You are on page 1of 14

Unang

Araw
Magsimula na tayong maglakbay sa Timog-
Silangang Asya at sabay nating pag-aralan ang
ilan sa kanilang panitikan na may malaking
impluwensiya rin sa uri ng panitikan na mayroon
tayo ngayon.

Aalamin natin kung paano naiiba ang kuwentong


makabanghay sa iba pang uri ng maikling
kuwento.
A. Panitikan:
Maikling Kuwentong
Makabanghay
Paksa
“Nang Minsang Naligaw si
:
Adrian”
(Ito’y kuwento batay sa text message na ipinadala kay Dr.
Romulo N. Peralta. Sa kaniyang muling pagsasalaysay, ang
pangalan at ilang mga pangyayari ay pwawang mga kathang-
isip lamang.)
Layunin
:
1. Nasusuri ang mga pangyayari, at ang
kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang
Asyano batay sa napakinggang akda.
Panimulang Gawain:

A. Tuklasin

Sa sumusunod na gawain, tutuklasin natin kung


may alam na kayo sa pagkakaiba ng kuwentong
makabanghay sa iba pang uri ng kuwento.

Makikinig kayo ng isang kuwentong babasahin ng


guro.
Matapos mapakinggan ay gawin ninyo ang unang
gawain.
“Nang Minsang Naligaw si
Adrian”

Gawain 1: Yugto-yugtong Pagbuo

Ilahad ang kuwentong napakinggan sa


pamamagitan ng yugto-yugtong pagbuo.
Istratehiya
Epesodic Organizer
:
Kaugnay na mga
pangyayari
SIMULA
Kaugnay na mga
pangyayari

GITNA Kaugnay na mga


pangyayari

WAKAS Kaugnay na mga


pangyayari
Sagutin ang mga gabay na
tanong:
1. Saan ang tagpuan ng kuwento?
2. Sa anong panahon naganap ang kuwento?

3. Paano nagsimula ang kuwento?


4. Ano ang naging suliranin/tunggalian ng
kuwento?
5. Saang bahagi ang kasukdulan?

6. Ipaliwanag. Paano nagtapos ang kuwento?


GAWAIN 2. Fist of Five

Gawin natin ang Fist of Five. Ipakikita ang bilang ng mga


daliri ayon sa katumbas nitong antas ng pagkaunawa o
pagkatuto – 5 daliri alam na alam na at kayang ipaliwanag
sa iba; 4 daliri nagagawa nang ipaliwanag mag-isa; 3 daliri
kailangan pa ng tulong sa pagpapaliwanag; 2 daliri
kailangan pang magpraktis, at 1 daliri nagsisimula pa
lamang matuto.
Ang iyong pulso sa:

naipaliliwanag ko ang katuturan ng maikling


kuwento
napag-iiba-iba ko ang iba’t ibang uri ng kuwento
naiisa-isa ko ang mga elemento ng maikling
kuwento
napagsusunod-sunod ko ang mga pangyayari sa
isang kuwento

nasusuri ko ang mga pangyayari, at ang


kaugnayan
nito sa kasalukuyan
nakabubuo ako ng sariling paghahatol o pagmama-
tuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda

nabibigyang-kahulugan ko ang mga pahiwatig na


ginamit sa maikling kuwento

napaghahambing ko ang mga piling pangyayari


sa
napanood na dula o telenobela sa kasalukuyang
lipunan at sa kuwentong tinalakay,
nasusuri ang isang kuwentong makabanghay batay
sa
mga proseso sa paglikha nito
naisasalaysay ko nang may pagkakasunod ng mga
pangyayari ng isang maikling kuwentong maka-
banghay

at nagagamit ko nang wasto ang mga kataga o


pahayag na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod
ng
mga pangyayari
B. Linangin:

Subukin n’yong muli. Basahin ang kasunod na


kuwento at ilahad n’yo ito gamit rin ang yugto-
yugtong pagbuo.

Basahin at suriin ang pagkasunod-sunod ng mga


pangyayari sa “Ang Ama” mula sa Singapore upang
malaman n’yo kung paano ba naiiba ang kuwentong
makabanghay sa iba pang uri ng kuwento.
GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan

Bigyang-kahulugan ang mga sinalungguhitang


pahayag ayon sa pahiwatig nito sa pangungusap.

1. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok


sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga
ng ilang araw sa labi.

2. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang


okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-
palad nito.
3. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-
dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata’y
magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa
nila ay makinis sa ama at umakit sa malaking
kamay nito upang pasuntok na dumapo sa
kanilang mukha.

4. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang


kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at
ito’y nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi pa
iyon huminto, ito’y tatayo, lalapit sa bata at
hahampasin iyon nang buong lakas.
5. Ang balita tungkol sa malungkot niyang
kinahinatnan ay madaling nakarating sa kaniyang
amo, isang matigas na loob pero mabait na tao, na
noon di’y nagdesisyong kunin siya uli, para sa
kapakanan ng kaniyang asawa at mga anak.

6. Mula sa kaniyang awa, sa sarili ay bumulwak


ang wagas na pagmamahal sa patay na bata.

You might also like