You are on page 1of 21

PANALANGIN KAY SAN MIGUEL

O makapangyarihang prinsipe ng kalangitan, San


Miguel, kami’y nagmamakaawa na tuwina’y ilayo at
ipagsanggalang kami,sa lahat ng laban sa mga tukso
araw-araw sa mundong ito. Tulungan mo kaming
mapagtagumpayan lahat ng kasamaan at patatagin
kami upang maipahayag ang aming pananampalataya
at katapatan sa makapangyarihang Diyos, kasama ang
mga anghel at Banal sa langit. O San Miguel,
ipamagitan mo kami kasama ng Birhen Maria upang
makamit ang mga sumusunod na kahilingan …..
(banggitin ang mga kahilingan). Ito ang aming
dalangin sa Diyos Ama at sa ngalan ng kanyang
bugtong na Anak na si Jesus kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Amen!
St. Michael, ipanalangin mo kami.
St. Joseph, ipanalangin mo kami.
Tinatawag na kaalamang-bayan
at karaniwang nagmula sa
Tagalog at hinango sa
mahahabang tula.
K U N N A G- A Y
•Anu-ano ang iba’t
ibang uri ng
karunungang-bayan?
Kompetensi:
• F8PT-Ia-c-19
• Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga,
eupimistiko o masining na pahayag na ginamit sa
tula, balagtasan, alamat, maikling kwento, epiko
ayon sa:- kasingkahulugan, at kasalungat na
kahulugan.
• Natatamo ang pag-unawa sa kahulugan ng mga
talinghaga.
Gawain 1: Isulat ang hinihinging
kasagutan sa patlang. P.9
1. Ano ang tawag sa bulkan na ito? ______________
2. Saang lalawigan o probinsiya matatagpuan ang
bulkang ito? _____________
3.Ano-ano ang alam mo tungkol sa bulkang ito?
_____________
4. Magbigay ng dalawang katangian nito. ____________
Gawain 2: Basahin at unawain ang mga tanong
sa ibaba. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.
P. 9
1. Para sa iyo, ano ang pinagmulan ng mga
bagay tulad ng isang bulkan?
2. Bakit mahalagang malaman natin kung saan
nagmula ang mga bagay- bagay sa ating
paligid?
3. Paano nakatutulong sa iyo ang pagtuklas
nito?
•Ang mga anak na babae
ni Lorna ay di-makabasag
pinggan kaya iginagalang
ng mga kalalakihan.
TALINGHAGA
• ang paraan ng pagsasalita na may lalim at
pakipakahulugan bilang repleksyon ng mga tunay na
pangyayari sa buhay ng tao
• ito ay nagbibigay ng lalim sa kahulugang nais
ipahiwatig nito
• maliban sa Bibliya, marami ring talinghaga ang
matatagpuan sa mga tula, alamat, epiko at iba pang uri
ng akdang-pampanitikan
HALIMBAWA
Umiiral na naman ang taingang kawali ni
Ram nang tawagin siya ng kaniyang ina para
maghugas ng pinggan.

a. nagbingi-bingihan
b. madaling sumunod
c. bitbit ang kawali
•Nagbunga na rin ang kaniyang
mahabang taon na pagsusunog ng
kilay sa kolehiyo.

a. pagbubulakbol
b. nag-aaral ng mabuti
c. nasunog ang kanyang kilay
•Napuno ang langit sa puso
kung natuwa nang ika’y aking
nakita.

a. nalungkot c. nagalit
b. nagliwanag d. nagdilim
•Nag-aagaw-hininga ang kanyang
minamahal ng tamaan ito ng
ligaw na bala.

a. naghihingalo c. nagagalit
b. natatakot d.nagsusumamo
•“Sa kakapili, napunta
sa bungi.”
• Ang taong hindi makuntento o naghahanap pa ng
higit pa ay karaniwang minamalas.
•Gawain sa Pagkakatuto Bilang 3:pp.10-11
Basahin at aralin ang alamat
tungkol sa Bulkang Mayon.
Gawain 4: p.11
• Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
(Kopyahin ang tanong bago sagutin)
1. Isa-isahin ang mga tauhan sa kwento.
2. Alamin ang iba’t ibang suliranin na
nabanggit sa alamat.
3. Isa-isahin ang mga matatalinghagang salita
o pangungusap na nagpapakita ng talinghaga.
4. Alamin ang kahulugang ipinapakita ng
matatalinghagang salita.
Salamat
po!

You might also like