You are on page 1of 12

Hindi mapagkakailang malaki ang ambag ng musika pagdating sa pamamaraan kung paano

ipinapahayag ng mga musikero ang kanilang saloobin at personal na input patungkol sa mga

nangyayari sa kanilang paligid. Hindi rin naman ikinakaila sa atin na sa pamamagitan ng mga

kantang kanilang ipinaparinig sa atin, o sa mga kantang ating pinakikinggan, sa radyo man ito o

sa telibisyon, kinakanta sa karaoke o maski ng mga taong nakatambay sa kalsada, malaki ang

nagiging epekto nito sa pagkakahubog ng pag-iisip at kamalayan ng isang indibidwal. Ang

malaking bahagi ng ating musika ay bunga ng impluwensiya ng ating mga katutubo at mga

mananakop na Kastila at Amerikano. Mula noon ay patuloy nang umunlad ang ating pagtingin sa

larangang ito kasabay ang pagbabagong dulot ng pamamaraang likas sa kakayahan ng

mga Pilipino. Bahagi na ng araw-araw na pamumuhay ang musika at asahan na patuloy ang pag-

usbong nito sa pagdaan ngayon.

Normal na sa mga Pilipino na kapag sila ay gumigising sa umaga, gagawa sila ng gawaing bahay

at kung minsan, upang matanggal ang bagot na nararamdaman sa kanilang mga sarili ay

binubuksan nila ang kanilang radyo upang makinig ng mga kanta. Hindi na ito mawawala sa

kultura nating mga Pilipino. Pinakikinggan natin ang kung anoman ang maganda base sa ating

paniniwala. Ang pagpili ng pikakikinggan nating kanta ay nakabase sa kung ano ang sikat at lagi

natin napakikinggan sa loob at labas ng ating kabahayan.

May mga kantang tumatak sa ating isipan base sa kung ano ang nais nitong ipahiwatig. May mga

kanta naman na sumisikat, hindi dahil sa lyrics ng kanta bagkus ay sa kung sino ang kumanta. Sa

alinmang pamamaraan, nagkalap kami ng mga kantang tumatak sa isipan ng mga Pilipino.

Kabilang sa mga nakalap naming madalas at palagiang naririnig sa radyo o telibisyon ay ang

kanta ni Abra na may pamagat na ‘Ilusyon’. Lumabas ito at unang narining taong 2013. Ang
kantang ito ay lantarang pinatutungkulan ang mga bulok na sistema sa gobyerno ng ilan sa

kilalang politoko na nagpapatupad ng batas sa ating bansa.

Ilang dekada na ba, nakapagtataka na wala paring pagbabago ng pagkatagal na imbis na

mataranta, aba nagbabalak pa. Pagtakpan ang matagal ng halatang halata. Palakihan ng lote

paramihan ng kotse. Para 'di mangamote, bayanihan ng konte. Matapobre, talagang plastikan ang

forte. Natutulog sa pansitan na sandigan ng korte. Sakit, ng lipunan kayo ang ebidensya

Sakit, oo pero ngayon ay epidemya.

Hindi lingid sa ating kaalaman na may mga politikong walang habas na nagnanakaw ng kaban

ng bayan, nagpapayaman sa pamamagitan ng pag-angkin sa mga buwis na binabayad ng mga

pilipinong nagpapakahirap magtrabaho para tustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Pakitang-tao sa harap ng kamera, nagdudunungdunungan na tila pantas, at akala mo talaga’y

alam ang paghihirap na nararanasan ng sambayanan kung makapagsalita. Tumutulong kuno

upang mabawasan ang kahirapan, ngunit nagnanakaw naman pala sa kaban ng bayan. May

itinatagong lihim, nagpapalit ng mukha upang makuha ang tiwala ng mga madla.

Sakit, ng lipunan kayo ang ebidensya. Sakit, oo pero ngayon ay epidemya

At sa Pilipinas ang mga elektibo. Nagpapaka bibo at hindi epektibo. Puro salita pero ni wala man

lang pruweba. Magpapaka-propeta para walang protesta. Sa nakaraang problema ano ba ang

solusyon. Kung ang lahat ng nakikita ko ay isang Ilusyon.

Ang bawat isa sa atin ay may kanya kanyang karapatan upang ipaglaban ang ating paniniwala.

Ito ay ipinakita at ipinarinig sa atin ng awiting ‘Upuan’ ni Gloc 9. Sinasalamin ang tunay na

kalagayan at estado ng bawat pamilyang pilipino sa ating lipunan. Layunin nito na imulat ang

mga opisyal o kung sinu mang nakaupo sa kung anu mang uri ng upuan. Mapa mataas man o
mababang antas ng ating lipunan. Ang kantang ito ang isa sa mga kantang mas lalong

nagpamulat sa mga mamamayang Pilipino tungkol panggagahasa ng maling sistema at

pamamahala ng mga taong may pwesto sa gobyerno. Hindi na bago ang isyu ng kahirapan. Kung

tutuusin may kung ilang dekada na ito nararanasan at pinag-uusapan. Sa kasalukuyan, nasaan ba

ang mga taong mahihirap? May nagbago ba sa kanilang buhay simula nang pag-

usapan? Nabibigyan ba ng solusyon ng gobyerno ang problema sa kahirapan?

Nakalulungkot isipin pero patuloy sa pagdami ang mga taong naghihirap. Sino ang hindi

nakakaalam sa anyo o kalagayan ng isang taong mahirap? Sinu-sino ang taong mahirap? Ang

taong mahirap ay hindi mahirap hanapin. Sa aking palagay, ang taong mahirap saan ka man

lumingon sa paligid ay makikita. Sila ang mga taong walang sariling bahay, damit at

pagkain. Sila ay salat sa karangyaan ng buhay. Sila ang mga taong madalas natutulog sa kalsada,

sa ilalim ng tulay, sa kariton, sa mga parke, sa tabing ilog, sa mga lugar na malapit sa dumpsite,

sa mga flyover, overpass, waiting shed, harap ng isang fastfood chain kung sarado na, at kung

saan-saan pa.

Ang politika ay isa sa pinakamaduming laro sa lipunan. Marami ang namamatay dahil dito.

Pinapatay nila ang bawat isa para sa isang posisyon. Isang posisyon na gagawa talaga sila at

gagawa ng anumang nais nila. Isa sa problema ng politika sa Pilipinas ay ang katiwalian. Ang

katiwalian na mas matanda kaysa sa ating lolo at lola. Katiwalian na magpahanggang ngayon ay

problema pa rin ng gobyerno. At isa sa mga naapektuhan ng problemang iyon ay ang mahirap na

sektor ng ating lipunan.

Mawalang galang na po
Sa taong naka upo,
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo

Kahirapan ang nag-uudyok sa marami upang gumawa ng masama. Tinitiis ang hirap at

isinasantabi ang tsansang masaktan at maparusahan may mapangbili lang ng bigas na kakainin

ng pamilya. Walang maayos na tirahan, at kung minsan ay pinapaalis pa sa kanilang tinirihan.

Sala sa init, sala sa lamig. Ang kahirapang nararanasan ng mga Pilipino ay lubhang

nakababahala.

At dahil sa kahirapan, may mga taong mas pinipili na lamang na gumawa ng masama.

Nagagawang magnakaw. Binibenta ang sarili para may maibiling bigas para sa kanilang pamilya.

Nagbebenta ng ipimagbabawal na gamot para may maiuwi para sa pamilya nila. Ang kahirapan

ang nagsisilbing motibasyon nila upang gumawa ng masama at lamangan ang kapwa nila

mahihirap. Dahil sa ito lamang ang alam nilang paraan para makaraos sa araw-araw. Gaya sa

kantang Magda at Norem. Si Magda, na tulog sa umaga, gising sa gabi. Sasayaw para may

maihaing bahaw sa hapagkainan.

Ano ang Dapat Mabago?

“Hindi ang gobyerno ang solusyon sa ating problema; ang gobyerno mismo ang problema.”—

Ronald W. Reagan, sa pahayag niya sa kaniyang inagurasyon bilang ika-40 Presidente ng

Estados Unidos.

Isa sa pinakausapan ng maraming kabataan ang kanta ng Ex Batallion na ‘Pakinabang’. Sila ang

mga grupo ng mga rapper na nagsama-sama upang makagawa ng kanta. Ang Ex Battalion, na

karaniwang kilala sa pinaikling katawagang Ex B at kilala rin bilang Kakaiboys, ay isang


grupong ng mga rapper mula sa Muntinlupa, na kilala sa mga hit na "Hayaan Mo Sila" (# 2

Billboard Philippine Top 20) at "Hindi Mga Larong "(# 10). Ang grupo ay orihinal na nabuo

bilang isang pangkat na binuo ni Bosx1ne. Kalaunan ay nadagdagan ito ng mga miyembro

kasama sina JRoa, Jon Guttierez (na gumamit ng 'King Badger' bilang kanyang pangalan sa

entablado), Brando at O.C. Ang miyembro ng Dawgs na si Skusta Clee. Ang grupo ay nakakuha

ng katanyagan sa buong bansa pagkatapos ng paglabas ng ilang mga hit na kanta. Sa panahong

ito, sila ay tinawag bilang ang pinakamatagumpay sa mainstream na hip-hop sa bansa na may

kabuuang higit sa 522 milyong mga video ng music video sa YouTube.

Sa pagpasok nila sa isang bagong kabanata ng kanilang karera, tinapos ng Ex Battalion ang

pagpapatakbo ng negatibo sa kanilang buhay. Upang maipakita ang kanilang paglaki at bagong

pag-uudyok, inilabas nila ang music video ng 'Pakinabang'. Ang kanilang musika ay maaaring

hindi pabor sa iba. Ngunit ang kanilang bagong track ay nagpapatunay na sila ay higit pa sa

iniisip ng mga tao. Ang Ex Battalion ay isa sa mga pinaka kontrobersyal na grupo ng mga

musikero ngayon sa lokal na industriya. Nagsimula sila mula sa pinakamababa hanggang sa

nakamit ang kasikatan na tinatamasa ngayon. Gayunpaman, habang sila ay sumusulong, may

mga bagay ay naging kumplikado para sa bawat isa sa kanila. Nakatagpo sila ng ilang mga

pagkakamali tulad ng pagkawala ng ilan sa kanilang mga miyembro at maging ang kanilang

tagapamahala. Habang nangyayari ang mga bagay na iyon, ang poot at negatibo na kanilang

nararanasan ay nagpatuloy sa mga araw na lumipas.

Ang music video ng Pakinabang ng Ex Battalion ay nagpapakita ng isang malaking hakbang para

sa pangkat dahil hindi sila nagkakasundo sa mga nagsasamantala sa dugo na tinawag nating

"kaibigan".
Sa pagpasok nila sa isang bagong kabanata ng kanilang karera, tinapos ng Ex Battalion ang

pagpapatakbo ng negatibiti sa kanilang buhay. Upang maipakita ang kanilang paglaki at bagong

pag-uudyok, inilabas nila ang music video ng 'Pakinabang'. Ang kanilang musika ay maaaring

hindi tasa ng bawat isa. Ngunit ang kanilang bagong track ay nagpapatunay na sila ay higit pa sa

iniisip ng mga tao.

Marami sa atin ang nakarinig na ng mga kanta ng Ex Battalion pagkatapos ng kanilang hit song,

'Hayaan Mo Sila'. Gayunpaman, parang may mas mahusay sila sa 'Pakinabang'. Mula sa mga

tipikal na lyrics na napapakinggan natin sa mga rapper, ang kanta nilang pakinabang ay

nagpakita lamang ng kanilang pagiging musikero, mas hinigitan ang nakaaaliw na kanta, mas

pinalalim ang mmga kahulugan sa likod ng bawat salita. Sa katunayan, ang 'Pakinabang' ay

maaaring ang kanilang pinakamahusay na kanta hanggang sa kasalukuyan.

Ang kantang ito ay pumapatungkol sa mga taong iniwan sila pagkatapos gamitin para sa

kanilang sariling mga pakinabang. Maging kaibigan, kaklase o mahal sa buhay man ito. May

mga tao talagang gagamitin ka lang dahil may kakayahan kang tugunan ang pangangailangan

nila. Ang kantang ito ay nagpapakita lamang na kung kilala ka at may pangalan, gagamitin ka

nila, lalapitaan at kakaibiganin. Itatago nila ang mga mabutin mong nagawa at ipagakakalatang

mga pagkakamali na nagawa mo.

Ganun talaga ang ugali ng iba


Minsan ay mabait kapag kailangan ka
Pero kapag nagkulang
Halos tabunan ka ng masasakit niyang mga salita
Saan ka pa lulugar sa mundo na puro boss
Handa kang bumargain sunud-sunuran kahit inaapi nang lubos (boss)
Sa mga gusto nila na mangyari
Iba ang 'yong kutob
Hindi ka pupwedeng umangal kahit pa ba na labag sa 'yong loob
Kasi kahit ikaw pa ay mapaos
O kahit ikaw pa ay mamalat
Kailangan mo lang na sumunod
Wala kang karapatang sumabat
Lalo na at hangga't ika'y mabigat
Nakita nila na ikaw ay nakaangat
Hindi ka nila basta bibitawan para't sa leeg mo na nakakagat
Parang vampi-yeah lahat ng dugo sipsip
Walang humpay hanggang matuyo
Parang sampay tapos ipapaligpit goodbye
Kapag sumuway, palalabasing masama sa tao
Ay wala kang utang na loob
Para bang sumbat ng iyong inay
Wala ka na'y at sa kanilang tanikala
Pumalag ka man 'di na kinaya
Pagkatapos ka nilang pakinabangan
Puro pakabig

Ngunit kung susuriing mabuti, mapapansing hindi lamang ito normal na kantang pinatatamaan

ang mga mangangamit mong mga kaibigan. Sinasalamin rin nito ang kalagayan na ating bansa.

Ang mga palihim nitong mga patama sa gobyerno, na kung iisipin nating mabuti, ginagamit

lamang tayo ng mga pilitiko para sa kanilang sariling kapakanan. Kinukuha ang loob nating mga

botante upang sila’y ating iboto, nagkakawang-gawa, nagpapakitang gilas para masabing kakaiba

sila, ngunit ang tanging nais lang naman ay ang ating boto, pagkatapos ng eleksyon ay

maghahari-harian na sa pamahalaan, handing pumatay para sa pwesto.

Sa kabilang banda, Ang pakikinig sa musika ay kagaya rin ng pagkain. Parehong makakabuti ito

sa iyo depende sa kung ano ang pinipili mo at kung gaano karami. Nakapagpapaganda ng mood

ang musika. Kapag hindi maganda ang araw ng isang tao, magpapatugtog ito ng paborito nitong

kanta at gumagaan na ulit ang pakramdam. Nagbabalik ng magagandang alaala ang musika. May

mga kanta na nagpapaalala sa atin ng magagandang karanasan na nagdadulot sa atin ng ngiti

kapag naririnig ito. Kung mapamili ka sa pagkain, dapat mapamili ka rin sa musika. Ang ilang

musika, tulad ng kontaminadong pagkain, ay nakakalason.


Maraming kanta ang may malalaswang lyrics. Isang halimbawa na lamang ay ang kantang Mau

ni Shanti Dope.

“Parang lahat na lang ng sikat na kanta ay tungkol sa sex. Hindi na nga nila ito ikinakahiya.”

Sekretong malupet pwede pabulong?


Mapapamura ka ng pakshet malutong
Makinis, maputi siya pero ba't ganon?
Bakit sobrang grabeng maitim ang utong?
Parang binilad ng tanghali sa bubong
O pinaglihi sa kulay ng gulong
Makinis, maputi siya pero ba't ganon?
Bakit sobrang grabeng maitim ang utong?

Mahalaga para sa kababaihan ang paggalang sa kanilang katawan. Ngunit sa ipinakitang lyrics

ng kanta, na para nitong dinudungisan ang larawan o kaanyuan ng isang babae, masasabi nating

mas nagiging mapusok o marahas na ang paraan ng paglalarawan sa isang kanta.

Isa sa pinakasikat na kanta ngayon ay ang Manok na Pula. Ito ay hango sa kantang Just Another

Woman In Love. Madalas na napapakinggan sa radyo at palagiang kinakanta sa videoke ng mga

kalalakihan. Ang sabong ay isa sa mga bisyong matagal ng problema sa ating bayan. Mula pa

noong unaang panahon ay likas na sa mga pilipino ang tumaya at makipagsapalaran sa napiling

manok na panlaban. Hinuhuli ang sinumang lumalabag sa patakaran na pumapatungkol sa ilegal

na pagsasabong. Tunay na nakakaaliw ang gawaing ito. Isang kwento ng lalaking mahilig

magsabong, itinaya ang pera ni misis, at kalauna’y natalo. Isa rin ang sabong sa dahilan kung

bakit nauubos ang sweldo ng mga mister. At gaya sa kanta, nagiging sanhi rin ito ng pag-aaway

ng mag-asawa.

Sa kritikal na pag-iisip, ayon sa aming nabasa, may ilan na nagsasabi na ang kantang Manok na

Pula ay may kinalaman sa kapitalismo na pinagsisimbulohan ng Palawan. Hindi lingid sa ating

kaalaman na ang remittance center na ito ay nagpapataw ng buwis sa ating ipinapadalang pera at

sa mga alahas na ating isinasangla. Sa kabilang banda naman, ang pagpili ng sabungero sa
manok na pula ay maaaring sumisimbolo sa proletaryong rebolusyon. Ang kulay pula na

sumisimbolo sa kulay ng NPA. Napapili ang sabungero, at mas piniling isapalaran ang pera sa

manok na pula. At ang pakikipagsapalaran natin sa manok na pula ay hindi nangangahulugang

mabilis na proseso ng pagkapanalo. Ito ay isang pangmatagalang sugal.

Maraming mga talent show na nagpapakita at nagpapamalas ng kakayahan ng isang manunulat at

ng mga musikero magmula pa nuong nagdaang taon. At dahil na rin sa kasikatan ng mga kantang

naririnig natin sa telebisyon at radyo, umuusbong at ipinagpapatuloy ay ganitong mga

patimpalak na mas lalong nagpapalawig ng kakayahan ng mga mangaawit at lumilikha ng

pangalan sa larangan ng musika. At isa ang taunang Himig Handog na ipinalalabas sa ABS-CBN

sa mga patinpalak na nagpapakita kung gaano kagaling at kahusay ang mga Pilipino sa paggawa

ng orihinal na likhang awitin. Naging matunog ang awitin nila Moira Dela Torre at Daniel

Padilla na may pamagat na ‘Mabagal’. Ito ay sinulat ni Dan Tañedo, na kasama sa finalists sa

Himig Handog 2019. Ayon sa isang interbyu, sinabi ni Moira Dela Torre na, “sa buong oras na

pinakikinggan mo ang kanta, nakangiti ka lang. Ito ay isang kanta na makakatulong sa mga

kabataan na pahalagahan muli ang mabagal na pagsasayaw.” Ang kantang ito ay naging matunog

marahil ay dahil na rin sa kung sino ang kumanta nito, at sa kung paano nito inilalahad ang

kahulugan ng kanta. At dahil na rin sa kasikatan ng kantang ‘Mabagal’, nagkaroon pa ito ng

maraming bersyon na napapakinggan at napapanood sa youtube. Isa na rito ang bersyon ni Kyo

Quijano, na ang mga linya sa kanta ay pinalitan ng mga nakatutuwa at nakakaengganyong mga

salita. Tinutukoy nito ang kung paanong nakakainis ang mabagal na internet na nararanasan dito

sa ating bansa. Totoo nga namang nakakainis ang bagay na ito. Hindi ka makakatapos ng gawain

sa eskwelahan kung mabagal ang data mo, na kung tutuusin ay dapat na nagpapabilis at

nakapagpapagaan ng gawin ng mga estudyante.


Dagdag pang ideya na maaari nating iugnay sa awiting ‘Mabagal’ ay ang daloy ng trapiko.

Mabagal na kumikitil na mismo sa buhay lalong lalo na sa mga maralita. Sa awiting

TRPKNNMN ni Gloc-9 kasama ang bandang Agsunta, taong 2017, napakalinaw kung paano

inihatid ng kantang ito ang kasalukuyan at papalala pang kalagay ng trapiko sa bansa. Kung

papaanong ang mga mayayaman lamangang may kakayahang maibsan ang hirap pagdating sa

sistema ng transportasyon sa bansa. Ayon sa kanta,

Pagod sa trabaho, makulit na amo


Wala pang sweldo baon ko di aabot paano
Ko pagkakasyahin pengeng malupit na plano
Sahod na parang nakahingi ka ng balato

Ipinakikita dito ng sumulat, na si Gloc-9, kung ano ang kinahaharap pang suliranin ng mga

manggagawang Pinoy bukod sa kahaharapin pa nitong trapik.

Disgrasya demo-demokrasya
Dito sa bayan na karangyaa'y madalas na pinapantasya
Lumang sapatos na pilit mong pinapagkasya
Pangarap na di mo mapaliit ang distansya

Dito isinasaad ng kanta kung paanong ipinahihiwatig ng lipunan ang solusyon nito sa palpak na

transportasyon – ang pag-asang balang araw ay magkaroon ka ng sarili mong kotse upang hindi

na makipagsiksikan sa mga pampublikong sasakyan, na kung susuriin ang isa lamang sa

napakaraming 'band-aid solution' na inihahapag sa atin ng lipunan.

Gano na ba kahaba ang pila sa LRT


Sana nama'y di na tumirik ang MRT
Ingat baka madukutan ka pa ng Iphone 3
Ito ang 'sang dinadaing araw man o gabi

Dito naman sa Pre-chorus ng kanta inilarawan ang maya-mayang pagkabalisang nararamdaman

ng mga mananakay. Ang dapat ay serbisyong pampubliko tulad ng LRT at MRT ay palagiang
may aberya na nagbigay dito ng mababang integridad gayong ito'y pinopondohan ng gobyerno.

At tulad ng nabanggit, ito ay inaalala 'araw man o gabi'. Walang pinipiling oras.

Gusto ko ng umuwi
Gusto ko ng umuwi
Araw araw na lang ganito mula sa Monumento
Lagro hanggang sa Quiapo
Crossing ilalim, ibabaw nasan ka na raw
Nasa Cubao nilalangaw
Gusto ko ng umuwi
Gusto ko ng umuwi
Kaso trapik na naman

Samantala, ang chorus ng kanta na makikita sa itaas, ay mistulang panawagan ng bawat isang

komyuter na sumusuong sa hirap ng pagbyahe partikular sa kaMaynilaan. At ang huling linya at

titulo ng kanta ang makikita nating kasalukuyang estado ng suliraning pantransportasyon ng mga

Pilipino, ang pagkakatatak sa atin na ang trapik ay normal nararapat na tayong mag-adjust sa

halip na solusyunan ng mga nasa gobyerno. Ito ay tahasang pag-abandona sa obligasyon ng

pamahalaan na maglatag ng programang talagang tutugon sa problema ng mga mamamayan nito.

Paulit-ulit ulit ulit ulit


Na inuukit ukit ukit ukit ukit
Sa kukote na patuloy yatang kumikitid
Tila mas may silbi pa ang sinulid kaysa lubid
Mga bibig na burara, mga kamay na bastos
Sa sasakyang may kamao at may pangalan ng Diyos
Ayaw ayusin ang sira, sisirain ang ayos
Sila na nakaraparada sa mga daan na kapos

Ang linya naman sa itaas ay panibagong obserbasyon sa nagiging galaw ng gobyerno. Tulad ng

nabanggit kanina, puro 'band-aid solutions' ang iniimplementa ng gobyerno tulad ng number

coding, lanes at kung ano-ano pa, na siyang nagbibigay katauhan sa metapora na mas may silbi

ang sinulid kaysa lubid. Pangalawa ay ang pagturo ng awit sa mga nakasasakyang may kamao

(na maaaring tumutukoy sa Duterte Fist) at pangalan ng Diyos samantalang ang mga nakasakay
ay may bibig na burara (maaaring hindi nagpapakita ng kaangkupan sa pananalita, tulad ni

Duterte) at may kamay na bastos.

Ang musika ay isang paraan upang mailahad ng isang musikero ang kaniyang opinyon at

damdamin. Sa pagkanta nila nakikita ang kalayaan. Ngunit may ilang mga musikero at

mangaawit ang nakaranas ng opresyon. Si Shanti Dope, na isa sa pinakakilalang rapper at

songwriter ay nakaranas ng ganitong pangyayari. Ang kanta niyang ‘Amatz’, ay kamakailan lang

ay ipinagbawal ng gobyerno dahil di umano, ito raw ay masamang pinakikinggan dahil sa pag-

udyok nito na gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Ipinapakita raw nito sa kanta kung ano ang

nararamdaman at nararanasan ng isang taong gumagamit at adik sa droga. Hindi lingid sa ating

kaalaman na mahigpit ang gobyerno at patuloy na pinupuksa ang mga gumagamit at nagbebenta

ng ipinagbabawal na gamot. At sa kadahilanang ito, nakaranas si Shanti Dope ng represyon. Na

ang tanging hangad lamang ay maglahad ng kanyang saloobin at opinyon sa pamamagitan ng

mga kantang nililikha niya.

You might also like