You are on page 1of 8

PAG-OORGANISA NG PUL0NG (ORGANIZING THE MEETING)

Ang pag-oorganisa ng pulong ay mahalaga upang ito ay maging epektibo at mabisa. Ang apat (4) na elemento ng isang
organisadong pulong.

1. PAGPAPLANO (PLANNING)
Mga tanong na dapat masagot
kapag nagpaplano ng isang
pulong:
* Ano ba ang dapat makuha o
maaabot ng grupo pagkatapos ng
pulong?
* Ano ang magiging epekto sa
grupo kapag hindi nagpulong?
Kung kinakailangang magpulong,
linawin ang layunin ng pulong: ito
ba ay pagbibigay lamang ng impormasyon? May mga kailangan bang pagpasyahan? Mahalaga ito upang malinaw kung sino
ang dapat na iimbitahan sa pulong.

1. MAGKAROON NG MALINAW NA LAYUNIN, KONG BAKIT DAPAT MAY PAGPUPULONG:


* Pagpaplano para sa organisasyon (Planning)
* Pagbibigay impormasyon (may mga dapat ipaalam sa mga kasapi)
* Konsultasyon (may dapat isangguni na hindi kayang sagutin ng ilang membro lamang)
* Paglutas ng problema (may suliranin na dapat magkaisa ang lahat)
* Pagtatasa (evaluation, sa mga nakaraang gawain o proyekto)

2. PAGHAHANDA (ARRANGING)
Sa imbitasyon (by letter, text o verbal), kailangang sabihan ang mga taong dapat dumalo sa pulong: kung kalian (petsa at
oras), saan (lugar ng pulong), at ano ang agenda (mga bagay na pag-uusapan) na tatalakayin. Ang paghahanda ay
nakadepende rin sa mga particular na tungkulin ng mga tao sa pulong.
* Chairman/President (presiding officer) kailangang alam nya ang agenda, kung paano patatakbuhin ang pulong, at
alam kung paano hahawakan ang mga mahihirap at kontrobersyal na mga isyu.
* Secretary (Kalihim) kailangan niyang ihanda ang katitikan (minutes of the meeting) o talaan noong nakaraang pulong
at iba pang mga ulat at kasulatan ng organisasyon.
* Mga kasapi sa pulong (members) kailangang pag-aralan nila ang agenda o mga bagay na pag-uusapan para aktibo ang
kanilang pakikilahok.

SA IMBITASYON DAPAT IPAALAM AT ISULAT ANG MGA PAG-UUSAPAN/TATALAKAYIN


(Agenda of the Meeting)
Pagbubukas ng pulong (date, day, time, and place of meeting)
Pagbasa at pagsang-ayon sa katitikan ng nakaraang pulong(reading the minutes of the previous meeting)
Pagtatalakay ng ibang paksa na may kinalaman na nakaraang pulong.(pending matters)
Pinakamahalagang pag-uusapan (business of the day)
Ibang paksa (other matters)
Pagtatapos ng pulong (adjournment)

MAGHANDA SA PULONG
Ihanda ang lugal, (mesa. Upuan, pagkain kong kinakailangan, palikuran, kasiguruhan o security at iba pa)
ang mga gagamitin (pisara o blackboard, chalk or pentel pen at iba pa)
pag-aralan (research) ang mga topic na tatalakayin, kong kinakailangan magtalataga (assign) ng taong mas higit na
nakakaalam sa usapin.

3. PAGPOPROSESO (PROCESSING)
Ang pulong ay dapat mayroong mga rules, procedures o standing orders kung paano ito patatakbuhin. Sa pangkalahatan,
pareho naman ang mga prinsipyo ng mga patakarang (rules) ginagamit ng union, nagkakaiba lang sa mga detalye.
Ang ilang mahahalagang patakaran (rules) ng pulong at ang tungkol sa mga dumalo (attendance) at pagsasagawa ng
desisyon.
* Quorum ito ang bilang ng mga kasapi ng kasama sa pulong na dapat dumalo para maging opisyal ang pulong.
Madalas ito ay 50% + 1 ng bilang ng mga inaasahang dadalo sa pulong.
* Consensus isang proseso ng pagdedesisyon ng kung saan kinukuha ang nagkakaisang desisyon ng lahat ng mga
kasapi sa pulong.
* Simpleng mayorya isang proseso ng pagdedesisyon ng kung saan kinakailangan ang 50% + 1 (simple majority) ng
pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga nakadalo sa isang opisyal na pulong.
* 2/3 majority isang proseso ng pagdedesisyon na kung saan kinakailangan ang 2/3 o 66% ng pagsang-ayon o hindi
pagsang-ayon ng mga dumalo sa isang opisyal na pulong.

MAGSIMULA AT MAGTAPOS SA TAKDANG ORAS


* Simulan ang pagpupulong sa itinakdang panahon o oras.
* Sikaping matapos ang pagpupulong sa itinakdang oras, alalahanin, ang ibang kasapi ay may iba pang nakatatakdang
gagawin.

4. PAGTATALA (RECORDING)
Ang tala ng pulong ay tinatawag na katitikan (minutes) ito ay mahalaga dahil ito ang opisyal na record ng mga
desisyon at pinag-uusapan sa pulong. Maaari itong balikan ng organisasyon kung may kinakailangang linawin sa mga
nakaraang pag-uusap. Dapat hindi lang ang Kalihim ang magtatala, ang mga kasapi dapat nagtatala rin sila ng hindi nila
makalimutan ang pinag-usapan.

MAY MGA MAHAHALAGANG PAPEL SA PULONG


1. Pinuno (Chairperson) tinatawag ding facilitator tagpatnubay, o meeting leader. Sinisiguro niya na maayos ang
takbo ng pag-uusap at pagdedesisyon. Ang chairperson ay parang pulis-trapiko na siyang nagpapaandar o nagpapahinto ng
usapan sa pulong:

MGA PATRIKULAR NA GAWAIIN NG CHAIRPERSON


1) Nangunguna at nag-aambag sa usapan.
2) Kumukuha ng impormasyon at paglilinaw tungkol sa mga bagay na pinag-uusapan.
3) Nagbibigay ng karagdagang impormasyon, naglilinaw at nagpapatawa sa mga usapan.
4) Nag-aayos ng sistema ng pulong.
5) Namamagitan sa mga alitan o hindi pagkakaunawaan ng mga kasama sa pulong.
2. Secretary tinatawag ding recorder, minutes-taker, o tagatala. Responsibilidad niya ang sistematikong pagtatala ng mga
nagpag-uusapan at desisyon sa pulong. Tungkulin niya na ipaalala kung ano ang dapat pag-uusapan upang hindi mawala sa
direksyon ang grupo at upang maging tuloy-tuloy ang pag-uusap.
3. Mga kasapi sa Pulong (Members of the Meeting) sila ang mga aktibong miyembro o kalahok sa pulong.
Responsibilidad nila na ipaalala sa Chairperson at Secretary ang kanilang mga gawain. Maaari ding silang magbigay ng
mga mungkahi o panukala sa pamamaraan ng pulong. Sila ang nagbabahagi, nagpapaliwanag, nagtatanong, makatuwirang
pumumuna at gumagawa ng desisyon.

MGA DAPAT IWASAN SA PULONG


1. Malabong layunin sa pulong dapat malinaw ang layunin sa pulong, ang may ibat ibang paksa ang pinag-uusapan at
walang direksyon ang pulong ay nakawawalang gana sa mga kasapi.
2. Bara-bara na pulong walang sistema ang pulong. Ang lahat ay gustong magsalita kaya nagkakagulo, kaya dapat ang
house rules.
3. Pagtalakay sa napakaraming bagay hindi na nagiging epektibo ang pulong dahil sa dami ng agenda at pinag-uusapan.
Pagod na ang isip ng nagpupulong.
4. Pag-atake sa indibidwal may mga kasama sa pulong na mahilig umatake o pumuna sa pagkatao ng isang indibidwal.
Nagiging personal ang talakayan, kayat daihil dito nagkakasamaan ng loob ang mga tao sa pulong.
5. Pag-iwas sa problema posible sa isang pulong ay hindi ilabas ng mga kasama ang problema ng organisayon. Sa halip,
ang binabangit nila ay ibat iba at walang kabuluhang bagay para maiwasan ang tunay na problema.
6. Kawalan ng pagtitiwala sa isat isa walang ibubunga ang mga pulong na walang pagtitiwala at pagbubukas sa isat
isa, dito kinakailangan ang Iklas manalig ka sa Allah, palaging alalahanin ang kasabihan: may Makita kang isda sa dagat
na wala sa ilog, at may Makita ka na isda na wala naman sa dagat.
7. Masamang kapaligiran ng pulong masyadong maingay o magulo ang lugar ng pinagpupulungan kaya hindi
magkarinigan. Minsan naman ay napakainit ng lugar o maraming istorbo gaya ng mga usyoso na nanonood, nakikinig o
nakikisali, magkakalayo ang mga kinanalagyan ng mga kasamahan, dapat ang pinuno ay nakikita at naririnig ang lahat.
8. Hindi tamang oras ng pagpupulong ang miting ay hindi dapat natatapat sa alanganing oras tulad halimbawa ng
tanghaling tapat, sobrang gabi o sa oras ng trabaho ng mga manggagawa.

Iwasan o dapat hindi makadalo ang MGA KASAMANG NAKAKAGULO SA PULONG, sino sila? Kilalanin.
1. Mr Huli- papaano hindi tawaging Huli eh Parating Huli nahihinto ang takbo ng pag-uusap dahil kailangang
ipaliwanag at ulitin sa nahuling dumating kung anong nangyari o napag-usapan. (LAUGHING)
2. Mr Umali- si Maagang Umaalis umaalis kaagad kahit hindi pa tapos ang pulong. Kadalasan ay hindi siya
nakakasama sa pagdedesisyon sa huling bahagi ng pulong at siya pa minsan ang reklamador. (LAUGHING)
3. Mr Sira-Sirang Plaka paulit-ulit ang sinasabi dahil maaaring hindi nakikinig o talagang may kakulitan lang o
gumawa ng sariling papel o gustong palaging bida. Dahil dito, nauubos ang oras ng pulong.
4. Mrs Duda- Parating Nagdududa anumang tinatalakay sa pulong ay pinagdududahan o pinagsususpetsahan. Ang
tingin niya ay laging masama o negatibong balak ang grupo o ang ilang mga kasama. Walang tiwala sa kakayahan ng
kasamahan.
5. Mr Iling-Laging Umiiling-iling parang laging hindi tanggap ang sinasabi ng mga kasama sa grupo, na sa tuwing
sasabihin ang kasamahan ay pailing-iling na walang namang sinasabi.
6. Miss Gana-Walang Gana bagamat pisikal na nasa pulong, ang kanyang isip ay nasa ibang lugar at may ibang
ginagawa nagbabasa, nagdro-drowing, hikab ng hikab, natutulog, at iba pa, habang nagpupulong.
7. Mr Whisper-Bulungero nakakainis at nakakailang dahil kahit nagsasalita ang mga kasama sa grupo, bulong siya ng
bulong (pangiti-ngiti pa kung minsan) sa kanyang katabi. Para bang may intrigang sinasabi sa katabi niya.
8. Mr Apeng Daldal-Daldalero halos sa buong pulong, siya at siya na lamang ang nagsasalita. Kadalasan din siya ang
may pinakamalakas na boses, at madalas ay out of topic.
9. Miss Tsismosa nagdadala na kung anu-anong balita, tsismis at intriga na walang katuturan sa pulong. Dahil dito,
nauubos ang oras ng pulong sa kanyang mga kuwento.
10. Mr Henyo-Masyadong Marunong ayaw magpatalo kahit kanino. Ayaw din niyang makinig sa mungkahi ng iba dahil
akala niya siya ang palaging tama.
11. Mr Pal-Paalis alis habang nagpupulong, paalis-alis (pupunta ng comfort room, tatawag sa telepono o cellpon,
makikipagkwentuhan sa iba, at kong ano-ano pa ang pinag-aabalahan) pero pagbalik ang daming tanong.
12. Mr Tang-Tagasunod - taga-tango at nakikisanay sa lahat ng nangyayari sa pulong at walang sariling opinion, kundi
sama-sama lang sa mas maraming kasama.

Mr Chairman I moved for the adjournment of the Meeting..


I second the motion
Now ladies and gentlemen, there is a move for adjournment and duly seconded.. Meeting adjourn... Mr Chairman presiding
until next meeting.

Pag-aanunsyo
by: Romelyn Balagtas

Ang pag- aanunsyo ay isang pamamaraan


upang hikayatin ang mga konsyumer na
tangkilikin ang isang produkto o paglilingkod
gamit ang mga kilalang mga personalidad.
May apat na uri ang pag-aanunsyo:
Bandwagon, Testimonial, Brand Name at Fear.

Bandwagon
by: Alexia Balajadia

Sa pag- aanunsyong ito gumagamit ng


maraming tao para ipakita sa lahat na
maraming gumagamit ng nasabing produkto o
paglilingkod.

Layunin nito na
sumang- ayon o
makiisa ang
isang mamimili
sa desisyon ng
pangkat na
mamimili. Ang
pagsang-ayon ay
hindi isang
personal na
paniniwala,
Bagkus, ito ay
dahil sa takot na
hindi mapabilang
ang sariling
desisyon sa
popular choice. Halimbawa ng mga ekspresyon na ginagamit sa pag- aanunsyong ito ay ang "Are you the one of us?" at
"Join us now!"

Testimonial
by: Miscy Koline Bernardo

Sa pag-aanunsyong ito
gumagamit ng mga
kilalang personalidad na
nanghihikayat sa mga tao
na gumamit ng produktong
kanilang ginagamit.

Binabayaran ang mga kilalang tao tulad ng nga artista, pulitiko at sikat na manlalaro upang mag-endorso ng isang produkto.
Katulad na lamang nitong Fashion Show ng isang sikat na clothing brand na Bench. Dito nagsama-sama ang mga sikat na
personalidad upang iendorso ang kanilang mga produkto.

Brand Name
by: Kynah Michelle Cabrera

Sa pag- aanunsyong ito hindi na gumagamit ng


kahit na ano pang pakulo. Ang pinakikilala na
lang ay ang tatak ng produkto o paglilingkod.
Ang brand o tatak ng isang produktong kilala na o matagal ng pinagkakatiwalan ng mga mamimili ay matagal ng ginagamit
sa pag-aanunsyo dahil madali itong makaakit ng atensyon.
Fear
by: Kriselda Lacsina

Sa
pag-

aanunsyong ito, gumagamit ng kaunting pananakot sa hindi paggamit ng produkto o paglilingkod.

Ang produktong ito ay isa din halimbawa ng


produktong fear na kung saan ipinakikita dito
na kapag hindi gumamit ng ganitong uri ng
sabon, maraming germs ang maaari mong
makuha na magiging sanhi ng mga sakit.
Pag- unawa sa Binasa...

A. Tukuyin ang bawat detalye sa bawat bilang.


by: Romelyn Balagtas

1. Sa pag-aanunsyong ito gumagamit ng mga kilalang personalidad na nanghihikayat sa mga tao na gumamit ng
produktong kanilang ginagamit.

2. Isang halimbawa ito ng Fear kung saan ipinakikita rito na kapag hindi gumamit ng ganitong uri ng sabon
maraming germs ang maaari mong makuha.
S

3. Sa pag-aanunsyong ito, hindi na gumagamit ng kahit ano pang pakulo. Ang ipinapakilala lang ang produkto.

B N

4. Sa pag-aanunsyong ito, gumagamit ng maraming tao para ipakita sa lahat na maraming gumagamit sa
nasabing produkto.

B n

5. Sa pag-aanunsyong ito, gumagamit ng kaunting panakot sa hindi paggamit ng produkto.

B.Pagtapatin ang mga sumusunod:


by: Alexia Balajadia

Hanay A Hanay B
1. Sa pag- aanunsyong ito gumagamit a) Bandwagon
ng mga kilalang personalidad.
2. Sa pag- aanunsyong ito gumagamit b) Testimonial
ng kaunting pananakot.
3. Sa pag- aanunsyong ito hindi na gumagamit c) Brand Name
ng kahit ano pang pakulo.
4. Sa pag- aanunsyong ito gumagamit d) Fear
ng maraming tao.

C.Isulat kung anong uri ng pag- aanunsyo ang tinutukoy sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.
by: Miscy Koline Bernardo

a. Bandwagon
b. Testimonial
c. Brand Name
d. Fear

1. Talk n Text
2. Baygon
3. Avon
4. Safeguar
d
5. Globe
6. Bench
7. Giordano
8. Sun
Cellular
9. Palmoliv
e
10. Biogesic
D. Bumuo ng mga salitang may kaugnay sa
Ekonomiya.
by: Kynah Michelle Cabrera
1. S O NAY N G UAPA
2. OWAGAN D B N
3. AREF
4. SALTMTEIOI N
5. R DAE N MAB N

You might also like