You are on page 1of 3

0

FILIPINO EXAMINATION
-Essay-

Submitted by: Jowayria Bedaria V. Usman

March 28, 2024


1

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 15: Si Ginoong Pasta


Sa Kabanata 15 ng El Filibusterismo, binisita ni Isagani ang opisina ni Ginoong Pasta,

isang kilalang abogado at tagapayo ng mga pari sa Maynila. Ang layunin ni Isagani ay

humingi ng tulong kay Ginoong Pasta upang pumayag si Don Custodio na suportahan

ang kanilang plano.

Ibinahagi ni Isagani ang kanilang ambisyon na magtatag ng isang akademya ng Wikang

Kastila. Bagama't nakikinig si Ginoong Pasta, hindi siya nagpakita ng tunay na interes sa

ibinabahagi ni Isagani. Samantala, sinubukan ni Isagani na alamin ang reaksyon ng

abogado sa kanyang mga kuwento.

Sa kasamaang palad, hindi nagtagumpay si Isagani sa kanyang paghahanap dahil

ipinahayag ni Ginoong Pasta na hindi siya makikialam sa usapin dahil sa pagiging

sensitibo nito. Para sa abogado, mas mabuting ipaubaya na lang sa gobyerno ang mga

ganitong bagay.

Mga Tauhan ng El Filibusterismo Kabanata 15: Si Ginoong Pasta

Sa Kabanata 15 ng El Filibusterismo, ang mga pangunahing tauhan ay ang mga

sumusunod:

Isagani – Isa siyang makata, idealista, at isa sa mga mag-aaral na gustong magtayo ng

akademya ng Wikang Kastila. Pumunta siya sa opisina ni Ginoong Pasta para humingi ng

tulong.

Ginoong Pasta – Isang kilalang abogado at pari consultant sa Maynila. Siya ay inaasahan

ni Isagani na tutulong sa kanilang plano ngunit sa halip ay naging walang pakialam at

tumanggi sa kanilang panawagan.


2

ESSAY
1. Paano mo ilalarawan si Ginoong Pasta? Anong uring abogado siya?

Sa pagdaan ng kwento, si Ginoong Pasta ay isang uri ng abogado na hindi

isinasaalang-alang ang mga mungkahi ng ibang tao. Mukhang strikto rin siya

ngunit ang kaniyang sinasabi ay may katotohanan rin. Lagi siyang tumatanggi sa

mga ideya ni Isagani. Dapat ay pinag-isipan niya ang mga mungkahi ni Isagani.

Dapat ay tinulungan niya si Isagani upang maisakatuparan ang kanyang mga

layunin. Ngunit magkaiba ang pananaw ng magkabilang panig. Naiintindihan ko

rin na itinanggi niya ang kanyang mga mungkahi. Si Ginoong Pasta ay isang

abogado. Dapat itong ipahiwatig ni Isagani sa mga opisyal ng gobyerno. Si

Ginoong Pasta rin ay hindi basta basta lang mababago ang kaniyang pag-iisip

2. Sa iyong palagay, wala bang malasakit sa kapwa si Ginoong Pasta? Patunayan

ang sagot?

Sa aking palagay, oo. Ang iniintindi lang ni Ginoong Pasta ay ang kanyang

sarili at hindi yung kapwa tao. Subalit may katotohanan rin sa kanyang mga

sinasabi ngunit dapat mapaunlad ang kanilang kalikasan. Hindi rin basta basta

mababago ang isip niya kahit ano man ang gagawin. Ang mungkahi ni Isagani ay

makatutulong sa kapwa ngunit iba ang pananaw ni Ginoong Pasta. Kaya sa aking

palagay, wala siyang malasakit sa kapwa. Sinabi niya rin sa sarili niya na hindi

siya yung tao na napamahal sa kapwa. Bilang isang abogado ay kailangan niya

intindihin ang pananaw ng mga tao dahil ang mungkahi ni Isagani ay hindi

masama ngunit makakatulong. At dapat niya rin bigyan ng kahit kunting tulong sa

mga kliyente.

You might also like