You are on page 1of 2

“MAGTANIM AY ‘DI BIRO”

Isang kaaya-aya at pinagpalang araw po sa iyong lahat. Ako po si Lynne Ivy L. Illaga at narito
po ako sa iyong harapan upang itanong, kumain na ba kayo? Kapag tayo ay kumakain, hindi natin
makakalimutan na pasalamatan ang ating Panginoon sa pagkaing nakahanda sa lamesa, ngunit hindi
natin naipagtanto na ang mga magsasaka ang naging instrumento ng Panginoon upang mayroon
tayong gulay, prutas, at bigas.
Ang ating magsasaka ay tinaguriang gulugod ng bansa kung saan sila ang nagtatanim at
nagbibigay sa atin nang makakain bawat araw. Sa ating buhay, minsan kailangan natin ng doctor,
abogado, inhinyero at iba pa ngunit hindi natin napagtanto na kailangan nating ng magsasaka sa
ating pang-araw araw na pamumuhay. Napahinto ka ba sagllit at sinubukang mag-isip kung sila ba ay
nakatikim ng mga masasarap na pagkain? Kung sila ba ay nakakain nang tatlong beses sa isang
araw? Kasi sa totoo lang, ang ating mga magsasaka ay kabilang sa pinakamalaking tagagawa ng
pagkain ng ating bansa, subalit sila ang pinakamahirap at nakakatanggap lamang ng maliit na
porsyento mula sa kanilang pinagpagurang trabaho.Sila ay nagtatanim upang mayroon tayong
makakain bawat araw ngunit sila mismo ay walang laman ang tiyan. Kaya pa ba nilang magtrabaho
para sa kinabukasan kung hindi masusuportahan ang kanilang mga pangangailangan?
“Magtanim at ‘di biro, Maghapong nakayuko, Di man lang makatayo, Di man lang makaupo”
Pamilyar ba ang mga salitang ito? Totoo na ang pagtatanim at pag-aani ay nakakapagod na gawain
gaya ng sinabi ng kanta kaya hindi simple ang pinagdadaanan ng mga magsasaka araw-araw.
Dagdag pa na ang kanilang trabaho ay hindi karespeto-respeto sa panahon ngayon dahil nga
magsasaka lamang. Maliit lamang ang kanilang kinikita hindi lang dahil sa mababang sahod kundi
dahil sa mababang tingin ng mga tao sa kanila. Mahilig tayong mga Pilipino na kumain ng kanin pero
hindi natin kayang suportahan ang industriyang agrikultura ng ating bansa. Mas gusto pa natin ang
mga imported products kaysa sa sariling atin. Karamihan sa mga Pilipino ay hindi
pinapahahalagahan ang mahalagang papel ng isang magsasaka sa paggawa ng pagkain. Ito ang
naging epekto sa ating pagkabigo sa pagpapaunlad ng pagsasaka sa Pilipinas. Ang ugat ng
problemang ito ay ang Rice Tarrification Law na ipinatupad noon pa. Ang mga magsasaka ay
nagsimula nang maghanap ng ibang paraan upang makakita ng malaki dahil sa labis na pagbaba ng
presyo ng kanilang inaani. Ang mga magsasaka ay nagmamakaawang humingi ng tulong sa
gobyerno dahil hindi kaya ng halaga na Php7.00 kada kilo ang bubuhay sa kanila. Sa halip na
pataasin ang presyo ng palay, ang ginawa ng gobyerno ay pinapautang nila ang mga magsasaka
upang mayroong temporaryong pagtustos sa mga bayarin. Paano na kung utang nang utang pero
wala namang pambayad ng utang? Magtanim ay ‘di biro, maghapong nakayuko sila kakaisip kung
paano kikita.
Paano kung susuko na ang ating mga magsasaka? Paano kung unti-unti na silang
napapagod sa pauli-ulit na mga pangyayari? Paano kung hindi na sila kayang buhayin ng natatangi
nilang kabuhayan?
Panahon na upang mag-isip tayo ng paraan upang makatulong sa ating mga lokal. Maging
boses tayo para sa kanila. Buksan nating lahat ang ating mga mata at tingnan ang mga abot-tanaw
na pag-asa na maari tayong tumayo nang sama-sama upang matulungan ang ating mga lokal. Kapag
walang kikilos, walang lalaban, walang magsasalita, patuloy pa rin nating aawitin ang lumang kanta
tungkol sa paghihirap ng mga magsasaka na pinamagatang Magtanim ay ‘di biro.

PAMANTAYAN

1. Pagsasaulo
2. Nilalaman at Gamit ng Wika
3. Pagbigkas, tingin ng mga mata at galaw ng katawan
4. Pagsunod sa Oras
5. Kasuotan
6. May Panghatak sa tagapakinig

Mahusay- 8-10
Katamtamang husay- 5-7
Kailangan pang panghusayan- 1-4

You might also like