mga Kastila sa Lungsod ng Maynila
noong 1596, naka handa-sandata at may espada sa kanyang
kanang kamay. Sa bawat sulok ng tatsulok ay mayroong dilaw na
bituwin na kumakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Other Ang kabuuang sagisag ay napapabilugan ng mga bituwin, na ang
elements bawat isa ay kumakatawan sa dami ng mga lalawigan ng Pilipinas.
Sa mga dokumento mula sa Pangulo para sa mga kabahagi ng
Use pamahalaan, at ginagamit bilang sagisag para sa mga sasakyan,
podyum at iba pa ng Pangulo.

Ang Kagawaran ng Tanggulang Bansa (Ingles: Department of National Defense o


DND) ay ang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na
responsable sa pagtatanggol mula sa mga panlabas at panloob na panganib sa
kapayapaan at seguridad sa Pilipinas. Mayoroon itong kakayanang mangasiwa sa
Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP), Office of Civil Defense (OCD), Tanggapan
ng Ugnayan sa mga Beterano ng Pilipinas (PVAO), Dalubhasaan ng Tanggulang
Pambansa ng Pilipinas (NDCP), at Arsenal ng Pamahalaan (GA).

Ito ay pinamumunuan ng kalihim ng Tanggulang Pambansa na kasapi ng


gabinete ng pangulo ng Pilipinas. Ang kasalukuyang kalihim nito ay si Delfin
Lorenzana.

Sinasagisag ng simbulo ang kapayapaan at kaayusan ng bansa. Sinasagisag din


niyo ang pagtatanggol sa bansa laban sa mga mananakop at anumang
himagsikang panloob.

Ang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas (o kolokyal bilang "Bisepresidente ng


Pilipinas") ay ang ikalawang pinakamataas na punong ehekutibo ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Kilala rin ito sa tawag na Bise-Presidente.

Ang kasalukuyang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas ay si Kgg. Sara Duter-


Carpio, dating punong lungsod ng Lungsod ng Dabaw mula 2016 hanggang
2022. Siya ay nahalal sa Pambansang Halalan ng 2022 at nanumpa noong 19
Hunyo 2022 sa Lungsod ng Dabaw. Ang Pangalawang Pangulo ay ang una sa
linya ng paghalili sa posisyon ng Pangulo ng Pilipinas. Ang kasalukuyang
tanggapan ng Pangalawang Pangulo ay matatagpuan sa Reception House ng
Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila.

Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas (Ingles: House of Representatives of


the Philippines) ang mababang kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas. Di-pormal itong
tinatawag na Kongreso. Tinatawag ang mga kasapi ng kapulungan na mga kinatawan
o mga kongresista habang Representative naman ang kanilang titulo. Ihinahalal sila
sa upang maglingkod ng tatlong taon at maaaring maihalal nang hanggang tatlong
ulit sa pinakamarami. Maaaring kumatawan ang isang kinatawan sa isang
heograpikong distrito o sa isang mahalagang sektor ng lipunan.

Ang hugnayan ng Batasang Pambansa (o simpleng Batasan), na matatagpuan sa


Batasan Hills sa Lungsod Quezon, ang opisyal na himpilan ng Kapulungan ng mga
Kinatawan.

May nakapalibot ditong 74 na mga bituin na sumasagisag sa mga kinatawan ng bansa


noong 1987. Ang taon sa ibaba ng sagisag ay ang taon kung kailan ibinalik ang
Kongreso o nagkaroon muli nito ang pamahalaang Pilipinas.

74 na mga bituin na sumasagisag sa mga kinatawan ng bansa noong 1987 Ang taon
sa ibaba ng sagisag ay ang taon kung kailan ibinalik ang Kongreso o nagkaroon muli
nito ang pamahalaang Pilipinas.

You might also like