You are on page 1of 2

PAKSA: Magandang Kaugaliang Filipino: Isabuhay at Pagyamanin Tungo sa Matiwasay

at Maunlad na Kinabukasan.

Hindi Lahat ng Pilipino ay Pilipino

Ni: Cherry Fernando

Narinig mo na ba ang katagang “Pilipino ka bang talaga?” dahil ako ay oo, minsan ko itong narinig
nang makita ko ang Pilipinong hindi Pilipino.
Hindi ito isang katha para ipaglaban ang pagiging mamamayan ng isang Pilipino sa kanyang bansa
dahil ito ay isang katha para ipaalala na ang pagiging Pilipino ay hindi lamang nananalaytay sa
papel at dugo mo dahil ang pagiging Pilipino ay maroon ding kaakibat na kaugalian na dapat mong
patunayan na ito ay isinasabuhay ng iyong buong pagkatao.
Isa-isahin natin ang magagandang kaugalian ng mga Pilipino upang maalala mo na dapat mong
ipasa sa susunod na henerasyon ang mga ito upang maging tanikala ng maunlad na buhay para sa
kinabukasan ng henerasyon na nag-aabang sa’yo.
Una, Bayanihan ay aking unang nasaksihan noong ako ay nasa murang edad sa aming
kabundukan, tulong-tulong, sama-sama kahit hindi magkakakilala ay sabay-sabay na nagpapalitan
ng pawis at hiyawan na may bakas ng saya kapalit ng ilang boteng tuba. Sa aking edad ngayon,
bayanihan ay naging mailap na, ngunit hindi ibig sabihin na ito ay wala na. Ito ay inyong tatandaan
na ang Bayanihan ay hindi simbolo ng kahirapan sa isang bayan, ito ay kaugalian ng isang buong
pusong Pilipno na ninanais na maglingkod sa kanyang kapatiran.
Pangalawa, pagiging palakaibigan kahit sa estrangherong nadaanan sa kalsada na ngingitian kahit
hindi naman talaga kakilala. Ito ay nagpapatunay na ang Pilipino ay totoong masayang kasama
kahit saan mo pa ipunta.
Pangatlo, kasipagan. Ang parteng ito ay alay ko hindi lamang sa mga magulang o mangagawang
Pilipino sa loob at labas ng bansa, ang parteng ito ay alay ko rin para sa mga kapwa ko mag-aaral
na kahit pagod, kasipagan ay patuloy na nagunguna, kahit na gusto ng sumuko ang katagang
“kaya mo yan” ang patuloy na nagpapaala na kailangang magpatuloy para sa kinabukasan ng
pamilyang mayroon tayo sa kasalukuyan, at ang pamilya na nag-aabang sa hinaharap. Kasipagan
na simbolo ng pait ng dugo, pawis, at luha ng bawat isa ngayon na bukas ay mapapalitan ng
matamis na kaunlaran.
Ang panghuli ay pagmamahal, lahat tayo ay kailangan nito, ngunit nakita mo na ba kung paano
magmahal ang isang Pilipino? Ang pagmamahal na ito ay hindi lang tumutukoy sa “Babe, miss na
miss na kita.” Ito ay tumutukoy sa “Kumusta ka na, ayos ka lang ba?’ na maaaring tanong ng isang
ina sa kanyang anak, guro sa kanyang estudyante, o di kaya tanong ng isang kaibigan sa pagod
niyang kaklase. Pagmamahal at aruga ang nananalaytay sa isang Pilipino na matapat sa kanyang
kapwa, maging kapamilya o kaibigan man ito para matulungan sila sa maayos na daloy ng buhay
at magpatuloy sa pamgarap na tila isang tala.
Kaibiga, sa bawat kaugalian na nabanggit ko, tanungin mo ang sarili kung Pilipino ka bang talaga?
Ikaw ba ay mayroon ng mga ito, o tulad ka rin nila walang pakealam bastra maayos lang na
nininirahan sa sariling bayan. Tandaan na ang magandang kaugaliang Pilipino ay dapat isabuhay
at pagyamanin para sa matiwasay at maunlad na kinabukasan. Tunay na ito ay mahirap dahil
hindi lahat ng Pilipino ay Pilipino, pero kung tayo ay magiging magtutulungan, tayo ay
magtatagumpay dahil tayo ay Pilipino.

You might also like