You are on page 1of 3

Brain Drain Ni: Mark Erwin Adriatico

1993 ako ipinanganak. pitong taon pagkatapos ang EDSA uprising. Taon ding ito nang nagkaroon ng malakingkrisis sa langis ang buong mundo. P40~50.00 ang palitan ng dolyar sa piso at 55 milyon na ang populasyon ng Pilipinas. Ito rin ang taong unang pumuntang Middle East ang tatay ko para magtrabaho.

Isang OFW ang Tatay. Isang skilled worker. Malaki ang pangangailangan ng bansang pupuntahan ni Tatay sa mga katulad niya. Sabi ngNanay mahirap daw ang buhay noong mga panahong iyon. Inabot na raw ang bansa ng economic depression na galing sa Europa at Amerika. Kaya minabuting Tatay na mag-abroad.

Anupa't dalawa ang pinag-aaral niya at may bago nanaman siyang bibig na pakakainin.Parating pinapaalala sa amin ng Nanay na "nagtiis kaming magkahiwalay ngtatay ninyo para magkaroon tayo ng maginhawang buhay." Palibhasa'y parehasgaling sa hirap, kaya siguro ganoon na lamang ang pananaw nila. Uuwi kada dalawang taon, tapos aalis na ulit pagkalipas ng dalawang buwan. Ganyan angpattern ng buhay ng tatay ko. Nang mahawi ang mga usok ng giyera umuwi na ang Tatay. Wala pang isang taon ay nakita ko nanaman ang aking sarili na nakasakay sa arkiladong dyip para ihatid angTatay sa Airport papuntang Middle East. Kailangang kumayod, kailangang kumita. Kung tutuusin maraming na-miss ang Tatay sa buhay naming magkakapatid, lalo na sa akin.. Wala din siya nang grumadweyt ako ng elementarya . Wala siya nang unaakong nakipagsuntukan sa kaklase ko nang inasar ako nito habang binibigay ko ang libreng plastic na singsing na galing sa cheese curls sa kaklasekong babae. Wala din siya para turuan akong magbasketbol tulad ng ginagawang mga kapitbahay ko sa kanilang anak.. Wala siya nang dumating akosa punto ng aking buhay, na siya ring kinakatakutan ng lahat ng katuladkong nagbibinata--ang

magpatuli. Wala rin siya para turuan akong maglanggas.. Wala siya nang una akong tumikim ng alakdahil binasted ako ng dinidigahan kong babae. Wala rin siya nang sumubok akong manigarilyo at itapon ito pagkatapos ng dalawang hithit pa lang. Walasiya, wala siya parati. Isa sa mga klase ko sa writing ang nagpasulat sa amin ng kahit ano tungkol sa aming mga tatay, samahan pa ng larawan kung maaari. Bigla tuloy akong nalito . Hindi ko alam kung anong tungkol sa Tatay ang isusulat ko. Ikuwento ko kaya na isang Overseas Contract Worker si Tatay. Isang bagongbayani. Nagaambag ng malaki sa ekonomiya ng Pilipinas. Sabihin ko kayang may larawan ng tatay kong may suot na hard hat na dilaw, construction bootsat may hawak na drill at kasama niyang nakangiti ang mga kapwa niyang Pilipino with matching background na disyerto. O kaya ang larawan nilang magkakababayan habang pinagdiriwang nila ang New Year at nag-iiyakan dahil tinutugtog and Lupang Hinirang. Ang drama no? Kuwento ko kaya kung paano hindi nagpabaya ang Tatay sa pagbibigay ngpangangailangan namin. Hindi kami sumasala sa pagkain, may magagandangdamit, maayos na tirahan at nakakapag-aral. Siya ay

naging isang goodprovider. Siguro isang malalim na buntong hiningang "Haaaaaay!" ang ibibigay sa akin ng mga kaklase ko. Gayahin ko kaya ang kuwento sa telebisyon na tipong galit na galit sa mundoang anak dahil hindi ito nabigyan ng sapat na atensyon dahil inuna ngkanilang tatay ang pinansyal nilang pangangailangan. Teka, hindi naman totoo yon eh! Napaka-unfair naman 'nun kay Tatay. Ikuwento ko na lang kaya ang isa sa mga magagandang alaala namin kay Tatay.Apat na taon ako noon. Malinaw na malinaw pa sa alaala ko ang pangyayari.Kadarating lamang ng Tatay pagkaraan ng dalawang taon. Nagkaroon ngsimpleng party sa bahay. Kainuman niya ang mga kumpare niya nang tumayosiya at binuhat ako mula sa kuna ko habang pinaglalaruan ko ang bagongmatchbox na pasalubong niya sa akin. Inutusan niya ako na ikuha siya ngbeer sa refrigerator. Pagkakuha ko ng beer ay kinandong niya ako at buongpagmamalaki na ibinida sa mga kumpare niya na natanggap na raw ako sa local na Day Care Center dahil abot na ng kanang

kamay ko ang aking kaliwang tenga kahit idaan pa sa ibabaw ng ulo ko at matatas na ako magsalita at madali raw akong matuto. Matagal din akong nanatili sa pagkakandong niya. Kung nagging maayos lang sana ang pagpapatakbo ng pilipinas wala na sigurong magagaya kay tatay.Ang pag-alis sa bansa ng mga talentadong mamayan ay tinatawag na brain drain. Ito ay ay isang phenomenon na naglulunsad sa mga mamamayan ng isang bansa upang mangibang bansa dahil mas maganda ang opportunidad sa bansang kanilang pupuntahan.. Kahit na may maganda itong impluwensya sa bansa, may negatibo rin naman itong naidudulot. Sapagkat nauubusan tayo ng mga professional na manggawa upang lalo pang mapaunlad ang bansa. Sa makatuwid bumababa ang produksyon ng isang bansa.

You might also like