You are on page 1of 12

Filipino 9

Ikaapat na Markahan – Modyul 3:


Mga Tauhan sa Noli Me Tangere

1
Aralin
Mga Tauhan
1 sa Noli Me Tangere
Ngayon, pagsikapan mong mapagtagumpayan ang mga panibagong gawaing
naghihintay sa iyo. Ito ay tungkol sa mga tauhan ng Noli Me Tangere at ang
kanilang mga katangian. Tulad sa isang kuwento, ang mga tauhan ay may
mahahalagang gampanin para sa ikagaganda nito. Bibigyan ka rin ng
pagkakataong magamit nang tama ang mga pang-uri sa pagbibigay-katangian.
Aalamin mo rin kung paano sumulat ng isang masining at makahulugang iskrip
ng monologo.

Tuklasin

Mahusay! Matapos mong maibahagi ang iyong mga natutuhan sa nakaraang


aralin, ngayon naman ay basahin at suriin mo ang isang halimbawa ng monologo
nang may wastong damdamin.
Monologo ko, basahin at suriin mo!

Pangungulila
Ni Judith Ann M. Garcia

Ako si Narcisa, kilala sa pangalang Sisa. Payak lamang ang pamumuhay ng


aking pamilya. Si Pedro ang aking asawa. Nakalulungkot isipin na siya ay isang
sugarol at iresponsableng padre de pamilya. Kahit ganoon siya, ni minsan ‘di ko
naisip na humiwalay sa kaniya sapagkat pinanghahawakan ko ang sumpaang sa
hirap at ginhawa, kami ay mag- sasama. Martir ba ako? Ano sa palagay mo?
Marahil ay isang malaking, oo, ang tugon mo pero masaya rin naman ako dahil
sa dalawa kong mababait at masisipag na anak. Sila ay sina Basilio at Crispin.
Ay, oo nga pala! Ngayon ang uwi nila mula sa simbahan. Nagtatrabaho kasi
sila roon bilang sakristan. Ayaw ko man dahil sa murang edad nila, ngunit wala
naman akong magagawa dahil kapos kami sa buhay.
Tiyak kong gutom na gutom ang mga iyon. Buti na lang may ibinigay si
Pilosopo Tasyo na mailuluto ko para sa kanila ngayong gabi. Sigurado akong
magugustuhan ni Crispin ito, paborito niya kasi ang tuyong tawilis at sariwang
kamatis at para naman kay Basilio ay ang tapang baboy-ramo at isang hita ng
2
patong bundok. Teka, nasaan na kaya ang mga iyon? Gabi na ah!
Biglang dumating ang aking asawa, mukhang gutom na gutom at mainit na
naman ang ulo. Hayst! Inubos niya ang pagkain at sinabing ipagtira siya ng
salapi mula sa suweldo ng anak para sa bisyo niya at dali-dali nang
umalis pagkakain. Paano na ang gagawin ko? Isa na lang ang tuyong natira, wala
naman akong salaping pambili. Kaawa-awa kong mga anak, wala nang kakainin.
Walang ano-ano ay biglang dumaan ang pusang itim sa aking harapan.
Kinabahan ako! Hindi nagtagal ay may humahangos at may takot na boses
akong narinig sa labas ng aming tahanan.
Si Basilio iyon! Nakita ko ang panganay kong anak na dumudugo ang noo at
sugatan. Sunod-sunod ang katanungan ko. Sino ang may gawa sa iyo niyan?
Ano ang nangyari? Nasaan si Crispin? Ngunit minabuti kong pagpahingahin
muna ang aking anak. Habang gulo naman ang aking isip kung nasaan si
Crispin at kung ano ang tunay na nangyari.
Kinaumagahan ay nagpasiya akong pumunta sa simbahan dala ang mga
bagong pitas na gulay para sa kura ngunit labis na panlalait at bintang ang
aking inabot sa mga katiwala roon. Hindi ko man lamang nakausap ang kura
sapagkat may sakit daw ito.
Umuwi akong gulo ang isip. Nais kong makita ang aking anak. Pag-uwi ko
ay nadatnan ko ang dalawang guwardiya sibil sa aming tahanan; pilit nilang
pinalalabas ang aking mga anak. Binitbit nila ako pati ang mga alaga kong
inahing manok. Ikinulong ako sa kuwartel at kalauna’y pinalaya rin sapagkat
wala talaga akong aaminin sa kanila. Kinaladkad ako sa gitna ng mga tao.
Hiyang- hiya ako, para akong lulubog sa kinatatayuan ko!
Pag-uwi ko ay hinanap ko agad ang aking anak na si Basilio pero ang
tumambad sa akin ay ang pilas ng damit niyang may dugo.
Dugo? Bakit may dugo? Basilio! Basilio! Anak, nasaan ka? Diyos ko! Ang
mga anak ko. Nasaan sila? Sila ang tanging kasiyahan ko sa buhay kong puno
ng pagtitiis at pasakit. Nasaan na kayo?
Basilio…Crispin… mga anak!
Pst! Pst! Ale, nakita mo ba ang mga anak ko? Hindi? Bakit hindi? Ang mga
anak ko, sila ang nagpapatunog ng kampanaryo sa simbahan! Hindi! Hindi nila
ninakaw ang onsang ginto! (tatawa) Araw ngayon ng mga patay, magsaya tayo!
(iiyak) (tatawa). Nasaan na ang mga anak ko! Ilabas ninyo!
Crispin…Basilio…mga anak, nasaan na kayo?!
Pag-unawa sa Binasa
1. Sino ang nagsasalita sa iyong binasang monologo? Sa anong nobela ni
Rizal ito matatagpuan?
2. Ano ang kinahinatnan ni Sisa? Bakit ito nangyari sa kaniya?
3. Ano-ano ang mga katangian ni Sisa? Ano kaya ang kahalagahan niya
bilang tauhan sa nobelang Noli Me Tangere?
4. Ano-ano ang mga nakasalungguhit na salita sa binasa? Sa anong
bahagi ng pananalita ito nabibilang?
5. Sa iyong palagay, ano ang pinapaksa ng monologo?

3
Suriin

Maintriga sa mga makikilala, humanda na!

Mga Tauhan sa Noli Me Tangere

Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin – bugtong na anak


ni Don Rafael Ibarra. Nagkaroon ng mabuting edukasyon
sa Europa. Ang matalino at maginoong binatang ito ay
natutong umibig sa kaniyang kababatang si Maria Clara.
Nangarap siyang makapagpatayo ng paaralan upang
matiyak ang magandang kinabukasan ng kabataan ng
San Diego. Sumisimbolo kay Jose Rizal. (Magkakaroon
kaya ng katuparan ang balakin o pangarap niyang ito?)

Maria Clara – kasintahan ni Crisostomo Ibarra na may


lihim na pagkatao. Ipinakikita ang magandang karakter
ng mga Pilipina. Sumisimbolo kay Leonor Rivera na naging
kasintahan ni Rizal sa loob ng labing-isang taon. (Ano
kaya ang lihim na ito?)

Elias – piloto (bangkero) kung siya ay tawagin; iniligtas


si Ibarra sa tiyak na kamatayan mula sa mapanganib na
buwaya at sa babagsak na panghugos. Nagpapakita ng
ibang katangian ni Rizal. (Simula kaya ito ng kanilang
pagkakaibigan? Matuklasan kaya niya na si Ibarra ang
matagal na niyang hinahanap na kaaway?)

Don Rafael Ibarra – isa sa pinakamayaman sa San


Diego. Ama ni Crisostomo Ibarra; kinaiinggitan nang
labis ni Padre Damaso. Siya ay pinaratangang erehe at
pilibustero. Sa loob ng bilangguan siya namatay.
Simbolo ng Pilipinas na dahil sa yamang taglay ay
kinainggitan kaya sinakop ng mga dayuhan. (Paanong
ang isang iginagalang at mayamang tulad niya ay
namatay sa bilangguan?)

Don Saturnino – nuno ni Ibarra. Naging dahilan ng


kasawian ni Elias. Isang mayamang magsasaka na
kinagigiliwan ng lahat dahil sa kaniyang kabutihan.
(Ano ang kinalaman niya sa kasawian ni Elias?)

Don Santiago delos Santos – kilala sa tawag


4 na Kapitan
Tiyago. Isa siyang mangangalakal na taga-Binondok
(Binondo) at isa sa mayayaman sa lugar na ito. Siya ang
nakagisnang ama ni Maria Clara. Sumisimbolo sa mga
taong takot at walang paninindigan sa sarili. (Paano niya
tinanggap ang katotohanang may kinalaman sa pagkatao
ng kinikilala niyang anak?)

Pia Alba – ina ni Maria Clara na namatay pagkatapos na


siya ay isilang. Kumakatawan sa ating bansa na madaling
nangayupapa sa kapangyarihan ng dayuhan. (Anong
dahilan ang nagpalungkot sa kaniya noong magdalang-tao
samantalang pakahintay-hintay nila ito ni Kapitan Tiyago?)

Padre Vardolagas Damaso – isang kurang Pransiskano


na matagal naglingkod bilang kura (pari) sa San Diego.
Siya ay mapanghusga sa kapuwa. Itinuring na kaibigan ni
Don Rafael Ibarra subalit ipinahukay at ipinalipat niya sa
libingan ng mga Intsik ang bangkay nito. Siya ang
nagpayo kay Pia Alba at Kapitan Tiyago na magsayaw sa
Obando upang magdalang-tao. Sumasagisag sa
Separation of Church and the State. (Ano kaya ang
kinalaman niya sa pagkatao ni Maria Clara? Bakit kaya
nag-iba ang pakikitungo niya sa mga Ibarra?)

Padre Bernardo Salvi – siya ang pumalit kay Padre


Damaso bilang kura ng San Diego. Nagkaroon siya ng
lihim na pagtatangi kay Maria Clara. Sumasagisag sa mga
Kastilang prayleng nang-aabuso sa kanilang
kapangyarihan. (Makatarungan ba na makadama ng
pagsinta ang isang pari sa dalagang tulad ni Maria Clara?)

Tiya Isabel – pinsan ni Kapitan Tiyago na tumulong upang


mapalaki si Maria Clara. (Siya kaya ang
nakaimpluwensiya kay Maria Clara upang lumaking
mahinhin at relihiyosa?)

Don Anastacio – kung tawagin siya ay Pilosopo Tasyo


sapagkat marami siyang alam subalit baliw ang tingin ng
karamihan dahil sa hindi karaniwan niyang paniniwala.
Sumisimbolo sa mga marunong sa buhay. Siya ang
nilalapitan ni Ibarra tuwing ito ay hihingi ng payo para
sa mga balakin nito. (Bakit kaya baliw ang tingin sa
kaniya ng kaniyang mga kababayan?)

5
Sisa – mapagmahal na ina subalit nagkaroon ng asawang
pabaya at malupit. Sumisimbolo sa pagmamahal ni
Teodora sa kaniyang mga anak at nagpapakita ng pang-
aabuso ng mga Kastila sa kababaihan sa Pilipinas.
Nagsisilbi siyang huwarang ina sa iba. (Hanggang kailan
kaya siya magtitiis? Ano kaya ang kaniyang
kahihinatnan?)

6
Pedro- sugarol at malupit na asawa ni Sisa; ang
kaniyang kalupitan ay ginagawa rin sa mga anak.
(May pagkakataon pa kayang magbago ang isang
tulad niya?)

Basilio at Crispin – mga anak ni Sisa; kapuwa


sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng
San Diego. Sila ay mababait at masisipag na anak. Si
Basilio ang mas matanda sa dalawa. Napagbintangan
silang nagnakaw ng onsang ginto. Ito ang dahilan ng
pagkasugat sa puso ng kanilang ina. Sumisimbolo sa
kalupitan ng mga makapangyarihan. (Ano kaya ang
mangyayaring ito? Nasaan kaya ang katarungan para
sa dalawang magkapatid?)

Alperes – pinuno ng mga guwardiya sibil at matalik


na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego
(itinuturing na Hari ng Italya sa San Diego habang
ang kura ang Papa ng Estado ng Simbahan) Siya ay
walang pakialam at malupit sa kaniyang asawa.
(Kanino kayang kapangyarihan ang mananaig?)

Donya Consolacion – dati siyang labandera na may


malaswang bibig at pag-uugali. Hindi kagandahan ang
kaniyang anyo. Napangasawa niya ang alperes.
(Paano kaya niya maiimpluwensiyahan ang pagkatao
ng iba pang tauhan sa akda? Naging magkaibigan
kaya sila ni Donya Victorina?)

Kapitan Heneral – siya ang pinakamakapangyarihan


sa Pilipinas, isang taong makatarungan. (Ano kaya
ang maitutulong niya kay Ibarra?)

7
Tinyente Guevarra - isang matapat na tinyente ng mga
guwardiya sibil. (Ano kayang katotohanan ang isisiwalat
niya kay Ibarra?)

Donya Victorina de Espadaña – siya ay isang babaeng


itinatakwil ang pagiging Pilipina; nagpapanggap na
mestisang Kastila kaya naman napakakapal ng kolorete
sa mukha. Sumisimbolo sa mga Pilipino na nagkakaila
na sila ay kabilang sa lahing Pilipino. (Sa kasalukuyang
panahon, sino kaya ang sinisimbolo ni Donya Victorina?)

Don Tiburcio de Espadaña – isang pilay at bungal na


Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng
magandang kapalaran. Siya ang napangasawa ni Donya
Victorina. Taong takot at sunod-sunuran sa asawa.
(Kakayanin kaya niya ang ugali ng asawa?)

Linares – malayong pamangkin ni Don Tiburcio. Siya


ang napili ni Padre Damaso na ipakasal kay Maria Clara
na sinang-ayunan naman ni Donya Victorina. (Pumayag
kaya si Linares sa panghihimasok ng dalawa?)

Ñol Juan – namahala ng mga gawain sa pagpapatayo


ng paaralan ni Crisostomo Ibarra. (Magtagumpay kaya
sila sa pagpapatayong ito ng paaralan?)

8
Lucas – kapatid ng taong madilaw na gumawa ng
panghugos upang mapatay si Ibarra. (Ano kaya
ang nagtulak sa kapatid niya upang pagtangkaan
ang buhay ni Ibarra?)

Bruno at Tarsilo Alasigan – magkapatid na ang


ama ay namatay sa pamamalo ng mga guwardiya
sibil. (Ano kaya ang magiging kaugnayan nila kay
Maria Clara?)

Guro – ang taong kinausap ni Ibarra upang


malaman ang suliranin ng paaralan sa kaniyang
bayan. Gurong nagsasawalang-kibo sa kalupitan
at panghihimasok ng mga prayle. (Bakit kaya
hindi niya kasundo ang kura?)

Kapitan Pablo – pinuno ng mga tulisan na


napamahal nang labis kay Elias. Itinuring siyang
ama ni Elias. (Bakit kaya siya itinuring na ama ni
Elias?)

Salome – kababata at lihim na umiibig kay Elias.


(Nagkaroon kaya ng kaganapan ang kanilang pag-
iibigan?)

9
Ngayong nakilala mo na ang mga tauhan sa Noli Me Tangere, iyo
namang alamin kung ano nga ba ang binasa mo kanina sa bahaging
Tuklasin. Naalala mo pa ba? Tama ka, iyon ay monologo. Narito ang iba
pang bagay na dapat mong malaman ukol dito.

Ang monologo ay isang uri ng pagsasalita kung saan ang isang tauhan
ay sinasabi ang kaniyang isinasaisip sa isa pang tauhan o kaya ay sa
kapulungan ng nangakikinig. Ang monologo ay ginagamit sa iba’t ibang
media gaya ng dula, pelikula, at iba pa.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Iskrip ng Monologo


1. Pumili ng paksang kaaya-aya sa mga manonood.
2. Gumawa ng storyline sa kuwentong iyong naisip.
3. Pumili ng karakter na nakaayon sa iyong personalidad.
4. Maging malikhain sa paggawa ng senaryong nakasusorpresa at
nakaaaliw.
5. Iwasan ang paggamit ng mga salitang hindi kaaya-aya sa pandinig.
6. Iwasan ang pagkopya sa mga salitang nakatatak na sa mga sikat na
pelikula.
7. Tapusin ang iskrip ng monologo sa isang kahanga-hangang
pananalita.

Dagdag pa rito, ang mga salitang nakasalungguhit sa monologo na


iyong nabasa ay tinatawag na pang-uri. Ang pang-uri ay isang bahagi ng
pananalitang naglalarawan sa tao, pook, bagay, hayop, at pangyayari.
Nagbibigay rin ito ng katangian sa isang pangngalan o panghalip.

Halimbawa ng pang-uri na ginamit sa monologong binasa:


mababait, masisipag, payak, kapos, mura, sariwa, mainit,
martir, sugatan, gutom na gutom, sunod-sunod, hiyang-hiya

Kayarian ng Pang-uri

1. Payak – Ito ay binubuo ng mga salitang-ugat lamang.


Halimbawa:
 Sariwa ang mga dinalang gulay ni Sisa sa kura.
 Si Don Tiburcio ay isang pilay at bungal na Kastila.

2. Maylapi – Ito ay mga pang-uring binubuo ng salitang-ugat at panlapi.


Halimbawa:
 Matapat si Tinyente Guevarra sa kaniyang tungkulin.
 Si Donya Consolacion ay may malaswang bibig at pag-uugali.

10
3. Inuulit – Ito ay binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng buong salita
o bahagi ng salita.
Halimbawa:
 Ang pisngi ni Maria Clara ay pulang-pula nang makita si Ibarra.
 Tuwang-tuwa si Sisa dahil uuwi ang kaniyang mga anak.

4. Tambalan – Ito ay binubuo ng dalawang salitang


pinagtatambal. Halimbawa:
 Ang mga daliri ni Maria Clara ay hubog-kandila.
 Bukas-palad si Ibarra sa kaniyang mga kababayan sa San
Diego.

Panuto: Basahin at piliin ang tamang sagot.

Para sa bilang 1-4


Panuto: Piliin ang tamang pang-uring naglalarawan sa tauhan mula sa loob
ng kahon na bubuo sa pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
hiwalay na papel.

matalino C. malupit
sunod-sunuran D. mapagkunwari

Para sa bilang 5-10


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pahayag. Piliin at
isulat sa hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot.

5. Ang monologo ay sinasalita ng tao.

11
 isang C. tatlong
 dalawang D. apat na

6. Naglalahad ng kaisipan ang sa monologo.


 hurado C. nanonood
 nakikinig D. nagsasalita
7. Sa pagsulat ng iskrip ng monologo ay kailangang
upang hindi malito ang nakikinig.
 mahaba at malikhain
 maligoy at masalimuot
 maikli ngunit makabuluhan
 matalinghaga ngunit maikli

8. Mahalaga ang tauhang si Maria Clara sapagkat siya ay nagsisilbing


.
 mabait at masunuring anak
 mapagmahal at tapat na kasintahan
 maaaring maging modelo sa kabataan
 isang ehemplo ng kababaihang Pilipino

9. Si Padre Damaso ay mahalagang tauhan sa nobela sapagkat siya ay


.
 mabuting prayle sa San Diego
 mapagbigay sa kaniyang kababayan
 isang mabuting ama sa kaniyang anak
 nagpapakita ng kapangyarihan bilang prayle noon

10. Ang tauhang si Sisa ay mahalaga sapagkat siya ay .


 ina nina Crispin at Basilio
 mapagmahal na ina sa anak
 katawa-tawa ang kaniyang gampanin sa nobela
 inspirasyon sa kababaihan na huwag nang magpaabuso

12

You might also like