You are on page 1of 2

LAXAMANA, Michaela M.

CBET 22-301E
RIZAL'S LIFE, WORKS, AND WRITINGS

Assignment 5

Instructions: Submit in MS word. Date of submission to be announced.

Pumili ng isang nobela ni Rizal na nais basahin at sagutan ang mga sumusunod na
katanungan:

Noli Me Tangere

1. Sa isang bahagi ng nobela ay makikitang nagdedebate sina Crisostomo Ibarra at Elias.


Ano ang dahilan ng pagkakaiba nila ng pananaw sa buhay? Anong pagbabago ang
gusto ni Ibarra? Bakit sa pananaw ni Elias ito ay walang kabuluhan?

Sagot: Ang dahilan ng pagkakaiba ng pananaw ng dalawa ay dahil sila ay


mayroong kanya-kanyang nakaraan at pinagdaanan sa buhay, simula pa lamang
sa buhay ng nuno/lolo ni Elias ay hindi na maganda ang naranasan nito, sa
kabilang banda si Crisostomo naman ay mayroon ding mga pinagdaanan kaya’t
sila ay magkaiba. Si Ibarra ay walang pagbabagong nais, nais niya lamang
manatili ang mga bagay sa kung ano ito ngunit si Elias ay hindi sang-ayon at nais
ng pagbabago tulad ng pagbabago sa pamamalakad ng mga guwardiya sibil at ng
mga pari pati na rin ang pagpapatupad ng katarungan, ito naman ay walang
kabuluhan para kay Ibarra dahil umano ay magdudulot ng mas malalang gawain at
mas makakasama para sa mga tao.

2. Ano ang pananaw ng mga taga-San Diego tungkol sa edukasyon? Bakit ayaw ni Padre
Damaso ng mga pagbabago sa bayan?

Sagot: Ang pananaw ng mga tao tungkol sa edukasyon sa San Diego ay ito ay
mahirap dahil walang sapat na lugar para sa paaralan kaya’t ang mga mag aaral
ay nakikisilong na lamang sa simbahan na isa sa mga dahilan kung bakit naging
mahirap ang pag aaral doon. Ang simbahan ay pinakikielaman ang mga guro kung
papaano ang wastong pagtuturo sa mga bata. Ayaw ng pagbabago ni Padre
Damaso sa bayan dahil kanyang napapakinabangan at siya ay may kapangyarihan
sa kung ano ang may roon ang bayan at ito ay mababawasan o mawawala kapag
nagkaroon ng pagbabago.

3. Ano ang payo ni Tasio kay Ibarra? Ano ang pagkakakilanlan sa kanya sa San Diego at
bakit mahalaga ang kanyang pananaw sa kabuuan ng nobela?

Sagot: Sa parteng ito ng nobela naghihingi ng payo si Ibarra kay Tasio tungkol sa
kanyang plano na pagtatayo ng paaralan, ang payong binigay ni Tasio sakanya ay
sumangguni sa Kura, sa Kapitan ng bayan at sa lahat ng mamamayan. At sundin
kunwari ang mga payong ito at ipakita na kanyang ginagawa ang mga inaakala ng
mga ito, dahil kung ito’y kanyang susundin ang kanyan plano ay hindi magiging
maayos at matagumpay. Ang pagkakakilanlan kay Tasio sa San Diego ay isang
baliw at kilala sa palayaw na Pilosopo Tasio. Ang pananaw na mayroon ang
matanda ay mahalaga sa nobelang ito dahil siya ang maalam sa mga nangyayri sa
kanyang paligid at animo’y alam ang kilos ng mga kastila at alam na ang mga
posibleng mangyari sa hinaharap.

4. Ipaliwanag ang pagtataksil ni Maria Clara kay Ibarra at papaano ito humantong sa
kanyang kapahamakan.

Sagot: Ang pagtataksil ni Maria Clara kay Ibarra ay ang kanyang muntikang
pagpapakasal kay Linares, ito ay masasabi nating pagtataksil dahil si Ibarra sa
panahong iyon ay nakabilanggo at walang alam na magpapakasal na ang dalaga.
Dahil hindi alam ni Maria Clara na ang nalunod ay si Elias at hindi si Ibarra siya ay
naipit sa dalawang desisyon; ang pagmomongha o kamatayan. Ang pagiging
mongha ang pinili ni Maria Clara, ayon sa kanyang tunay na ama na si Padre
Damaso mahirap at hindi maganda ang buhay sa loob ng simbahan kaya siya
nangangamba na magiging mahirap ito kay Maria Clara.

5. Ipaliwanag ang indulgencia. Ano ang kinalaman nito sa kayamanan? Paano nito
pinapakita ang karakter ng simbahan?

Sagot: Ayon sa simbahang katoliko ang indulgencia ay binibigay ng may sala sa


simbahan para sa kapatawaran ng Diyos, ito ay parang bayad sa iyong mga
kasalanan upang ikaw ay mapatawad at makapunta sa langit. Ito ay may
kinalaman sa kayamanan dahil ang mga taong mayayaman ay malaki o laging
nagbibigay sa simbahan para sa marami nilang kasalanan, akala nila na dahil sa
pagbibigay ay sila ay mapapawalang sala sa mata ng Diyos, ang indulgencia ay
nagbibigay ng malaking halaga sa simbahan. Ang pananahaw rito ay kung malaki
ang iyong binibigay sa simbahan ay mas malaki ang tiyansa na ikaw ay mapunta
sa langit, kung ikaw ay mayaman ikaw ay malakas sa langit. Sa nobelang ito
makikita natin ang kapangyarihan ng simbahan, ito ay higit na makapangyarihan
sa pamahalaan dahil sila ay higit na pinaniniwalaan ng mga tao. Dahil sa
kapangyarihang mayroon ang simbahan kanilang pianhihiwatig na sila ay malapit
sa Diyos kaya’t ang mga tao ay takot sakanila.

You might also like