Professional Documents
Culture Documents
1. Introduksyon
Ang kahirapan ay kondisyon ng tao kung saan mayroon siyang kakulangan
sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at tubig. Kaakibat din
dito ang kabiguan ng mga tao na makakain ng tatlong beses. Ito ay isa sa
problema na hindi matapos- tapos at hindi rin mabigyan ng solusyon. Mahigit
kumulang 48% o 11.1 milyon ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nagsasabi
at itinuturing ang kanilang sarili bilang mahirap. Ito ay batay sa ikalawang
‘survey’ na ginawa ng SWS o Social Weather Stations. Sa araling ito mas lalo
nating bibigyan ng larawan ang totoong kahulugan ng kahirapan.
Noong unang panahon pa man, panahon ng patriarkang si Adan ay sinabi
ng Diyos sa kaniya na,“ …Kaya susumpain ko ang lupa, at kakailanganin mong
magpagal ng husto para sa iyong pagkain. Sa hirap, kakain ka ng pagkain mula
roon sa lahat ng araw ng iyong buhay. Pagpapawisan at pagpapagalan mo ang
para sa iyong pagkain…” (Gen. 3:17 at 19 New Country Vision) ay ipinahahayag
nito ang paghihirap na daranasin ng tao mula ng sila ay itakwil ng Diyos,
sapagkat ang bawat nanaisin ng tao ay kinakailangan niyang paghirapan o
pagpagalan.
Sa aking pag-iisa ay wala akong ibang inisip kundi ang iyong kapakanan.Iniisip ko kung kumain
ka na ba at natutulog ka ba sa oras. Sa buong maghapong paghahanap- buhay ko ay ikaw ang
laman ng isip ko. Minsan, ang bigat ng aking mga dalahin sa aking puso. Mabigat ang aking
pakiramdam at pilit na pinipigil ang pagpatak ng aking luha. Minsan, dumarating ang
pagkakataong pinagsisihan ko ang pagkawalay ko sa iyo ngunit maninimbang naman ang pagsisi
kung hindi ko gagawin ito. Mas mahihirapan ang kalooban kong hindi man lang kita mabigyan
ng sapat na pagkain at magandang edukasyon. Mas mararapatin kong tiisin ang hirap na
dinaranas ko dito at lungkot ng pag-iisa kay sa makita kitang pinanonood ang iba at naiinggit sa
mga kapwa mo bata. Wala akong ibang hinangad kundi ang mapasaya ka at magkaroon ng
magandang bukas kapalit ang hindi ko paggabay sa iyo sa araw-araw. Mahal kong anak,
pagpasensiyahan mo na ang Nanay mo kung hindi mo ako kasama sa lahat ng oras. Wala ako sa
tabi mo para paliguan ka bago pumasok sa eskuwela, Hindi ako ang naglaba ng iyong mga damit
at hindi ko man lang nagawa ang mga assignments mo at hindi man lang kita nagabayan sa
pagbilang at pagbasa .Ilang birthday na nga ba at ilang okasyon na hindi man lang tayo
nagkasama? Pagpasensiyahan mo na ako kung ang ating family picture ay kulang at idinikit lang
ang aking mukha para lang makitang may pamilya ka. Anak, darating ang oras at maiintindihan
mo ako. Huwag kang magdamdam at huwag magtanim ng sama ng loob sa akin. Minsan
kailangan nating gumawa ng paraan para mairaos ang buhay na ating inaasam. Mahal na mahal
kita anak. Hindi ko pinagsisihan na isilang kita sa mundong ito. Hayaan mo, konting tiis na lang
at makakasama mo na ako. Huwag kang manibago sa aking pagdating. Alam kong alam mo na
ang lahat. Ang aking pagtitiis dito ay para sa iyo at para sa ating dalawa. Huwag mo na lang
itanong kung bakit wala kang Tatay. Dahil kung nandiyan ang tatay mo ay hindi mo na rin
mararamdaman ang lahat at hindi mararanasang mawalan ng isang Ina sa lahat ng pagkakataon at
marahil nga hindi ka na rin magtatanong. Pilitin mo na lang intindihin ang lahat. Nandito pa ako,
anak. Mahal na mahal kita.
Nagmamahal,
Inay
Charito: Grabe talaga ang buhay sa ibang bansa ho mga tagapakinig. Grabe sa
hirap ng buhay kailangan mo talaga magsakripisyo para sa ating
pamilya. Anong masasabi mo aming panauhin?
Ralph: Ang masasabi ko lamang ay talaga naman na iba talaga ang binibigay na
sakripisyo ng ating mga magulang upang masustentuhan ang kanilang pamilya
at mabigay ang lahat ng kailangan kahit na sila ay kumakaharap sa labis na
paghihirap.
Charito: At dahil diyan, may inihanda kaming kanta sa iyo dakilang ina ng
tahanan.
(Kanta: Napakasakit Kuya Eddie)
Charito: At diyan nagtatapos ang ating segment na maalaala mo kaya. Hanggang
sa muli, paalam.
4. Kahirapan sa Pilipinas
Masalimuot ang usaping kahirapan sa ating bansa. Kung tatanungin natin ang
mga mayayaman ang tiyak na sasabihin nila’y “marami kasi sa atin ang
tamad”. At hindi naman natin sila masisisi sa ganitong pananaw dahil
umagang-umaga pa lamang nakikipag-inuman na ang ibang mga kalalakihan
sa barangay, walang kusang magbanat ng buto, at naghahangad na lamang
ng biglaang kita na parang “instant coffee”. Ang iba sa halip na maghanap ng
kapakipakinabang na trabaho ay nagbabakasakali sa sugal, at habang natatalo
ay lalong nagpipilit na makabawi hanggang sa malulong sa sugal at
magkabaon-baon sa utang na lalong nagpapalugmok sa kahirapan. Ang
lalong nagpapabigat sa ganitong problema, wala na ngang trabaho, ayaw
magbanat ng buto, saksakan pa ng bisyo – sugal, alak o droga. Siga pa,
palaaway, nambubugbog ng asawa o mga anak. Kaya paano nga naman
aasenso?
Bakit nga ba marami sa atin ang tamad, batugan, ayaw magbanat ng buto,
pero nangangarap ng masarap na buhay? Ay di hanggang pangarap na lang
tayo?
Kung tatanungin naman ang mga aktibista kung bakit mahirap tayo ang
kanilang sasabihin ay “dahil sa pagkakasakal ng mga mayayaman
at naghaharing-uri sa lipunan” katulad ng mga panginoong may-lupa at mga
negosyante na madalas sila rin ang mga pinuno sa pulitika. At dahil sila ang
mga namumuno sa pulitika ang kanilang mga balakin at gawain ay patungo sa
higit na pagpapaibayo ng kanilang mga interes, ng kanilang mga negosyo at ng
kapakanan ng kanilang mga pamilya lamang. Kaya nga sila tumatakbo sa
pulitika ay upang ma-proteksiyunan ang kanilang mga negosyo at iba pang
mga interes, hindi talaga kapakanan ng mga tao ang layunin nila. Kaya patuloy
na lumalaki ang agwat ng mayaman at mahirap.
Kaya ano nga ba ang dahilan ng ating kahirapan? Katamaran nga ba? O ang
paghahari ng mga mayayamang panginoong may-lupa o may-negosyo?
Hindi dahil sa katamaran ang dahilan kung bakit naghirap ang ating mga
ninuno. Ang dahilan ay ang pananakop ng mga Kastila na kumamkam ng ating
mga lupain. Nawalan ng lupang sasakahin ang mga Indiyo at ang mga ito’y
napunta sa kamay ng mga dayuhang mananakop. Ano’ng nangyari sa mga
Indiyong ninuno natin? Sila’y naging mga mangagawa sa mga malalawak na
hacienda ng mga Kastila at nang mga may dugong Kastila, na halos mistulang
alipin ng mga mananakop. Ang iba’y sapilitang pinagtrabaho sa mga
pagawaan ng “galleon” at sumasama sa paglaban sa mga pirata, at iba pang
mga gawain tulad ng paggawa ng mga Simbahan, mga gusali ng gobyerno at
ng mga kalsada. Ang tawag dito’y “polo” o “forced labor” at walang bayad.
At upang tuluyang maisulong nila ang kanilang mga interes, ang mayayaman
na mismo ang mga namamayani sa pulitika bilang mga alkade, gobernador,
congressman, senador at iba pa, at sila ang mga may koneksiyon at
kapangyarihan upang magtalaga ng kanilang mga kaibigan sa gabinete at iba
pang mga katungkulan sa burukrasya upang kanilang maging mga
kakampi. Ang mga mayayaman ay wala naman talagang pakialam sa
karaniwang mamamayan. Pinapasok nila ang larangan ng pulitika upang
isulong ang interes ng kanilang pamilya at mga negosyo. Kaya may “political
dynasty” na kung saan ilang pamilya lamang ang naghahari sa isang lugar, o
kaya hindi napapalitan ang mga pinuno sa isang lugar at nagpapasalin-salin
lamang ito sa mga kasapi ng iisang pamilya. Ginagamit lamang nila ang
mahihirap upang patuloy silang manatili sa kanilang mga puwesto.
Paano ginagamit ng mga mayayaman ang mga mahihirap upang manatili ang
kanilang political dynasty? Dito pumapasok ang usaping “patronage politics” na
siyang laman o katangian ng tinatawag nating “traditional politics” o
“trapo”. Ang mga mayayamang pulitiko ay nagmimistulang mga “patron” ng
mga lugar na kanilang nasasakupan. Dahil sila’y patron, sa kanila tumatakbo
ang mga mahihirap tuwing may mga pangangailangan, halimbawa’y gamot,
pambayad sa ospital, pampalibing, pang-eskuwela ng mga bata, at iba pang
mga pangangailangan. Kaya nga ang mga bahay ng mga pulitiko ay palaging
maraming tao sa araw-araw sapagkat maraming mga mahihirap ang
dumudulog upang humingi ng kaunting tulong. Ang kaunting tulong na
kanilang natatanggap sa kanilang mga pulitiko ay kanilang tinatanaw
bilang utang-na-loob kung kaya’t sa susunod na eleksiyon iboboto nila ang mga
pulitikong ito bilang pagtanaw ng utang-na-loob. Ginagamit ng mga trapo ang
utang-na-loob na ito upang mapanatili sila sa kanilang mga puwesto.
Kaya ang kalakarang ito ang ibig sabihin ng patronage politics. Tinatangkilik ng
mga tao ang mayayamang pulitiko dahil sa mga kaunting tulong na
tinatanggap nila sa mga ito, kung kaya’t nananatili ang mga mayayamang
pulitiko sa kanilang mga puwesto. At ito ang ibig sabihing ng traditional
politics o “trapo”, na hindi kuwalipikasyon o kakayahan ng pulitiko o plataporma
de gobyerno ang tinitingnan ng mga tao, kungdi kung ano ang ibinibigay sa
kanila ng mga trapo na tinatanaw nilang malaking utang-na-loob. At dahil sa
ginagamit nga lang naman ng mga trapo ang mahihirap, walang tunay na
pagbabago sa kalagayan ng lipunan ang nagaganap kungdi ang patuloy na
pananamantala ng mga mayayamang pulitiko gamit ang kanilang
kapangyarihan, upang lalo pa silang yumaman sa pamamagitan ng kurapsiyon
at iba pang pang-aabuso sa gobyerno, samantalang ang mahihirap ay patuloy
na naghihirap, walang tunay na pag-asenso kungdi ang umasa na lamang
kakarampot na ibinibigay sa kanila ng mga trapo.
Ang masaklap hindi batid ng mga mahihirap na ang ginagamit ng mga trapo ay
nagmula rin naman sa buwis ng mga mamamayan ngunit sa akala nila’y
napakabuti na sa kanila ng mga trapo sa kaunting biyayang ambon. Ang mas
masaklap ang ibang ginagamit ng mg trapo ay galing sa pandarambong o
kaya sa mga illegal na gawain tulad ng illegal na pagtotroso, illegal na
pagmimina, illegal na pangingisda, huweteng, smuggling o droga. Natatakpan
ang kanilang mga illegal na gawain sa pamamagitan ng mga kaunting tulong
na ibinibigay sa mahihirap na dahil dito’y patuloy na naniniwala sa kabutihan ng
mga trapo.
Kaya kailangang magbago ng pananaw sa buhay ang mga tao. Hindi swerte-
swerte lamang ang buhay. Kailangang maunawaan natin na may mga
balangkas o istruktura sa lipunan na siyang dahilan ng patuloy na
pagkakalugmok ng mga tao sa kahirapan. Kung tataas ang antas ng ating
kamalayan, bubuwagin natin ang oligarchy at patronage politics ng mga trapo
at mga political dynasty, hindi aasa na lamang sa kanila kundi magsusumikap
na makaahon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagbabanat ng buto. Kung
nabuwag na ang oligarchy maaari tayong magsama-sama upang magtayo ng
bagong uri ng pamahalaan na tunay na para sa tao na tutugon sa kanilang
mga karapatan at pangangailangan bilang mga mamamayan ng bansa, at
hindi pamahalaan para sa interes ng iilan lang na naghaharing uri.
5. Pag-unawa sa kahirapan
Pag-unawa sa Kahirapan sa Pangkalahatan, Mga Uri, Mga Sanhi, at Mga Epekto
ng Kahirapan
1. Hall at Midgley
Ayon sa Hall at Midgley ang paniwala ng kahirapan ay isang kondisyon ng
materyal at panlipunang pag-agaw na nagiging sanhi ng mga indibidwal na
mamuhay sa ilalim ng isang disenteng pamantayan ng pamumuhay, o mga
kondisyon kung saan ang mga indibidwal ay nakakaranas ng kamag-anak na
pag-agaw kumpara sa ibang mga indibidwal sa lipunan.
2. Faturachman at Marcelinus Molo
Ayon kay Faturachman at Marcelinus Molo, ang paniwala ng kahirapan ay ang
kawalan ng kakayahan ng isang tao o maraming tao (sambahayan) upang
matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan.
3. Reitsma at Kleinpenning
Ayon kay Reitsma at Kleinpenning, ang pagkakaunawa sa kahirapan ay ang
kawalan ng kakayahan ng mga indibidwal upang matugunan ang kanilang mga
pangangailangan, kapwa materyal at hindi materyal.
4. Suparlan
Ayon kay Suparlan, ang kahulugan ng kahirapan ay isang mababang
pamantayan ng pamumuhay dahil sa mga kakulangan sa materyal sa isang
bilang o klase ng mga tao kung ihahambing sa umiiral na pamantayan ng
pamumuhay sa nakapaligid na pamayanan.
5. Friedman
Ayon kay Friedman, ang paniwala ng kahirapan ay ang hindi pagkakapantay-
pantay ng mga pagkakataon upang mabuo ang kapangyarihang panlipunan sa
anyo ng mga assets, mapagkukunan sa pananalapi, mga pampulitikang
organisasyon ng lipunan, mga social network, kalakal o serbisyo, kaalaman at
kasanayan, at impormasyon.
6. Levitan
Ayon kay Levitan, ang paniwala ng kahirapan ay ang kakulangan ng mga kalakal
at serbisyo na kinakailangan upang makamit ang isang disenteng pamantayan
ng pamumuhay.
1. Paksa na Mahihirap
Ang ganitong uri ng kahirapan ay nangyayari dahil ang isang tao ay may
sariling katwiran sa pamamagitan ng pag-aakalang ang kanyang mga
pangangailangan ay hindi sapat na natutugunan, kahit na ang tao ay hindi
masyadong mahirap.
2. Ganap na Kahirapan
Ang ganitong uri ng kahirapan ay isang anyo ng kahirapan kung saan ang isang
tao / pamilya ay may kita sa ibaba ng pamantayan ng pagiging karapat-dapat
o sa ilalim ng linya ng kahirapan. Hindi matutupad ng kanyang kita ang pagkain,
damit, pabahay, edukasyon at pangangailangang pangkalusugan.
3. Kakaugnay na Kahirapan
Ang ganitong uri ng kahirapan ay isang anyo ng kahirapan na nangyayari dahil
sa impluwensya ng mga patakaran sa pag-unlad na hindi pa nahahawakan sa
lahat ng antas ng lipunan. Ang patakaran ay nagtataas ng hindi
pagkakapantay-pantay ng mga kita at pamantayan sa kapakanan
4. Likas na Kahirapan
Ito ay isang kahirapan na nangyayari dahil ang mga likas na paligid ay mahirap
makuha para sa mga likas na yaman. Dahil dito ang lokal na pamayanan ay
magkaroon ng mababang produktibo.
Halimbawa: ang mga tao sa kontinente ng Africa na ang lupain ay tuyo at baog.
5. Mahihirap sa Kultura
Ito ang kahirapan na nangyayari bilang isang resulta ng mga gawi o saloobin ng
mga taong may nakakarelaks na kultura at hindi nais na mapabuti ang kanilang
pamantayan ng pamumuhay tulad ng modernong lipunan.
Halimbawa: ang tribong Bedouin na matatag na nagpapanatili ng mga
kaugalian at tinanggihan ang pag-unlad ng mga panahon.
6. Struktural Kahirapan
Ang kahirapan na ito ay nangyayari sapagkat ang istrukturang panlipunan ay
hindi nakakonekta ang komunidad sa mga umiiral na mapagkukunan.
Ang pagtaas ng kawalan ng trabaho ay maaari ring magdulot ng iba pang mga
problema na nakakagambala sa publiko. Halimbawa ang paglitaw ng mga
nagkasala ng krimen, pulubi, at iba pa.
Epekto ng Kahirapan
Sa pangkalahatan, ang kahirapan ay magkakaroon ng negatibong epekto sa
lipunan. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga epekto ng kahirapan na madalas
mangyari:
1. Tumaas na krimen
Ang kahirapan ay madalas na nauugnay sa krimen. Hindi nang walang dahilan,
dahil ang mahihirap ay may posibilidad na gumawa ng anumang bagay upang
matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang buhay, kabilang ang
paggawa ng krimen. Ang ilang mga uri ng krimen ay pagnanakaw, pagnanakaw,
pagmamakaawa, pandaraya, at pagpatay pa rin.