You are on page 1of 4

Maikling dula tungkol sa pamilya

Nanay -
Anak (ate) -
Anak -
Anak (bunso) -
Tatay -
Lola -
Lolo -
Kasambahay -
Kapitbahay -
Anak nung kapitbahay -
Tagapagsalaysay -

Tagapagsalaysay: Ang pamilya Ledesma ay katulad lang ng iba ngunit para sa kanilang mga kapitbahay sila na
ata ang pinakamabait na pamilya sa barangay.
Ate: Yaya, pwede ba ‘to kainin? Nagugutom na ako eh.
Kasambahay: Nako para sa kapatid mo yan! Kakain na naman ng hapunan eh. Sandali nalang.
May tumama sa bubong
Bunso: Ate narinig mo yung tumama sa bubong?
Anak: ‘Wag kang magaalala baka kahoy lang yan na nahulog dahil sa lakas ng hangin.
May kakatok sa pintuan
Lola: Ate may kumakatok ata. Baka tungkol sa bagay na bumagsak sa bubong natin iyan. Paki tignan mo naman
kung sino.
Pagbubuksan ng pintuan
Ate: Ano po yun?
Kapitbahay: Nako pasensya na po. Yung anak ko po kasi naglalaro ng bato ngayon dahil sa lakas ng hangin
tumama siya sa bubong ninyo. Di ko po alam kung may nasira.
Ate: Manang, sila mama nalang po ang kausapin ninyo diyan. Mamayang gabi ho sila makakauwi.
Kapitbahay: Sige babalik nalang ako mamaya. Paki sabi nalang ang tungkol dito sa kanila. Salamat.
Sa loob ng bahay
Lolo: Sino daw iyon, apo?
Ate: Tama po si lola, tungkol nga sa pagtama sa bubong ito. Babalik nalang daw siya pag dumating na sila
mama.
Bunso nakadungaw sa bintana
Bunso: Nandiyan na sila mama!
Papasok ang magulang
Tatay: Mga anak nandito na kami. Tamang-tama lang ang dating namin para sa hapunan.
Papasok sa loob
Nanay: Oh siya kain na tayo
May kakatok
Bunso: Ako na!
Bubuksan ang pintuan
Bunso: Sino po sila?
Kapitbahay (kasama ang kanyang anak): Ako po ang kapitbahay ninyo. Natamaan po ng anak ko ang inyong
bububong dahil sa kakulitan niya. Pwede bang makausap ang magulang mo tungkol dito?
Bunso: Sige po. Pasok po.
Sa kainan
Nanay: Ukol saan po ang gusto inyong sabihin?
Kapitbahay: Tungkol po sa bububong ninyo, natamaan po ng anak ko, di ko pa nakikita kung may nasira man o
nabutas ngunit babayaran ko naman ito.
Tatay: Nasabi nga po ng aking anak yan sakin. Tinignan ko po at nasira ang bububong ngunit di naman ito
nabutas dahil sa hindi naman malakas ang tama.
Kapitbahay: Nako pasensya na po. Magkano po ba ang kailangan kong bayaran?
Nanay: Hindi na po kailangan. Hindi naman malakas ang tama kaya’t hindi naman kami mapapamahal. Sainyo
na lamang ang para sa pampagawa niyo sana ng aming bubong.
Kapitbahay: Nako marami pong salamat. Sa totoo nga po kailangan ko ang perang para sa pagpagawa ng
inyong bubong. Anak humingi ka ng tawad at magpasalamat.
Anak ng kapitbahay: Maraming salamat po. Pasensya na sa nagawa ko.
Lolo: Okay lang iyon iho. Basta ‘wag paglalaruan ang mga bato sa susunod ha.
Anak ng kapitbahay nods
Tagapagsalaysay: Kitang kita nga naman ang pagiging mabait sa kapwa ng pamilyang Ladesma kaya’t sila ang
tinatawag na pinakamabait na kapitbahay sa barangay.

Ang dulang ito ay pinamagatang “Ang Matapat na Bata ay Pinagpapala”


Mga Tauhan:
Mang Teban - (______________________)
Aling Pepay - (______________________)
Jun-jun - (______________________)
Ray-ray - (______________________)
Tagapagsalaysay/Teacher - (______________________)

NARATOR(____________):Isang araw sa tahanan nila Mang Teban……

ALING PEPAY(______________):Mga anak, halina kayo at kumain na tayo..


MANG TEBAN(_______________):Aba, mga anak, bilis-bilisan ninyo at medyo gutom na kami ng nanay nyo!
JUN-JUN AT RAY-RAY (____________at_____________): Nandiyan napo tatay! (Tumatakbo silang
magkapatid pero nagtatalo)
RAY-RAY(______________): Sabihin mo na kasi Kuya..
JUN-JUN(______________): Natatakot ako eh!
RAY-RAY(______________): Sige na kuya, mas maganda kung sabihin na natin kina nanay..
ALING PEPAY(____________): Jun-jun, Ray-ray, ano ba yung pinagtatalunan nyo?
RAY-RAY(_____________): Kasi po Nanay, sobra po ang sukli ni kuya sa canteen kanina..Hindi pa po niya
naisoli.
JUN-JUN(_____________): Nanay, kasi po , kasi po…hindi ko po nabilang agad ang sukli..
MANG TEBAN(____________): Jun-jun, pagpasok mo bukas, isauli mo na anak ha….
JUN-JUN(_____________): Opo, Tatay..
ALING PEPAY(___________): Alam mo ba anak kapag matapat kang bata, malulugod ang Diyos sa iyo..
Kinabukasan, sa classroom…..
JUN-JUN(_____________): Teacher, sobra po ang sukli na naibigay sa akin sa canteen kahapon. Eto po ang P
20.00 na sobra.
TEACHER(____________): Ang husay! Ang bait na bata! Salamat! Haharap ang Teacher sa kanyang mga
estudyante.
TEACHER(____________): Mga bata, gayahin nyo si Jun-jun, isang matapat na bata! Sa pag-uwi, sinalubong
si Junjun at Ray-ray ng kanilang mga magulang at tinanong….
ALING PEPAY(_____________): Jun-jun naisoli mo ba anak ang sobrang sukli?
JUN-JUN(_____________): Opo, nanay!
MANG TEBAN(____________): Ito ang tandaan nyo mga anak…ang matapat na bata ay pinagpapala.
NARATOR(_____________):Tandaan natin, sa lahat ng bagay, dapat tayo ay laging matapat…”Honesty is the
best policy” sabi nga sa wikang Ingles.
Dito po nagtatapos ang aming mga dula…
Ang mga nagsiganap na tauhan:
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

You might also like