You are on page 1of 18

"ANG MUNTING

PRINSIPE"
"Le Petit Prince"

Isinulat ni: Antoine de Saint-Exupéry


Ang akdang “Ang Munting Prinsipe” ay isang nobela na isinulat ni Antoine de
Saint-Exupery, isang Pranses na manunulat, makata, mamamahayag, at isa
ring piloto. Taong 1943 nang unang nailathala ang nasabing nobela. Hindi
nagtapos sa unang paglathala ang nobela ni Exupery. Sa katunayan, ito ang
naghatid sa kaniya ng tagumpay sa larangan ng pagsulat. Sumikat sa buong
mundo ang “Ang Munting Prinsipe.” Naisalin ito sa mahigit kumulang 250
wika. Sa Pransya ay kinilala ito bilang pinakamahusay na aklat ng dantaon.
BUOD NG KUWENTO:
Sa simula ng nobela, ikinuwento ng hindi pinangalanang Tagapagsalaysay na,
noong bata pa siya, sinubukan niyang gumuhit ng isang “elepanteng nilamon ng
sawá” subalit nang ipinakita niya ito sa mga matatanda inakala nilang ang
ginuhit niya ay isang “sombrero” lamang. Dahil dito, napagtanto ng
Tagapagsalaysay na salát sa imahinasyon at pag-unawa ang mga matatanda.
Paglaki niya, siya ay naging isang piloto at pinilit niyang maging “makatwiran”
sa kanyang mga salita sa harap ng mga matatanda.
Kasunod nito, ikinuwento ng Tagapagsalaysay ang isang karanasan sa kayang
buhay-piloto na nangyari “anim na taon na ang nakaraan.” Bumagsak ang
kanyang eroplano sa gitna ng desyerto ng Sahara. Habang naghihikahos, siya
ay binati ng isang munting batang lalaki; nakiusap ito sa kanyang guhitan siya
ng isang tupa. Sa halip nito, ipinakita ng piloto ang kanyang iginuhit na
elepanteng nilamon ng sawá, at kanyang ikinagulat nang agad itong
naunawaan ng batang lalaki. Dahil nagpumilit ang bata, sinibukan siyang
gumuhit ng tupa, pero nagawa lamang niyang gumuhit ng isang kahon na may
tatlong butas sabay sabing ang tupa ay “nasa loob” ng kahon. Ikinagulat
niyang muli nang magustuhan ng bata ang kanyang ginuhit. Habang inaayos ng
piloto ang kanyang eroplano, kanyang natutunan ang kwento ng buhay ng
batang lalaki na, sa kalaunan ay, pinangalanan niyang “Ang Munting
Prinsipe.”
Sang-ayon sa kuwento ng Munting Prinsipe, siya ay mula sa isang munting
“planeta” (marahil ay isang asteroid na nagngangalang B-612, ayon sa piloto)
na mas maliit pa kaysa isang bahay. Abala siya sa pagdukal ng mga maliliit na
puno ng baobab upang hindi ito lumaki at sakupin ang buong asteroid. Isang
araw, isang nagsasalitang rosas ang namukadkad sa B-612. Sobrang minahal ng
Munting Prinsipe ang rosas, subalit nangibabaw ang kapalaluan at kaimbutan
nito. Nang maramdamam ng Munting Prinsipe na tila pinagsasamantalahan
lamang siya ng rosas, nagpasya siyang iwanan niya ito at lakbayin ang
kalawakan.
Bago niya marating ang Daigdig, umabot sa anim ang bilang ng mga asteroid na dinalaw ng
Munting Prinsipe. Ang bawat asteroid ay pinananahanan ng tig-iisang kakatwang matandang tao:

1. isang haring walang pinamumunuan hanggang nang dinalaw siya ng Munting Prinsipe
2. isang lalaking hambog na nais lamang makarining ng mga papuri
3. isang lasenggo na nais malasing upang makalimutan niya ang kahihiyan ng kanyang pagiging
lasenggo
4. isang negosyanteng naniniwalang pag-aari niya ang lahat ng mga bituin at walang humpay na
binibilang ang mga ito
5. isang tagasindi ng poste ng ilaw sa isang asteroid na ang isang araw ay tumatagal ng isang minuto
lamang
6. isang heograpo na walang kaalam-alam tungkol sa sarili niyang asteroid.

Ang heograpo ang siyang nagmungkahi sa Munting Prinsipe na dalawin niya ang planetang Daigdig.
Sa desyerto lumapag ang Munting Prinsipe nang dumating siya sa Daigding. Kanyang nakilala ang isang
ahas na nagsabi sa kanyang may kapangyarihan siyang maibalik ang Munting Prinsipe sa kanyang
pinagmulan kung naisin man niyang umuwi na. Nakilala rin niya ang isang bulaklak na nagsabing ang mga
tao ay “walang mga ugat” at “nililipad lamang ng hangin.”

Kalaunan ay nakakita siya ng isang palumpong ng mga rosas at lubhang ikinalungkot niyang ang kanyang
rosas sa B-612 ay hindi pala natatangi sa buong sansinukob. Siyang pagdating ng isang tumánggong na
nagsabing kung “mapaamo” siya ng Munting Prinsipe (ibig sabihin ay “makipagkaibigan” sa kanya),
magiging “katangi-tangi” sila sa bawat isa. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa at napagtanto ng
Munting Prinsipe na ang kanyang rosas sa B-612 ay katangi-tangi dahil sa pagmamahal na ibinigay niya
para rito. Bago umalis ang Munting Prinsipe, pinaalahanan siya ng tumánggong:

"Makakikita ka nang tama sa pamamagitan lamang ng iyong puso. Ang mga bagay na mahahalaga ay lingid
sa iyong mga mata."
Bago niya nakatagpo ang piloto, huli niyang nakilala ang isang tagabantay ng riles, na
nagsabing ang mga pasahero ng mga tren ay hindi nakuntento sa napupuntahan nila, at isang
mangangalakal na nagtitinda ng pildoras na nakakapawi umano ng uhaw.

Nasa ikawalong araw na sa desyerto ang piloto at ang Munting Prinsipe. Sa kabila ng
matinding pagkauhaw, nakahanap sila ng balón kinaumagahan at nakainom ng tubig.
Kalaunan, naayos na ng piloto ang kanyang eroplano, subalit nahuli niya ang Munting
Prinsipeng nakikipag-usap sa ahas. Nang tumakas ang ahas, inamin ng Munting Prinsipe na
“uuwi” na siya sa pinagmulan niya upang makitang muli ang kanyang rosas. Agad na
naunawaan ng piloto ang balak ng Munting Prinsipe, kaya ninais niyang hindi pabayaan ang
munting bata.
Sa isang emosyonal na pamamaalam, sinabi ng Munting Prinsipe sa piloto
na pagmasdan lamang niya ang mga bituin sa langit at ang mga ito ay
tatawa tulad ng pagtawa ng Munting Prinsipe. Nauna at mag-isang
naglakad ang Munting Prinsipe upang magpatuklaw sa ahas, at tahimik
na nabuwal ang kanyang katawan sa buhangin. Kinabukasan, bago niya
nilisan ang desyerto, hindi na nahanap ng piloto ang bangkay ng Munting
Prinsipe.

Sa katapusan ng nobela, nakiusap ang piloto sa mga mambabasa na kung


mayroon sa kanilang naglakbay sa desyerto at nakakita sa Munting
Prinsipe, agad itong ipaalam sa kanya.
MGA TAUHAN SA KUWENTO:
Ang piloto (Le aviateur)
Ang tagapagsalaysay ng nobela. Lumaki ang piloto na may paniniwalang ang mga matatanda

ay salát sa imahinasyon at pag-unawa, bagaman bilang isang kapwa matanda ay pinilit niyang

gayahin ang inaasal nila. Bumagsak ang kanyang eroplano sa gitna ng disyerto ng Sahara,

kung saan niya makakatagpo ang Munting Prinsipe.

Ang Munting Prinsipe (Le petit prince)


isang munting batang lalaking mula sa Asteroid B-612 na nilakbay ang kalawakan hanggang sa

makarating sa Daigdig. Ang Munting Prinsipe ang nag-iisang naninirahan sa B-612 kung saan

umibig siya sa isang bulaklak ng rosas. Nilakbay niya ang kalawakan at nagpalipat-lipat ng

asteroid hanggang sa marating niya ang Daigdig at makatagpo ang piloto. Nakatamo siya ng

karunungan sa pamamagitan ng iba't ibang mga tauhanng kanyang makikilala sa kanyang

paglalakbay.
MGA NANINIRAHAN SA MGA ASTEROID:
Ang rosas ng Munting Prinsipe (La rose)
isang nagsasalitang rosas na namukadkad sa B-612. Siya ay labis na inibig ng Munting
Prinsipe subalit, sa kalaunan, namayani ang kanyang kapalaluan at kaimbutan, bagay
na ikinalungkot ng Munting Prinsipe at nag-udyok sa kanyang lisanin ang B-612 at
hayaan siyang mag-isa.

Ang hari (Le roi)


ang naninirahan sa Asteroid 325. Naniniwala siyang "sakop" niya ang lahat. Inuutos niya
sa kanyang mga "nasasakupan" na gawin ang mga bagay na mismong ginagawa na
nila.

Ang taong hambog (Le vaniteux)


ang naninirahan sa Asteroid 326. Tanging hiling niya ay hangaan siya ng sinuman at
makarinig ng papuri mula sa lahat.
MGA NANINIRAHAN SA MGA ASTEROID:
Ang lasenggo (Le buveur)
ang naninirahan sa Asteroid 327. Siya ay patuloy na umiinom upang makalimutan
niya ang kahihiyan ng kanyang pagiging lasenggo.

Ang negosyante (Le businessman)


ang naninirahan sa Asteroid 328. Siya ay naniniwalang pag-aari niya ang lahat ng
mga bituin kaya abalang-abala siya sa kaniyang pagbibilang sa mga ito.

Ang tagasindi ng poste ng ilaw (Le allumeur de réverbères)


ang naninirahan sa Asteroid 329 kung saan ang isang araw ay tumatagal ng isang
minuto lamang. Mataman niyang ginagawa ang kanyang tungkulin kahit na mabalis
niyang pinapatay-sindi ang poste ng ilaw dahil sa sobrang ikli ng araw.
Ang heograpo (Le géographe)
ang naninirahan sa Asteroid 330. Siya ang huling
dinalaw ng Munting Prinsipe sa labas ng Daigdig.
Siya ay abala sa pagtala ng mga namasid ng mga MGA NANINIRA HA N
eksplorador sa kanilang paglalakbay, pero wala SA MGA ASTEROID :
siyang kaalam-alam tungkol sa sarili niyang
tinitirhang asteroid. Siya rin ang nagmungkahi sa
Munting Prinsipe na dalawin niya ang planetang
Daigdig.
Ang ahas (Le serpent)
isang makamandag na ahas na pumatay
sa Munting Prinsipe. Siya ay nagsabi sa
MGA TAGA-DAIGD IG:
Munting Prinsipe na may kapangyarihan
siyang maibalik umano ang Munting
Prinsipe sa kanyang pinagmulan kung
naisin man niyang umuwi na.
MGA TAGA-DAIGDIG:
Ang bulaklak (La fleur)
sinabi niya sa Munting Prinsipe na ang mga tao ay “walang mga
ugat” at “nililipad lamang ng hangin.”

Ang mga rosas sa isang palumpong (Les roses)


sila ang dahilan ng lubhang kalungkutan ng Munting Prinsipe na
nag-akalang nag-iisa lamang ang kanyang rosas sa buong
sansinukob.

Ang tumánggong (Le renard)


ang naging matalik na kaibigan ng Munting Prinsipe. Tinuruan
niya ang Munting Prinsipe kung paano makipagkaibigan. Siya
ang nagbigkas ng pinakatanyag na linya mula sa nobela:
"Makakikita ka nang tama sa pamamagitan lamang ng iyong
puso. Ang mga bagay na mahahalaga ay lingid sa iyong mga
mata."
MGA TAGA-DAIGDIG:
Ang tagabantay ng riles (L'aiguilleur)
siya ay naatasang bantayan ang riles at gabayan
ang mga dumadaang tren. Sinabi niya sa Munting
Prinsipe na ang mga pasahero ay hindi nakuntento sa
napupuntahan nila, ni hindi nila alam kung saan sila
patutungo.

Ang mangangalakal (Le marchand)


kanyang ikinuwento sa Munting Prinsipe ang tungkol
sa tinitinda niyang pildoras na nakakapawi umano ng
uhaw.
ARAL NG KUWENTO:

"Ang pinakamahalagang bagay ang hindi


nakikita ng mga mata sapagkat ang tunay
na halaga, puso lamang ang nakadarama."

MARAMING SALAMAT!

The meaning of things lies not in the things themselves,


but in our attitude towards them.

-Antoine de Saint-Exupery

You might also like