You are on page 1of 2

Ang alamat ni Prinsesa Manorah

Ang alamat ni Prinsesa Manorah ng Thailand na isinalin sa tagalog ni Dr. Romulo N. Peralta

Ito ay isang alamat na nagpasalin salin na sa iba't ibang henerasyon mula noong panahon ng
Ayutthaya na itinatag noong taong 1350

Si Kinnaree Manorah ay ang bunso sa pitong anak nina Haring Prathum at Reynang
Jantakinnaree. Sila ay nakatira sa maalamat na kaharian ng Bundok Grairat. Ang pitong
magkakapatid ay kapwa mga kinnaree o kalahating tao at kalahating swan. Sila'y
nakakalipad at nagagawang itago ang mga pakpak kung kanilang naisin.

Sa loob ng kanilang kaharian ay nakatago ang Himmapan, isang kagubatan na kung saan ay
naninirahan ang iba't ibang mga nilalang na di makikita sa daigdig ng mga tao.

Sa Himmapan din nakakubli ang magandang lawa na kung saan ay madalas dalawin ng
pitong prinsesa lalo na sa araw ng Panarasi o kabilugan ng bwan. Sa di kalayuan ng lawa ay
nakatira ang isang ermitanyong nagsasagawa ng meditasyon.

Isang araw, naligaw ang isang binata na si Prahnbun sa kagubatan ng Himmapan. Doon nya
nakita sa ilog ang pitong prinsesa. Nabighani sya sa taglay na ganda ni Prinsesa Manorah.
Naisip nya na kung mahuhuli nya si Manorah at maiuuwi ito kay Prinsipe Suton ay tiyak na
matutuwa ito.

Ngunit di tiyak ni Prahnbun kung paano nya mahuhuli ang prinsesa kaya't humingi sya ng
tulong sa ermitanyo.
Agad syang nagtungo sa ermitanyo at sinabihang mahihirapan syang mahuli ang Prinsesa
sapagkat ang mga kinnaree ay agad na lumilipad kapag tinatakot. Nag suhestiyon ang
ermitanyo na may dragon na nakatira sa sulok ng gubat na maaring makatulong sa binata.

Agad na lumisan si Prahnbun upang mahanap ang dragon. Hindi pumayag ang dragon sa
balak ng binata ng sabihin nito ang pakay bagkus ay binigay nito ang makapangyarihang
lubid na makakatulong sa panghuhuli ng binata sa isang kinnaree.

Nagpasalamat ang binata at agad na nagtungo sa ilog kung saan naroroon si Prinsesa
Manorah. Habang abala sa paglalaro ang mga kinnaree ay inihagis ni Prahnbun ang lubid at
matagumpay na nahuli si Manorah. Bagamat naawa ang ibang kapatid ni Manorah ay wala
itong nagawa at agad na nagsilipad dala ng takot.

Itinali ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang di makalipad at agad na


naglakbay upang maibigay kay Prinsipe Suton.

Si Prinsipe Suton ay naglalakbay din noon ngunit nakasalubong nito si Prahnbun na dala
dala si Prinsesa Manorah. Doon pa lamang ay naakit na agad ang prinsipe sa ganda ni
Prinsesa Manorah.

Doon ay nalaman ni Suton ang dahilan ni Prahnbun kung bakit nito hinuli si Manorah.

Nagbalik ang prinsipe ng kanilang palasyo na kasama na si Prinsesa Manorah na kung saan
ay umusbong ang pag-ibig nila sa isa't isa.

Nang sabihin ng prinsipe sa kaniyang mga magulang ang buong pangyayari ay agad-agad
nagbalak na magsagawa ng kasal para kina Prinsipe Suton at Prisesa Manorah. Bumalik sila
sa palasyo kung saan isinagawa ang kasal sila'y at namuhay ng matiwasay.

You might also like