You are on page 1of 9

[tapusin]

Ang Munting Prinsipe


Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Jump to navigationJump to search

Itago

Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito


sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Enero 2008)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito.

Binigay na dahilan: wala

Ang Munting Prinsipe

Pabalat ng Ang Munting Prinsipe (bersiyong Tagalog)

May-akda Antoine de Saint-Exupéry

Orihinal na pamagat Le Petit Prince


Tagasalin Desiderio Ching

Ilustrasyon Antoine de Saint-Exupéry

Gumawa ng pabalat Antoine de Saint-Exupéry

Bansa  Estados Unidos

 Pransiya

Wika Pranses

Tagapaglathala Reynal & Hitchcock

(Estados Unidos)

Petsa ng paglathala 1943

Mga pahina 97

ISBN 978-0-15-202398-0 (Ingles, Estados Unidos)

Ang Ang Munting Prinsipe (Pranses: Le Petit Prince, Ingles: The Little Prince) ay


isang nobelang isinulat ng Pranses na piloto at manunulat na si Antoine de Saint-
Exupéry at unang inilathala sa mga wikang Pranses at Ingles noong 1943.
Isinasalaysay ng nobela ang kwento ng isang pilotong bumagsak sa gitna
nga desyerto kung saan niya nakatagpo ang isang “munting prinsipe,” isang batang
lalaking nagtamo ng karunungan habang naglalakbay sa kalawakan mula sa kanyang
tinitirhang asteroid na B-612.
Bagaman pambata ang estilo ng pagkasulat nito, nilalayon ng Ang Munting Prinsipe na
talakayin ang mga tema tulad ng kalungkutan, pagkakaibigan, pag-ibig at kawalan at
nagbibigay ito ng mga obserbasyon tingkol sa buhay at pagkatao. [1]
Sa Pilipinas, inilathala noong 1991 ang isang salin ng Ang Munting Prinsipe na isinalin
ni Desiderio Ching at inilimbag ng Claretian Productions. Noong 1998, inilimbag naman
ng Claretian Productions ang isang makabagong edisyon nito. Isinalin din ng manunulat
at makata na si Lilia F. Antonio ang nobelang ito at inilathala noong 1969. [2][3]
Nilalaman

 1Buod

 2Mga tauhan

o 2.1Mga pangunahing tauhan

o 2.2Ibang mga tauhan

 2.2.1Mga naninirahan sa mga asteroid

 2.2.2Mga taga-Daigdig

 3Mga kawing panlabas

 4Talasanggunian

Buod[baguhin | baguhin ang batayan]


Sa simula ng nobela, ikinuwento ng hindi pinangalanang Tagapagsalaysay na, noong
bata pa siya, sinubukan niyang gumuhit ng isang “elepanteng nilamon ng sawá” subalit
nang ipinakita niya ito sa mga matatanda inakala nilang ang ginuhit niya ay isang
“sombrero” lamang. Dahil dito, napagtanto ng Tagapagsalaysay na salát sa
imahinasyon at pag-unawa ang mga matatanda. Paglaki niya, siya ay naging isang
piloto at pinilit niyang maging “makatwiran” sa kanyang mga salita sa harap ng mga
matatanda.
Kasunod nito, ikinuwento ng Tagapagsalaysay ang isang karanasan sa kayang buhay-
piloto na nangyari “anim na taon na ang nakaraan.” Bumagsak ang
kanyang eroplano sa gitna ng desyerto ng Sahara. Habang naghihikahos, siya ay binati
ng isang munting batang lalaki; nakiusap ito sa kanyang guhitan siya ng isang tupa. Sa
halip nito, ipinakita ng piloto ang kanyang iginuhit na elepanteng nilamon ng sawá, at
kanyang ikinagulat nang agad itong naunawaan ng batang lalaki. Dahil nagpumilit ang
bata, sinibukan siyang gumuhit ng tupa, pero nagawa lamang niyang gumuhit ng isang
kahon na may tatlong butas sabay sabing ang tupa ay “nasa loob” ng kahon. Ikinagulat
niyang muli nang magustuhan ng bata ang kanyang ginuhit. Habang inaayos ng piloto
ang kanyang eroplano, kanyang natutunan ang kwento ng buhay ng batang lalaki na,
sa kalaunan ay, pinangalanan niyang “Ang Munting Prinsipe.”
Sang-ayon sa kwento ng Munting Prinsipe, siya ay mula sa isang munting “planeta”
(marahil ay isang asteroid na nagngangalang B-612, ayon sa piloto) na mas maliit pa
kaysa isang bahay. Abala siya sa pagdukal ng mga maliliit na puno ng baobab upang
hindi ito lumaki at sakupin ang buong asteroid. Isang araw, isang
nagsasalitang rosas ang namukadkad sa B-612. Sobrang minahal ng Munting Prinsipe
ang rosas, subalit nangibabaw ang kapalaluan at kaimbutan nito. Nang maramdamam
ng Munting Prinsipe na tila pinagsasamantalahan lamang siya ng rosas, nagpasya
siyang iwanan niya ito at lakbayin ang kalawakan.
Bago niya marating ang Daigdig, umabot sa anim ang bilang ng mga asteroid na
dinalaw ng Munting Prinsipe. Ang bawat asteroid ay pinananahanan ng tig-iisang
kakatwang matandang tao:

1. isang haring walang pinamumunuan hanggang nang dinalaw siya ng Munting


Prinsipe
2. isang lalaking hambog na nais lamang makarining ng mga papuri
3. isang lasenggo na nais malasing upang makalimutan niya ang kahihiyan ng
kanyang pagiging lasenggo
4. isang negosyanteng naniniwalang pag-aari niya ang lahat ng mga bituin at
walang humpay na binibilang ang mga ito
5. isang tagasindi ng poste ng ilaw sa isang asteroid na ang isang araw ay
tumatagal ng isang minuto lamang
6. isang heograpo na walang kaalam-alam tungkol sa sarili niyang asteroid.
Ang heograpo ang siyang nagmungkahi sa Munting Prinsipe na dalawin niya ang
planetang Daigdig.
Sa desyerto lumapag ang Munting Prinsipe nang dumating siya sa Daigding.
Kanyang nakilala ang isang ahas na nagsabi sa kanyang may kapangyarihan
siyang maibalik ang Munting Prinsipe sa kanyang pinagmulan kung naisin man
niyang umuwi na. Nakilala rin niya ang isang bulaklak na nagsabing ang mga tao ay
“walang mga ugat” at “nililipad lamang ng hangin.”
Kalaunan ay nakakita siya ng isang palumpong ng mga rosas at lubhang
ikinalungkot niyang ang kanyang rosas sa B-612 ay hindi pala natatangi sa buong
sansinukob. Siyang pagdating ng isang tumánggong na nagsabing kung “mapaamo”
siya ng Munting Prinsipe (ibig sabihin ay “makipagkaibigan” sa kanya), magiging
“katangi-tangi” sila sa bawat isa. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa at
napagtanto ng Munting Prinsipe na ang kanyang rosas sa B-612 ay katangi-tangi
dahil sa pagmamahal na ibinigay niya para rito. Bago umalis ang Munting Prinsipe,
pinaalahanan siya ng tumánggong:

Makakikita ka nang tama sa pamamagitan lamang ng iyong puso. Ang mga bagay na
“ mahahalaga ay lingid sa iyong mga mata.

Bago niya nakatagpo ang piloto, huli niyang nakilala ang isang tagabantay ng riles,
na nagsabing ang mga pasahero ng mga tren ay hindi nakuntento sa napupuntahan
nila, at isang mangangalakal na nagtitinda ng pildoras na nakakapawi umano ng
uhaw.
Nasa ikawalong araw na sa desyerto ang piloto at ang Munting Prinsipe. Sa kabila
ng matinding pagkauhaw, nakahanap sila ng balón kinaumagahan at nakainom ng
tubig. Kalaunan, naayos na ng piloto ang kanyang eroplano, subalit nahuli niya ang
Munting Prinsipeng nakikipag-usap sa ahas. Nang tumakas ang ahas, inamin ng
Munting Prinsipe na “uuwi” na siya sa pinagmulan niya upang makitang muli ang
kanyang rosas. Agad na naunawaan ng piloto ang balak ng Munting Prinsipe, kaya
ninais niyang hindi pabayaan ang munting bata.
Sa isang emosyonal na pamamaalam, sinabi ng Munting Prinsipe sa piloto na
pagmasdan lamang niya ang mga bituin sa langit at ang mga ito ay tatawa tulad ng
pagtawa ng Munting Prinsipe. Nauna at mag-isang naglakad ang Munting Prinsipe
upang magpatuklaw sa ahas, at tahimik na nabuwal ang kanyang katawan sa
buhangin. Kinabukasan, bago niya nilisan ang desyerto, hindi na nahanap ng piloto
ang bangkay ng Munting Prinsipe.
Sa katapusan ng nobela, nakiusap ang piloto sa mga mambabasa na kung mayroon
sa kanilang naglakbay sa desyerto at nakakita sa Munting Prinsipe, agad itong
ipaalam sa kanya.

Mga tauhan[baguhin | baguhin ang batayan]


Mga pangunahing tauhan[baguhin | baguhin ang batayan]

 Ang piloto (Le aviateur)


Ang tagapagsalaysay ng nobela. Lumaki ang piloto na may paniniwalang ang mga
matatanda ay salát sa imahinasyon at pag-unawa, bagaman bilang isang kapwa
matanda ay pinilit niyang gayahin ang inaasal nila. Bumagsak ang kanyang eroplano sa
gitna ng disyerto ng Sahara, kung saan niya makakatagpo ang Munting Prinsipe.

 Ang Munting Prinsipe (Le petit prince)


isang munting batang lalaking mula sa Asteroid B-612 na nilakbay ang kalawakan
hanggang sa makarating sa Daigdig. Ang Munting Prinsipe ang nag-iisang naninirahan
sa B-612 kung saan umibig siya sa isang bulaklak ng rosas. Nilakbay niya ang
kalawakan at nagpalipat-lipat ng asteroid hanggang sa marating niya ang Daigdig at
makatagpo ang piloto. Nakatamo siya ng karunungan sa pamamagitan ng iba't ibang
mga tauhanng kanyang makikilala sa kanyang paglalakbay.
Ibang mga tauhan[baguhin | baguhin ang batayan]
Mga naninirahan sa mga asteroid[baguhin | baguhin ang batayan]

 Ang rosas ng Munting Prinsipe (La rose)


isang nagsasalitang rosas na namukadkad sa B-612. Siya ay labis na inibig ng Munting
Prinsipe subalit, sa kalaunan, namayani ang kanyang kapalaluan at kaimbutan, bagay
na ikinalungkot ng Munting Prinsipe at nag-udyok sa kanyang lisanin ang B-612 at
hayaan siyang mag-isa.

 Ang hari (Le roi)


ang naninirahan sa Asteroid 325. Naniniwala siyang "sakop" niya ang lahat. Inuutos niya
sa kanyang mga "nasasakupan" na gawin ang mga bagay na mismong ginagawa na
nila.

 Ang taong hambog (Le vaniteux)


ang naninirahan sa Asteroid 326. Tanging hiling niya ay hangaan siya ng sinuman at
makarinig ng papuri mula sa lahat.

 Ang lasenggo (Le buveur)


ang naninirahan sa Asteroid 327. Siya ay patuloy na umiinom upang makalimutan niya
ang kahihiyan ng kanyang pagiging lasenggo.

 Ang negosyante (Le businessman)


ang naninirahan sa Asteroid 328. Siya ay naniniwalang pag-aari niya ang lahat ng
mga bituin kaya abalang-abala siya sa kaniyang pagbibilang sa mga ito.

 Ang tagasindi ng poste ng ilaw (Le allumeur de


réverbères)
ang naninirahan sa Asteroid 329 kung saan ang isang araw ay tumatagal ng isang
minuto lamang. Mataman niyang ginagawa ang kanyang tungkulin kahit na mabalis
niyang pinapatay-sindi ang poste ng ilaw dahil sa sobrang ikli ng araw.

 Ang heograpo (Le géographe)


ang naninirahan sa Asteroid 330. Siya ang huling dinalaw ng Munting Prinsipe sa labas
ng Daigdig. Siya ay abala sa pagtala ng mga namasid ng mga eksplorador sa kanilang
paglalakbay, pero wala siyang kaalam-alam tungkol sa sarili niyang tinitirhang asteroid.
Siya rin ang nagmungkahi sa Munting Prinsipe na dalawin niya ang planetang Daigdig.
Mga taga-Daigdig[baguhin | baguhin ang batayan]

 Ang ahas (Le serpent)


isang makamandag na ahas na pumatay sa Munting Prinsipe. Siya ay nagsabi sa
Munting Prinsipe na may kapangyarihan siyang maibalik umano ang Munting Prinsipe
sa kanyang pinagmulan kung naisin man niyang umuwi na.

 Ang bulaklak (La fleur)


sinabi niya sa Munting Prinsipe na ang mga tao ay “walang mga ugat” at “nililipad
lamang ng hangin.”

Ang mga rosas sa isang palumpong


(Les roses)
sila ang dahilan ng lubhang kalungkutan ng Munting Prinsipe na nag-akalang nag-iisa
lamang ang kanyang rosas sa buong sansinukob.

 Ang tumánggong (Le renard)


ang naging matalik na kaibigan ng Munting Prinsipe. Tinuruan niya ang Munting Prinsipe
kung paano makipagkaibigan. Siya ang nagbigkas ng pinakatanyag na linya mula sa
nobela: "Makakikita ka nang tama sa pamamagitan lamang ng iyong puso. Ang mga
bagay na mahahalaga ay lingid sa iyong mga mata."


Ang tagabantay ng
riles (L'aiguilleur)
siya ay naatasang bantayan ang riles at gabayan ang mga dumadaang tren. Sinabi niya
sa Munting Prinsipe na ang mga pasahero ay hindi nakuntento sa napupuntahan nila, ni
hindi nila alam kung saan sila patutungo.
 Ang mangangalakal (Le
marchand)
kanyang ikinuwanto sa Munting Prinsipe ang tungkol sa tinitinda niyang pildoras na
nakakapawi umano ng uhaw.

Mga kawing
panlabas[baguhin | baguhi
n ang batayan]

 Opisyal
na website ng Ang
Munting Prinsipe sa
mga
wikang Pranses at In
gles
 Ang Munting
Prinsipe (salin sa
Ingles)

Talasanggunian[baguhin 
| baguhin ang batayan]

1. ↑ Gopnik, Adam
(April 29,
2014). "The
Strange Triumph of
"The Little
Prince"".  The New
Yorker. Nakuha
noong  January
4, 2020.
2. ↑ de la Cruz,
Christa (November
23, 2020).  "This
Filipino Version of
The Little Prince
Makes for a Great
Christmas
Gift".  Spot PH.
Nakuha
noong  January
4, 2020.
3. ↑ "Lilia F.
Antonio". UP
Likhaan. Nakuha
noong  January
4, 2020.
Kategorya: 
 Pages using infobox
book with unknown
parameters
 Aklat
 Panitikan sa wikang
Pranses
Nav menu

 Hindi naka-login

 Usapan

 Mga inambag

 Gumawa ng account

 Mag-login
 Artikulo
 Usapan
 Basahin
 Baguhin
 Baguhin ang batayan
 Kasaysayan
Hanapin
Hanapin Punta

 Unang pahina
 Mga nilalaman
 Napiling nilalaman
 Alinmang artikulo
 Tungkol sa Wikipedia
 Mga kaganapan
 Donasyon
Pakikihalubilo
 Pamayanan
 Kapihan
 Mga huling binago
 Makipag-ugnayan
 Tulong
Mga gamit
 Mga nakaturo rito
 Kaugnay na pagbabago
 Natatanging pahina
 Permanenteng link
 Impormasyon ng pahina
 Sumangguni
 Item na Wikidata
I-print/i-export
 Lumikha ng isang aklat
 I-download bilang PDF
 Bersyong mapi-print
Sa iba pang proyekto
 Wikimedia Commons
Sa ibang wika
 ‫العربية‬
 English
 Español
 Eesti
 Nordfriisk
 Bahasa Indonesia
 Русский
 Winaray
 中文
99 pa
Baguhin ang mga link

 Huling pagbabago: 05:54, 28


Hulyo 2021.
 Magagamit ang teksto sa ilalim
ng Lisensyang Creative Commons
Attribution/Share-Alike; maaaring
mailapat ang karagdagang
termino. Tingnan ang Takdang
Gamit para sa mga detalye.
 Patakaran sa Pagkapribado

 Tungkol sa Wikipedia

 Pagtatanggi

 Bersyong pang-mobile

 Mga Developer

 Estadistika

 Tungkol sa Cookie

You might also like