Nasaksihan niya ang pitong prinsesa na masayang nagtatampisaw sa
lawa at sa isang iglap lamang ay nabighani na siya sa kagandahan ni prinsesa Manorah. 2. Si Prinsipe Suton ay anak ng Haring Artityawong at Reyna Jantaivee ng Udon Panjah.Binigyan niya ng gantipala si Prahnbun dahil sa paghuli at pagdala nito sa prinsesa sa kanya at dahil na rin naakit siya sa kagandahan nito. 3. Noong nahuli ni Prahnbun si Prinsesa Manorah ay dadalhin na sana niya sa kaharian ni Prinsipe Suton ngunit nagkataon naman na naglalakad ito sa kagubatan. Labis na nabighani ang prinsipe sa gandang taglay ng prinsesa kaya’t ginantimpalaan niya si Prahnbun.
4. Noon ang tingin sa kababaihan ay mahina dahil sila lamang ay nasa
kani-kanilang tahanan, ngunit sa ngayon ay hindi na. Ang mga kababaihan ay nagagawa rin ang mga gawain na sinasabing panlalaki lamang. Patas ang bawat kasarian, ngunit ang bawat isa ay may kalakasan at kahinaan din. Hindi ako sang-ayon na mas mahinang kasarian ang kababaihan. Sa kwentong ating nabasa ay hindi makatarungan ang ginawa sa prinsesa. Mas nangibabaw ang dahas kaysa sa kabutihan. Kung sa taglay na kalakasan ay masasabi nating lamang ang kalalakihan ngunit hindi rin magpapatalo ang kababaihan. May laban rin ang kababaihan at nangingibabaw ito maging sa totoong pangyayari.