You are on page 1of 5

DALIRIG NATIONAL HIGH SCHOOL

Dalirig, Manolo Fortich, Bukidnon

OPLAN BARANGAY ESKWELA 2017


Filipino 8
Pangalan: ________________________________ Iskor:_______________________

Florante at Laura Buod ng bawat kabanata


Araling 1: Kay Selia
Kapag naaalaala ng makata ang nakaraan, iisang babae ang binabalikan niya sa gunita, si Celia lamang. Matamis
ang kanilang pag-iibigan at masaya sila habang namamasyal sa Ilog Beata at Hilom. Ngunt ngayoy di mapigilan ng
makata ang pagluha kapag naiisip na baka naagaw na ng iba ang pag-ibig ni Celia. Dahil sa kalungkutan, natutong
magsulat ng tula ang makata. Inihahandog niya ang tulang ito kay Celia, na ang sagisag ay M.A.R.
Aralin 2: Sa Babasa Nito
Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit. Ang kanyang akda ay parang bubot na prutas sa unang
tingin ngunit masarap kapag ninamnam. Hinihiling ng makata na huwag babaguhin ang kanyang berso at pakasuriin muna
ito bago pintasan. Kung may bahaging di malinawan, iminumungkahi niyang tumingin lamang ang mambabasa sa ibaba ng
pahina at may paliwanag doon. Ipinakiusap din niya na huwag babaguhina ng mga salita sapagkat sa halip na mapabuti ay
baka sumama pa ang akda.
Aralin 3: Pambungad na Tagpuan
Nagsisimula ang awit sa isang madilim at mapanglaw na gubat na di halos mapasok ng sikat ng araw. Madawag ang
gubat at maraming puno ng higera at sipres. Maraming hayop dito, tulad ng ahas, basilisko, hyena, tigre at leon. Sa isang
punong higera sa gitna ng gubat, naktali ang paa, kamay at leeg ng isang guwapong binata, na may makinis na balat at kulay
gintong buhok. Sayang walang mga nimpa sa gubat na makapagliligtas sa binata.
Aralin 4: Ang Reynong Albanya
Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari ang kasamaan sa kahariang Albanya. Bawal magsabi ng
totoo, may parusa itong kamatayan. Kagagawan ni Konde Adolfo ang lahat, sapagkat ibig nitong mapasakanya ang
kapangyarihan ni Haring Linseo at ang kayamanan ni Duke Briseo na ama ng nakagapos.
Aralin 5: Pighati ng Nagmamahal
Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng kalangitan ang poot nito at parusahan ang masasama. Alam
niyang lahat ng nangyayari ay sa ikabubuti ng lahat kayat nakahanda siyang magdusa. Ang tanging hiling niya ay sana,
maalaala siya ng minamahal na si Laura. Kung naiisip niyang iniiyakan ni Laura ang kanyang pagkamatay, para na rin
siyang nagkaroon ng buhay na walng hanggan. Ngunit ang labis na ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang hinalang baka
naagaw na ng kanyang karibal na si Adolfo ang pagmamahal ni Laura.
Aralin 6: Magandang Alaala
Larawan ng kalungkutan at pagseselos ang binatang nakagapos. Isinigaw niya sa buong kagubatan ang kanyang
sama ng loob dahil tila nalimot na siya ni Laura, ngayon pa namang kailangan niya ito. Noon, kapag patungo sa digmaan,
ang binata ay pinababaunan ni Laura ng luha at ng bandang may letrang L at mahahalagang bato. Pagkagaling sa labanan,
munting galos ng binata ay huhugasan agad ni Laura ng luha. At kung nalulungkot ang binata pinipilit siyang aliwin ni
Laura. Ibig ng binatang nakagapos na muling ipakita ni Laura ang dating pag-aalaala sa kanya. Ngunit natatakot ang lalaki
na baka naagaw na ni Adolfo so Laura. Kayat nasabi niyang pasasalamatan pa niya si Adolfo pahirapan man siya nang
husto, huwag lamang agawin si Laura. Lumuha ng lumuha ang lalaki hanggang sa siyay mapayukayok.
Aralin 7:Kapangyarihan ng Pag-ibig
Nagkataong dumating sa gubat ang isang mandirigma o gerero na sa pananamit ay masasabing isang Morong taga-
Persiya. Naupo ito sa lilim ng isang puno at lumuluhang naghimutok. Nagbanta siya na sino mang umagaw sa pagmamahal
ng babae ay papatayin niya, maliban sa kanyang ama. Naihimutok ng gererong Moro na sadyang napakalaki ng
kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit mag-aamay nag-aaway nang dahil sa pag-ibig.

1
Aralin 8: Duke Briseo: Amang Mapagmahal
Nang huminto sa paghihimutok ang gerero, nagulat pa ito sa sumalit na buntung hininga ng lalaking nakagapos.
Mooy ginugunita ng nakagapos ang amang mapagmahal na ipinapatay ni Adolfo. Pinaghiwa-hiwalay ang ulo, katawan at
mga kamay ng kanyang ama at walang nakapangahas na itoy ilibing. Ngunit hanggang sa huling sandali, tanging
kapakanan ng kaisa-isang anak ang nasa isip ng ama.
Aralin 9: Amang Di Dapat Pamarisan
Naalaala rin ng gerero ang sariling ama na kaiba sa ama ng lalaking nakagapos ay di nagpakita ng pagmamahal sa
anak minsan man. Ang lalong masakit, ang kanyang ama pa ang umagaw sa babaing kanyang pinakamamahal. Maagang
naulila sa ina ang gerero kayat di siya nakatikim ng pagmamahal ng magulang. Naputol ang iniisip ng gerero nang
marinig sa nakagapos na malibing man ito ay patuloy pa ring mamahalin si Laura.
Aralin 10: Panganib na nakaamba
Dalawang leon ang papalapit sa nakagapos ngunit parang naaawang napahinto ang mga ito sa harap ng lalaki. Sa
harap ng nagbabantang kamatayan sa pangil ng mga leon, nagpaalam ang binata sa bayang Albanya na pinaghandugan ng
kanyang paglilingkod at kay Laura. Sinabi ng binata na ang lalong ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang pangyayaring
haharapin niya ang kamatayan nang di angkin ang pag-ibig ni Laura.
Aralin 11: Ang Tagapagligtas
Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na daing. Kayat hinanap niya ang pinanggagalingan ng tinig. Pinagputol-
putol ng gerero ang mga dawag hanggang marating ang kinaroroonan ng nakagapos. Anyong sisilain na ng dalawang leon
ang binata na sa tindi ng hirap ay nawalan ng malay. Pinagtataga ng gerero ang dalawang leon hanggang sa mapatay.
Pagkatapos kinalagan nito at kinalong ang binata.
Aralin 12: Atas ng Langit
Nang matauhan ang binata, si Laura agad ang unang hinanap. Nagulat pa ito nang mamalayang nasa kandungan
siya, hindi ni Laura, kundi ng isang Moro. Ipinaliwanag ng gerero na di niya natiis na di tulungan ang binata, sapagkat
magkaiba man sila ng pananampalataya, nakaukit din sakanyang puso ang pagtulong sa kapwa, gaya ng iniuutos ng Langit
ng mga Kristiyano. Sa halip na magpasalamat, isinagot ng binata na higit pang ibig niyang mamatay sa laki ng hirap na
dinaranas. Sa narinig na ito, napasigaw ang gerero.
Aralin 13: Mga Mapagpalang Kamay
Walang kibuan ang dalawa hanggang sa lumubog ang araw. Dinala ng gerero ang binata sa isang isang malapad at
malinis na bato. Dito pinakain ng Moro ang binata na di nagtagal ay nakatulog sa kanyang kandungan. Magdamag na
binantayan ng gerero ang binata, na tuwing magigising ay naghihimutok. Nang magising kinaumagahan,
nakapagpanibagong lakas na ang binata. Itinanong ng Moro ang dahilan ng paghihirap ng loob nito.
Aralin 14: Bugtong na Anak
Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay. Siyay si Florante, nag-iisang anak ni Duke Briseo ng Albanya, at ni
Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya lumaki at nagkaisip. Ang kanyang amay tanungan o sanggunian ni Haring
Linseo at tumatayong pangalawang puno sa kaharian. Isang matapang na pinuno at mapagmahal na ama si Duke Briseo.
May ilang mahalagang pangyayari noong bata pa si Florante. Nang sanggol pay muntik na siyang madagit ng
isang buwitre ngunit nailigtas siya ng pinsang si Menalipo. Isang araw, isang ibong arkon ang biglang pumasok sa salas at
dinagit ang kanyang dyamanteng kupido sa dibdib. Nang siyay siyam na taon na, pinalili[pas niya ang maghapon sa
pamamasyal sa burol. Bata pay natuto na siyang mamana ng mga ibon at iba pang hayop. Naging mapagmahal siya sa
kalikasan.
Aralin 15: Laki sa Layaw
Lumaki sa galak si Florante. Ngunit ngayon niya naisip na di dapat palakhin sa layaw ang bata sapagkat sa mundong
itoy higit ang hirap kaysa sarap. Ang batang nasanay sa ginhawa ay maramdamin at di makatatagal sa hirap.
Alam ito ni Duke Briseo. Kayat tiniis nito ang luha ng asawa at masakit man sa loob na mawalay sa anak, ipinadla
siya ng ama sa Atenas upang doon mag-aral.
Aralin 16: Nahubdan ng Balatkayo

2
Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa Atenas upang mag-aral. Ang naging guro niya rito ay si
Antenor. Isa sa mga estudyante rito ay ang kababayang si Adolfo, na nang una ay nadama na si Florante na tila pakunwari
lamang ang kabaitan ni Adolfo. Anim na taon sa Atenas si Florante. Sa loob ng panahong ito, natuto siya ng pilosopiya,
astrolohiya at matematika.
Aralin 17: Nalulumbay na Puso
Nanguna si Florante sa katalinuhan at dinaig niya maging si Adolfo. Napabalita ang una sa buong Atenas. Dito na
lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo. Sa isang dulang ginampanan nina kapwa ni Florante, pinagtangkaan nitong
patayin ang huli. Salamat at nailigtas siya ng kaibigang si Menandro. Kinabukasan din, umuwi sa Albanya si Adolfo.
Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang isang taon pa. isang araw, tumanggap ng liham si Florante
mula sa ama. Sinasabi sa sulat na namatay ang kanyang ina. Nawalan ng malay si Florante sa tindi ng kalungkutan. Hindi
nakabawas sa kanyang kalungkutan ang tapat na pakikiramay ng guro at mga kamag-aral.
Aralin 18: Paalam, Bayan ng Atenas
Pagkaraan ng dalawang buwan ng matinding kalungkutan para kay Florante dumating ang ikalawang sulat ng
kanyang ama, kasama ang sasakyang sumundo sa kanya. Bago umalis pinagbilinan si Florante ng gurong si Antenor na
pakaingatan ng una si Adolfo sapagkat tiyak itong maghihiganti. Idinagdag pang huwag padadala si Florante sa magiliw na
pakikiharap. Pinayuhan siyang lihim na maghanda nang hindi nagpapahalata.
Pinayagan ni Antenor si Menandro na sumama kay Florante. Ang magkaibigan ay inihatid ng kanilang mga kamag-
aral hanggang sa daungan.
Aralin 19: Sa Bayan ng Crotona
Di nagtagal nakarating sa Albanya ang magkaibigan. Pagkakita sa ama, napaluha si Florante nang muling manariwa
ang sakit ng loob sa pagkamatay ng ina. Noon dumating ang sugo ni Haring Linseo, dala ang sulat ng Hari ng Crotona na
humihingi ng tulong sapagkat nilusob ang Krotona ni Heneral Osmalik ng Persiya. Pangalawa ito ng bantog na si Prinsipe
Aladin na hinahangaan ni Florante at ayon sa balitay kilabot sa buong mundo. Sa narinig, napangiti ang Moro at
nagsabing bihirang magkatotoo ang mga balita at karaniwang may dagdag na.
Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-ama. Doon masakit man sa loob, pumayag din ang ama ni Florante nang
itoy hirangin ng hari na heneral ng hukbo.
Aralin 20: Kagandahang Walang Kawangis
Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura, isang dalagang kaagaw ni Venus sa kagandahan, isang
kagandahang mahirap isiping makapagtataksil.
Sa harap ng kagandahan ni Laura, laging nagkakamali ng sasabihin si Florante sapagkat natatakot siyang baka di
maging marapat sa dalaga.
Aralin 21: Pangarap na Pagibig
Tatlong araw ang piging ng hari para kay Florante. Sa loob ng panahong ito ay di man lamang nakausap ni Florante
nang sarilinan si Laura. Sa kabutihang-palad, isang araw bago umalis sina Florante upang makidigma, nakausap nito ang
dalaga at pinagtapatan ng pag-ibig. Hindi sumagot ng oo ang dalaga ngunit lumuha siya nang umalis si Florante
patungong digmaan.
Aralin 22: Tagumpay at Pighati
Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang kalungkutang bunga ng pagkawalay sa minamahal.
Pagdating sa digmaan, naabutan ng hukbo nina Florante na halos mawasak na ang kaaway ang kuta ng Krotona. Ngunit
magiting na nagtanggol si Florante at ang kanyang mga kawal hanggang sa hamunin ni Osmalik si Florante na silang
dalawa ang magharap. Limang oras silang naglaban hanggang sa mapatay ni Florante si Osmalik. Ipinagbunyi ng taong-
bayan si Florante lalo nang malamang itoy apo ng hari ng Krotona. Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang kagalakan
nang magkita ang maglolo. Muling nanariwa ang kirot ng pagkamatay ng ina ni Florante. Dito naisip ni Florante na walang
lubos na ligaya sa mundo.
Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik sa Albanya si Florante upang makita si Laura.
Ngunit nang malapit na at natatanaw na ang moog ng Albanya, biglang kinutuban si Florante.
Aralin 23: Pag-ibig na Pilit

3
Hindi nagkamali ang kutob ni Florante. Nakawagayway sa Albanya ang bandilang Moro. Pinatigil muna ni Florante
ang kanyang hukbo sa paanan ng bundok. Mula roon natanaw nilang tila pupugutan ng ulo ang isang babae. Dali-daling
lumusob sina Florante at ginapi ang mga Moro. Naligtas ang babae na walng iba kundi si Laura. Papupugutan ng ulo ang
dalaga sapagkat tinanggihan nito ang pag-ibig ng emir at itoy sinampal pa. noon binigkas ni Laura ang sintang
Florante.
Pinawalan ni Florante ang hari, ang kaniyang ama at ang iba pang bilanggong kinabibilangan ni Adolfo. Lalong
nainggit si Adolfo kay Florante hindi lamang dahil sa papuring tinanggap kundi dahil nakamit pa niya ang pag-ibig ni
Laura. Dahil dito, muling nagbalak si Adolfo na ipahamak si Florante.
Aralin 24: Patibong ng Taksil
Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang hukbo ng Turkiya sa pamumuno ni Miramolin. Ngunit tinalo si Florante si
Miramolin. Naging sunod-sunod ang tagumpay ni Florante hanggang sa umabot sa 17 ang mga haring nagsigalang sa
kanya.
Isang araw, nasa Etolya si Florante at ang kanyang hukbo nang dumating ang sulat ng hari na nagpapauwi sa kanya.
Iniwan niya ang hukbo kay Menandro. Ngunit pagdating sa Albanya, nilusob siya ng 30,000 sandatahan at noon di y
ibinilanggo. Noon niya nalamang ipinapatay ni Adolfo si Haring Linseo at ang kanyang amang si Duke Briseo. Si Laura
namay nakatakdang ikasal kay Adolfo. Labingwalong araw na ipiniit si Florante. Pagkaraan, itinali siya sa gubat na
kinatagpuan sa kanya ng gererong Moro.
Aralin 25: Ang Hinagpis ng Gerero
Nang matapos magsalaysay si Florante, nagpakilala ang Moro. Siya si Aladin mula sa Persiya na anak ni Sultan Ali-
Adab. Sinabi ni Aladin na yamang kapwa sila sawi ni Florante, mamuhay na silang magkasama sa gubat. Noon isinalaysay
ni Aladin ang kanyang pinagdaanang buhay. Ikinuwento niya ang pakana ng sarili niyang ama upang maagaw sa kanya si
Flerida. Ipinapakulong siya nito sa bintang na iniwan niya ang hukbo sa Albanya kahit wala pang utos ng sultan. At nang
mabawi ni Florante ang Albanya, hinatulang pugutan ng ulosi Aladin. Pinatawad siya sa kondisyong aalis siya sa Persiya
noon din. Bagamat nakaligtas sa kamatayan, higit pang ibig ni Aladin na mamatay kaysa maagaw ng iba ang pagmamahal
ni Flerida.
Aralin 26: Mga Tinig ng Pag-ibig
Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang marinig ang dalawang babaing nag-uusap. Ayon sa isa, nang malaman niyang
papupugutan ng ulo ang kanyang minamahal, nagmakaawa siya sa sultan. Pumayag ang sultan na patawarin ang nobyo ng
babae, kung papayag itong pakasal sa sultan. Walang nagawa ang babae kundi ang sumang-ayon. Ngunit nakaalis ang
kanyang nobyo nang di sila nagkausap. Nang gayak na ang kanilang kasal tumakas ang babae na nakadamit-gerero. Ilang
taon siyang naglagalag sa mga bundok at gubat hanggang sa mailigtas niya ang kausap.
Noon biglang sumulpot sina Florante at Aladin. Sa di inaasahang pagtatagpong iyon, di masusukat ang kaligayahan
ng apat na tauhan.
Aralin 27: Sa Bingit ng Kamatayan
Si Laura naman ang nagsalaysay. Ayon sa kanya, napapaniwala ni Adolfo na gugutumin ng hari ang taong-bayan
kayat nagkagulo ang mga ito. Kasunod ng pagkakagulo, ipinapatay ni Adolfo ang hari at ang matatapat na alagad nito.
Inagaw ni Adolfo ang pagkahari at pinilit si Laurang pakasal sa kanya. Hindi nagpapahalata ng tunay na niloloob, pumayag
si Laura ngunit humingi ng limang buwang palugit upang magkapanahong mapauwi si Florante. Sa kasamaang-palad,
nahulog si Florante sa pakana ni Adolfo at naipatapon. Handa nang magpakamatay si Laura nang dumating si Menandro na
siyang nakatanggap ng sulat ni Laura kay Florante. Tumakas si Adolfo, tangay si Laura na pinagtangkaang abusuhin sa
gubat na iyon. Siya namang pagdating ni Flerida. Pinana nito si Adolfo na namatay noon din.
Aralin 28: Masayang Wakas
Matapos ang pagkukuwento ni Laura, dumating si Menandro na may kasamang hukbo. Laking tuwa nito nang
makita ang kaibigang si Florante. Ipinagbunyi ng hukbo ang bagong hari na si Florante. Ipinagsama nina Florante sa
Albanya sina Aladin at Flerida na kapwa pumayag na maging Kristiyano. Nakasal sina Florante at Laura at sina Aladin at
Flerida. Umuwi sa Persiya sina Aladin at Flerida nang mamatay si Sultan Ali-Adab. Nagpasalamat sa Diyos ang mga
mamamayang nasisiyahan sa pamumuno nina Florante at Laura.

4
Narito ang iyong pasulit. Basahin at unawain lamang ang mga katanungan upang masagot ito ng tama. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.

________1. Sino ang pangunahing tauhan ng Florante at Laura?


A. Menandro B. Duke Briseo C. Florante D. Laura
________2. Sino ang minamahal ni Florante na inagaw ni Konde Adolfo?
A. Laura B. Prinsesa Floresca C. Flerida D. Venus
_______3. Sino ang mga magulang niFlorante?
A. Duke Briseo at Prinsesa Floresca C. Sultan Ali-Adab at Flerida
B. Haring Linseo at Flerida D. Konde Sileno at Venus
_______4. Saan nag-aaral si Florante na kung saan naging guo niya si Antenor?
A. Atenas B. Albanya C. Krotona D. Persiya
_______5. Sino ang gererong tumulong kay Florante nang ito ay nakatali sa puno ng higera sa gubat?
A. Adolfo B. Aladin C. Manalipo D. Menandro
_______6. Sino ang babaeng pupugutan sana ng ulo sa Albanaya dahil ayaw pakasal kay Adolfo?
A. Flerida B. Prinsesa Floresca C. Laura D. Wala sa nabanggit
_______7. Sino ang Heneral ng Persiya na lumusob sa kaharian ng Krotona?
A. Sultan Ali-Adab B. Aladin C. Gerero D. Osmalik
_______8. Ano ang ibig sabihin ng gerero?
A. Mapagmahal B. Kaaway C. Taksil D. Mandirigma
_______9. Sino ang nakapatay kay Flerida sa gubat habang tangan-tangan nito si Laura?
A. Laura B. Moro C. Flerida D. Florante
______10. Sino ang ama ni Aladin na nang-agaw sa kanya ng pagmamahal kay Flerida?
A. Sulatan Ali-Adab B. Menalipo C. Heneral Osmalik D. Haring Linseo

You might also like