You are on page 1of 4

Si Haring Tamaraw at si Daga

Ang Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan. Siya ay malaki, mabilis at
malakas. Iginagalang siya ng lahat ng kanyang nasasakupan. Minsan, nilibot ni Haring
Tamaraw ang kagubatan. Dumating siyang pagod na pagod. Kaagad siyang nakatulog sa
ilalim ng punong Narra. Dumating si Daga. Tuwang-tuwa siyang naglalaro sa may puno
ng Narra. Sinaway siya ng mga ibon na nakadapo sa mga sanga ng puno. Ipinaalam nilang
natutulog si Haring Tamaraw. Dali-daling tumakbong paalis si Daga. Hindi sinasadyang
natapakan ni Daga ang paa ni Haring Tamaraw. Kumilos si Haring Tamaraw at naipit ang
paa ni Daga. Umirit si Daga.

Nagising si Haring Tamaraw. Galit na galit siya. Hinuli niya si Daga at bilang parusa,
kakainin sana niya ito. Nagmakaawa si Daga kay Haring Tamaraw. Nangakong hindi na
siya uulit at sinabi pang baka siya’y makatulong kay Haring Tamaraw pagdating ng
panahon. Pinakawalan at pinatawad ni Haring Tamaraw si Daga. Nagpasalamat naman si
Daga.

Isang araw, naghahanap si Haring Tamaraw ng makakain sa kagubatan. Sa kanyang


paglalakad ay natapakan niya ang isang patibong na hawla na panghuli ng malalaking
hayop sa kagubatan. Napasok at nakulong sa hawla si Haring Tamaraw. Walang
magawang tulong ang mga hayop. Nagkagulo sila at hindi malaman kung ano ang
gagawin sa kanilang hari.

Walang anu-ano dumating si Daga na galing sa paghahanap ng pagkain. Nginatngat


kaagad niya ang mga tali sa hawla. At nakalusot si Haring Tamaraw sa pagkakaligtas ni
Daga sa kanya. Nagpasalamat si Haring Tamaraw kay Daga. Mula noon, naging mabuting
magkaibigan si Haring Tamaraw at si Daga.ng Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa
ating kagubatan. Siya ay malaki, mabilis at malakas. Iginagalang siya ng lahat ng kanyang
nasasakupan.
PROYEKTO
SA

FILIPINO
NI
EDJAY D. ARROYO

You might also like