You are on page 1of 5

Biography of the Author

Samuel Longhorne Clemens o kilala rin sa pangalang Mark Twain ay ipinanganak noong Nobyembre 30, 1835 sa
munting ng Florida, Missouri. Siya ay pang anim na anak nina John at Jane Clemens. Ang pamilyang Clemens ay
lumipat sa may hangganan ng bayan, sa Hannibal Missouri. Ang kaniyang ama na si John Clemens ay nagtrabaho
bilang isang tindero, abogado, tagahukom at imbestigador na nangangarap maging mayaman ngunit hindi niya ito
nakamit. Sa kabilang banda, ang ina naman ni Samuel Clemens na si Jane Clemens ay isang mapagmahal na ina na
nagpapainit ng kanilang malalamig na gabi sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iba’t-ibang nakamamanghang istorya.
Nagkaroon ng malupit na karanasan si Samuel noong siya ay bata pa lamang. Siya ay nasa edad na 9 noong siya ay
makasaksi ng pagpatay sa isang haciendero at noong siya ay 16-taong gulang noong makasaksi ng pagpatay ng isang
alipin dahil sa kalupitan ng isang dayuhan. Noong siya ay 11-taong gulang ay namatay kaniyang ama. Dahil dito ay
hindi na siya nakapag-aral kung kaya’t hanggang pang-limang baitang sa elementarya lamang ang kaniyang natapos at
namasukan sa isang gawaan ng lokal na dyaryo. Sa edad na 15, nagkaroon na siya ng panibagong sa Hannibal
Western Union bilang isang manunulat ng mga artikulo. Ito ay pagmamay-ari ng kaniyang kapatid na si Orion.

Marami pa ang naganap sa buhay ni Samuel sa mga nakalipas na taon at nakapagtrabaho na din siya sa iba
pang kumpanya ng dyaryo. Taong 1868 nang magkakilala si Samuel at si Joseph Twichell sa Asylum Hill. Isa sa mga
napagkwentuhan ng magkaibigang ito sa tagal nng kanilang pagkakaibigan ay tungkol sa karanasan ni Twichell noong
siya ay binisita ng isang Britanong Pari na siyang nagkwento tungkol sa isang magiting na sundalo na nagngangalang
Arthur Wellesly na kung saan ang mga nakamit nitong tagumpay ay dahil lamang daw sa swerte. Ngunit para sa iba ay
kahenyuhan ng sundalo ito. Si Arthur Wellesly ay isang Britanong General na Duke ng Wellington na kung saan ay
marami ng nakamit na tagumpay ngunit maraming nagsasabi na ito ay dahil lamang sa swerte. Ang istoryang inilahad
ni Twichell kay Samuel ang naging basehan ni Samuel upang isulat ang istoryang “LUCK”.
Lumipas ang maraming taon at naging matalik na magkaibigan ang dalawa. Noong 1870 ay nagpakasal na si
Samuel at si Olivia na kapatid ni Charles Langdon na nakilala niya sa isang paglalakbay. Nagkaroon sila ng apat na
mga anak. Sina Clara, Susy, Jean at Langdon Clemens. Naging masaya ang pamilya nila. Nakapagimprinta si Samuel
ng kaniyang sariling libro at ito ay nasundan pa ng napakarami pang uri ng babasahin tulad ng maikling kwento,
sanaysay, nobela at iba pang mga libro at nagkaroon sin siya ng sariling lathalaan ng akda, ngunit minsan ay
nakaranas din ng mga pagsubok tulad ng pagkamatay ng kanilang panganay na anak na lalaki dahil sa sakit na
diphtheria at ang kaniyang paboritong anak na si Susy dahil sa Spinal Meningitis. Ang kaniya pang isang bunsong
babae na si Jean ay nagkaroon ng epilepsy at noong 1909 ay namatay ito sa atake sa puso. At ang kaniya namang
relasyon kay Clara ay hindi naging maganda dahil sa kanilang malimit na pag-aaway. Noong taong 1904 ng Humyo,
sumakabilang buhay na din ang kaniyang pinakamamahal na asawa. At sa loob ng 34 taon ay naging tunay at tapat
ang pagmamahal ni Samuel sa kaniyang asawa na sa katunayan ay inalayan pa niya ito ng isang akda. Abril 21, 1920,
74-taong gulang si Samuel Langhorne Clemens o mas kilala sa tawag na “Mark Twain” ay binawian na siya ng buhay
sa kaniyang bayan, ang Redding, Conneticut.

Luck by Mark Twain

Angistoryangito ay tungkolkay Lord Arthur Scoresby, isangAmerikanong military nanapakahusayna kung


tutuusin ay isangmangmangngunit nagging matagumpaysabuhayngdahlsaswete.

Ang nagsalaysay ng kwentong iyon ay dumalo sa salu-salo sa isangbayan sa London ng isang tinaguriang
“Henyong Sundalo” nakilala sa kanyang katapangan at katalinuhan noong panahon ng Digmaang Crimean. Si Lord
Arthur Scoresby ay kilala sa pagiging mangmang ngunit sa kabila nito ay nakaani pa rin ito ng malaking respeto sa
kanyang propesyon. Ang istoryang ito ay nanggaling sa isang kagalang-galang na pari na may tinatagong pagkainggit
kay Scoresby dahil sa mga nakamit nitong tagumpay na isinalaysay naman ng isang nakarinig habang sila ay
magkatabi sa nasabing salu-salo. Hindi malinaw kung si Scoresby ay sadyang mangmang o ito lamang ang nakikitang
pari dahil sa pagkainggit. Ang pari na ito ay siyang naging tagapaggabay ni Scoresby nang ito ay nag-aaral pa lamang.
Ayon ditto, si Scoresby ay hirap sa pag-aaral.Si Scoresby ay isa sa mga taong kanyang tinulungang makapasa dahil ito
ay isang mabait na tao kaya’t naging malapit ito sa kanyang puso. Lagi niyang binibigyan ng pagsususlit si Scoresby
tungkol sabuhay ni Ceasar dahil mas marami ang kaalaman ni Scoresby rito. Naipasa ni Scoresby ang lahat ng
pagsusulit na naging daan upang siya ay mapapunta sa mataas na posisyon sa military. Naging isang Tenyente-
Heneral Lord Arthur Scoresby at hinirang na napakahusay na Kapitan ng mga tao, nang hindi nila nalalaman ang
katotohanang isai tong mangmang pagdating sa pagbuo ng mga istratehiyang military.

Nang magkaroon ng Pandigmaang Crimean, ang kautusan kay Scoresby ng katas-taasang military ay ang
mag padala ng dagdag ng tropa sa gyera, upang suportahan ang ilang mga sundalo sa laban ngunit naintindihan ni
Scoresby nang ayos at naging taliwas ang kanyang kinilos sa utos sa kanya. Si Scoresby, at kanyang mga sundalo ay
naligaw sa direksyon patungo sa kanilang kasamahan. Sa kabutihang palad, natagpuan nila ang kampong ng mga ito
inaasahanang kampo nina Scoresby kaya ito ay ikinagulat ng mga Ruso at ang mga ito ay tumakas. Ang aksyong ito ay
nagresulta sa isa na namang tagumpay para kay Scoresby. Ito lamang ang isa sa mga patunay na minsan hindi
kailangan ang pagiging matalino upang maging matagumpay, dahil ang swerte ay iba ang naibabatid sa buhay ngi sang
tao. Kaya’t ang pari ay tinagurian siyang isang nilalang na ipinanganak na mapalad ngunit isa paring mangmang.
Elemento Sa Istorya Sa tunay na buhay Exemplars
Lugar Sa isang salu-salo sa bansang Ikinuwento ni Joseph Twichell kay Samuel Sa Istorya
London Clemens ang kuwento ng britanong pari (2p,1s)
noong binisita sya nito. (2p,3s-4s)
Tauhan Arthur Scoresby, ang siyang Arthur Wellesly, isang britanong heneral ng Sa Istorya
pangunahing tauhan sa kwentong duke ng Wellington kung saan ang mga (2p,2s)
“Luck”, isang henyong sundalo na tagumpay nito ay nakamit dahil din sa Sa tunaynabuhay
nakamit ang kanyang tagumpay ng swerte ayon sa kanyang mga tagapagsanay. (2p,5s)
dahil sa isang swerte.

Ang kagalang-galang na pari na Angbritanong pari na bumisita kay Joseph


siyang tagapaggabay ni Scoresby Twichell na siya ring nagsalaysay ng mga
noong ito ay nagaaral pa lamang. pangyayari sa buhayni Wellesly.
Si Scoresby ay kanyang
tinulungang makapasa.
Sa Istorya
(2p.5s)
Sa tunaynabuhay
(2p, 5s)
Tema Hindi -Ang temang ito ay base sa kwentong
nangangailanganngsobrangkatalin isinalaysay ng kanyang matalik na kaibigan
uhansabuhayupangmakamitangru (2p, 6s)
rokngtagumpaydahilangswerte ay -Hanggang panglimang grado lamang sa
minsanpumapaborsaiyo. (3p, 5s) elementarya si Samuel Clemens ngunit
naging isa siya sa mga magigiting na
manunulat sa mundo (1p. 9s)
-Nagsimula siya bilang isang tagaimprinta
ngunit kalaunan ay nakapagpatayo na din
ng kanyang sariling kumpanyang lathalaan.
Mahahalaga
ng
Pangyayari

You might also like