You are on page 1of 13

Galano, Darlene Rose C.

“Ang Pagsusuri sa Imahe at Paraan ng paggamit ng mga salita sa kantang Walang Natira
ni Glock-9 gamit ang Teoryang Realismo”

Introduksyon:

Maraming awitin ang higit na hinahangaan ng mga indibidwal sa panahon ngayon.


Marahil para sa kanila, ang awitin o ang musika ang nagiging sandigan nila sa kabila ng ibat
ibang karanasan sa kanilang mga buhay. Ang musika rin ay isa sa mga instrument upang patuloy
na mangarap, tumindig, at manatiling inspirasyon upang mapagpatuloy pa ang kanilang mga
pangarap at mga minimithi. Maraming indibidwal ang naniniwalang ang musika ang sagot sa
kanilang mga kapighatian, kalungkutan o kasayahan. Itinuturing din ang musika bilang isa sa
mga midyum upang maging magaan ang mga nararamdaman nila.

Mayroong ibat ibang kwento, konsepto at imahe ang nilalaman ng bawat ritmo, himig,
letra at tono ng mga ito. Sinasabing, isa ito sa mga pinakamalikhaing paraan ng pagsasabuhay o
di kaya’y paglalahad ng mga nararamdaman, o nais sabihin ng isang indibidwal. Mayroong ibat
ibang uri ng musika ang ating mga napupusuan. Marami sa atin, ang musika na pang romansa na
isa sa mga pamilyar na kilala na, at madalas na mapapakinggan sa ibat ibat sulok ng kalsada.
Ang musikang panlipunan naman ang hindi ganoong kapansin- pansin maliban na lamang kung
mabilis makita at mailarawan ang imaheng nais ipabatid ng isang awitin. Marami sa mga
kompowser ang nais na maging tulay ang kanilang mga musika upang maging isa sa mga tanyag
at kilalang indibidwal sa larangan na ito. Bukod pa rito, mayroon din namang mga kompowser
na isang malikhain at sa kanta idinaraan ang mga hinaing, opinyon hindi lamang sa isang aspeto,
kundi pati na rin sa mas malawak na konsepto ng isyung panlipunang talamak sa panahon
ngayon.
"Walang Natira"
(feat. Sheng Belmonte)

[Sheng Belmonte:]
Napakaraming guro dito sa amin ngunit
Bakit tila walang natira
Napakaraming nurse dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nagaabroad sila
[Gloc-9:]
Gusto kong (Yumaman [4x])
Nagaabroad sila
Gusto kong (Yumaman [4x])
Nagaabroad sila

[Gloc-9:]
Lupa kong sinilangan ang pangalan ay pinas
Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas
Nauubusan ng batas parang inamag na bigas
Lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas
Tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas
Sila lang ang nakikinabang pero tayo ang utas
Mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas
Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas
Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli
Ang pahingay iipunin para magamit paguwi
Dahil doon sa atin mahirap makuha ang buri
Mapahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti
Ng anak na halos di nakilala ang ama
O ina na wala sa tuwing kaarawan nila
Dadarating kaya ang araw na ito'y magiiba
Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na

[Sheng Belmonte:]
Napakaraming inhinyero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming karpintero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nagaabroad sila
[Gloc-9:]
Gusto kong (Yumaman [4x])
Nagaabroad sila
Gusto kong (Yumaman [4x])
Nagaabroad sila

[Gloc-9:]
Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
Ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran
Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan
Ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan
Sasanla lahat ng kanilang pag-aari
Mababawi din naman yan ang sabi pagnayari
Ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano
O barko kahit saan man papunta.
Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso
Ang isa ay katumbas ng isang dakot na mamiso
Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino
Lilisanin ang pamilya ang amo kahit na sino
Gugutumin sasaktan malalagay sa piligro
Uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo
Darating kaya ang araw na itoy mag-iiba
Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na
[Sheng Belmonte:]
Napakaraming kasambahay dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming labandera dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nagaabroad sila
[Gloc-9:]
Gusto kong (Yumaman [4x])
Nagaabroad sila
Gusto kong (Yumaman [4x])
Nagaabroad sila

[Gloc-9:]
Subukan mong isipin kung gaano kabigat
Magbuhat ng maleta halos hindi mo na maangat
Ihahabilin ang anak para 'to sa kanila
Lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba
Matapos lamang sa kolehiyo matutubos din ang relo
Bilhin mo na kung anong gustong laruan ni Angelo
Matagal pa kontrato ko titiisin ko muna 'to
Basta ang mahalaga ito'y para sa pamilya ko

[Sheng Belmonte:]
Napakaraming guro dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming nurse dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nagaabroad sila
[Gloc-9:]
Gusto kong (Yumaman [4x])
Nagaabroad sila
Gusto kong (Yumaman [4x])
Nagaabroad sila

Napakaraming tama dito sa atin...


Ngunit bakit tila walang natira...

Suliranin:

Ang ating bansa ay sagana sa mga produkto ngunit bagsak ang ekonomiya. Apektado nito
ang milyon milyong mga pilipino na labis na nahihirapan at nakararamdam ng isang kahig at
isang tukang sitwasyon. Partikular na ang mga kababayan nating halos naghihikahos sa buhay,
gaya nga ng sabi nila, “Ang mahirap ay lalo pang humihirap at ang mga mayaman ay lalo pang
yumayaman.” Dahil dito, maraming mga pilipino ang naiisipang mangibang bansa sapagkat
batid nila na mas mataas ang sahod at mas madali nilang maibibigay ang mga pangangailangan
ng kanilang sarili at ng kanilang mga pamilya. Sa kasalukuyan, ay hindi na nga maitatangging
patuloy ang paglaki ng bilang ng mga mga nangingibang bansa o ng mga OFW (Overseas
Filipino Worker) na siyang itinututing na isa sa mga bayaning hinahangaan dito sa ating bansa.

Ang kantang Walang Natira na kinanta ng isa sa mga sikat na rapper dito sa Pilipnas na si
Glock 9 ay tumutukoy at nagpapakita ng mga sitwasyong kinakaharap ng mga OFW dito sa ating
bansa. Partikular sa mga isyu ng kanilang mga pamilya na talaga namang tagos sa puso at
nakapagbibigay motibo upang maspakita ng isa sa mga dahilan ng kanilang pakikipagsapalaran
sa ibang bansa. Tila isa ito sa mga kantang higit na nakapagpapalakas ng loob ng ilan sa mga
bayabi ng ating bansa. Ito din ay naging tulay upang sumikat at makilala ang kantang ito.
Marahil, marami ang nakakaramdam at nakararanas ng ganitong sitwasyon sapagkat hindi
maipagkakaila na maraming pilipino ang nangingibang bansa.

Sa kabilang banda, isa mga suliraning kinakaharap ng kantang ito ay ang pagtingin o
pagmamasid sa mga salita, imahe, o ideya na nais ipabatid ng kanta. Isa sa problema na nais
iparating ng pagsusuring ito ay ang imaheng nakapaloob sa loob ng tekto ng bawat sakbong at
iba pang linya sa akda. Marahil, para sa ating mga tagabasa, o tagapakinig, ito ang nilalaman ng
akda. Ngunit, nais kong suriin ng mabuti ang bawat saknong na nagpaoakita ng imahe dahilan
upang malaman ang tunay na pagpapakahulugan at tunay na mensaheng nais iparating ng kanta.

Teorya:

Ang Teoryang Realismo ay isang teorya na naglalahad ng makatotohanang pangyayaring


nagaganap, nababasa sa isang akda. Ito ay isa sa mga pinakamahalagang kagamitan na
nakatutulong upang magkaroon ng kalakasan at mapatibay pa ang paksang nais ipabatid sa isang
pag-aaral.

Ito ay naglalayong ipakita ng may-akda ang reyalidad o kaniyang nasaksihan sa kanyang


lipunang ginagalawan. Sa kabilang banda, hindi nito naisa ipakita ng mabilisan ang kahulugan o
imahen ng isang akda. Sapagka’t isinasaalang alang nito ang istruktura o ang kaisningang dapat
taglayin ng mga ito.

Ang teoryang Realismo ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. karaniwang


naipapakita nito ang korupsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon, kawalan ng
katarungan, prostitusyon, katiwalian, kamangmangan. Madalas din itong naka pokus sa lipunan
at gobyerno. nagpaoakita rin ito ng kaugnayan sa pagitan ng akda at sa lipunang kaniyang
ginagalawan. layunin nitong matanggap ang reyalidad ng buhay. Higit nitong ipinaglalaban ang
katotohanan kaysa ang kagandahan. Samakatuwid, dapat maging makatotohanan at
paglalarawan o paglalahad ng mga teksto. karaniwang nakapokus ito sa karapatan at katarungan
para sa mga inaapi.

Kaligiran:

Ang kantang susuriin ay tumutukoy sa isyung panlipunan na nagaganap at nangyayari pa


sa kasalukuyan. ito ang kantang higit na tumutukoy sa karaniwang isyu na nagpapakita ng
pagkakaiba ng kultura at pagkakaiba at karaniwang nagaganap sa sistema ng pamilya sa ating
bansa. Ang isang pagsusuri na kahahantungan niyo ay tumatalakay sa mga imahe at
pagpapakahulugan ng bawat linya sa bawat konsepto ng musika. ito ay naglalayong masuri nang
maayos at makita ang tunay na mensahe o ang nakapaloob na teksto ng mga ito. Higit ding
susuriin ang paggamit ng mga salita o ang perspektibo sa mga musikang panlipunan upang higit
na malaman ang ispesipikong paraan at pagdinig sa isyung panlipunan na pinaparating ng
musikang ito.

Ang pagsusuring ito ay iikot sa pagitan ng imahe at paggamit ng istilo ng awtor o ng


komposer sa pagbibigay ideya, ekspresyon o sistemang panlipunang nakapaloob sa saknong ng
bawat ritmo nito. Masasakop din nito ang paggamit ng mga malalalim na salitang mababasa o
kinakanta ng isang tagakanta. Magihing saklaw nito ang teorya na magpapatibay at
magpapalawak pa ng aralin upang magkaroon ng maayos na pundasyon at maayos na pagsusuri.

Paglalapat ng Teorya:

Ang teoryang realismo ay isang teorya na nagpapakita at tumutukoy sa nilalaman ng


isang tekto. Batay sa aking pagsusuri, ang teoryang realismo ay higit na akma upang magkaroon
ng maayos na pagsusuri sa bawat nilalaman ng tekto. Ito ay nakakapagpalagay loob upang
magbigay ng motibo at mapadali ang pagsusuri tungo sa musikang "Walang Natira ni Glock-9".

Ang teoryang realismo ay nakatutulong sapagkat ang musikang ito ay nagpaoakita ng


kawalan ng katarungan, kahirapan sa pagitan ng tauhan at ng kuwentong bumabalot dito. Ang
kantang walang natira ay hango sa buhay ng isang OFW na walang humpay sa pangingibang
bansa dahilan at paraan upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang mga pamilya. Sa
imaheng ito, makikita natin ang kahirapan dulot nito mula sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

Sa simpleng pagtingin, mahihinuha natin ang isyung panlipunan na karaniwang


nagaganap dito sa ating bansa. Sa pamamagitan ng teoryang realismo, mapagtitibay nito ang
pagpapakita ng imahe. Kung paano ang istilo ng komposer o ng awtor upang maipabatid ang
mensahe sa mga tagapakinig at tagabasa nito.

Ang Teoryang realismo ay mayroong maayos at makapagbibigay ng matibay na


impormasyon na magagamit tungo sa pagsusuri ng kantang ito.
Presentasyon ng Pagsusuri

[ShengBelmonte:]
Napa karaming guro ditto sa amin ngunit
Bakit tila walang natira
Napakaraming nurse ditto sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nag a abroad sila
[Gloc-9:]
Gusto kong (Yumaman [4x])
Nag a abroad sila
Gusto kong (Yumaman [4x])
Nag a a broad sila

Mapapansin ang imaheng kagustuhan mangibang bansa ng ibang pilipino sapagkat may
gusto silang makamtan. ang maging isang mayamang indibidwal. Dito mahihinuha ang pagpili
ng pag sisilbi sa ibang bansa kaysa manilbihan dito sa ating bayan.

Lupa kong sinilangan ang pangalan ay pinas


Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas
Nauubusan ng batas parang inamag na bigas
Lumalakas na ang ulan ngunit ang paying ay butas
Tumatakbong madulas mga pinuno ay ungas
Sila lang ang nakikinabang pero tayo ang utas
Mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas
Para pumuntang ibang bansa at doon mag tanas
Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli
Ang pahingay iipunin para magamit paguwi
Dahil doon sa atin mahirap makuha ang buri
Mapahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti
Ng anak na halos di nakilala ang ama
O ina nawala sa tuwing kaarawan nila
Dadarating kaya ang araw na ito'y magiiba
Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na

Dito mapapansin ang kuwentong naglalahad ng kahirapan at kagustuhan ng isang


indibidwal. Mahihinuha na naipakita nito anh sitwasyon sa Pilipinas na mayroong mga
kinatawan ngunit parang walang makikitang pakikipagtulungan. Mayroong mga pinagmulan
ngunit walang maayos na katapusan. May mga batas ngunit, hindi napapakinabangan ng
maayos. may mga pinuno ngunit sila ang nakikinabang sa lahat. Dahil dito, Maraming pilipino
ang namimiling mangibang bansa sapagkat naniniwala sila na ito ang magiging kasagutan sa
kahirapang nais nilang malutasan. Ang pagsasakripisyo upang maibigay ang bagay na sa tingin
nila ay higit na kailangan ng kanilang pamilya.

Mapapansin din natin ang paggamit ng mga salitang malalim at mayroong


pagkukumpara. Dahilan upang maisaalang alang ng komposer ang pagiging malikhain at
masining ng kaniyang musika. Isa ito sa paraan upang magkaroon ng palaisipan ang isang linya
ng isang kanta o ng iba pang akda.

Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan


Ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran
Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan
Ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan
Sa san lalahat ng kanilang pag-aari
Mababawi din naman yan ang sabi pagnayari
Ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano
O barko kahit saan man papunta.
Basta kumita ng dolyar naipapalit sa piso
Ang isa ay katumbas ng isang dakot na mamiso
Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino
Lilisanin ang pamilya ang amo kahit na sino
Gugutumin sa aktan malalagay sa piligro
Uuwi ng nasa kahon ni wala man lang testigo
Darating kaya ang araw na itoy mag-iiba
Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na

Dito masasalamin ang kawalan ng kasiguraduhan kung ano ang kahihinatnan ng mga
kababayan naying nagingibang bansa. Ang pagsasakripisyo sa paniniwalang may magandang at
mas maayos na kapalit. Mahihinuha rin dito ang kalagayan ng lipunan na kahirapan at ang mga
kontrobersiyal na isyu na mga kasong madalas na kasangkutan ng mga pilipino sa ibang bansa.
Kabilang na rito ang kasong pagmamaltrato at pagpatay sa kanila gaya ng ibang kasong naipakita
na sa mga balita.

Ang tekstong ito ay gumamit ng imaheng isyung panlipunan. na madalas kasangkutan ng


mga OFW o kanilang mga nararanasan. Mapapansin na isa ito sa paraan upang makuha ng isang
komposer ang diwa o damdamin ng isang tagabasa o tagapakinig. Paraan upang magkaroon ng
koneksyon ang kanta sa buhay ng isang indibidwal. Mapapansin din na mayroong paniniwalang
magbabago pa ang sitwasyon na ito. Kung mapagiisipan ng isang indibidwal at hindi itutuloy
ang pangongibang bansa. Sapagkat naniniwala ito na maytoong ibang oportunidad dito sa ating
bansa.

Subukan mong isipin kung gaano kabigat


Magbuhat ng maleta halos hindi mo na maangat
Ihahabilin ang anak para 'to sa kanila
Lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba
Matapos lamang sa kolehiyo matutubos din ang relo
Bilhin mo na kung anong gusting laruan ni Angelo
Matagal pa kontrato ko titiisin ko muna 'to
Basta ang mahalaga ito'y para sa pamilya ko
Dito naipapakita ang pagaalinlangan ng komposer tungo sa kinabibilangan ng mga
nangingibang bansa. Marahil, gusto nitang ipakita ang epekto niyo sa isang pamilya.
Mapapansing gumamit ito ng isang sitwasyon na karaniwang nagaganap sa loob ng isang
tahanan. Ang pagkakaroon ng mga pangangailan ngunit walang sapat na katibayan upang
muling maibalik ang mga sitwasyong mas kailangan ng kanilang pamilya ang bawat isa.
Nagpakita rin siya ng ilan sa mga kadalasang dahilan ng isang OFW sa kanilang mga pamilya o
sarili na talaga namang pasok at nagaganap sa ating lipunan.

Konklusyon:

Ang kantang walang natira ay nagpapakita ng sitwasyon na kung saan sangkot ang
pamilya at kanilang sarili sa isyung madalas kasangkutan nila. Ang teoryang realismo ay angkop
dito sapagkat ito ay naglalaman ng isang makatotohanang sitwasyon. Mapapansin din na
gumamit ito ng istilong kakaiba upang magkaroon ng palaisipan at magmistulang malikhain ang
buong teksto. Mahihinuha din na ito ay umiikot sa istorya o konsepto sa pagitan ng
pamamalakad ng gobyerno at ng mga pilipinong naiipit sa sitwasyong ito.

Naipakita nito ang pamamalakad na sila sila lang ang nakikinabang habang ang mga
pilipinong nagluklok sa kanilang kinalalagyan ang patuloy na naghihirap at walang
napapakinabangan. Naipakita rin dito na hindi pang karaniwan ang pangingibang bansa ng osang
indibidwal sapagkat saklaw nito ang ibat ibang paraan ng pagsasakripisyo at ang ibat ibang
epekto nito sa kanilang mga buhay. Maraming mga propesyonal din ang pinipiling mangibang
bansa sapagkat ito ang oportunidad na pinaniniwalaan nila. Ang piliing mahsilbi sa ibang bayan
kaysa sa sariling bayan na mas nangangailangan ng tulong nila. Ang maipit sa sitwasyon sa
pagitan ng kagustuhan at ng pangangailangan.
Sanggunian:

Battad, D.H. (2014, July 16) Retrieved from: https://prezi.com/m6wzaq7lynfv/teoryang-realismo/

Lachica, D.M. (2015, March 10) Retrieved from:


https://donamaylimbo.wordpress.com/2015/10/08/teoryang-realismo/

Battad, D.H. (2014, July 16) Retrieved from: https://www.azlyrics.com/lyrics/gloc9/walangnatira.html

Bauermarin, C.H. (2012, August 30) Retrieved from: http://jalajalanhsfilipinoiii.blogspot.com/

(2017, April 02) Retrieved from: http://www.justhomeworks.com/2017/04/ang-teoryang-realismo.html

You might also like