You are on page 1of 1

Spoken Poetry

AALIS o MANANATILI

“words of encouragement for soon-to-be-migrants to stay inspite of the


possibilities of good life abroad”

Kabataan ang pag-asa ng bayan. Wikang binitawan, Ni Gat. Jose Rizal noong kanyang
pinaglalaban, kalayaan ng bansang sinilangan. Pero bakit? Bakit madami ang nagnanais umalis sa
pilipinas upang sa ibang bansa ay mahakanap ng kabuhayan? Hindi ba pwedeng dito na lang? Sa
bansang dugo’t pawis ang pinuhununan para sa tinatawag natin ngayon na KALAYAAN. Ang akdang ito,
ay para sa mga Pilipino. Na Nais Mangibang Bansa para sa magandang buhay na kanila’y gustong
matamasa.

Isa? Dalwa? Tatlo? Ahhhh. Apat. Oo, Apat. Apat na taong gulang pa lamang ako noong ako ay
pansamantalang lisanin ng aking ama upang mangibang bansa para bigyan kami ng magandang buhay.
Lima? Anim? Pito? Walo? Ayy hinde, Labing Walo. Labing walong taong gulang na ko nang makita kong
muli ang aking ama. Ibig sabihin, May Labing Apat na taon na ang nakalilipas mula ng tiisin nya lahat ng
hirap, lungkot at gutom para lamang kami ay makaraos sa kahirapan. At ako, bilang isang musmos pa
lamang noong siya ay lumisan ng panandalian ay hindi ko naiintindihan. Hindi ko lubos maintindihan,
kung bakit? Bakit kelangan pa nyang umalis? Eh maglalaro pa kami? Ihahatid pa niya ako sa aking unang
araw sa eskwela? Hindi pa namin tapos yung kulungan ng aming alaga. Hindi pa kame tuong nakakapag-
bonding kumbaga. Masaya naman ako. Masaya sa tuwing may masarap na nakahain sa aming lamesita.
Masaya kapag may nakikitang cargo na ang ama ang nagpadala. Masaya kapag may laruang kotseng de
remote pa. Di ko man lang naisip. Yung sakripisyo nya sa ibang bansa. Kung pano nya tipidin yung
kapiranggot na sahod para samin ay may maipadala. Mga tsokolateng, tuwing disyembre kami ay
nagsasawa. Mga imported na gamit na amin man lang matamasa. Nakikita ko si ina, umiiyak sa pag-
aalala. Sa Gitnang Silangan ka naman ba mapunta. Kung san talamak ang gyera. Malayo ka pa sakanya,
Apaw-Apaw na kaba ang naidudulot mo kay ina, sa tuwing sa pagsapit nang alas tres ng hapon tawag mo
ay wala pa.

Ngayong labing walong taong gulang na ako. Nakikita ko na. Nakikita ko na ng malinaw ang
mundong ating ginagalawan. Bakit mo pa kinakailangang lumisan? Madami naman dito sa pilipinas na
nagaantay na oportunidad. Kahit naman mahirap at matagal ang pagasenso. Pero diba, atleast umuusad
kahit papaano? Ating pagtutulungan. Kahit Mahirap, basta tayo’y sama-samang nangangarap.

Ngayong labing walong taong gulang na ako. Naiintindihan ko na. Naiintindihan ko na na umalis
ka para samin ng iyong mag-iina. Pero bakit hindi pa din ako masaya? Para kasing may kulang. Kulang
yung Saya. Kasi hindi ka kasama. Hindi buo ang pamilya. Tapos malalaman kong, Aalis ka pa. Pwede bang
dito ka na lang muna? Hindi kasi talaga matatawag na pamilya kapag kulang ng isa. Kapag hindi kasama
ang Ama. Oo, Masarap ang buhay pag may pera. Pero diba? Walang mas tanging yaman kundi ang
pamilya?

You might also like