You are on page 1of 1

Cydric Josh N.

Masiar
10- St. Mark

I. PAMAGAT NG KWENTO
- Ang Munting Prinsipe
II. MAY-AKDA
- Antoine de Saint-Exupery
III. MGA TAUHAN
- Prinsipe, Piloto, Haring wala namang nasasakupan, Hambog na gustong-gusto
hangaan, Lasenggong, Mangangalakal, Taga-sindi ng ilaw, Heograpo, Ahas sa Sahara,
Alamid, Rosas, Heograpo
IV. ELEMENTO
A. PANIMULANG PANGYAYARI
- Bumagsak ang eroplano ng piloto sa disyerto ng Sahara. Habang nag-iisip ang piloto
kung pano ayusin at kung saan hahanap ng makakain ay dumating ang Prinsipe.
Nagpaguhit ito ng isang tupa at pagkatapos ng ilang ulit, nakuha din niya and guhit na
nagustuhan ng prinsipe. Dito naman nagsimuka ang pangkaraniwang pagkakaibigan ng
dalawa.
B. PATAAS NA AKSIYON
- Isang araw, isang rosas ang tumubo sa planeta at ito ay labis na minahal ng prinsipe.
Gayunpaman sumama ang loob ng prinsipe sa rosas dahil sa isang pagsisinungaling.
Kaya nag balak lumayo amh prinsipe.
C. KASUKDULAN
- Sa kanyang paglalakbat sa ibat-ibang planeta ay maramu siyang nakilala. Napag-isip-
isip ng prinsipe na sa mga taong nakilala niya sa paglalakbay, napagtatawan ng iba ang
tagasindi ng ilaw ngunit para sa kanya, ang taong ito ay natatangi.
D. PABABANG AKSIYON
- Sa pagdalaw ng prinsipe sa planetang daigdig ay napadpad siya sa disyerto ng sahara,
kaya’t nagtaka siya kung bakit walang tao dito. Sa halip nakakita siya ng isang ahas na
mga sinasabi ay nakakaubli sa mga palaisipan. Nakakita rin siya at nakipag-usap sa
isang bulaklak na may tatlong talutot, umakyat siya sa taas ng bundok sa pag-aasang
may matatanaw ito sa itaas. Nagpatuloy ito sa paglalakbay hanggang marating niya ang
isang harding punumpuno ng mga rosas, nalungkot siya sapagkat naalala niya muli ang
kanyang rosas ay ang kasinungalingang pinaniwalaan niya.
E. WAKAS
- Natapos ang pagkukuwento ng munting prinsipe sa kanyang mga naging karanasan ay
naubos din ang kanyang tubig na ini-inom. Pinilit siya ng prinispeng maglakad upang
maghanap ng balin mapagkukunan ng tubig. Nang makakita sila ng balon ay masaya
silang uminom ngunit makikita sa kilos at pananaluta ng prinsipe ang kasabikang
makabalik sa kanyang planeta at muling makita ang kanyang rosas. Pagsaput ng isang
taon ay siya ring araw na naayos ng piloto ang eroplano. Noong ibabalita na ito sa
prinsipe ay narinig niya itong nakikipag-usap sa dilaw na ahas. Ninais pigilan ang
prinsipe sa plano nila ng ahas ngunit huli na, natuklaw ng ahas ang prinsipe at namatay.
V. SIMBOLISMO
- Rosas
VI. ARAL NG KWENTO
- Ang pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata sapagkat ang tunay na
halaga ng bagay ay puso lamang ang nakadarama.

You might also like