You are on page 1of 12

Ikalawang Markahan Modyul 4

Ikaapat na Linggo 9

Panitikang
Asyano
Modyul para sa mga Mag-aaral

1
Alamin Natin
Sa Modyul 4 na ito matutunghayan ang mga akdang pampanitikan ng
Silangan Asya. Ang mga aralin ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na
maunawaan ang kultura at pamumuhay hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong
Asya. May mga gawain din na inilaan na tiyak na makatutulong sa paglinang ng kasanayan
sa pagbibigay ng opinyon, paninindigan at mungkahi gamit ang mga pangatnig na nag-
uugnay ng magkatimbang at di-magkatimbang na yunit.

Ang ikaapat na modyul ay magsisimula sa:


Modyul 4: Sanaysay sa Taiwan
A. Panitikan……………….. Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang
Pilipino sa Pamamagitan ng Estadistikang
Kasarian
B. Wika…………………….. Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon,
Paninindigan at Mungkahi

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


● Nabibigyang-puna ang paraan ng pagsasalita ng taong
naninindigan sa kanyang mga saloobin o opinyon sa isang
talumpati F9PD-IId-47
● Naipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang
napapanahong isyu sa talumpating nagpapahayag ng matibay na
paninindigan F9PS-IId-49
● Nakasusulat ng isang argumento hinggil sa napapanahong isyu sa
lipunang Asya F9PU-IId-49
● Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon,
matibay na paninindigan at mungkahi F9WG-IId-49

Subukin Natin
PANGKALAHATANG PANUTO
1. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
2. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

1. Ito ay paliwanag lamang batay sa mga makatotohanang pangyayari o saloobin at


damdamin ng tao.
A. Batas B. Damdamin C. Katotohanan D. Opinyon
2. Ito ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap
ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar.
A. Katotohanan B. Opinyon C. Pagsasalaysay D. Paksa
3. Ang tekstong “Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan ng
Estadistikang Kasarian” ay tungkol sa ______________.
A. Pakikipaglaban ng mga kababaihan sa pamunuan
B. Karapatan at pagpapahalaga sa mga kababaihan
C. Mga kapangyarihan na dapat taglayin ng isang babae
D.Kababaihang Pilipino na gustong pumunta sa ibang bansa at makipagsapalaran.

2
4. Lahat ng pahayag tungkol sa edukasyon ay tama maliban sa isa.
A. Edukasyon, isa ito sa karapatan ng bawat tao.
B. Isa sa pinakamahalagang bahagi ng ating buhay.
C. Hindi lahat ng tao ay may karapatang makapag-aral.
D. Mula sa pang-araw-araw nating gawain ay kaakibat na ang edukasyon.
5. Ito ay isa sa halimbawa ng opinyon na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado para sa mga pangkat ng mga tao.
A. Opinyon B. Pagsasadula C. Sanaysay D. Talumpati
6. Ito ay binubuo ng pangangatwiran ng dalawang koponan na magkasalungat ng panig
tungkol sa paksang napagkaisahang pagtalunan.
A. Debate B. Editoryal C. Sanaysay D. Tula
7. Ito ang tawag sa taong gumagawa at nagtatalumpati sa harap ng publiko o grupo ng
mga tao.
A. Direktor B. Mananalaysay C. Mananalumpati D. Tagapagsalaysay
8. Halimbawa ng pangatnig na nag-uugnay ng mga salita, parirala at sugnay na
magkatimbang o mga sugnay na kapuwa makapag-iisa.
A. at, pati, saka C. upang, kapag, dahil
B. sapagkat, palibhasa, kaya D. dapat, siguro, kung sakali
9. Ang mga pangatnig na kapag, pag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon,
sana at iba pa ay nabibilang sa hindi na magkaugnay na yunit. Ang mga pangatnig na ito
ay nag-uugnay ng dalawang sugnay na hindi timbang, na ang ibig sabihin ay pantulong
lamang ng isang sugnay. Alin ang pangkat ng pangatnig na hindi magkatimbang?
A. ni, maging, ngunit C. kung, palibhasa, dahil sa
B. at, pati, saka D. o, dahil sa, subalit,
10. Sa pagbibigay ng opinyon, ano ang dapat tandaan?
A. Ilahad ang opinyon sa paraang maayos at hindi dapat sumasalungat sa pananaw ng
nakakarami kahit taliwas sa iyong pinaniniwalaan.
B. Pilitin ang kausap na paniwalaan ang iyong opinyon dahil magkaibigan kayo.
C. Makakabuti kung tayo ay may sapat na kaalaman sa paksang pinag-usapan.
D. Lahat ay tama.
11. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa pamilya ang walang away at
nagmamahalan. Ang pangungusap ay isang halimbawa ng _______
A. Pagdadalawang-isip B. Opinyon C. Sanaysay D. talumpati
12. Ang pariralang “Ganyan din ang palagay ko” ay isang halimbawa ng _______.
A. Positibong Opinyon C. Pawatas na Opinyon
B. Negatibong Opinyon D. Neutral na Opinyon
13. Ang lahat ay halimbawa ng opinyon maliban sa isa.
A. Sang-ayon ako sa mga ibinahagi ni Rod.
B. Palagay ko totoong siya ang nanalo sa lotto.
C. Sa bansang China nagsimula ang Corona Virus.
D. Iyan ang nararapat para sa mga taong sakim sa posisyon.
14. Lahat ay halimbawa ng pahayag sa pagbibigay ng Matatag na Opinyon maliban sa isa.
A. Sa palagay ko
B. Buong igting kong sinusuportahan ang…
C. Kumbinsido akong…

3
D. Lubos kong pinaniniwalaan
15. Ang pariralang, “Ikinalulungkot ko sapagkat” ay isang halimbawa ng
A. Positibong Opinyon C. Pawatas na Opinyon
B. Negatibong Opinyon D. Neutral na Opinyon

MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY


MODYUL 4 NG OPINYON, PANINDIGAN AT
MUNGKAHI
A. Panitikan: Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang
Pilipino sa Pamamagitan ng Estadistikang
Kasarian
B. Wika at Gramatika: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon,
Paninindigan at Mungkahi

Balikan Natin
Bago mo simulan ang pagtuklas sa nilalaman ng modyul 4 ay magbalik-aral
muna tayo.

PANUTO: Ibigay ang mga kaisipang kaugnay ng salitang nakasulat sa kahon. Gayahin ang
pormat sa sagutang papel.

Tuklasin Natin

PANUTO: Basahin ang talaan ng kahulugan sa kolum na PAHALANG at PABABA. Gamitin


ang letrang nasa krusigrama bilang karagdagang palatandaan upang matukoy
ang salita. Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang nahulaang mga salita.

4
Isa sa nabanggit sa krusigrama ay ang debate, binubuo ng pangangatwiran
ng dalawang koponan na magkasalungat ng panig tungkol sa paksang napagkaisahang
pagtalunan. Ano nga ba ang kaugnayan nito sa paksang pag-uusapan? Tara na at sabay
nating alamin.

Talakayin Natin
Sa bahaging ito ay iyong panonoorin at pag-aaralan ang isang halimbawa ng
debate. Panoorin ang bidyu sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=haxzzdIbDR0
Habang pinanonood ang bidyu, itala sa inyong kwaderno ang sariling opinyon
o pananaw sa paraan ng pagsasalita ng mga nagdedebate. Upang higit na maunawaan ang
nilalaman sa debate narito ang piling iskrip.

“2nd #PiliPinas2016 Presidential Debate in UP Cebu”


Lingao: Ang tanong ko po ay para kay Senadora Grace Poe. Bilang chairperson po ng komite na
nagsulong ng Freedom of Information Bill, o FOI, doon sa Senado, ano po ang dahilan kung bakit
namatay ang FOI sa administrasyon ni Pangulong Aquino? At kung titingnan po ninyo sa paligid
ninyo, yung mga karibal ninyo sa puwesto sa entablado ngayon, sino po sa tingin ninyo sa kanila
ang haharang o susulong ng tunay na FOI?
Sen. Grace Poe: Kaya po hindi natuloy ang Freedom of Information ay hindi dahil sa amin sa
senado sapagkat walong buwan pa lamang noong ika-16 na kongreso napasa na namin ito, at
matibay po ang Freedom of Information na ipinasa naming sa senado. Ka-debate po natin dyan si
Senator Miriam, si Senator Enrile, at iba pang mga beterano sa senado ngunit napasa natin
ito. Nagbibigay ito ng armas sa ating mga kababayan para mabusisi ang mga dokumento ng
gobyerno para hindi na mangyari muli yung nangyari sa PDAF. Ngayon, kaya hindi ito nakapasa
sapagkat hindi po ito pumasa sa kongreso rin. At nangyari ‘yon sapagkat maski na sinasabi nila na
ito’y prayoridad ng administrasyon, hindi po natin nararamdaman na tunay nila itong
itinutulak. Para sa akin, ayoko na lang sabihin kung sino dito ang haharang, pero sigurado ako na
merong haharang sa mga kasama ko.
Luchi Cruz Valdes: Nais nyo po bang mag-react, Sec. Mar?
Sec. Mar Roxas: Ako ba yung tinutukoy nya? <laughter> Kabahagi po ako ng Daang Matuwid
Coalition. Tama po yung sinabi ni Senadora Grace, pumasa ito sa senado pero hindi ito pumasa
sa Cámara de Representantes. May mga mabibigat na dahilan kung bakit tinutulan ito ng mga
kongresista at yan ay pinagdebatehan sa floor ng Camara. May iba’t-ibang bersyon na inihain
subalit hindi ito naging matagumpay. ‘Pag ako ay naging pangulo, ipapasa ko isang matibay na
FOI para malaman ng sambayanan kung ano ang nangyayari sa kanilang gobyerno.
Luchi Cruz Valdes: Nang wala pong right of reply, Sec. Mar, because natatandaan po namin sa
isa pong forum ay nasabi nyo na dapat may kalakip na right of reply.
Sec. Mar Roxas: Hindi po, Luchi. Ang sinabi ko sa forum doon na ini-report ko sa iyo na ‘yan ang
pagtutol ng mga miyembro ng Cámara de Representantes. Hindi po ako ang naghain po noon.
Luchi Cruz Valdes: Pero kayo po ay hindi nyo gagawing kondisyon – oho. Mayor Duterte, gusto
niyo po bang mag-react tungkol dun sa sagot ni Senador Grace?
Mayor Rodrigo Duterte: Yes, ma’am. A few days ago, I and Senator Cayetano signed a waiver
over Bank Secrecy Law. You can pry into what – ano po ba ang maipakita ko sa inyo? Freedom
of Information actually is pera ‘yan, yung ninanakaw sa gobyerno kung saan napunta.

Luchi Cruz Valdes: VP Binay? Ang inyong reaksyon?

VP Jejomar Binay: Alam ho ninyo, napakatagal nang nakabinbin sa kongreso itong FOI na ito
eh. Ako ho, ‘pagka naging pangulo, sa lalong madaling panahon, mag-iisyu po ako ng executive

5
order dun ho yung Freedom of Information.

Impormasyon muka sa https://newsinfo.inquirer.net/775643/full-transcript-2nd-pilipinas2016-presidential-debate-in-up-cebu#ixzz6S2JeXbY0

GAWAIN 1: Boses ng Kabataan

Mula sa pinanood o binasang iskrip ng debate ipahayag ang iyong kaalaman


sa mga sumusunod na katanungan. Ilagay ang inyong sagot sa isang malinis na papel.

1. Paano ipinahayag ng nagdedebate ang kanyang saloobin at opinyon?


2. Ano- ano ang iyong opinyon tungkol sa paksang pinagtatalunan?

Pagyamanin Natin
Bahagi na ng ating pang araw-araw na buhay ang pagbibigay ng opinyon sa
mga nagaganap o mga namamalas sa ating paligid. Sa pagpapahayag ng saloobin ay
mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusapan. Mas
mainam din ang pagkakaroon ng kasanayan sa paggamit ng mga pahayag sa pagbibigay ng
opinyon. Ano- ano kaya ang mga pahayag at panandang ito? Tara na at tuklasin natin.

Ang Opinyon ay paliwanag lamang batay sa mga makatotohanang


pangyayari o saloobin at damdamin ng tao.
Sa pagbibigay ng opinyon, dapat tandaan na makakabuti kung tayo
ay may sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusapan upang masusing
mapagtimbang-timbang ang mga bagay at maging katanggap-tanggap ang ating
mga ito.
Impormasyon mula sa
https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/filipino_9_lm_draft_3.24.2014.pdf

MGA PANANDA NA GINAGAMIT SA PAGBIBIGAY NG OPINYON


● Positibong Opinyon – totoo, tunay, talaga, ganoon nga, mangyari pa, sadya,
tama, nararapat, ganyan din ang palagay ko, sang-ayon ako…
● Negatibong Opinyon – ngunit, subalit, habang at samantala, hindi ako sang

6
ayon, hindi totoo, huwag kang…
Impormasyon mula sa https://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-pagkilala-sa-
pagkakaiba-ng.html

Ngayong nadagdagan na ang iyong kaalaman tungkol sa opinyon, atin ng


subukin ang iyong galing sa pamamagitan ng pagsagot ng gawain nasa ibaba.

GAWAIN 2: Alin, Alin ang Naiiba?


PANUTO: Lagyan ng titik O ang patlang bago ang bilang ng pangungusap na nagsasaad ng
opinyon. Lagyan naman ng X ang patlang kung ang pangungusap ay hindi
nagsasaad ng Opinyon.Tukuyin din ang pananda at pahayag na ginamit sa
pangungusap bilang patunay na ito ay isang opinyon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

____1. Sa aking palagay ay mas karapat dapat bigyan ng pansin ang mga taong nawalan
ng trabaho dahil sa pandemya.
____2. Hindi ako sang-ayon sa mga plano nya para sa aming bayan.
____3. Kinilala ng samahan ng mga bansa ang kalayaan ng Pilipinas noon Hunyo 12,
1964.
____4. Ang sigarilyo ay may tar, nikotina, at iba’t ibang kemikal na nakasasama sa
kalusugan.
____5. Kung ako ang tatanungin mas masarap manirahan sa pamayanang rural.
Mahusay! Tunay ngang may mayroong natutuhan sa paksang pinag-usapan.
Baon ang mga kaalamang natutuhan, natitiyak kong puwedeng-puwede ka ng
makapagbigay ng sariling opinyon sa babasahing sanaysay nasa ibaba. Kaya, Umpisahan
mo.

PAGBIBIGAY KAPANGYARIHAN SA KABABAIHANG PILIPINO SA


PAMAMAGITAN NG ESTADISTIKANG KASARIAN
“Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,” isang pahayag na hinango sa Banal na Aklat at
naging panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon.
Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente sa mundo. Ang dating kiming
tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat hindi na matanggap ang
dinaranas na kaapihan. Kaniyang ipinaglaban ang sariling karapatan upang makapagpasiya sa
sarili. Lakas-loob din niyang hiningi ang karapatang maisatinig ang matagal nang nahimbing na
pagnanasang maging katuwang hindi lamang sa tahanan kundi maging sa paghubog ng lipunan
para sa isang maunlad, matahimik, at kaaya-ayang kinabukasan.
Sa ngayon, ang kababaihan ay unti-unting na ring napahalagahan. Hindi man ito
maituturing na ganap dahil sa patuloy na mga karahasang pantahanan na pawang mga
kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual harassment na madalas ay daing ng mga
kababaihan ay nagdaragdag sa mga suliraning pambansa.
Ang babae ay katuwang sa pamumuhay. Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga
ipinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon.” Sila’y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga
pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya.
Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad
ng bayan sa lahat ng panahon.
Marami na ring samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigay proteksiyon sa mga
kababaihan. Ilan sa mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog Hotline, at marami pang iba. Patuloy ang
mga samahang ito sa pakikibaka upang sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng
kalalakihan at kababaihan. Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga
karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan.

7
Akda mula sa Sandigan I (Kalipunan ng mga Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino ) ni Lolita M.
Andrada

1. Ano ang iyong opinyon sa kalagayan at pagtanggap na ibinibigay sa kababaihang


Pilipino kung ihahambing sa mga taga-Taiwan.

Marami ang mga paraan sa pagpapahayag ng opinyon at isa na dito ay ang


talumpati, isang uri ng komunikasyong pampubliko kung saan ang isang paksa ay
ipinapaliwanag at binibigkas sa harapan ng mga tagapakinig.

ALAM MO BANG ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o


opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado. Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa at
nagtatalumpati sa harap ng publiko o grupo ng mga tao.
Impormasyon mula sa https://pinoycollection.com/talumpati/

Bilang halimbawa ng isang talumpati, basahin ang teksto na nasa ibaba.


Suriin ang mga pangatnig na ginamit.

KABATAAN NG MAKABAGONG HENERASYON: IBA PERO


TANAW PA RIN ANG PAG-ASA
“Iba na talaga ang mga kabataan ngayon” – mga salitang halos araw araw mong maririnig mula
sa mga matanda. Sa dyip, sa kalye, sa palengke. Halos nakakabingi na nga ‘di ba?

Iba na nga talaga ang mga kabataan ngayon. Ang kabataan ng makabagong henerasyon na
maraming alam sa bagong teknolohiya, maraming pangarap sa buhay, maraming nais maabot.

Ang totoo, maraming kapuri-puri sa mga kabataan ngayon. Marami sa atin ang hindi nakakakita
nun dahil inaasahan nating maging pareho sila ng kabataan noon. Hindi pa ipinapanganak,
nakakulong na sa ating mga ganito, ganun.

Ano sa tingin mo kaibigan? Hindi ba pwedeng hayaan natin silang mamuhay sa mundo na
kinamulatan nila? Mahirap. Mahirap ang pilitin silang mamuhay sa mundong ibang-iba na rin.

Iba man ang kabataan ng makabagong henerasyon, tanaw pa rin nila ang pag-asa. Hindi man
sa paraan na ating nakikita, pero malay mo, balang araw, mas magiging maliwanag ang mundo
dahil sa kanila.

Akda mula sa https://philnews.ph/2018/12/12/halimbawa-ng-talumpati-5-talumpati-kabataan/

GAWAIN 3: Opinyon Mo, Ipahayag mo!


Sang-ayon ka ba, bilang isa sa kabataan ng makabagong henerasyon ay
naiiba? Patunayan. Ipahayag ang iyong sariling opinyon o pananaw sa binasang
talumpating nagpapahayag ng matibay na paninindigan. Isulat ang iyong pananaw sa iyong
sagutang papel.

8
GAWAIN 4: Pananaw ay Isatinig
PANUTO: Bumuo ng mga pangungusap na magpapahayag ng iyong opinyon o pananaw
tungkol sa paksang ipinapakita ng mga larawan. Gumamit ng mga pangatnig sa
paglalahad. Isulat sa papel ang iyong sagot.
1. CORONA VIRUS (COVID19)
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
Larawan mula sa https://www.google.com/search?q=covid%20image&tbm=isch&tbs=sur%3Afc&hl=en&ved=0CAIQpwVqFwoTCLiBzff6o-
oCFQAAAAAdAAAAABAC&biw=1226&bih=575#imgrc=s3oET1og1jw6KM
_______________________________________________________
2. ECQ (ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE) ____________

_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
Larawan mula sa https://commons.wikimedia.org/wiki/File:COVID19_Community_Quarantine_Checkpoint_in_Cagayan.jpg
_______________________________________________________
GAWAIN 5: Game Tsek_______________________________
Panuto: Lagyan ng LOVE kung ang pahayag ay nagsasaad ng tama at X kung mali ang
isinasaad ng bawat pahayag.
_______1. Ang Opinyon ay paliwanag lamang batay sa mga makatotohanang
pangyayari o saloobin at damdamin ng tao.
_______2. Mayroong tatlong panlahat na pangkat ang pangatnig.
_______3. Ang salitang “Talagang…” ay mapapabilang sa halimbawa ng negatibong
opinyon.
_______4. Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon.
_______5. Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa at nagtatalumpati sa harap ng
publiko o grupo ng mga tao.

Tandaan Natin

Mahusay! ako ay humahanga sa iyong dedikasyon! Binabati kita dahil alam


kong pinaglaanan mo ng oras ang modyul na ito. Sa kabilang dako, punan mo ang bawat
patlang ayon sa hinihingi nito.

● Sa modyul na ito, natuklasan ko na ang Opinyon ay ___________________


___________________________________________________________________

● Ang mga pariralang maaaring gamitin sa pagpahayag ng Opinyon ay


___________________________________________________________________

Isabuhay Natin
Bilang gawain sa bahaging ito gamit ang iyong natutuhan tungkol sa
pagbibigay ng opinyon ay inaasahang makasusulat ka ng sanaysay tungkol sa isyu nasa
ibaba sa loob kahon. Isaalang-alang ang mga pamantayan sa pagsulat ng sanaysay.

9
Isa kang editor sa isang pahayagan. Susulat ka ng isang opinyon tungkol sa
isang napapanahong isyung panlipunan sa alinmang bansa sa Silangan Asya. Isulat ang
iyong sagot sa isang intermediate paper, maaring kunan ng larawan at ipasa sa guro sa
pamamagitan ng messenger. Ang pamantayan sa pagmamarka para sa gawaing ito ay
ibibigay ng iyong guro sa Filipino.

Tayahin Natin

PANGKALAHATANG PANUTO
1. Isulat ang titik ng napili mong sagot sa iyong sagutang papel.
2. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

1. Ito ay nagpapahayag ng haka-haka o imahinasyon lamang.


A. katotohanan B. pangangatwiran C. opinyon D. sanaysay
2. Ang pariralang “Labis akong naninindigan na…” ay isang halimbawa ng ___________.
A. Negatibong Opinyon C. Matatag na Opinyon
B. Positibong Opinyon D. Neutral na Opinyon
3. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagbibigay ng Neutral na Opinyon?
A. Kumbinsido akong C. Sa aking palagay
B. Hindi totoo D. Huwag kang
4. Sa Tagaytay daw dapat magpatayo ng bahay-bakasyunan. Ang pangungusap ay
halimbawa ng isang ________
A. katotohanan B. pangangatwiran C. opinyon D. salaysay
5. Ayon sa bibliya, masama ang magsinungaling. Ang pangungusap ay isang halimbawa
ng ________nag-uugnay ng di-magkatimbang na yunit.
A. katotohanan B. kuro-kuro C. opinyon D. pangangatwiran
6. Alin sa mga pangungusap ang hindi nagpahayag ng opinyon?
A. Lahat ng babae ay may tianatagong galing sa pakikipaglaban sa hamon ng
buhay.
B. “Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,” isang pahayag na hinango sa Banal
na Aklat.
C. Ang mga babae ay dapat nasa bahay lang.
D. Sa palagay ko ang babaeng laki sa probinsya ay masarap magmahal.
7. Alin ang panlahatang pangkat ng panaguri?
A. Paksa at panaklong C. Positibo at negatibong opinyon
B. Una at ikalawang sanaysay D. Magkatimbang at ‘di magkatimbang na yunit
8. Ito ay may layuning humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala
A. opinyon B. talata C. talumpati D. salaysay
9. Kapag mayaman ang isang pamilya, masayahin at nagkakaisa ang mga miyembro
nito. Ang pangungusap ay isang halimbawa ng?
A. katotohanan B. opinyon C. pangangatwiran D. salaysay
10. Si Kris Aquino ang pangunahing aktres sa pelikulang Feng Shui 2. Ang pangungusap ay
halimabawa ng _______?
A. katotohanan B. opinyon C. pangangatwiran D. salaysay
11. Alin sa sumusunod na parirala ang nagbibigay ng positibong opinyon?
A. puwede, ngunit C. mabuti naman, ngunit ako
B. sang-ayon ako D. naunawaan kita, subalit

10
12. Alin sa sumusunod na parirala ang pwedeng gamitin sa pagbibigay ng opinyon?
A. Sa malayong lugar C. Sa tingin ko
B. Mabisang lunas D. Pantay
13. Alin sa mga pangungusap sa baba ang hindi opinyon?
A. Noong Enero 29, 2020, pina-activate ng EPA ang Emerging Viral Pathogens
Guidance for Antimicrobial Pesticides bilang pagtugon sa outbreak ng coronavirus
(COVID-19).
B. Ang COVID -19 ay nanalanta ng kabuhayan ng tao lalo na sa bundok.
C. Nawalan ng hanapbuhay ang lahat ng mga tao sa Pilipinas dahil sa COVID.
D. Lahat ay tama.
14. Sa palagay ko, mahalaga sa magasawa ang tiwala sa isa’t isa. Ang pariralang may
salungguhit ay isang halimbawa ng _______
A. Negatibong Opinyon C. Talumpati
B. Sanaysay D. Positibong Opinyon
15. Ang mga kababaihan ay katuwang sa pamumuhay. Ano ang ibig sabihin ng salitang
katuwang?
A. kasama B. katulong C. katuwaan D. mahalaga

Gawin Natin
Sa modyul na ito ay iyong nasaksihan kung paano ipahayag ng isang
nagdedebate at mananalumpati ang kanilang opinyon hinggil sa paksang pinag-uusapan,
natutuhan mo ring pagbibigay ng opinyon sa isang mahalagang isyung pangkalusugan na
kinakaharap ng ating bansa , ngunit marami pa rin sa ating mga kapwa Pilipino ang may
katigasan ang ulo at hindi sumusunod sa mga minumungkahi ng gobyerno para makaiwas
sa Covid19 kaya’t bilang isang mabuting mamamayan ikaw ay inaatasan na lumikha ng
isang talumpati tungkol sa isa sa napapanahong isyu ngayon, ang isyung pangkalusugan.
Isulat ang iyong talumpati sa isang malinis na short bond paper.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:

● Nilalaman 10 puntos
● Kalinisan 5 puntos
● KABUUAN 15 PUNTOS
Repleksyon ng Natutuhan
PANUTO: Lagyan ng tsek ang kahon batay sa iyong saloobin. Ilagay ang 1 kung ito’y
madali, 2 kung ito’y katamtaman at bilang 3 kung naging mahirap ito para sa iyo.

11
SANGGUNIAN:

● https://commons.wikimedia.org/wiki/File:COVID-
19_Community_Quarantine_Checkpoint_in_Cagayan.jpg June 26, 2020
● https://newsinfo.inquirer.net/775643/full-transcript-2nd-pilipinas2016-presidential-debate-in-up-cebu
May 29, 2020
● https://philnews.ph/2018/12/12/halimbawa-ng-talumpati-5-talumpati-kabataan/ June 28, 2020
● https://pinoycollection.com/talumpati/ June 28, 2020
● https://tl.wikipedia.org/wiki/Pangulong_tudling June 25, 2020
● https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/filipino_9_lm_draft_3.24.2014.pdf May 28, 2020
● https://www.google.com/search?q=covid%20image&tbm=isch&tbs=sur%3Afc&hl=en&ved=0CAIQpwVq
FwoTCLiBzff6o-oCFQAAAAAdAAAAABAC&biw=1226&bih=575#imgrc=s3oET1og1jw6KM June 26,
2020
● https://www.youtube.com/watch?v=haxzzdIbDR0 May 29, 2020
● https://www.youtube.com/watch?v=_KplWoHNrao&ab_channel=PadayonWikangFilipino Sept. 2, 2020

EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE


Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
Vice –Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON-SGOD-Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA-CID-Chief
Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS
TAGUIG SECONDARY SCHOOL PRINCIPALS
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS
Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA
Team Leader/Facilitator: DR. MELEDA H. POLITA
School Head In-Charge: DR. REA MILANA-CRUZ, PRINCIPAL IV
Writer: REZEL B. ARAGON
Language Evaluators: ROSYL V. ANOOS
MARITA LACANLALE
Content Evaluators: MIRIAM C. MABASA
CLARISSA R. SENOSA
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA, EPS-FILIPINO
Illustrator/Layout Artist: ROSYL V. ANOOS
MARITA LACANLALE
MIRIAM C. MABASA
CLARISSA R. SENOSA
Content Validator: JESUSA M. GONZALES
Format and Language Validator: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

12

You might also like