You are on page 1of 1

Kabataan Pag-asa pa ba ng Bayan?

Isa sa nabanngit ni Gat. Jose Rizal tungkol sa Kabataan ay ito ang pag-asa ng
Inang Bayan.

Ngunit asan na nga ba ang mga pag-asa ng Bayan? Ito ba yung mga makikita sa
mga computer shop na doon nag-aaksaya ng pera at panahon sa paglalaro at
panonood ng mga may iskandalong palabas. Mga makikita sa madilim na
eskinita at humihithit ng marijuana, mga Kabataang lulong sa droga. O mga
Kabataang na sa murang edad pa lamang ay nagkaroon na ng sariling pamilya.
Kung ito lagi ang pagbabasehan ay masasabi mo na rin na wala ng pag-asa ang
ating bayan.

Ang tunay na kahulugan ng pag-asa ay hindi nakikita sa mga kokonti lamang


bagkus ito ay nagsisimula sa sariling sikap upang matulungan natin ang ating
sarili para sa ika-uunlad ng bayan.

Kung ikaw ay kabataan, masasabi mo bang may nagawa ka na para sa sariling


bayan? Isang kabataang may paninindigan at prinsipyo? o isa ka sa mga
kabataang walang paki sa kahihinatnan ng inang bayan.

Mga kapwa kabataan. Tayo na at mag tulungan. Tayo ang inaasahan ng ating
mga magulang na mag aahon sa kanila sa putik ng kahirapan. Ang panahon ng
pag kilos ay ngayon. Kung noon pa lamang ay naisip na natin ang kahalagahan
natin sa ating bayan at ang papel natin dito. Marahil kinabukasan masasabi mo
na “Ako ang Kabataan, Ang pag-asa ng inang Bayan”.

Talumpati tungkol sa makabagong henerasyon ni Jane Abigail L. Javier

You might also like