You are on page 1of 2

SI HARING TAMARAW AT SI DAGA

Ang Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan. Siya


ay malaki, mabilis at malakas. Iginagalang siya ng lahat ng
kanyang nasasakupan. Minsan, nilibot ni Haring Tamaraw ang
kagubatan. Dumating siyang pagod na pagad. Kaagad siyang
nakatulog sa ilalim ng punong Narra. Dumating si Daga. Tuwang-
tuwa siyang naglalaro sa may puno ng Narra. Sinaway siya ng mga
ibon na nakadapo sa mga sanga ng puno. Ipinaalam nilang
natutulog si Haring Tamaraw. Dali-daling tumakbong paalis si
Daga. Hindi sinasadyang natapakan ni Daga ang paa ni Haring
Tamaraw. Kumilos si Haring Tamaraw at naipit ang paa ni Daga.
Umirit si Daga.

Nagising si Haring Tamaraw. Galit na galit siya. Hinuli niya si Daga


at bilang parusa, kakainin sana niya ito. Nagmakaawa si Daga kay
Haring Tamaraw. Nangakong hindi na siya uulit at sinabi pang
baka siya'y makatulong kay Haring Tamaraw pagdating ng
panahon. Pinakawalan at pinatawad ni Haring Tamaraw si Daga.
Nagpasalamat naman si Daga.

Isang araw, naghahanap si Haring Tamaraw ng makakain sa


kagubatan. Sa kanyang paglalakad ay natapakan niya ang isang
patibong na hawla na panghuli ng malalaking hayop sa kagubatan.
Napasok at nakulong sa hawla si Haring Tamaraw. Walang
magawang tulong ang mga hayop. Nagkagulo sila at hindi malaman
kung ano ang gagawin sa kanilang hari.

Walang anu-ano dumating si Daga na galing sa paghahanap ng


pagkain. Nginatngat kaagad niya ang mga tali sa hawla. At
nakalusot si Haring Tamaraw sa pagkakaligtas ni Daga sa kanya.
Nagpasalamat si Haring Tamaraw kay Daga. Mula noon, naging
mabuting magkaibigan si Haring Tamaraw at si Daga.
LUT H. LIBRES 7- SAMPAGUITA

PUBERTY CHALLENGE

PRESENT PAST

VS

CHANGES: CHANGES:

You might also like