You are on page 1of 15

Talambuhay ni Balagtas

Unang mga taon


Si Francisco Balagtas Baltazar ay ipinanganak noong Abril 02, 1788 sa Panginay, Bigaa
(ngayon ay Balagtas), Bulacan. Tinatawag rin siyang Kiko at Balagtas. Ang mga
magulang niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay
sina Felipe, Concha at Nicolasa. Sa gulang na 11, lumuwas ng Maynila,upang makahanap
ng trabaho at makapag-aral. Pumasok siya una sa paaralang parokyal sa Bigaa, kung saan
siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Naging katulong siya ni Donya Trinidad upang
makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nagaral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro niya si Padre Mariano
Pilapil.

Buhay bilang isang manunulat


Taong 1836 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria
Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga ang nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang
tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang awit Florante at Laura.
Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Kapule sa panliligaw kay Selya, isang taong
ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Selya,
ipinakulong siya ni Nanong Kapule para hindi na siya muling makita ni Selya. Habang
nasa kulungan siya, pinakasalan ni Nanong Kapule si Selya kahit walang pag-ibig na
nadarama si Selya para kay Nanong Kapule. Doon sa kulungan, isinulat niya
ang Florante at Laura sa papel ng De Arroz para kay Selya.

Trabaho at Pamilya
Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan. Nadestino at naging klerk sa hukuman si
Kiko noong 1840 sa Udyong, Bataan. Dito niya nakilala si Juana Tiambeng na kanyang
naging asawa. Nagpakasal sila noong 1842. Si Tiambeng ay 31 at si Balagtas naman ay
54. Sa kauna-unahang pagkakataon, ginamit niya ang Baltazar sa kanyang sertipiko ng
kasal. Doon, nagkaroon siya ng labing-isang anak kay Juana Tiambeng. Humawak din
siya ng mataas na tungkulin sa Bataan-tenyente mayor at juez de semantera.

Huling mga Araw


Nabilanggong muli si Kiko sa Balanga, Bataan dahil sa sumbong na pinutol niya ang
buhok ng katulong na babae ni Alferez Lucas. Nakalaya siya noong 1861. Ipinagpatuloy
niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit at korido nang siya ay lumaya. Bago
mamayapa, ibinilin niya sa kanyang asawa na "Huwag mong hahayaan na maging
makata ang alin man sa ating mga anak. Mabuti pang putulin mo ang mga daliri nila
kaysa gawin nilang bokasyon ang paggawa ng tula." Namayapa siya sa piling ng
kanyang asawa, Juana Tiambeng at ang mga anak noong Pebrero 20, 1862. Namatay siya
sa gulang na 74, dahil sa sakit na pulmonya at dahil narin sa kanyang katandaan.

Mga tauhan

Florante - tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni Duke Briseo


Laura - anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante
Aladdin / Aladin - anak ni Sultan Ali-Adab ng Persiya, isang moro na nagligtas at
tumulong kay Florante
Flerida - kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab
Haring Linseo - hari ng Albanya, ama ni Laura
Sultan Ali-Adab - sultan ng Persiya, ama ni Aladin
Prinsesa Floresca - ina ni Florante, prinsesa ng Krotona
Duke Briseo - ama ni Florante; Kapatid ni Haring Linceo
Adolfo - kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay
Florante
Konde Sileno - ama ni Adolfo
Menalipo - pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa
lamang mula sa isang buwitre
Menandro - matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor; nagligtas kay
Florante mula kay Adolfo.
Antenor - guro ni Florante sa Atenas
Emir - moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura
Heneral Osmalik - heneral ng Persiya na lumaban sa Crotona
Heneral Miramolin - heneral ng Turkiya
Heneral Abu Bakr- Heneral ng Persiya, nagbantay kay Flerida.

Florante at Laura Buod ng bawat


kabanata
Araling 1: Kay Selia
Kapag naaalaala ng makata ang nakaraan, iisang babae ang binabalikan niya sa
gunita, si Celia lamang. Matamis ang kanilang pag-iibigan at masaya sila habang
namamasyal sa Ilog Beata at Hilom. Ngunt ngayoy di mapigilan ng makata ang
pagluha kapag naiisip na baka naagaw na ng iba ang pag-ibig ni Celia. Dahil sa
kalungkutan, natutong magsulat ng tula ang makata. Inihahandog niya ang tulang ito kay
Celia, na ang sagisag ay M.A.R.
Aralin 2: Sa Babasa Nito
Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit. Ang kanyang akda
ay parang bubot na prutas sa unang tingin ngunit masarap kapag ninamnam. Hinihiling
ng makata na huwag babaguhin ang kanyang berso at pakasuriin muna ito bago pintasan.
Kung may bahaging di malinawan, iminumungkahi niyang tumingin lamang ang
mambabasa sa ibaba ng pahina at may paliwanag doon. Ipinakiusap din niya na huwag
babaguhina ng mga salita sapagkat sa halip na mapabuti ay baka sumama pa ang akda.
Aralin 3: Pambungad na Tagpuan
Nagsisimula ang awit sa isang madilim at mapanglaw na gubat na di halos
mapasok ng sikat ng araw. Madawag ang gubat at maraming puno ng higera at sipres.
Maraming hayop dito, tulad ng ahas, basilisko, hyena, tigre at leon. Sa isang punong
higera sa gitna ng gubat, naktali ang paa, kamay at leeg ng isang guwapong binata, na
may makinis na balat at kulay gintong buhok. Sayang walang mga nimpa sa gubat na
makapagliligtas sa binata.
Aralin 4: Ang Reynong Albanya
Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari ang kasamaan sa
kahariang Albanya. Bawal magsabi ng totoo, may parusa itong kamatayan. Kagagawan ni
Konde Adolfo ang lahat, sapagkat ibig nitong mapasakanya ang kapangyarihan ni Haring
Linseo at ang kayamanan ni Duke Briseo na ama ng nakagapos.

Aralin 5: Pighati ng Nagmamahal

Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng kalangitan ang poot nito at


parusahan ang masasama. Alam niyang lahat ng nangyayari ay sa ikabubuti ng lahat
kayat nakahanda siyang magdusa. Ang tanging hiling niya ay sana, maalaala siya ng
minamahal na si Laura. Kung naiisip niyang iniiyakan ni Laura ang kanyang pagkamatay,
para na rin siyang nagkaroon ng buhay na walng hanggan. Ngunit ang labis na
ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang hinalang baka naagaw na ng kanyang karibal na si
Adolfo ang pagmamahal ni Laura.
Aralin 6: Magandang Alaala
Larawan ng kalungkutan at pagseselos ang binatang nakagapos. Isinigaw niya sa
buong kagubatan ang kanyang sama ng loob dahil tila nalimot na siya ni Laura, ngayon
pa namang kailangan niya ito. Noon, kapag patungo sa digmaan, ang binata ay
pinababaunan ni Laura ng luha at ng bandang may letrang L at mahahalagang bato.
Pagkagaling sa labanan, munting galos ng binata ay huhugasan agad ni Laura ng luha. At
kung nalulungkot ang binata pinipilit siyang aliwin ni Laura. Ibig ng binatang nakagapos
na muling ipakita ni Laura ang dating pag-aalaala sa kanya. Ngunit natatakot ang lalaki
na baka naagaw na ni Adolfo so Laura. Kayat nasabi niyang pasasalamatan pa niya si
Adolfo pahirapan man siya nang husto, huwag lamang agawin si Laura. Lumuha ng
lumuha ang lalaki hanggang sa siyay mapayukayok.
Aralin 7:Kapangyarihan ng Pag-ibig
Nagkataong dumating sa gubat ang isang mandirigma o gerero na sa pananamit ay
masasabing isang Morong taga-Persiya. Naupo ito sa lilim ng isang puno at lumuluhang
naghimutok. Nagbanta siya na sino mang umagaw sa pagmamahal ng babae ay papatayin
niya, maliban sa kanyang ama. Naihimutok ng gererong Moro na sadyang napakalaki ng
kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit mag-aamay nag-aaway nang dahil sa pag-ibig.
Aralin 8: Duke Briseo: Amang Mapagmahal
Nang huminto sa paghihimutok ang gerero, nagulat pa ito sa sumalit na buntung
hininga ng lalaking nakagapos. Mooy ginugunita ng nakagapos ang amang
mapagmahal na ipinapatay ni Adolfo. Pinaghiwa-hiwalay ang ulo, katawan at mga kamay
ng kanyang ama at walang nakapangahas na itoy ilibing. Ngunit hanggang sa huling
sandali, tanging kapakanan ng kaisa-isang anak ang nasa isip ng ama.
Aralin 9: Amang Di Dapat Pamarisan
Naalaala rin ng gerero ang sariling ama na kaiba sa ama ng lalaking nakagapos ay
di nagpakita ng pagmamahal sa anak minsan man. Ang lalong masakit, ang kanyang ama
pa ang umagaw sa babaing kanyang pinakamamahal. Maagang naulila sa ina ang gerero
kayat di siya nakatikim ng pagmamahal ng magulang. Naputol ang iniisip ng gerero
nang marinig sa nakagapos na malibing man ito ay patuloy pa ring mamahalin si Laura.

Aralin 10: Panganib na nakaamba


Dalawang leon ang papalapit sa nakagapos ngunit parang naaawang napahinto
ang mga ito sa harap ng lalaki. Sa harap ng nagbabantang kamatayan sa pangil ng mga
leon, nagpaalam ang binata sa bayang Albanya na pinaghandugan ng kanyang
paglilingkod at kay Laura. Sinabi ng binata na ang lalong ipinaghihirap ng kanyang loob
ay ang pangyayaring haharapin niya ang kamatayan nang di angkin ang pag-ibig ni
Laura.
Aralin 11: Ang Tagapagligtas
Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na daing. Kayat hinanap niya ang
pinanggagalingan ng tinig. Pinagputol-putol ng gerero ang mga dawag hanggang
marating ang kinaroroonan ng nakagapos. Anyong sisilain na ng dalawang leon ang
binata na sa tindi ng hirap ay nawalan ng malay. Pinagtataga ng gerero ang dalawang leon
hanggang sa mapatay. Pagkatapos kinalagan nito at kinalong ang binata.
Aralin 12: Atas ng Langit
Nang matauhan ang binata, si Laura agad ang unang hinanap. Nagulat pa ito nang
mamalayang nasa kandungan siya, hindi ni Laura, kundi ng isang Moro. Ipinaliwanag ng
gerero na di niya natiis na di tulungan ang binata, sapagkat magkaiba man sila ng
pananampalataya, nakaukit din sakanyang puso ang pagtulong sa kapwa, gaya ng iniuutos
ng Langit ng mga Kristiyano. Sa halip na magpasalamat, isinagot ng binata na higit pang
ibig niyang mamatay sa laki ng hirap na dinaranas. Sa narinig na ito, napasigaw ang
gerero.
Aralin 13: Mga Mapagpalang Kamay
Walang kibuan ang dalawa hanggang sa lumubog ang araw. Dinala ng gerero ang
binata sa isang isang malapad at malinis na bato. Dito pinakain ng Moro ang binata na di
nagtagal ay nakatulog sa kanyang kandungan. Magdamag na binantayan ng gerero ang
binata, na tuwing magigising ay naghihimutok. Nang magising kinaumagahan,
nakapagpanibagong lakas na ang binata. Itinanong ng Moro ang dahilan ng paghihirap ng
loob nito.
Aralin 14: Bugtong na Anak
Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay. Siyay si Florante, nag-iisang anak ni
Duke Briseo ng Albanya, at ni Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya lumaki at
nagkaisip. Ang kanyang amay tanungan o sanggunian ni Haring Linseo at tumatayong
pangalawang puno sa kaharian. Isang matapang na pinuno at mapagmahal na ama si
Duke Briseo.
May ilang mahalagang pangyayari noong bata pa si Florante. Nang sanggol pay
muntik na siyang madagit ng isang buwitre ngunit nailigtas siya ng pinsang si Menalipo.

Isang araw, isang ibong arkon ang biglang pumasok sa salas at dinagit ang kanyang
dyamanteng kupido sa dibdib. Nang siyay siyam na taon na, pinalili[pas niya ang
maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pay natuto na siyang mamana ng mga ibon at
iba pang hayop. Naging mapagmahal siya sa kalikasan.

Kay Selya ni Francisco Baltazar Balagtas


Kung pagsaulan kong basahin sa isip
ang nangakaraang araw ng pag-ibig,
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib?
Yaong Selyang laging pinapanganiban,
baka makalimot sa pag-iibigan;

ang ikinalubog niring kapalaran


sa lubhang malalim na karalitaan.
Makaligtaan ko kayang 'di basahin,
nagdaang panahon ng suyuan namin?
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?
Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang natira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip.
Ngayong namamanglaw sa pangungulila,
ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho'y inaalaala,
sa iyong larawa'y ninitang ginhawa.
Sa larawang guhit ng sintang pinsel,
kusang inilimbag sa puso't panimdim
nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
at 'di mananakaw magpahanggang libing.
Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalaw
sa lansanga't ngayong iyong niyapakan;
sa Ilog Beata't Hilom na mababaw,
yaring aking puso'y laging lumiligaw.
'di mamakailang mupo ng panimdim
sa puno ng manggang naraanan natin;
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta'y aking inaaliw.
Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik
sa buntung-hininga nang ika'y may sakit,
himutok ko noo'y inaaring-langit,
paraiso naman ang may tulong-silid.
Nililigawan ko ang iyong larawan
sa makating ilog na kinalagian;
binabakas ko rin sa masayang do'ngan,
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.
Nagbabalik mandi't parang hinahanap,
dito ang panahong masayang lumipas;
na kung maliligo'y sa tubig aagap,

nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.


Parang naririnig ang lagi mong wika:
"Tatlong araw na 'di nagtatanaw-tama,"
at sinasagot ko ng sabing may tuwa"Sa isang katao'y marami ang handa."
Anupa nga't walang 'di nasisiyasat
ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas;
sa kagugunita, luha'y lagaslas,
sabay ang taghoy kong "O, nasawing palad!"
Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?
Ang suyuan nami'y bakit 'di lumawig?
Nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluta't langit?
Bakit baga ngayong kami maghiwalay
ay dipa nakitil yaring abang buhay?
Kung gunitain ka'y aking kamatayan,
sa puso ko Selya'y, 'di ka mapaparam.
Itong 'di matiis na pagdaralita
nang dahil sa iyo, o nalayong tuwa,
ang siyang umakay na ako'y tumula,
awitin ang buhay ng isang naaba.
Selya'y talastas ko't malalim na umid,
mangmang ang Musa ko't malumbay na tinig;
'di kinabahagya kung hindi malait,
palaring dinggin mo ng tainga't isip.
Ito'y unang bukal ng bait kong kutad
na inihahandog sa mahal mong yapak;
tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.
Kung kasadlakan man ng pula't pag-ayop,
tubo ko'y dakila sa pahunang pagod;
kung binabasa mo'y isa mang himutok
ay alalahanin yaring naghahandog.
Masasayang Ninfas sa lawa ng Bai,
Sirenas, ang tinig ay kawili-wili,
kayo ngayo'y siyang pinipintakasi
ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.

Ahon sa dalata't pampang na nagligid,


tonohan ng lira yaring abang awit
na nagsasalitang buhay mo'y mapatid,
tapat na pagsinta'y hangad na lumawig.
Ikaw na bulaklak niring dilidili,
Selyang sagisag mo'y ang MAR
sa Birheng mag-ina'y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si FB

You might also like