You are on page 1of 2

“Ang Alamat ni Prinsesa Manorah”

Noong unang panahon, mayroong mga Kinnaree na nananahan sa


mahiwagang Bundok Grairat sa bansang Thailand. Sa kagubatan ng Himmapan ito
matatagpuan, tirahan ng mga hindi pangkaraniwang nilalang. Ang mga kinnaree ay
ang halimbawa nito. Iba sila sa iba, sila’y kilala bilang kalahating tao at kalahating
sisne. Mayroon silang taglay na kakayahang makalipad gamit ang kanilang mga
pakpak. Isa na sa mga nilalang na ito ay ang prinsesang nagngangalang Manorah,
bunsong anak nila Haring Prathum at Reynang Jantakinnaree. Ubod ng ganda ang
dalaga, walang mahahanap na iba. Ngunit, lingid sa kaniyang kaalaman,
minamataan siya ng isang dragong tanging sa panarasi (kalakihan ng buwan) lamang
lumalabas.

Isang gabi, sa oras ng panarasi, si Prinsesa Manorah at ang kaniyang pitong


kapatid ay nagdesisyong humayo patungo sa sapa bilang kanilang kaugalian tuwing
panahon nito. Naglaro nang naglaro ang mga kinnaree kaya’t napagod naman ang
Prinsesa. Dahil dito, hindi niya namalayang nakatulog siya sa tabi ng sapa, mahimbing
na mahimbing.

Sa kabilang dako, mayroong mahiwagang lalaki na patungo na sa isang


ermitanyo. Siya ay tinatawag na Prahnbun. Nang makarating siya rito ay agad niyang
isinambit ang kaniyang pakay. "Nais kong humingi ng tulong" banggit ng lalaki. "Ano
naman ang maitutulong ko?" banggit ng ermitanyo. "Kailangan ko ng
makapangyarihang sandata dahil gusto kong matalo ang mga kumakaaway sa
aming nayon" sagot ni Prahnbun. Pagkatapos ay binigyan siya nito ng mahiwagang
lubid. "Mag-iingat ka, panarasi ngayon kung kaya't nag-iikot sa gubat na ito ang
Dragon na pumapaslang ng mga nilalang". babala ng ermitanyo. "Maraming salamat,
kaibigan" paalam ni Prahbun.

Dali-dali siyang tumakbo, patungo sana sa kaniyang nayon, habang hawak ang
mahiwagang tali na bigay ng ermitanyo. Saktong naabutan naman niya ang dragon
na sinisindak ang mga kinnaree. Hinampas niya ito ng mahiwagang tali at tuluyang
nilabanan. May taglay na lakas pisikal si Prahnbun kaya natalo niya ang dragon at
nailigtas ang mga kinnaree, lalo’t higit ang nakatulog na Prinsesa Manorah, ang tunay
na pakay ng dragon. "Maraming salamat" banggit ng Prinsesa. Dumating naman si
Prinsipe Suton na naglalakbay sa gubat ng panahong iyon—kaibigan ito ni Prinsesa
Manorah. Isinaad ni Prinsesa Manorah ang nangyaring pagtatangka ng dragon sa
buhay nila at pagligtas sa kanila ni Prahnbun. Sa wakas ay naging matalik na
magkaibigan si Prahbun at si Prinsipe Suton hanggang sa mamuhay sila ng tahimik at
matiwasay sa palasyo ng prinsipe.
Inihanda nina:

 Velarde, Eleuterio Miguel II (Lider)


 Camba, Juan Rafael
 Herrera, Axel Coby
 Millonte, Kristoffer Amar
 Santos, King Seancris
 Acosta, Gwyneth Maryvin
 Ella, Geruzelle F.
 Tolomia, Jevah Jireh

1 - IRAQ

You might also like