You are on page 1of 21

ANG “BAYANI” AT

“KABAYANIHAN” SA
DALOY NG
KASAYSAYANG PILIPINO

Palmo R. Iya
priya@dlsud.edu.ph
(0925)8251283
Mga Paalala (Reminders):
• Ituring n’yo na ang klase nating ito ay
isang regular na klase.
• Maging aktibo sa talakayan. Tatanggap ng
kaukulang premyo/pabuya ang sinumang
makilahok sa talakayan at pangkatang
gawain.
• Hinihikayat ang sinuman na magtanong at
maging mapanuri.
Layunin ng Pag-aaral:

1. Madalumat ang lalim at


daynamiks ng konsepto ng “bayani”
at “kabayanihan” sa daloy ng
kasaysayan at kalinangang Pilipino;
2. Magkaroon ng pagtatalaga sa
sarili na maging isang bayaning
anak, bayaning mag-aaral, at
bayaning Pilipino;
3. Pangkatang makapagtanghal ng
sitwasyon o pangyayari na
nagpapamalas ng konsepto ng
bayani/kabayanihan.
Balangkas (Outline):
I. Pagdadalumat sa larangang
semantiko ng bayani/kabayanihan
II. Tatlong (3) Kapanahunan ng pag-
aanyo ng bayani/kabayanihan sa
Kasaysayan
A. Unang Panahon
B. Pangalawang Panahon
C. Pangatlong Panahon
III. Paglalagom/Kongklusyon
_____________________________

IV. Pagtatanghal/Presentasyon
“Upang mabatid ang tadhana ng
bayan/bansa, dapat buksan
ang aklat ng kanyang nakaraan.”
Tanong:
• Kapag, narinig n’yo ang salitang “bayani,”
ano ang mga ideyang pumapasok sa inyong
kaisipan? Bakit?
I. Pagdadalumat sa Larangang
Semantiko ng “Bayani” at
“Kabayanihan”

a. Arsenio Manuel – teoryang


monosyllabic at disyllabic (bay-bahay-
bayan)

Bay-
Bahay

“Bayani” at
“Kabayanihan”

Bayan
b. Zeus Salazar – mula sa Tagalog na
“bayani,” sa Bagobong “bagani,” at
sa Ilokanong “banwar”

(2) Kahulugan ng bayani:


1. isang di pangkaraniwang tao na
nakatuon ang diwa’t gawa sa
sariling bayan o kabuuang
kinabibilangan;
2. Isang nagkukusang
makipagtulungan nang walang
anumang bayad sa mga gawaing
pangkomunidad.
Bayani sa Boxer Codex (1590):
... at sa gayon kahit sino’y nakapag-
aanyaya sa kanya; pagkatapos
ipinapalagay (ng nag-anyaya) bilang
isang maipagmamayabang na karangalan
ang sabihing ipinagpipiyesta niya ang
bayani...dahil sa malaki ang gastos para
sa piyestang ito at hindi lahat ay may
panustos upang isagawa ito... at ang
gusto nilang makamtan sa bayani sa
pamamagitan ng piyestang ito ay
magawaran sila sa ganito ng kabutihan
mula sa kanilang diyos, at mahalin ng
bayan.
c. Pedro Serrano Laktaw
• walang takot, matapang, walang
pagod, magiting, arogante, matigas,
mapandigma at palaban.
• Kabayanihan – tumutukoy rin sa
katahimikan, kahinahunan,
pagpupunyagi, pagsusumikap,
pagpupumilit, katatagan at katibayan
ng loob.
Kasabihan: “Ang bayaning
nasusugatan, nag-iibayo ang tapang.”
Bugtong: “Ang kumot ng bayani,
sinasakbisakbibi.”
Bagobong “bagani” –
nanunungkulan bilang
mandirigma, pinuno, at babaylan
bago nagkaroon ng datu at ng
ispesyalisadong manggagamot ang
kanyang lipunan.
Ilokanong “banwar” –
tumutukoy sa isang kasangkapan
sa pangingisda, gumigiya sa mga
isda upang lumangoy tungo sa
lugar kung saan sila’y pagsasama-
samahin para hulihin.
(3) Kapanahunan ng
Bayani/Kabayanihan:
1. Unang Panahon – may 3 uri
ng kabuuan: bayan/barangay,
estadong bayan o etniko,
sultanato.
2. Pangalawang Panahon –
panahon ng krisis ng mga
lipunang Pilipino bunga ng
pagpasok ng Kastila bilang
manlalaro sa larangan ng mga
pwersang pang-estado, pang-
ekonomiya at pangkalakalan.
3. Pangatlong Panahon -
Himagsikan
I. Unang Panahon:
• Bayan – binubuo ng mga barangay na
pinamumunuan ng datu. Lakan o raha
ang pangunahing datung namumuno
sa buong bayan. Bayan ang
ipinagtatanggol ng mga bayani.
• Estadong Bayan o Etniko –
pagkakakumpol-kumpol ng maraming
barangay sa pamamahala ng isang
bayan na ang hari ay sumasaklaw sa
iba. “Raha muda” o “raha kachil” -
tumatayong opisyal na bayani bilang
pinuno ng hukbo.
• Sultanato – higit na malawak na kaharian.
II. Pangalawang Panahon:
1. Pag-aalsa ni Sulayman – upang mabuo muli
ang dating kabuuang nawala.
2. Pag-aalsa ni Dagohoy sa Bisaya – muling
buuin ang dating estadong etniko.
3. Pag-aalsa ni Ladia sa Katagalugan –
Kamaynilaan at Bulacan.
4. Pag-aalsa nina Silang ng Kailukohan –
Kailukohan, Cordillera, Abra, Zambales
5. Pag-aalsa ni Hermano Pule – mas malawak
na ideya ng bayan (Katagalugan-Kabikulan)
- patungo na sa pagsaklaw sa buong
arkipelago sa loob ng isang estadong
Pilipino. Pule at Balagtas –
magkakontemporaryo.
Pangatlong Panahon:
• Panahon ng himagsikan - pinagalaw ng ideya
ng mga makabayang kaparian (sekular),
ilustradong propagandista, at ng Katipunan.
• Kapatiran, Pagkakapantay-pantay, Kalayaan,
Kasarinlan, at Kaginhawaan.
• Ang Katipunan ay pagbubuklod ng mga bayani
sa paligid para sa ikalalaya at ikagiginhawa ni
“Inang Bayan.”
• Pansinin ang huling linya ng ating
Pambansang Awit.
Paglalagom/Kongklusyon:
(Maaaring ibigay ng mga mag-aaral.)
• Hindi matatawaran ang lalim at daynamiks ng
konsepto ng “bayani”/ “kabayanihan” sa kasaysayan
at kalinangang Pilipino.
• Sa kabuuan, mula sa unang sosyo-pulitikal na
yunit ng barangay/bayan, ng estadong etniko, at
sultanato hanggang sa panahon ng Himagsikan
noong 1896, makikitang malawak ang kahulugan ng
konsepto ng bayani/kabayanihan.
• Mahalaga ang bayani bilang pinuno ng bayan,
bilang tagapagbuo, bilang garantiya ng kabuuan ng
kinabibilangan niyang grupo.
• Dakila ang lahing Pilipino: lahing bayani/bagani =
matapang, malakas, malinis at buo ang loob,
magiting, mapagkalinga, maka-kapwa, marunong, at
may kahinahunan.
Paglalapat ng aralin:
• Bilang isang anak, mag-
aaral, at mamamayang
Pilipino, paano mo
maipapamalas ang
pagiging “bayani” sa
araw-araw mong buhay?
Ika-2 Bahagi:
Pagtatanghal
I. Pakikinig sa
awiting “Bagani”
II. Pangkatang Pagtatanghal
(Role Play):
• Hahatiin ng guro ang klase sa ____ pangkat.
• Bawat pangkat ay mag-iisip ng sitwasyon o
pangyayari na nagpapamalas ng konsepto ng
bayani/kabayanihan. May 15-20 minuto ang
bawat pangkat para pag-usapan/planuhin ang
sitwasyon/eksena/pangyayari. Ang pagtatanghal
ay isasagawa sa loob ng 3-5 minuto lamang.
• Pipili ang bawat pangkat ng isang (1) kinatawan
upang maglahad ng buod ng isinagawang
presentasyon.
Rubrik sa Pagmamarka:
1. Pag-arte ------------ 5 puntos
2. Eksenang Napili -- 5 puntos
3. Impact ------------- 5 puntos
4. Oras ---------------- 5 puntos
Kabuuan : 20 puntos

You might also like