You are on page 1of 4

Walang Natira by Gloc9 feat.

Sheng Belmonte Album: Talumpati (Chorus) napakaraming nurse dito sa amin ngunit bakit tila walang natira aahhh nagaabroad sila aahh gusto kong (yumaman5x) nagaabroad sila aahh gusto kong (yumaman5x) nagaabroad sila ahhh (first verse) yung bayang sinilangan ang pangalan ay pinas ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas nauubusan ng batas parang inamag na bigas lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas sila lamang ang nakikinabang pero tayo ang utas mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas para pumunta ng ibang bansa at doon magtamas ng kamay para lamang magkakalyo lang muli Ang pahingay iipunin para magamit paguwi dahil doon sa atin mahirap makuha buri mapahiran ng tsokolate ang matamis na ngiting anak na halos di nakilala ang ama o ina na wala sa tuwing kaarawan nila dadarating kaya ang araw na itoy magiiba kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na (chorus) napakaraming inhinyero dito sa amin ngunit bakit tila walang natira aahhh napakaraming karpintero dito sa amin ngunit bakit tila walang natira aahhh nagaabroad sila aahh gusto kong (yumaman5x) nagaabroad sila aahh gusto kong (yumaman5x) nagaabroad sila ahhh (second verse) mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan

ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan sasanlaan lahat ng kanilang pag-aari mababawi din naman yan ang sabi pagnayari ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano o barko kahit saan man papunta. basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso ang isa ay katumbas ng isang dakot ng mamiso ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino kung lilisanin ang pamilya ang amo na kahit na sino gugutumin sasaktan malalagay sa piligro uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo darating kaya ang araw na itoy magiiba kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na (chorus) napakaraming kasambahay dito sa amin ngunit bakit tila walang natira aahhh napakaraming labandera dito sa amin ngunit bakit tila walang natira aahhh nagaabroad sila aahh gusto kong (yumaman5x) nagaabroad sila aahh gusto kong (yumaman5x) nagaabroad sila ahhh (third verse) Subukan mong isipin kung gaano kabigat ang buhat ng maleta halos hindi mo na maangat ihahabilin ang anak para to sa kanila lalayo upang magalaga ng anak ng iba matapos lamang sa kolehiyo matutubos din ang relo bilhin mo na kung anong gustong laruan ni angelo matagal pa kontrato ko titiisin ko muna to basta ang mahalaga itoy para sa pamilya ko (chorus) napakaraming guro dito sa amin ngunit bakit tila walang natira aahhh napakaraming nurse dito sa amin ngunit bakit tila walang natira aahhh nagaabroad sila aahh gusto kong (yumaman5x) nagaabroad sila aahh gusto kong (yumaman5x)

napakaraming tama dito sa atin ngunit bakit tila walang natira aahh hindi na ito kasali itigil ma ang pagkanta aahh after ng Upuan isa na namang eye-opening na awitin mula kay gloc9 --- ang Walang Natira. kung ang upuan ay awiting tumutukoy sa mga pinunong pabaya, nagbubulag-bulagan, nagbibing-bingian, o pabaya sa kanyang nasasakop. ang awitin naman na ito "walang matira" ay tumutukoy sa napakalaking isyu ng bansa ----ang brain drain Brain Drain-Ang brain drain ay ang pag-alis ng mga propesyonal sa ating bansa upang mangibang-bayan at doon magtrabaho dahil na rin sa mas malaki ang kita doon kaysa dito. kaya ang resulta nauubusan tayo ng mga yamang tao na siyang pinakakailangan ng bansa para umunlad. nauubusan tayo ng lakas paggawa. kahit na masakit para sa mga ofws na lisanin ang bayang sinilangan, tinitiis nila ito para sa pagbabakasakaling umunlad sa ibang bansa, sa ngalan ng perang padala.

Ang nasa picture ay si Gloc9 karga ang batang literal na blind. ang nasa kaliwa naman ay ang tito ko na IT professional at balak na ring magabroad dahil sa liit ng kita dito sa bansa. marami sa atin, kaya pumasok sa kolehiyo at makapagaral ay para makapagtrabaho sa ibang bansa, magtratrabaho lang sa pinas para sa experience. (malungkot na katotohanan) naalala ko tuloy ang kwento tungkol sa magkaibang payo ng mga intsik at pinoy. "anak ikaw aral tapos negosyo tayo" ang payo ng intsik habang "anak, magaral ka para makakuha ka ng magandang trabaho" ang payo naman ng pinoy sa kanyang anak. saan nga ba makakakuha ng magandang trabaho, sa pilipinas? wala raw pagasa dito. tampok din sa awiting walang natira ang tungkol sa malungkot na katotohanang inutil ang DFA sa mga kaso ng pangaabuso sa mga pilipinong nagtratrabaho sa ibang bansa. no choice sila, maubuso, pahirapan, maipit sa gera sa bansang kinaroroonan nila o magutom!

maghikaos ang buo nilang pamilya. malungkot din ang katotohanang maraming umuuwing walang dalang balikbayan box, ang tanging dala lamang ay masamang karanasang dinanas ---ang iba pa nga ay inuwing nasa loob ng "kahong binili ng di-niya alam at ginamit ng di niya nalalaman". ano yon? ang sagot, kabaong ganoon pa man din, para sa pangarap na umangat sa buhay, makikipagsapalaran, bahala na, dahil sa panahon ngayon mahirap panindigan ang pangakong ganito sa bayan "Ang lahat ng pawis ko ay papatak lamang sa bayan ko"

You might also like