You are on page 1of 17

MODYUL 4- PANITIKAN HINGGIL SA ISYUNG

PANGMANGGAGAWA, PANGMAGSASAKA, AT
PAMBANSA
1. Introduksyon
Ang panitikang ito ay tumutukoy sa mga isyung umiiral sa bansa, higit
sa usaping pangmanggagawa, pangmagsasaka at pambansa, upang
mailarawan ang mga suliraning kinakaharap at maisiwalat sa pamamagitan ng
panitikan upang maging direktang hamon upang buksan ang kamalayan ng
lipunan. Magkaroon ng kamalayan upang maunawaan ang higit na
pangangailangan ng mga itinuturing na nasa laylayan ng lipunan ay makabuo
ng mga panukalang mabibigyan ng tukoy na aksyon bilang tugon sa
pangangailangan ng mamamayan upang mabigyang halaga ang tungkulin ng
panitikan bilang sangkap sa pagsisiwalat sa mga salik na nakapangyayari at
dulot ng mga isyung nauugnay sa mga Pilipinong manggagawa, magsasaka at
sa bansa.

2. Mga Inaasahang Bunga ng Pagkatuto


1. Maipapaliwanag mo ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan.

2. Makasusulat ka ng sariling akdang pampanitikan na tumatalakay hinggil sa


isyung pangmanggagawa, pangmagsasaka at pambansa.

3. Pagtalakay
Nakasalalay sa mga manggagawa ang pambansang ekonomiya.
Nakasalalay naman sa mga magsasaka ang pambansang agrikultura. Kapwa
may ambag ang dalawang sektor sa araw-araw na buhay ng bawat Pilipino.
Kung kaya sa araling ito, palalalimin ang ano
mang isyung kinakaharap ng bawat isa ay nararapat lang maikintal sa
kamalayan ng bawat Pilipino at maging sa tulad mong kabataang pag-asa ng
ating bayan.

Ang paggawa ay ang gawain ng mga tao na may layuning bumuo ng


produkto o magbigay ng serbisyo.
Maaaring tumukoy ang paggawa sa lahat ng aspeto ng mga tao na may
layong bumuo ng isang bagay o pangyayari. Sa isinasagawang Labor
Force Survey ng Philippines Statistics Authority noong 2018, may 43.2 milyo
ng katao mula sa 71.0 milyong kabuuang populasyon ng lakas-paggawa
ang aktibong nasa estado ng paggawa. Ang labor force o lakas-
paggawang ito ay kumakatawan sa bahagi ng populasyon na may
edad labinlima (15) hanggang limampu’t
apat (54) (The World Bank, 2018). Mula 2007 hanggang 2016, mayroong
taunang pagtaas na 2.3% sa bilang ng may trabaho;bumaba ito ng 1.6%
noong 2017. Gayon pa man, noong 2018 nasa 94.6% ang employment rateng
bansa. Sakabuuang bilang na ito, makikita sa talahanayan ang distribusyon ng
paggawa base sa iba’t ibang sector.

May dalawang namamaying kategorya ng trabaho sa Pilipinas

–ang Bad jobs at Good jobs.

Ang bad jobs-


ay tumutukoy sa mga impormal at may mababang pasahod na trabaho.
Mababa ang pasahod sa kasong mas mababa sa 2/3 ng karaniwang pasahod
na at napakababa naman
kung ito ay nasa 50% ng karaniwang sahod o median wage. Ang mga ito ri
n ay hindi sakop ng labor regulations. Kabilang sa mga ito ang mga
trabahong kaswal, pakyawan at mga involuntary part-time.

Ang good jobs-


naman ay mga trabahong pormal at may magandang pasahod. Masasabi
ng pormal ang isang trabaho kung natutugunan nito ang dalawa sa tatlong
pamantayan: 1) may nakasulat na kontrata ng empleyo, 2) may segurong-
panlipunan osocial insurance mula sa employer, at 3) may proteksyon sa
arbitraryong
pagkatanggal sa trabaho. ‘Di tulad ng mga bad jobs na may mataas na ris
k ng kahirapan, mababa ang panganib ng kahirapan sa mga trabahong nasa
kategoryang ito. Isa pa sa nakababahalang datos sa ulat ang natuklasang
mataas na porsyento ng kabataang Filipino ay NEET o not in
education, employment and training. Sa may edad na labinlima (15) hanggang
dalawampu’t apat (24), 14% lamang sa NEET ang aktibong naghahanap ng
trabaho. Marahil, bunsod ito ng kawalan ng oportunidad lalo na at marami sa
mga kabataan ay kulang din sa edukasyon at kakayahang teknikal. Maliban pa
rito, natuklasan din ang mga sumusunod:

1. Mataas ang inekwalidad o ‘di pagkakapantay ng kita sa Pilipino kumpara sa


internasyonal na standard;

2. Mahirap ang mga tao sa Pilipinas hindi dahil wala silang


trabaho kung hindi dahil maliit ang kanilang kinikita;

3. Karamihan sa mga mahihirap na manggagawa ay mga ‘di sahurang ( non-


wage) manggagawa;

4. Mass mababa ang panganib na maghirap ang mga manggagawang may


mataas na pinag-aralan;

5. Mas mababa ang poverty incidence sa mga babaeng manggagawa


kumpara sa mga kalalakihan;

6. Mas maiksi ang oras ng trabaho ng mga mahihirap dahil sa kawalan ng


oportunidad ng magkaroon ng regular na trabaho; at

7. Minorya lamang sa mga mahihirap na manggagawa ang tumatanggap ng


minimum na sahod. Ipinapakita ng kalagayang ito ng mga mangagawa sa
Pilipinas, lalo nang mga mahihirap na
mangagawa,na ang problematiko ang kasalukuyang paggawa sa Pilipinas.

Marami namang mga batas ang nagbabalat-kayong pumoprotekta sa


kapakanan ng mga manggagawa, ngunit sa katotohanan ay nagiging
instrumento pa ang mga ito sa lalong pang-aabuso sa mga manggagawa.
Halimbawa, ang pagsasabatas sa RA No. 6727
o Wage Rationalization Act noong 1989 sa panahon ni Corazon Aquino ay
nagbigay -
daan upang mabuo ang RTWPs o Regional Tripatite Wages and Productivit
y Boards sa mga rehiyon. Ito rin ang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng
NWPC o National Wages and Productivity Commission. Sa kasamaang-palad,
ang batas ding ito ang nagbigay-daan sa mga mekanismong kontra-
manggagawa. Dahil hindi na nakaangkla sa isang national wage standard a
ng minimum wage ng mga rehiyon kung hindi sa kondisyong ekonomiko sa
mga rehiyong ito, napapako sa napakababang minimum ang sahod ng mga
manggagawa sa mga rehiyon. Bunsod ito ng pagiging market-
biased ng mga institusyon na siyang lalong nagpapalala sa kalagayan ng
mga manggagawa (Naguit,2017).

Patuloy naman ang pakikibaka ng mga labor union o mga grupong


pangmanggagawa para igiit ang
higit na makatarungang pasahod sa mga manggagawa. Kasama rin sa mg
a hangaring ito na mapabuti ang iba pang aspekto ng paggawa tulad na
lamang ng pagpapataas sa bilang ng mga trabaho. Bagaman tumaas
ang porsyento ng may trabaho, naitala naman ang mataas na porsyento
ng underemployment. Noong 2017, nasa 16.2% ito at lumubo pa ito sa 17.5% noong
2018 (LFS, 2018). Nangangahulugan lamang na ang mataas
na porsyento ng may trabaho ay hindi nangangahulugang isang maganda
ng kalagayan sapagkat may mga kondisyon pang dapat maisaalang-
alang. Maliban pa sa mga nabanggit nang suliranin ng mga manggagawa sa
Pilipinas, ang
kontraktwalisasyon ay isa sa pinakamalaking isyung kanilang kinakaharap s
a kasalukuyan. Lalong napag-
usapan ito nang ipangako ng Rodrigo Duterte noong 2016 na kanyang tata
pusin ang endo, ang kolokyal na tawag sa mga pagtatanggal sa mga
kontraktwal na manggawa. Sa kasamaang -
palad, hindi pa rin nakausad ang mga paborableng batas upang mapa
tigil na ang ‘di makatarungang kontraktwalisasyon sa bansa.
. Sa isang isyu ng IBON Facts & Figures na Contractualization Prevails, binala
ngkas ang mga sistema, batas at kautusang may kinalaman sa
kontraktwalisasyon: Kronolohikal na Listahan ng mga Batas, Sistema at Kautusan
sa Implementasyon ng Konntraktwalisasyo Batas, Sistema at mga
Kautusan Panahon/Petsa Cabo System under the colonial Spanish
government Spanish Occupation System in Labor Relations under the colonial
American government American Occupation, early 1990s Presidential Decree
(PD) 442: Labor Code of the Philippines May 1, 1974 Policy Instructions 20-76:
Stabilizing employer-employee relations in the construction industry 1976 DO19-
93: Guidelines governing the employment of workers in the construction
industry April 1, 1993 DO 10-97: Amending the rules implementing Books III an VI of
the Labor Code ,May 30, 1997 DO 03-01: Revoking DO 10-97 to prohibit labor-only
contractiong May 8, 2001 DO 18-1: Rules implementing articles 106 to 109 of the
Labor CodeFebruary 21, 2002 DO 18-A: Rules implementing articles 106 to 109 of
the Labor Code November 14, 2011 Do 174: Rules implementing articles 106 to 109
of the Labor Code March 16, 2017

Sa pinakahuling patakarang inilabas ng pamahalaan, ang Do 174 mula


sa Department of Labor and Employment, sinasabing the order purportedly
seeks to address the problems of “endo” (the slang for end of contract, or the
practice of conrtactualization) by ensuring the regularization of worers upon
hiring by third-party manpower agencies and granting them the same rights
and benefits as regular employees, including the
right form unions through stricter implementation of labor standards and e
xisting laws on permissible contractiong and subcontractiong (Naguit, 2017. I
naasahan, kung gayon, na
baka ito na ang magpapatigil sa sistemang endo na nagpapahirap sa mga
ordinaryong manggagawa; na maaaring patigilin nito ang kawalang -
seguridad sa paggawa, mababang pasahod, ‘di pagtanggap ng mga beneb
isyo at mga gawaing kontra-
unyon. Sa kasamaang palad, lumipas na ang ilang mga taon at nasa statu
s quo pa rin ang bansa sa usaping ito. Nagpapatuloy pa rin ang mga naki
kibaka at kinakalampag ang pamahalaan para hindi lamang i-
regulate ang kontraktwalisasyon, kung hindi tuluyang tanggalin ang ano mang
anyo nito. Upang matugunan ang malabnaw na argumento ng mga
nagmamay- ari ng mga nagosyong posibleng magsara ang mga negosyo at
pagawaan nila, patuloy ang pakikibaka at pagsusulong ng mga estrakt
ehikong plano para sa pambansang industriyalisasyong siyang tunay na
magdadala ng sustenableng pag-unlad at trabaho sa mga Pilipino
(Naguit,2017). Hindi nalalayo sa karanasan ng mga manggagawa ang k
aranasan ng mga magsasaka at manggagawang bukid sa mga
kanayunan. Bukod sa atrasadong sistema ng pagsasaka sa bansa,
pangunahin pa ring suliranin ng mga magsasaka ang kawalan ng sariling l
upang sinasaka at ang hindi pagkontrol sa importasyon ng mga produktong
agricultural na kumukumpetensya sa mga local na produkto at nagiging
sanhing pagkalugi ng mga magsasaka. Lumalala ang kahirapan sa bansa at
kalakhan sa pinakamahirap na bahagi ng populasyon sa Pilipinas ay
matatagpuan sa mga kanayunan. Sa pag-aaral na isinasagawa ng Asian
Development Bank (ABD)
noong 2014, natuklasang tumaas nang apat (4) na milyon ang bilang ng n
aghihirap sa huling sampung taon at kalakhan ng mga pamilyang ito ay n
asa eryang rural. Sa ulat ng ADB hinggil sa intergrasyong ASEAN, tinutukoy
na ang kombinasyon ng agricultural na produktibidad at pagtaas ng bilang ng
trabaho para sa
mga manggagawang bukid ay maaaring makatulong nang malaki sa pagb
awas ng kahirapan. Gayon pa man, sa kabila ng sinasabi ng mga ulat sa
pag-aaral, nananatiling hindi prayoridad ang pagpapalakas
at mekanisasyon ng agrikultura sa bansa. Sa katunayan, isa ang Pilipinas sa
mga bansang kasapi ng ASEAN sa may pinakamababang produktibidad sa
agrikultura.

4. ISYUNG PANGMAGSASAKA
Ang Isyung Pangmagsasaka ay patungkol sa mga mahahalagang pangyayari
sa ating mga magsasaka, particular sa kanilang mga produkto na mayroong
malaking epekto sa ekonomiya ng ating bansa. Nasasakop rin ng isyung ito ang
mga produkto ng ating mga magsasaka na inilalabas at ibenebenta sa ibang
bansa.

Ilan sa mga panitikan na naisagawa ukol sa mga isyung pangmagsasaka:

1. Ang Magsasaka ni Jilian Cruz Balmaceda

Sino si Jilian?

Si Jilian o Julian Cruz Balmaceda ay ipinanganak sa Orion Bataan noong Enero


28, 1885 at namatay noong Setyembre 18, 1946. Kilala siya bilang sa sa Filipino
poet, novelista, journalist at linguist.

ANG MAGSASAKA

SA MAGHAPONG SINGKAD IKAW’Y NASALINANG


SULONG MO’Y ARARONG BATAK NG KALABAW
DI MO PINAPANSIN ANG LAMIG AT GINAW
ANG BASAL NG LUPA’Y MABUNGKAL MO LAMANG

IYONG ISINABOG ANG BINHI SA LUPA


NA IKALULUNAS NG IYONG DALITA
TAG-ANI’Y DUMATING SA DILI-KAWASA
LAHAT NG HIRAP MO’Y NABIHIS NG TUWA
ANUPA’T ANG BAWAT BUTIL
NG BIGAS NA NAGING KANIN
SA ISIP AT DIWA NAMI’Y
MAY-ARAL NA ITINANIM.

IYA’Y TUNAY NA LARAWAN


NG LAHAT MONG KAPAGURAN
BAWAT BUTIL NA MASAYANG
AY PINTIG NG IYONG BUHAY

KAYA NGA’T SA AMING PUSO’T DILIDILI


NAKINTAL ANG ISANG GININTUANG SABI;
SA LAHAT AT BAWAT BAYANING LALAKI
IKAW, MAGSASAKA, ANG LALONG BAYANI

Butil ng Palay ni Jess Santiago?

Si Jesus M. Santiago (aka Jess Santiago) ay isang freelance book


designer, editor at translator.

Siya ay isa ring Filipino poet, songwriter, singer-composer at protest


musician.

BUTIL NG PALAY
BAWAT BUTIL NG PALAY
AY BUTIL NG PAWIS
NG BAWAT ALIPIN
APING MAGBUBUKID

BAWAT BUTIL NG PALAY


AY BUTIL NG LUHA
NG KAYRAMING INANG
NATALI SA LUPA

BAWAT BUTIL NG PALAY


AY BUTIL NG DUGO
KALANSAY AT BUNGO
NG ATING NINUNO

BUTIL NG PAWIS
NG LUHA AT DUGO
BUTIL NG PALAY
BUTIL NG GINTO

BAWAT BUTIL NG PALAY


SANGGOL NA WALANG MALAY
HINDI PA MAN ISINISILANG
NAKASANLA NA ANG BUHAY

BAWAT BUTIL NA PALAY


AY ISANG MAGSASAKA
NAKASUGA SA LUPA
ANG KANYANG HININGA

BAWAT BUTIL NG PALAY


AY BUTIL NG BUHAY
BUTIL NG PAG-ASANG
SUMISIBOL SA PARANG

BAWAT BUTIL NG PALAY


AY ISANG MAGBUBUKID
NAGBIBIGAY-BUHAY
SA BUONG DAIGDIG
4.1. Suliranin

• Ang Pilipinas ay isang Agrikultural country.


• Ayon sa PSA binubuo ng 32% ang mangagawa ng agrikultural sektor ng
bansa
• Katumbas ito ng 12 milyong manggagawa
• Marami nang kinakaharap na problema ang mga magsasaka…

Tuwing tag-ulan
Tuwing tag-init
Dahil sa mga peste
Pera

• Mababang presyo ng palay


• Nais bilhin ng NFA ang mga palay sa P17 kada kilo
• Mayroong P6 lamang ang palay kada kilo
• Isa ang Arayat, Pampanga sa mga hindi pa umabot sa sampung piso ang
kilo ng palay, sa Cagayan Valley, P10 kada kilo hindi nalalayo sa presyo ng
palay sa Bulacan
• Pumapalo ng P14.79 bawat kilo ang gastos ng magsasaka, kabilang na
ang interes sa inutang ng magsasaka

4.2. ISYUNG PAMBANSA


Ang Isyung Pambansa o isyung panlipunan ay mga mahahalagang pangyayari
o kaganapan sa loob ng bansa na may malawakang epekto sa iba’t ibang
sector ng lipunan na kinabibilangan ng pamilya, simbahan, pamahalaan,
paaealan at ekonomiya.

Halimbawa:

• Ang pag-aagawan ng Pilipinas at China sap ag-aari sa West Philippine


Sea (South China Sea)
• Mass transportation system at traffic.

4.4. Reaksyong Papel


REAKSYONG PAPEL

Panitikan Hinggil sa Isyung Pangmanggagawa, Pangmagsasaka at Pambansa

Masasabi ko na marami rin akong natutuhan o naunawaan sa palihan na


ginawa na may kinalaman sa mga panitikan hinggil sa isyung pangmangg
agawa, pangmagsasaka at pambansa. Sa bawat bahagi ng palihan binigyang
depenisyon at impormasyon muna ng mga tagapagsalita ang bawat bahagi ng
kanilang
paksa. Sa isyung pangmanggagawa ipinaliwanag ng mga tagapagsalita an
g ilan sa
mga isyu o suliranin ng manggagawang Pilipino na maaaring dahilan kung
bakit nagkaroon ng mga kuwento o akdang pampanitikan
na may kinalaman sa mga nasabing isyu. Ilan sa mga naging paksa ay
tungkol sa mababang sahod o umento, pagiging kontraktwal. Humihina ang
suporta sa mga manggagawang nasa agrikultura at marami pang iba.
Natalakay din ang mga isyu sa mga magsasaka ang mga suliranin
gaya ng patuloy na pagtaas ng pananim. Kabilang dito ang renta sa lupa,
abono, patubig, renta sa kagamitang pagsasaka at iba pa. Nabanggit din ang
mga problema sa imprastraktura at mga monopoly sa pagmamay-ari ng lupa.
Nabanggit din ang mga isyung pambansa gaya ng droga, trapiko, reporma sa
lupa, kahirapan, programang K to 12 ng DepEd at sistema ng pamamahala ng
gobyerno. Maayos na nailahad ang mga papaksain at patuloy na pumalaot
ang palihan sa paksa, sinulan ito sa pagtalakay sa muog kung saan ito raw ayon
sa tagapagsalita ay lugar tanggulan ng mga rebolusyunaryong manggagawa
sa panahon ng Rebulusyon o
Digmaang Bayan. Tinipon daw sa aklat na ito ang naratibo ng kanayunan
sa
matagalang digmaang bayan sa Pilipinas ang iba’t ibang tipo ng sulating
prosa na
pumapaksa sa armadong pakikibaka, rebolusyong agraryo at basing bukid
na isinusulong sa kanayunan ng Bagong Hukbong Bayan. Natalakay rin ng
tagapagsalita ang mga piling akda na nakapaloob sa Muog.
Una ay ang Tambang (1979) kung saan binanggit ang mga sangkap ng is
ang
matagumpay na tambang. Nariyan din ang Sebong (1990) naipaliwanag dit
o ang
paglalarawan ng paglusob sa kampo ng mga kaaway ng mga Pulang Man
dirigma
upang makuha ang bazooka at machine gun na pawing mga armas ng m
ga Amerikano sa radar station. Pagbubukang-
liwayway (1982) Ito ay istorya ng
dalawang lalaki at isang babaeng magbubukid ang nadakip ng kaaway ha
bang patungo sa pwesto ng mga Pulang Mandirigma. In the face of death (1981)
ang trak ng kaaway na tinambangan ng mga Pulang mandirigma ay sumabog
dahil sa kargang mga dinamita. Sa lakas ng pagsabog maraming namatay
kapwa sa hanay ng kaaway at mga pulang mandirigma. Marami pang
nabanggit sa laman ng Muog. Nabanggit din sa palihan ang Mga Ibong
Mandaragit ni Amado V. Hernandez. Ipinakilala ng tagapagsalita si Ka Amado,
pagkatapos noon ay ipanaliwanang niya na
ang nobelang Ibong Mandaragit ay isang uri ng nobelang pangsosyopolitik
a. Ang akdang ito ay binubuo ng mahabang kuwentong piksyon at ng 69 na
kabanata at may
416 na pahina. Ang pangunahing tauhan ay sina Mando, Don Segundo Mon
tero, Dolly Montero, Puri, Tata Matyas, Magat, Karyo at Martin. Tumatalakay
ito sa kalagayan ng mga mamamayan sa lipunan. Ipinakita dito ang mga
suliranin na kinakaharap ng bansa. Ang diskriminasyon sa pagitan ng mahihirap
at mayayaman, ang kahirapan na hanggang sa kasalukuyan ay tinatamasa pa
rin natin ngayon. Ang
katiwalian ng pamahalaan o ng matataas na antas ng tao sa lipunan. An
g aral ay huwag maging makasarili. Matutong magbigay sa ibang taong
nangangailangan ng tulong. Ang simbolismo ng kayamanan o alahas ni Simoun
ay nangangahulugan na ang pag-
asa na mapanalo ng Pilipinas ang digmaan laban sa mga Hapones at
makamtan ang kalayaan na inaasam-asam.

Ang sumunod na tagapagsalita naman ay tinalakay si Gelacio Guillermo. Kung


saan sinabi nya na noong ideklara ni Marcos ang batas military noong 1972.
Marami ang nahuling kasamahan ni Gelacio. Naging limitado na ang pag-abot
at paggamit nila sa mga legal na publikasyon gaya ng mimeograph. Dito
lumabas ang antolohiya
nya patungkol sa mga magsasaka. Ang “Azucarera” libro ng mga tula na
unang sinulat ni Guillermo para sa mga magsasaka. Muog: ang naratibo ng
kanayunan sa matagalang digmaang bayan sa Pilipinas, inihanda ng Instityut
sa Panitikan at Sining
ng Sambayanan (IPASA) Gelacio Guillermo, editor. Rebolusyon ang konsepto
ng Muog. Buhay at kamatayan ang pakikibaka na
ito. Sa panghuling bahagi ng palihan binigyang paliwanag ng tagapagsalit
a ang
“Sanaysaging” ni Epifanio G. Matute. Una muling binalikan kung sino nga ba
si Epifanio Matute, dito sinabi niyang nagsimulang magsulat si Epifanio noong
1927 at ito ay noong hayskul pa lamang ito. Masasabi na si Matute ay isa sa
batikang manunulat ng ating bansa. Ibinigay ng tagapagsalita ang balangkas
ng “Sanaysaging” ni Matute. Ang sanaysaging ay mula sa pinagtambal na mga
salitang “sanaysay” at “saging,” at sumusunod sa yapak ng “Tanagabadilla” na
mula sa pinagtambal na mga salitang “tanaga” at “Abadilla” (na iba ang sukat,
tugma, at sensibilidad kompara sa tradisyunal na tanaga) Ito ay binubuo ng 29
na talata kung saan simple lamang ang tesis ng sanaysay ayon sa may-akda.
Kailangan ang saging para umunlad ang bansa, kaya dapat itong palaganapin
at ilangkap sa patakarang ekonomiko ng Pilipinas. Sa kabuuan masasabi ko na
naging matagumpay ang palihan na kanilang ginawa hinggil sa nasabing
paksa.
5. Dula-Dulaan
Isang Dula-dulaan :

Mga Tauhan

1. Ibarra - Gab
2. Inang Bayan - (larawan )
3. Lino Rivera (Daluyong) - (libro)
4. Mando Plaridel (Mga Ibong Mandaragit) – (libro)
5. Magsasaka mula sa 2000s – (Artikulo)
6. Contractual worker - (kuwadro)

Scene 1 - Kwarto ni Ibarra

Alas-6 ng umaga tumunog ang alarm-

Ibarra: alas-otso pa naman pasok ko, limang minuto pa.


pinatay ang alarm-
makalipas ang 5 minuto-
pinatay ulit ang alarm-
nagising ng 7:30am-
Ibarra: mag aalas 8 na, mahuhuli na pala ko!

pumunta si ibarra sa banyo-

Ipapakita sa camera ang kaayusan ng kwarto, makikita ang larawan, ang mga
libro, artikulo, at ang kuwadro…mananatiling hindi gumagalaw ang mga imahe
ng 5 segundo mula sa kung saan sila nakatingin ay susundan nila ng tingin si
Ibarra kung nakaalis na papuntang kaliwa.. si Lino at Mando ay magkatabing
libro sa lamesa at sa taas nila ay ang kuwadro ng C.Worker(ate ni Ibarra), si
artikulo naman ay nakalapag sa kanan ni Mando, ang larawan ay nasa pader sa
kanan ng lahat.

Scene 2 - Pag-uusap ng mga imahe

Nakatingin si Magsasaka sa kaliwa-

Magsasaka 2000: Heto nanaman siya. Sa asta niyang iyan ay ‘di talaga siya magiging
regular na manggagawa.
Tumingin si Contractual worker sa Southwest part ng camera sa side
ni Magsasaka ng 5 segundong hindi gumagalaw-
C. Worker: Kahit naman gumising siya ng maaga araw-araw ay di naman tataas ang
kaniyang sahod at magiging regular sa pinagtratrabahuan niya. Mahigit
isang taon na at kontraktual pa rin ang kalagayan niya.
mula sa southwest part ay tumingin si C. Worker sa southeast part ng 5
seconds ng hindi gumagalaw.
Lino: ‘Di naman siya nag-iisa. Nakita mo naman sa telebisyon kagabi na maraming
nag-proprotesta na galing sa kompanya niya. ‘Di umano’y mga kontraktual
workers din…habang nakatingin ng pahapyaw sa northwest ng camera ng
nagsasalita.
Mando: Wala pa rin bang nagbago sa kalagayan ng mga manggagawa sa ating
bansa? Naalala ko nung panahong—biglang bumukas ang pinto sa cr-
-biglang tumingin sa baba si C. Worker-
C. Worker: SHHH! andyan na siya!..balik sa dating position ang lahat.

Scene 3 - Paggayak ni Ibarra

Pagkalabas ng banyo ni Ibarra-


Ibarra: Kung sana mas maaga ako’y baka napa-impress ko pa si boss.
pagkatapos magbihis…umalis na upang pumasok
Scene 4 - Muling pag-uusap ng mga larawan

Nagsasalita habang nakatingin sa camera-


Magsasaka: kawawang nilalang. Hindi niya ba naisip na kahit siya pa ang magbukas
ng kompanya nila, hindi pa rin siya magiging regular.
Lino: Alam niyo noong panahon ko…pinutol ni Mando habang nakatingin sa kanan-
tumingin ulit sa camera ‘pag sinimulan sabihin ang “noong namamasukan…”-
Mando: Saglit lang, ako muna at ‘di ko pa natapos ang aking sinasabi kanina.
: Noong namamasukan ako kila Don Segundo, napagbintangan ako ng isang
Kempetai na isang pulis na Hapon. Hindi ako prinotekhan ng aking amo na
kapwa Pilipino kaya ayun hinayaan niya akong maaresto sa bintang sa akin.
Tumakas ako at nakilala si Tatay Matias na siyang susi sa aking naging
magandang buhay ‘di kalaunan ngunit patuloy pa rin ang pang-aapi ng mga
Hapon sa ating mga kapwa Pilipino…mula sa pagtingin sa baba ay titingin si C.
Worker sa camera at magsasalita-
C. Worker: Grabe talaga mang-alipusta ang mga dayuhan na iyan. Buti naman at
nakalaya na tayo sa kanilang bitag. Alipin tayo sa sarili nating lupain!
:Pero halos ganoon pa rin naman ang kalagayan namin ngayon. Marami pa
rin kaming naghihirap, mababa ang sahod, at kapwa kontraktual ang mga
kalagayan matapos ilang dekada na ang nakakalipas. Naghihirap pa rin
kaming manggagawa…mula sa pagtingin kay C. Worker ay titingin sa cam.
at magsasalita-
Magsasaka: Aba’y kung may naghihirap sa bansang ito kami iyon. Agrikultura man
ang dapat pangunahing nagpapaikot sa ekonomiya ng Pilipinas, ‘di
naman nabibigyan ng magandang benepisyo at mga karapatan na
kinakailangan naming magsasaka. Sa kabila ng mga reporma at mga
ilang pulitiko na namuno sa ating bansa, mukhang wala pa ring batas na
pabor sa aming magsasaka.---mula sa pagtingin sa kaliwa ay titingin sa
camera-
Lino: At alam niyo ba na bukod sa mahirap na kalagayan ng mga magsasaka, tunay na
mababa rin ang tingin sa amin. Naaalala kong kasama ko pa ang anak kong si
Ernesto noon at kaniyang guro na si Bb. Sanchez nung hinuli ako ng mga pulis
dahil pinagbibintanggan ako na ako raw ang pumatay doon sa isang lalaki sa
bayan namin sa Maruhat. Noon pa ma’y alam ko nang si Kumander Hantik ang
may kagagawan nito dahil itinanggi kong sumanib sa kanilang samahan na
HUKBALAHAP….nakatingin si Magsasaka sa Kanan habang nagsasalita-
Magsasaka: ‘Di ba mga guerilla iyon? Hukbong Laban sa Hapon? Ba’t di ka sumali?
mula sa pagtingin sa kaliwa ay titingin si Lino sa camera habang
nagsasalita-
Lino: Masama lamang ang kutob ko sa kanila at ayaw kong mahulog sa masamang
mga gawain lalong lalo na dahil sa mga panahong iyon ay gusto kong makasama
ang aking anak na sa Ernesto….nakatingin si Magsasaka ng 5 segundo sa
kanan(nakikinig)----magsasalita after 5 sec nakatingin parin sa kanan-
Magsasaka: Paano ka napalaya?-sasagutin ni Ison ng nakatingin sa Camera-

Lino: Sa tulong nina Bb. Sanchez at Padre Amando ay napawalang sala rin ako. At
siya nga pala, si Padre Amando ang nagbigay saakin ng lupang sakahan sa
kondisyong babayaran ko ito ng maliit na bahagi ng aking inaani sa loob ng
dalawampung taon. Isa siya sa mga dahilan kung bakit napalaya ako sa
masamang sistema ng sakahan. Siya rin noon ang nagpanukala ng pagbabago sa
sistema ng agrikultura noon sa kabila ng pag proprotesta ng maraming
negosyante….magsasalita si Magsasaka ng nakatingin sa kanan-
Magsasaka: Aaah mukhang nakuha mo ang swerte sa buhay. Ngunit, masama man
ang kalagayan niyo noon, eh ganoon pa rin naman kami ngayon. Gaya ng
sabi ko kanina, marami sa aming mag sasaka ang di nakukuha ang mga
benepisyong aming kinakailangan at pawang mga negosyante ang mga
nakikinabang. -mula sa pagkakapikit, ay didilat ang mata ni Inang Bayan at
magsasalita-
Inang Bayan: Kasangga ko kayo!!mapapatingin ang lahat sa kanan at aaktong
nagulat-

Lahat: Hala! Nagsasalita ka pala?-nakatingin lamang sa camera si Inang Bayan

habang nagsasalita-
Inang Bayan: Oo at dinig ko ang mga hinanaing ninyo. Maraming naghihirap dahil sa
wari’y hindi patas at tila buktot na pamamahala sa akin. Ako’y
nasasaktan sapagkat sa kabila ng mga yaman kong dinadala ay hindi ito
na ibibigay ng maayos at ng patas sa inyong mga Pilipino. Ngunit, gusto
ko lamang ipaalala sa inyo na kahit papaano ay malaki na ang
ipinagbago ng ating bansa. Kayo Lino at Mando ang kapwang
paghihirap na inyong dinanas ay sa panahon pa ng mga dayuhan. Sa
panahon ngayon ay marami na ring karapatan na natatamo ang mga
Pilipino gaya ng pamamahagi ng mga lupa sa magsasaka.
: Oo may mga isyu pa ring namamalagi sa pagsasaka at sa mga manggagawa ngunit
tandaan niyo na malaki na rin ang ibinagbago nito kumapara sa dati sa tulong na rin ng mga
politiko at mga Pilipinong lumaban para sa mga karapatan niyo. Kayo naman Magsasaka at
CWorker, tignan niyo ang mga kwento nina Lino at Mando. Dahil sa kanilang pagpupursigi, lakas
ng loob, at pagmamahal sa bayan ay napalaya nila ang kanilang mga sarili sa kahirapang
kanilang natamo. Matututunan natin na mayroon at mayroon pa ring paraan para maiayos ang
kalagayan ng bansa sa tulong mismo ng sambayanang Pilipino. Kahit si Ibarra, siya at ang
kaniyang mga kasama ay kayang ipag laban ang kanilang mga karapatan para dumating ang
panahon na matatamo rin nila ang pagka-regular manggagawa.
-tatango ang lahat ng 5 segundo

SCENE 5: Nakauwi na si Ibarra

Maririnig ang yabag ng mga paa ni Ibarra papunta sa Kwarto----Magbabago


ang posisyon ng mga imahe, at si Inang Bayan ay muling pipikit ang mata-
papasok si Ibarra

Ibarra: Woooh! Ilang buwan nalang mareregular na ako, salamat Digong!


: Sandali lang, bakit parang may naiiba sa mga paintings? Di ba dapat- Ah di bale. Baka
pagod lang ako…nahiga na si Ibarra--isang beses pang ipapakita ang mga imahe bilang
pagtatapos-
-wakas-

5.1. Tula
PANITIKAN 2

Tula

Umaga na, Kailangan ng gumising ni Itay


Sapagkat siya’y muling Kakayod
Dahil gutom na itong kaniyang hirang
Na araw-araw ay gutom ang siyang daing
“Magtanim nga ay di biro”
Bihira ang itay na mau-upo
Buong araw siya’y nakatayo’t nakayuko
Titiisin lahat wag lang kami magutom

Ilang taon na nga ba ang lumipas,


Bakit di kami makatakas
Sa hirap nitong buhay
Kailan ba magiging makulay

Naglaan naman daw ang Pamahalaan


Upang buhay nami’y masuportahan
Ngunit nasaan nga ba?
Bakit mga bata’y nakanganga?

Kaya sa aking kababayan,


Lalo lang tayong magsikap
Darating din ang araw
Kaginhawaan ay matatanaw

5.2. Karagdagang Babasahin


MGA KARAGDAGANG BABASAHIN:

LANGAW SA ISANG BASONG GATAS


ni Amado V. Hernandez
Tinipon sa koleksyong ito ang 39 na maikling kuwento ni Amado V. Hernandez na
nalathala mula 1924 hanggang 1960.

BUTIL AT BALA
JHIO A. NAVARRO
Naging inspirasyon ng tula ang nangyareng pagpatay sa 9 na magsasaka ng
sugarcane kabilang ang 4 na babae at 2 bata sa Sagay, Negros Occidental
noong October 20, 2018. Hinihinala ng marami na ang pagpatay na ito ay dahil
sa labanan sa Land Reform in the Philippines.

MGA AGOS SA DISYERTO


Efren Abueg/ Dominador Mirasol/ Rogelio Ordanez/ Edgardo Reyes/ Rogelio Sikat

Binubuo ng 25 maiikling kathang naisulat sa Filipino, ang Agos ay sumasalamin


sa mabibigat na isyung kinakaharap ng Pilipinas na tila hindi pa rin nareresolba
hanggang sa ngayon. Ang mga karakter sa istorya ay punong-puno ng poot at
paghihimagsik—sa mga dayuhan, kapwa Pilipino, sa bayan, mga pulitiko, at
maging sa kanilang sarili—hindi na kagulat-gulat kung ang mga mambabasa
ay lubos na maapektuhan sa mga isyung sinaklaw ng mga kwentista.
Masalimuot man ang tinangkang galugarin ng mga ito, at kathang-isip (fiction)
mang sabihin, hindi nawawala ang realistikong tema sa bawat istorya. Walang
“exaggeration”, walang pagkukunwari, purong realidad lamang. Maaamoy mo
ang bantot ng kapaligiran ng mga maralita, ang nagsisituluang pawis at anghit
ng mga trabahador, ang matamis na langhap ng nayon, namumuong mga
pangarap, malansang amoy ng dugo, ang pait ng pighati, ang putikang lupa.
Nanunuot sa dibdib ang epektong ipinararanas ng bawat istorya. Mabigat.

Kagila-gilalas din ang ipinamalas na teknik ng mga manunulat sa bawat istorya.


Dahil nilabag nila ang kombensiyon ng komersiyal na panunulat, naging malaya
sila sa pagpapahayag ng kanilang sining sa pamamagitan ng pagmamalas ng
kagulangang konteksto (maturity context) sa mga ito. Walang naitatago—ang
dahas ay malinaw na naipahayag; ang karukhaan ay sadyang naipakita; ang
murahan ay likas na kabilang sa mga usapan; at ang mga sekswal na
aktibidades, hindi man maliwanag na tinalakay, ay naipahayag pa rin ng
malinaw sa mga mambabasa.

Tuyot man ang daigdig ng panitikang Pilipino, ginawan ito ng nag-uumapaw na


dalayday nina Efren Abueg, Dominador Mirasol, Rogelio Ordoñez, Edgardo Reyes,
at Rogelio Sikat. Patunay na ang literaturang Pilipino ay hindi tuluyang magiging
isang malawak na disyerto.

CARLOS PALANCA
MEMORIAL AWARDS FOR
LITERATURE
The Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (Palanca Awards) was
established in 1950 to commemorate the memory of Don Carlos Palanca, Sr.
through an endeavor that would promote education and culture in the country.

You might also like