You are on page 1of 4

NOLI ME TANGERE:

Kabanata 19-24

1. Ano ang nararamdaman mo kung sakaling ikaw ay taga-SanDiego at nabalitaan mo ang mga paratang
at naganap kina Basilio at Crispin?

2. Sino ang palagiang nagpapatawag sa guro upang pagsabihan siya sa mga ibang pamamaraang pilit
nitong ginagawa sa paaralan? Padre Damaso

3. Kaninong plano ang nasunod para sa pagpapaplano sa pista ng San Diego? kura

4. Ilang oras nagtagal sa himpilan si Sisa? 2

5. Sino ang ayaw isama ni Maria Clara sa kanilang kasiyahan sa bukid? Padre Salve

6. Ano ang kinalaban ni Elias kung saan tinulungan din siya ni Ibarra upang matalo nito. buwaya

7. Ano ang adbokasiya ni Crisostomo Ibarra para sa mga taga-San Diego? Nais magpatayo ng paaralan
para magkaroon ng Edukasyon

8. Ano ang mga suliranin ng mga mag-aaral:


a. sira-sira ang mga damit, nahihiya
b. 200 nagregister - naging 25 na lang ang pumapasok dahil walang motibasyon mag-aral, hindi
nakikita ang kabuluhan ng edukasyon sa buhay
paano mahihikayat ang mga estudyante na mahihirap upang mag-aral

Mga suliranin ng guro:


a. walang sariling lugar (istorbo sa kura, iniinsulto ang guro)
b. ituro ang wikang Kastila
c. pagpapagaan sa pagtuturo, hindi ito komportable sa pamamalo sa mga bata
d. kailangan nya tanggapin (sahod at walang kapangyarihan), at ayaw biguin ang nanay niya kaya di
sya susuko

Ang guro ay nagbasa-basa at nakitang mali ang Sistema kaya nagsimula itong baguhin
Kura:
>> nangungutya sa guro dahil sa pagsasalita ng wikang Kastila
>> nais ibalik ang pamamalo (magulang at pari)

Walang nagawa ang guro kundi sumunod sa kura dahil ito ang nagpapasahod sa kanya at wala siyang
Kapangyarihan.
Natuwa siya ng pinalitan si Padre Damaso ng bagong kura na si Padre Salvi
Bagong Kura:
>> dapat ay relihiyon lang ang ituro at wala ng iba
>> dapat isaulo ang mga dasal

**** dito makikita ang control ng prayle sa edukasyon

“Pinatatawad ko ang bayan dahil sa kanyang kamangmangan at iginagalang ko ang pari dahil sa kanyang
tungkulin. Nais ko rin igalang ang relihiyong tagahubog ng mga tao para sa isang sibilisadong sosyadad.
Ibig kong maging inspirasyon ang aking ama na pinagkakautangan ko ng pagkatao. Kaya nais kong
malaman ang suliranin ng mga guro”
-Crisostomo Ibarra

Paano mo susuriin ang lipunang Pilipino noon batay sa ganitong Sistema ng edukasyon? May pag-unlad
ba sa kasalukuyan?

Kabanata 20 : Pulong ng Bayan

 Pista ng San Diego


 Partido Conservador (mga matatanda) at Partido Liberal (mga kabataan)
 Bagaman may pagkakaiba ng minumungkahi ay may pagkakaisa sa nais mangyari at yon ay ang
pagpapalabas ng mga kakaiba
 Ngunit ang gusto ng kura lagi ang nasusunod na dapat relihiyon ang ipakita tulad ng prusisyon
 Parang ang Kapitan ay isang tau-tauhang putik. Kahit nasa posisyon ay walang kapangyarihan

Makabuluhan pa ba ang isinagawang Pulong ng Bayan?

Kabanata 21 – Kuwento ng Isang Ina


 Tinawag at pinagbintangang “Ina ng mga Magnanakaw”
 Pinagbintangan ni Padre Salvi
 Pinalakad sa bayan, Nawala ang dignidad
 Patuloy pa rin naghahanap sa mga anak.
 Nakita ang punit na damit ni Basilio
 Nawala sa katinuan sapagkat napakabigat na ng kalagayan.
 Sino si Sisa, sino ang kura Padre Salvi

“Ginabi si Sisa sa ganoong kalagayan. Marahil ay nahabag ang langit kaya’t binayaan siyang makalimot”-
Rizal

Tanong:
Bakit kaya hirap si Sisang ipaglaban ang kanyang sarili?

Ang lipunan noon ay walang boses ang mga kababaihan. Hindi sya nakapag-aral kaya hindi nya alam
kung paano ipaglaban ang kanyang Karapatan.

Kung ikaw si Sisa, ano-ano ang maaari mong gawin upang maipaglaban ang iyong karapatan?
Reviewer

Tanong Sagot
1. Ama ni Crisostomo Ibarra Don Rafael Ibarra
2. Mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin Sisa
3. Pumalit kay Padre Damaso Padre Bernardo Salvi
4. Isang kurang Pransiskano at dating kura ng San Padre Damaso
Diego na nagpahukay sa bangkay ni Don Rafael
Ibarra at ipinalibing sa libingan ng mga Instsik.
Tunay na ama ni Maria Clara
5. Isang mayamang mangangalakal na Kapitan Tiago
pangalawang ama ni Maria Clara. Isang taong
mapagpangap at lagging masunurin sa
nakakataas ngunit sakim at walang
pinapanginoon kundi salapi
6. Kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Kumakatawan Maria Clara
sa isang uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at
nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina
ng relihiyon.
7. Siya ay isang piloto/bangkero at magsasakang Elias
tumulong kay Crisostomo Ibarra para makilala
ang kanyang bayan at gayundin ang mga suliranin
nito.
8. Siya ay isang iskolar na nagsisilbing tagapayo Pilosopo Tasyo
ng marurunong na mamamayan ng San Diego
9. Binatang nag-aral sa Europa na nangarap Crisostomo Ibarra
makapagtayo ng paaralan upang matiyak ang
magandang kinabukasan ng kabataan sa San
Diego. Siya rin ay kababata at kasintahan ni
Maria Clara
10.Nakatatandang anak ni Sisa na isang sacristan . Basilio
Sinasagisag niya ang mga walangmalay at
inosente sa lipunan
11.Hipag ni Kapitan Tiago na nag-alaga kay Maria Tiya Isabel
Clara simula ng siya ay sanggol pa lamang
12. Bunsong kapatid ni Basilio. Crispin
13. Siya ay puno ng mga guwardiya sibil na Alperes
mahigpit na kaagaw ng mga kura sa
kapangyarihan sa San Diego
14. Siya ay dating labandera malaswa kung Dona Consolacion
magsalita at naging asawa ng alperes
15. Isa sa mga naging kapitan sa bayan ng San Kapitan Basilio
Diego na naging kalaban ni Don Rafael sa isang
usapin sa lupa
16. Siya ay isang teniente mayor na kaibigan ni Don Filipo Lino
Piliosopo Tasyo. Nais magbitiw sa pwesto dahil sa
wala rin kapangyarihan.
17. Isang indio na kapatid ng tauhang namatay sa Lucas
pagbagsak sa kariya sa ipinapatatayon gusali ng
paaral ni Crisostomo Ibarra
18. Binatang napili ni Padre Damaso na maging Alfonso Linares
asawa ni Maria Clara
19. Siya ang ina ni Maria Clara Dona Pia Alba delos Santos
20. Isang matapat na kaibigan ni Don Rafael Tenyente Guevarra
Ibarra. Nagkuwento kay Crisostomo ng tunay na
sinapit ng kanyang ama
21. Ang pinakamakapangyarihang opisyal at Kapitan Heneral
kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas
22. Ilang kabanata ang binubuo ng Noli Me 64
Tangere
23. Anong kahulugan ng Noli Me Tangere na Huwag mo ako salingin o “Touch me Not”
salitang lating
24. Anong nobela ang nagsilbing inspirasyon sa Uncle Toms Cabin
pagsulat ng Noli Me Tangere
25. Siya ang nagpahiram ng pera kay Rizal upang Maximo Viola
mapalimbag ang Noli Me Tangere
26. Sila ang makapangyarihan sa San Diego Kura at alperes
27.Isang Kristiyanong sumusuway at ayaw Erehe
sumampalataya sa ilang mga kautusang ipinag-
uutos ng Simbahang Katoliko Romano
28. Ang kalaban ng mga prayle o relihiyong Pilibustero
Katoliko Romano
29. Taong lumalaban sa umiiral na Sistema ng Subersibo
pamahalaan

Mga Sakit ng Lipunan

1. Ang patuloy na kawalan ng hustisyang panlipunan sa mga mahihirap.

2. Ang patuloy na kawalan ng lupang sarili ng mga Pilipino.

3. Ang kawalan ng edukasyon ng mga Indio.

4. Ang kawalan ng kapangyarihan ng mga Pilipino sa pamahalaan.

You might also like