You are on page 1of 3

Kirby Calimag 10 - PLC

Timeline tungkol kay Rizal

1848
 Si Teodora Morales Alonso - Realonda y Quintos (nanay ni Rizal) at Francisco
Rizal - Mercado y Alejandra (tatay ni Rizal) ay nagpakasal noong Hunyo 28,
1848.
1861
 Noong Hunyo 19, si Jose Rizal ay pinanganak. Siya ay ika-pito anak ng kaniyang
mga magulang. Pagkatapos ng tatlong araw ay bininyagan siya sa pangalang Jose
Protasio Rizal-Mercado y Alonso -Realonda.
1870
 Si Pepe (palayaw ni Rizal) ay nagsimulang mag-aral sa ilalim ng tagubilin na si
Justiniano Aquin Cruz sa siyan na taong gulang.
1871
 Ipinagpatuloy ni Pepe ang kaniyang pagaaral sa ilalim ng tagubilin na si Lucas
Padua.
1872
 Si Pepe ay sinuri ng mga namamahala sa pagpasok sa kolehiyo sa Sto. Tomas
Unibersidad ng Maynila: nakapasok siya bilang isang scholar.
1875
 Pumasok si Pepe sa Ateneo bilang isang boarder sa edad na katorse.
1876
 Sa gulang na kinse, nakatanggap si Pepe ng Bachelor of Arts Degree mula sa
Ateneo de Manila. ‘Di lang niya natanggap ang degree, ngunit natanggap niya ito
ng pinakamataas na posibleng parangal.
1877
 Nagsimulang mag-aral si Pepe sa Unibersided ng Sto. Tomas sa Maynila kung
saan nag-aral siya doon ng pilosopiya.
 Noong Nobyembre, si Pepe ay nagsulat ng isang tula at tumanggap ng pagkilala
sa kaniyang pagsulat mula sa Royal Economic Society of Friends of the Country,
na kilala rin bilang Amigos del Pals.
1878
 Si Pepe ay nagpalit ng kurso mula sa pilosopiya hanggang kursong medisina sa
Unibersidad ng Sto. Tomas. Sa taong ito nakapagsulat siya ng dalawang tula na
lalong nagpasikat sa kaniyang ngalan.
1880
 Sa gulang na disinuwebe, sumali si Pepe sa isang kumpetisyon sa pagsulat ng tula
kung saan siya dapat ang nanalo ngunit hindi niya nakuha ang kampyonato dahil
sa diskriminasyon.
 Nilikha ni Pepe ang kaniyang kauna-unahang Operette na tinwag na “On the
Banks of the Pasig.”
1881
 Lumikha si Pepe ng medalya na gawa sa wax para sa ika-100 taong pagdiriwang
ng “Royal Economic Society of Friends.
1882
 Naglayag ng patago si Pepe mula Maynila patungong Espanya.
 Hunyo 15 ay nakadaong si Pepe sa Barcelona at nagsimulang mag-aral sa Madrid
noong Oktubre sa parehong taon.
1886
 Nakatanggap ng degree sa medisina mula sa Central University of Madrid sa
gulang na beyntetres.
 Naging katulong siya ni Dr. L. de Wecker at nabisita niya ang ilang mga
malalaking unibersidad sa Europa.
1887
 Natapos ni Pepe kauna-unahang nobelang kaniyang isinulat na pinamagatang
“Noli Me Tangere” habang nasa Berlin.
1888
 Naglayag si Pepe mula Espanya patungong Hong Kong at Japan. Upang
ipagpatuloy ang pag-eensayo ng medisina at pagsusulat.
1891
 Pangalawang nobelang sinulat ni Pepe ay pinamagatang “El Filibusterismo.”
1892
 Nakulong si Pepe sakay ng isang barko pabalik sa Espanya. Siya’y kinasuhan ng
pagtataksil, sedisyon, at pagbuo ng iligal na samahan. Ipinadala siya sa isang isla
at doon ikinulong.
 Nakilala niya ang isang babae na nagngangalang Josephine Bracken na nais
niyang pakasalan ngunit hindi siya pinahintulutan ng simbahan.
 Naisulat niya ang kaniyang piraso na pinamagatang “Aking Huling Paalam”
1896
 Ang kaniyang huling hiling ay magtungo sa Cuba at ito’y naaprubahan. Sa
kaniyang daan papuntang Cuba, siya’y inaresto at inakusahan ng
pakikipagsabwatan at sedisyon.
 Disyembre 27, hinatulan ng kamatayan sa isang korte sa Espanya.
 Disyembre 30, pinahintulutan siyang magpakasal kay Josephine dalawang oras
bago siya binaril.
 Siya’y inilibing sa isang sikretong libingan.
1912
 Disyembre 30, ang abo ni Pepe ay inilipat sa Rizal Mausoleum at idineklarang
national holiday ang Disyembre 30 upang gunitahin ang kaniyang pagkamatay.
Kaligirang Pangkasaysayan ng El Flilibusterismo

Noong Setyembre 18, 1891, naisulat ang pangalawang nobela ni


Dr. Jose Rizal, El Filibusterismo, na isinulat sa Espanyol at
karugtong ng Noli Me Tangere na una niyang naisulat. Isinulat
ni Rizal ang El Filibusterismo bilang alay sa tatlong martir na
pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora, na
nagpapahayag ng pagkakakulong at pagkamatay sa kamay ng
mga awtoridad ng Espanya ay hindi makatarungan. Ang
ipinapahiwatig ng Noli Me Tangere ay hinihikayat nito ang mga
tao na humingi at maghangad ng pagbabago at pagpapalaya, sa
El Filibusterismo, hinihikayat ni Rizal ang lipunan na buksan
ang mga mata nito sa katotohanan at maghimagsik laban sa
gobyerrno ng Espanya sa pang-aapi at pang-aabuso nito. Sa Noli
Me Tangere. May hangarin, pagmamahalan, at awa. Sa El
Filibusterismo, marararamdaman ng mga mambabasa ang
kapaitan, poot, at inis. At nawala ang pagmamahalan at
hangarin.

You might also like