You are on page 1of 1

Ang Alamat ng Pilipinas

Noong unan panahon, may isang datu na may tatlong magagandang anak na babae. Noong pitong
taong gulang pa lamang ang bunso, namatay ang kanilang reyna.Pagkalipas ng ilang buwan ay nag-
asawang muli ang datu. Subalit nalungkot ang mga prisesa dahil ang kanilang madrasta na yata ang
pinakaimbing babae sa balat ng lupa. Sahalip na ituring silang tunay na mga anak ay ginwa silang abay ng
bagong reyna. Ibignilang magsumbong sa kanilang amang datu ngunit ayaw nilang saktan ang
damdaminnito. Nagpatuloy ang pagmamalupit ng kanilang madrasta hanggang hindi namakayanan ng
mga prinsesa ang sakit at kahihiyan. Nagpasya ang tatlong tumakas.Isang gabi, sa tulong ng ilang
mapagkakatiwalang kawal ay nakalabas ng palasyoang magkakapatid. Sumakay sila sa isang kumpit at
naglakbay sa kalaliman ng gabi.Payapa silang tinanglawan ng buwan sa kanilang paglalakbay. Tunog
lamang ng pagsagwan ang maririning sa buong karagatan. Ngunit hindi ito nakalampas sa malupit na
madrasta. Ang pagtakas ng tatlo ayngangahulugang pagkabigo ng balak niyang patayin ang mga prinsesa
at mapasakamayniya ang buong kaharian.Gamit ang kanyang mahika, ikinumpas nito ang kanyang
mahiwagang bastonhanggang dumilim ang langit. Kumidlat at isang kakila-kilabot na unos ang
dumating. Natakot ang mga prinsesa. Bumuhos ang malakas na ulan at lumaki nang lumaki angalon.
Walang nagawa ang kumpit sa makapangyarihang unos. Nahati ito sa tatlo. Nagkahiwa-hiwalay ang mga
prinsesa na nanatiling nakakapit sa lumulutang na bahaging kumpit. Nagkalayo ang tatlo. Ang panganay
ay napunta sa hilaga, ang pangalawa aynanatili kung saan nawasak ang Bangka, samantalang ang bunso
ay napadpad sa timog. Nagkakahati-hati ang katawan ng pangalawang prinsesa dahil sa dami ng pating
sa bahaging nilubugan ng kumpit.Kinaumagahan, nagulat ang lahat sa mga bagong pulo na sumulpot
pagkatapos ngmagdamag na unos. Pinaniwalaan na ang panganay na prinsesa ay naging pulo ng
Luzon,ang pangalawang prinsesa ang naging mga pulo ng Visayas, at ang bunsong prinsesanaman ang
naging pulo ng Mindanao.

You might also like