You are on page 1of 10

WILLIAM SHAKESPEARE

WILLIAM SHAKESPEARE

 Ipinanganak noong Abril 1564.


 Siya ay bantog na manunulat ng England na
nakapagsulat ng mga dulang komedya.trahedya at
pangkasaysayan.
 Ipinakita ng kanyang akda ang malawak niyang
kaalaman ukol sa damdamin at pagharap ng tao sa iba’t
ibang sitwasyon ng tunay na buhay.
 Ang kanyang ama na si John Shakespeare ay isang
matagumpay na lokal na negosyante.
 Ang kanyang ina na si Mary Arden ay anak ng isang may
ari.
 Sa edad na 18 na taong gulang,ay may asawa na si
William na mas matanda sa kanya na nangangalang
Anne Hathaway.
 Sila ay nagkaroon ng 3 anak,si Susanna,Hamnet at
Juliet.
 Ang kanilang tanging anak na lalaki na si Hamnet ay
namatay sa edad na 11.
 Naging isang mahusay na manunulat sa kasaysayan si
William,ang kanyang mga nasulat na dula nagging
bantog ay ang Hamlet,Romeo at Juliet, Othello,Macbet
at marami pang iba.
England
Relihiyon

Iba’t ibang anyo ng Kristiyanismo ang nangibabaw sa bansa sa mahigit 1,400


taon.Bagaman ayon sa sarbey,karamihan ng mga mamamayan ay napapabilang sa
Kristiyanismo,ang dumadalo sa misa ay lubusang bumagsak simula noong
kalagitnaan ng ika-20 dantaon.Ang pandarayuhan at pagbabago sa demograpiko
ay nakapagbago sa pag-usbong ng ibang pananampalataya,lalo na ang Islam.

Turismo

Ang palasyo ng Westminstre-sentrong pampolitika ng nagkakaisang kaharian.

Stonehenge-Isang Neolithic at Edad Bronse na megalithic na monumento sa


Wiltshire.

Istatwa ni Winston Churchill sa Parliament Square,kaharap ng palasyo ng


Westminstre sa sentro ng London.matatagpuan din ang kaparehong istatwa sa
Oslo Norway.
Ang White cliffs Dover Kent

Ang Manchester Town Hall o Munisipyo ng Manchester ay isang halimbawa ng


Victorian architecture na matatagpuan sa Manchester,England .

Ang Clifton Suspension Bridge,sa Bristol,Inglatera,ng sikat na inhinyerong si


Isambard Kingdom Brunel.

Kaligirang Kasaysayan

Ang mga daluyong ng paninirahan ng mga makabagong tao sa UK ay nagsimula noong 30,000
taong nakalipas.Ang mga sinaunang taong ito ay tinatawag na Pampulong Seltiko.Sila ay
binubuo ng mga taong Britonikong Britanya at Gelikong Irlandes.Nagsimula ang panlulupig ng
mga Romano noong taong 43 KP.Nagtagal ito ng 400 taong panankop sa katimugang
Britanya.Sinundan naman ito ng pananalakay ng mga Alemanikong Anglo-Sahon kung kalian
pinaliit nito ang mga nasasakupan ng mga Britoniko na naging Wales na lamang.
Panitikan/Literatura

Ang panitikang Britaniko ay sinasaklaw ang panitikang kaugnay sa United Kingdom,Pulo ng


Tao,at sa Kapuluang Bangbang.Karamihan ng panitikang Britaniko ay nasa wikang ingles.Noong
2005,mayroong mga 206,000 aklat ang nailathala sa United Kingdom.At noong 2006,ito ang mga
pinakaraming nalathalang aklat sa buong daigdig.

Kultura/Tradisyon

Ang kultura ng England ay bunga ng maraming ng maraming bagay; ang katayuan ng bansa
bilang isang pulo;ang kasaysayan nito bilang kanluraning demokrasyang liberal at isang
makapangyarihang bansa;at bilang isang samahang pampolitika ng apat na bansa na bawat isa
ay pinapangalagaan ang katangi-tangi nitong kaugalian at pagsasagisag.Dahil sa Imperyo ng
Britanya,makikita ang kultura nito sa wika,kultura at sa pamamaraang legal ng karamihan ng
mga dating lupang-sakop nito tulad ng Australia Canada,India,Ireland,Bagong Selanda,Timog
Africa at ang nagkakaisang pamahalaan.

Mga Tao

Ugali:Relihiyoso,Masipag,Mapili sa kasuotan,may angking Talento sa pagsulat.

Pananaw/Paniniwala:Naniniwala sa wagas na pag-ibig sa iba’t ibang aspeto tulad ng


pagmamahal sa pamilya,kasintahanat iba pa.

Pamumuhay:May magarbong pamumuhay na makikita sa paraan pa lamang ng kanilang


pananamit,kilos at pananalita sa pang araw-araw.
Ang Sintahang Romeo at Juliet
Buod:

Ang kuwento ay umiikot sa pag-iibigan nina Romeo at Juliet na hindi dapat sila
magmahalan dahil magkaaway ang kanilang angkan.Nag umpisa ang kuwento ng
dumalo si Romeo sa isang piging ng mga capulet at nang Makita niya si Juliet ay
agad itong nabighani sa kagandahan ni Juliet o sa medaling salita si Romeo ay na
“love at first sight” kay Juliet.At sa pagkakataong iyun ay agad din silang
nagkagustuhan at hindi naglaon ay lihim na nagpakasal ang dalawa sa tulong ni
Father Lorenzo.Nang si Romeo ay pinaalis dahil sa pagpatay kay Tybalt na isang
Capulet,si Juliet ay nakatakda nang ipakasal kay Paris.Ngunit dahil sa labis na
pagmamahal ni Juliet kay Romeo at ayaw nitong magpakasal kay Paris ay humingi
siya ng tulong kay Father Lorenzo at binigyan naman ni Father Lorenzo si Juliet ng
isang lason/gamot na pampatulog.Dahil sa gamot nagmukhang patay si Juliet at
nang malaman ng pamilya ni Juliet ang nangyari ay hindi sila makapaniwala na
nagpakamatay si Juliet.At sa kabilang dako,nagkataon na ang sulat na ipinadala ni
Father Lorenzo ay hindi nakarating kay Romeo sa halip nakatanggap si Romeo ng
balita na patay na si Juliet.Dahil sa labis na pighati at makapaniwala si Romeo sa
sinapit ng kanyang minamahal ay pumunta si Romeo sa puntod ni Juliet ngunit
nakita ni Romeo si Paris at silang dalawa ay naglaban at sa huli napatay ni Romeo
si Paris.At nang makita ni Romeo si Juliet na wala ng buhay ay agad niya itong
pinuntahan at dahil sa labis na mahal ni Romeo si Juliet ay sinundan niya ito sa
kabilang buhay ngunit ng matapos inumin ni Romeo ang lason ay nagising naman
sa hiram na kamatayan si Juliet at ng makita niya si Romeo na wala ng buhay ay
kaniya naman sinaksak ang kanyang sarili.At dahil sa nangyari sa dalawa ay nagsisi
at nagkabati ang dalawang angkan at sa huli inilibing ang dalawa sa iisang puntod.

*Ang Romeo at Juliet ay isang dulang isinulat ni WILLIAM Shakespeare


tungkol sa dalawang maharlikang angkan na nagkaroon ng alitan kung
kaya’t magkaaway.Nakabatay ang balangkas ng dulang ito ay isang
kuwento mula sa Italy na isinaling wika upang maging taludtod bilang
“The Tragic History of Romeo and Juliet”.
Pagsasanib ng Gramatika at Retorika :

Pokus sa Kagamitan at Pokus sa Pinaglalaanan

Pokus sa Kagamitan

Tawag sa instrument o kasangkapan sa pagsasagawa ng kilos na isinisaad ng


pandiwa na gumaganap bilang paksa o simuno ng pangungusap.Gumagamit ang
pokus na ito ng panlaping ipang-,ma-+ipang-.

Halimbawa:

1:Ipinanlinis niya ng sapatos ang luma niyang toothbrush.

2:Ipinangbalot ni Mike ng babasaging seramik ang mga dyaryo.

3:Sinubok niyang ipang-areglo sa kaso ang sampung libo niya.

Pokus sa Pinaglalaanan/Kalaanan

Tinatawag naman na Pokus sa Pinaglalaanan ang pandiwa kapag ang


pinaglalanan ng kilos ay ang paksa o simuno ng pangngusap.Ginagamit sa pokus
na ito ang mga panlaping makadiwang i-,ipag-,ma=ipag-,ipagpa-.
Halimbawa:

1:Ibinili ni Hannah ng damit ang pamangkin niya.

2:Ipinagluto ni Blythe ang kanyang Ina.

3:Ihahanap niya ng hustisya ang sinapit ng kanyang dalaga.


ERNEST MILLER HEMINGWAY

 Ipinanganak noong Hulyo 21,1899


 Ikalawang anak nina Grace Hall Hemingway at Clarence
Edmonds Hemingway.
 Kilala rin sa tawag na Papa Hemingway.
 Ang kanyang sikat na quote na “Ang Kaligayahan sa mga
taong marunong ay ang pinakasikat na bagay na alam ko”.
 Isang Amerikanong manunulat at tagapamahayag
 Si Hemingway ay isa sa mga pinaka-tanyag sa “Lost
Generation”ng mga expatriate writers na nanirahan sa
Paris nooong 1920s.
 Noong 1920,naging bahagi siya ng pamayanan ng mga
taong umalis sa sariling bansa upang manirahan sa Paris at
isa sa mga beterano ng Unang Digmaang Pandaigdig na
lumaong nakilala bilang”Ang Nawawalang Salinlahi”.
 Noong 1935,natanggap niya ang gantimpalang Pulitzer
Prize para sa “Ang Matandang Lalaki at ang Dagat (o The
Old Man and The Sea).
 Noong 1954,napagwagian niya ang gantimpalang Nobel
para sa Panitikan.
 Pagkatapos ng mahabang pakikibaka,kinuha ni Hemingway
ang kanyang sariling buhay.
 Namatay si Hemingway noong Hulyo 2,1961.
DULA

-Ang dula ay isang uri ng panitikan na nahahati sa tatlong yugto


na maraming tagpo.Pinakalayunin nitong itanghal ang mga
tagpo sa isang tanghalan o entablado.Gaya ng ibang
panitikan,ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango
sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng
malikhaing at malayang kaisipan.
Ang trahedya ay isang dulang ang bida ay hahantong sa
malungkot na wakas o sa kabiguan.Mayroon ding mga uri ng
ganitong dulang may malungkot ngunit makabuluhang
wakas.Nagsimula ang ganitong uri ng drama mula sa Sinaunang
Gresya.Kabilang sa maaagang mga bantog na tagapagsulat ng
trahedya sa Gresya na sina Aeschylus,Sophocles,at Euripides.
PROYEKTO
NG
PANGKAT 2.7
Ipinasa Nina:
Hannah Noemi Tambirao
John Christian Gilo
Via Gilo
Jyrah Jan Escueta
Jennifer Tabifranca
Mary Hope Gepilga
Antonette Gargaritano

Ipinasa kay:Bb.Niccola Dedoyco

You might also like