You are on page 1of 4

Kaligirang Pangkasaysayan ng “El Filibusterismo”

 El Filibusterismo
 “ Paghahari ng Kasakiman “
 Kakila-kilabot ang mga isinalaysay na pangyayari.
Makapangyariahan ang damdamin, sumisiklab, umaapoy,
tumutulpok. Kitang kita ito sa mga tauhang nilikha ng dakilang
bayani. Sumasailalim ito sa isang mapait na kasaysayang
pinagdaanan ng ating lahi sa kamay ng mga mananakop na
kastila.
 Nobelang Pampulitika
 Nobela
 Isang mahaba at masining na kathambuhay ang
nobela. Binubuo ng mga kawil- kawil ng pangyayaring
maingat na binabakangkas upang magkaugnay-ugnay
sa buhay ng pangunahing tauhan. Ang bawat
pangyayari ay nahahati sa mga kabanata. Ang bawat
kabanata ay nababalangkas tulad ng isang maikling
kwento at tumutulong sa pagbuo ng isang masalimuot
na kaganapan na tumatahak sa landas sa buhay ng
bida ng nobela.

 GOMBURZA
 Inialay niya ang nobela sa tatlong paring martir o higit
na kilalang GOMBURZA -Padre Gomez, padre
Burgos, at Padre zamora. Sila ang mga paring binitay
sa harap ng bayan dahilan sa kanilang paniniwala
noong Pebrero 17, 1872- pag-aalay na ito ang isa sa
dahilan kung bakit masasabing nobelang politikal ang “
El Filibusterismo.Malinaw nitong tinalakay ang mga
problema sa sisitema ng pamahalaan, sa lupa,
pamamahala, katiwalian , usaping panlipunan at
panrelihiyon, at maging ang pang-edukasyon.
Mahihiwatig din dito ang pansariling kasawian at
kapaitang bumabagabag kay Rizal habang isinusulat
niya ang nobela.
 Calamba, Oktubre 1887
 Ang araw at lugar kung saan nagsimulang magsulat si Rizal ng
“ El Filibusterismo “ habang nag-aaral ng medisina.
 Pebrero 3, 1888
 Taon kung saan muling nilisan ni Rizal ang Pilipinas dahil sa
pangambang lalong malagay sa panganib ang buhay ng
kanyang mga mahal sa buhay. Sanhi ito ng galit ng mga kastila
sa pagsulat niya ng “Noli Me Tangere” an umanoy nag-uupat
ng rebelyon. Maraming nagbanta sa kanyang buhay at maging
sa buhay ng kanyang pamilya. Dahil dito, minabuti niyang
muling magbalik sa Europa sa tulong ng kanyang pamilya at
mga kaibigan.

 Noong Pebrero 16, 1888-Ferdinand Blumentritt


Habang naglalakbay, isinulat niya kay Ferdinand Blumentritt
ang ganito :

Lahat ng mga punong panlalawigan at mg arsobispo ay


naparoon sa Gobernador- Heneral araw-araw upang ako ay
ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng
sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na
nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok.
Totoong akoy naglalakad sa bundok kung bukang liwayway na
kasama ng mga lalaki , babae, at bata upang damhin ang
kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang tenyente ng
guwardiya sibil na marunong managalog….
Inalok ako ng salapi ng aking mga kababayan para lisanin ang
pulo. Hiniling nila ang mga bagay na ito hindi lamang sa aking
kapakanan kundi sa kanila narin sapagkat marami akong kaibigan
at kasalamuha na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o
Marianas. Dahil dito kahit may kaunting karamdaman , akoy dali-
daling nagpaalam sa aking pamilya.

Si Blumentritt ay isang Austrian na Professor ang naging


matalik na kaibigan ni Rizal. Nagsimula ang kanilang pagsusulatan
noong nalaman ni Rizal na pinag-aaralan ni Blumentritt ang wikang
Filipino. Namangha si Blumentritt sa ipinadalang libro ni Rizal sa
kanya na pinamagatang Aritmetica kaya naman pinadalhan din niya
si Rizal ng mga sinulat na libro at doon nagsisimula ang kanilang
pagsusulatan hanggang sila ay unang nagkita sa Europa noong
Mayo 13, 1887.

 London , England noong 1890


 Sa taong ito ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsulat sa nobela.
Nagkaroon ng maraming pagbabago sa balangkas ng nobela.
Nirebisa at pinagbuti pa niya ang pagkakasulat ng ilang mga
kabanata.
 Habang nagsusulat nabalitaan niyang nagpakasal ang kanyang
kasintahan si Leonor Rivera kay Charles Kippng. Nakarating
din sa kanyang kaalaman ang panggigipit at pagpaparusa sa
kanyang pamilya at kamag-anak bunga ng kanyang naunang
nobela. Sinasabing nakaimpluwensya ito nang malaki sa
nilalaman ng kanyang nobela.

 Ang ilang bahagi ay natapos sa Madrid at Paris. Lumipat siya sa


Brussels at Belgium at malaking bahagi nito ang natapos.

 Sa Ghent , Belgium natapos ang huling bahagi ng nobela.

 Marso 29, 1891


 Sa taong ito natapos ang pagrerebisa ng manuskrito sa
Biarritz. Lumipat siya sa Ghent sapagkay higit na makakamura
sa paglilimbag dito. Dumanas siya ng hindi birong hirap sa loob
at kawalan ng panustos sa kanyang paninirahan sa Europa.
 Sa maliit na silid nakasama niya si Jose Alejandrino upang
maktipid sa bayad:
 Sa taon ding ito sumulat si Rizal kay Blumentritt na natapos na
niya ang manuskrito ng El Filibusterismo.

 F.Meyer-Van loo Press


 Ang pinakamurang palimbagan na pumayag sa paunti-unting
pagbayad ni Rizal.
 Setyembre 18, 1891
 Sa taong ito nailabas sa imprenta ang mga unang kopya ng “El
Filibusterismo”

 Valentin Ventura
 Ang nagpadala ng pera kay Rizal mula sa Paris , upang
tulungan na maiprenta ang “El Filibusterismo”.

Maraming naniniwala na ang El Fili ay higit na kaysa Noli. Higit daw itong pinag-
iisipan dahil mas maayos ang pagkakabalangkas at pagkakahanay ng mga kaisipan.
Ang mga orihinal na tauhang muling binigyang buhay sa ikalawang nobela ay mas
detalyado ang pagkakahubog.
Maraming anyo ang paghihimagsik. Pinili ng dakilang bayaning si Rizal ang
paggamit ng kanyang talino sa pagsulat. Iminulat niya ang mga mata ng bayan sa
maraming katotohanang walang ibig magtangkang magsiwalat dahil sa takot at
pagiging makasarili. Binigyan niya ng pag-asa ang mga pinanghihinaan ng loob.
Nagkaroon ng inspirasyon ang mga naglalamay sa madidilim na gabi upang mabawi
ang kalayaang mahigit na tatlong daang taong pinagpasasaan ng mga
mapagsamantalang dayuhan.
Maraming pangalan ang kabayanihan. Nang isulat ni Jose Rizal ang Noli Me
Tangere alam niyang malalagay sa panganib ang kanyang buhay. Nang tapusin niya
ang El Filibusterismo batid niyang nilagdaan niya ang sariling kamatayan. Iyon ang
pangalan ng kanyang kabayanihan- isang walang kondisyong pag-ibig sa Bayan.
Kinilala siya ng sambayanang Pilipino, ng mga karatig bansang asyano at
maging sa ibat iabng panig ng mundo. Si jose Rizal , isang Pilipino, Isang dakilang
malay, isang huwaran ng tunay na pag-ibig sa kapwa maging sa paningin ng amang
lumikha.

You might also like