You are on page 1of 2

Mike Kjell T.

Macasinag
11 – St. Miki
Pormatibong Gawain 2

Isa sa mga tanyag na nobela sa larangan ng litiratura na nakaakit ng atensyon ng mga


mambabasa sa ano mang sulok ng mundo ay ang “The Little Prince” na isinulat ng isang sikat
awtor na si Antoine de Saint-Exupéry. Ipinanganak noong Hunyo 26, 1900, nag-aral sya sa isang
Heswitang institusyon sa Switzerland at France. Di-tulad ng mga karakter na binigyang buhay
nya sa kanyang aklat na “The Little Prince”, si Antoine de Saint-Exupéry ay isang batang may
katigasan ang ulo at di gaanong matalino na bata. Sa kabila nito, may dakilang ambisyon sya sa
paglipad. Makalipas ang ilang mga taon, nakamit din ni Antoine de Saint-Exupéry ang kanyang
ambisyon na maging piloto. Siya ay natanggap sa isang komersyal na airline company na
mayruta sa France, Moroco, at Kanlurang Aprika. Ang kaniyang pagpapalipad ng eroplano ay
ang nag udyak sakanya upang gumawa ng mga sanysay, tula, at nobela na maykauganayan sa
aviation. Noong 1929, naisulat nya ang una nyang nobela na pinamagatang Courrier
Sud (Southern Mail). Nasundan pa ito ng ibat-ibang mga sanaysay at iba pang mga nobela tulad
nalang ng “The Little Prince”, Vol de nuit (Night Flight), Terre des hommes (Wind, Sand and
Stars), at Pilote de guerre (Flight to Arras) na syang mayrelasyon sa paglilipad.

Ayon sa mga experto, sa lahat ng naisulat na nobela ni Antoine de Saint-Exupéry, ang The
Little Prince ang pinaka ugnay sa buhay ng awtor. Sinasalamin din ng mga karakter ng the little
prince ang mga pangayari sa buhay ng awtor. Kasama narin dito ang mga paniniwala at
pilosopikal na pananaw ni Antoine de Saint-Exupéry. Nakikita sa karakter ng narrator ang mga
ganap sa buhay ng awtor; ang awtor at ang narrator ay mga piloto at totoong pangyayari din na
bumagsak sa Sahara desert ang kanilang mga eroplano. Ang karater ng Prinsepe ay sumasalamin
sa mga pilosopikal na pananaw ng awtor at ang kanyang Rosas naman, ay maaaring sumisimbolo
sa kanyang asawa. Ayon sa kapatid ng awtor, nang mamatay ang kanilang ama, ang batang
Antoine ay di kumibo, di umiyak, at dahan dahang nahulog lang tulad ng pagkahulog ng mga
maliliit na mga puno. Kalaunan, ito ay magagamit ng awtor sa climatikong pagtatapos ng
kanyang nobela — ang pagkamatay ng munting prinsipe.

Ang nobelang ito ay talagang maiimungkahi ko sa iba na basahin. Ito ay di gaanong kahaba,
simpleng basahin, at punong-puno ng mga aral na magagamit sa pakikipagsabak sa magulong
istorya ng ating sariling mga buhay.

You might also like