You are on page 1of 9

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Subject: FILIPINO Grade Level 10 Quarter 3 Week 3

MELCs
 Tula: Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan (F10PN-
IIIc-78),
 Nabibigyang kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang
pahayag sa tula (F10PB-IIIc-82),
 Naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinapahayag ng bawat isa
(F10PT-IIIc-78)

Pangalan: _____________________________ Seksiyon ____________ Petsa _______

Paaralan: _______________________________________ Distrito ________________

A. PAGBABASA / PAGTATALAKAY

Sa lumipas na dantaon, ang kababaihan ng Africa ay lumikha ng mga tula


na kanilang inaawit. Hitik ito sa matatamis at magigiliw na pananalita at oyaying
inuulit-ulit upang ipahayag ang pagmamahal ng ina na nagsisilbi ring pang-aliw at
pampaamo sa anak. Ito’y isa sa nakaugalian ng tribong Lango o Didinga ng
Uganda na naniniwalang ang kanilang mga supling ay tila imortalidad ng kanilang
magulang. Kaya naman ipakikita sa tulang tatalakayin ang maingat na pagpili ng
ina sa pangalan ng anak, mga pangarap ng ina para sa kaniyang anak,
panghuhula ng ina sa magandang kinabukasan ng anak at ang positibong
pagbabagong hatid nila sa kanilang magulang.

Sa Araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa tulang Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay na isinalin sa Filipino
ni Mary Grace A. Tabora mula sa salin sa Ingles ni Jack H. Driberg na A Song of a
Mother to Her Firstborn. Matututuhan mo rin ang kahalagahan ng paggamit ng
simbolismo at matatalinghagang pananalita sa pagiging masining sa pagbuo ng
tula. Sa pagtatapos, ay kakatha ka ng sariling tula na lalapatan mo ng himig.
Tatayahin ang nasabing pagganap batay sa sumusunod na pamantayan: a.)
kahusayan ng pagkakabuo ng tula, b.) himig/melodiya, at c.) paraan ng
presentasiyon nito.

Sa pagtatapos ng araling ito ay masasagot mo nang may pag-unawa ang


mga tanong na Paano nakatutulong ang paggamit ng simbolismo at
matatalinghagang pananalita sa pagiging masining sa pagbuo ng isang tula? At
paano naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinapahayag ng bawat isa?

Upang masagot mo ang tanong na ito makabubuting isagawa mo ang mga


sumusunod na gawain.

TUKLASIN
Unibersal na kaalaman na ang bawat magulang ay naghahangad ng
magandang kinabukasan sa kaniyang anak. Ito ang pinapaksa ng tula ng isang
inang taga-Uganda para sa kaniyang sanggol sa akdang, Hele ng Ina sa Kaniyang
Panganay. Basahin at unawain mo ang akda upang iyong masuri ang kasiningan
at bisa ng tula. Mapatutunayan mo rin na ang mga simbolismo at
matatalinghagang pananalita ay nakatutulong sa pagiging masining ng pagbuo
ng taludturan ng isang tula.

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


A Song of Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3 (slideshare.net)
https://www.slideshare.net/daniholic/filipino-grade-10-learning-module-unit-3

Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.


Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.
Mangusap ka, aking musmos na supling.
Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.

Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?


Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?
Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?
Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ngayon, ako’y ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.

Samakatuwid, ako’y minahal.


Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.

Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.


Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Ika’y mahimbing,
Ako’y wala nang mahihiling.
B.PAGSASANAY

Gawain 1. Tarukin mo!

Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong sa isang sagutang papel. Isulat ang titik
lamang ng tamang sagot.
1. Sino ang persona sa tula?
a. isang ama
b. isang anak
c. isang ina
d. isang katiwala
2. Ano ang pangarap ng persona sa tula?
a. maging mayaman ang sanggol
b. maging mandirigma ang sanggol
c. maging manananggol ang sanggol
d. wala sa nabanggit
3. Alin sa sumusunod inihambing ang sanggol?
a. sa isang mandirigma
b. sa isang ina
c. sa sibat
d. sa isang leon
4. Makatuwiran bang iugnay ang pagkakakilanlan at katangian ng isang anak sa
kaniyang ama?
a. oo, dahil ito ay kaniyang ama
b. hindi, dahil may sarili siyang pagkakakilanlan at katangian
c. oo dahil kung ano ang puno, siya ang bunga
d. lahat ng nabanggit
5. Anong bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin ang natutuhan pagkatapos
basahin ang akda?
a. labis na karangalan ng isang ina sa pagluwal sa isang anak
b. labis na takot sa maaaring kahinatnan ng anak sa hinaharap
c. labis na pagmamahal at kaligayahan sa anak
d. lahat ng nabanggit

Tingnan nang mabuti ang paglalarawan sa ibaba. Makikita dito sa hanay A


(matatalinghagang pahayag), sa Hanay B (simbolismo)

A B
(Matatalinghagang (Simbolismo)
salita)

Wangis ng mata ng Bisirong – toro


bisirong-toro ni
Lupeyo Sibat at kalasag

Kayamanan ni Zeus at Panulag na matalim


Aphrodite
Alam mo ba na… nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi
karaniwang paggamit ng mga salita? Kaya naman ang tula ay mayaman sa mga tayutay
na nakatutulong upang maging mabisa at kaakit-akit ang akda. Maliban sa tayutay,
nagagamit din sa pagkakaroon ng kariktan ng tula ang mga simbolismo at
matatalinghagang pananalita.

Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantad na


kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng
anumang wika.
Mga Uri Ng Tayutay
A. Pagtutulad (simile) – paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari,
atbp. Ginagamitan ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo,
kagaya ng, atbp.
Halimbawa:
“ Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo”

B. Pagwawangis (Ingles: Metaphor)- Ito ay katulad ng pagtutulad, maliban sa hindi


ginagamit ang mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya
ng atbp.
Halimbawa:
“Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal.”

C. Pagtatao (Ingles: Personification)- Ito ay pagsasalin ng talino, gawi at katangian


ng tao sa bagay.
Halimbawa:
“Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.”

D. Eksaherasyon/Pagmamalabis (Ingles: Hyperbole)- Ito ay lubhang pinalalabis o


pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp.
Halimbawa:
“Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.”

E. Paglilipat-saklaw (Ingles: Synecdoche)-Pagbanggit ito sa bahagi ng isang bagay o


ideya bilang katapat ng kabuuan.
Halimbawa:
“At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay “

F. Pagtawag (Apostrophe) – ito ay pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang


nakikipag-usap sa isang buhay na tao.
Halimbawa:
“Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba. “

G. Tanong Retorikal (Ingles: Rhetorical Question)- Mga tanong ito na hindi


nangangailangan nga sagot.
Halimbawa:
“Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
H. Pag-uulit (Ingles: Alliteration) - Ginagamit nito ang magkatulad na titik o pantig sa
simula ng dalawa o mahigpit pang salitang ginagamit sa isang pangungusap.
Halimbawa:
“ Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,”

I. Pagtanggi (Ingles: Litotes)- Ito ay ginagamit ang salitang “hindi” sa unahan ng


pangungusap.
Halimbawa:
“Hindi na isang nobya, kundi isang ina.”

J. Pagpapalit- tawag (Ingles: Metonymy)- Ito ay pansamantalang pagpapalit ng mga


pangalan ng bagay na magkaugnay.
Halimbawa:
“Ang poo’y di marapat na pagnakawan, “

Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa pamamagitan


ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay,
pangyayari, tao, o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.
Halimbawa:
1. Bisirong – toro – lambing at tapang
2. Sibat at kalasag - tagapagtanggol
3. Panulag na matalim – mandirigmang handang lumaban

Gawain 2

Panuto: Batay sa tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay”, tukuyin ang uri ng tayutay
na napapaloob sa sumusunod na taludtod amula sa tulang tinalakay. Piliin sa loob
ng kahon ang tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel. (Maaaring ulitin ang
sagot.)

Apostrophe Pagmamalabis Pagtutulad

Pagpapalit-tawag

Pagtatao Pagwawangis Paglilipat-saklaw Pag-uulit


______________________________ 1. Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning
na mga mata
______________________________ 2. Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin
______________________________ 3. Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at
tumatanaw
______________________________ 4. Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan
______________________________ 5. At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan
______________________________ 6. Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
______________________________ 7. Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at
Tumatanaw
_____________________________ 8. At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga
mata,
______________________________9. Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso,ina ng
kaniyang unang anak.
______________________________10. Maging mapagmalaki kaparis ng aking
pagmamalaki.
Mga Salita Ayon sa Tindi ng ipinapahayag

Hindi lahat ng salitang magkakasingkahulugan ay pareho ang ibig sabihin. Hindi


maaaring pagpalitin ang gamit ng mga ito. Bagaman iisa ang malawak na kahulugan,
magkakaiba naman ang tindi ng ipinahahayag nito. Magkaiba ng digri o tindi ng nais
iparating nito, lalo na kapag ginamit na sa pangungusap.
Halimbawa:
1. Hindi maaaring sabihin na ikaw ay humahagulgol kung humihikbi ka lamang. Kung
iaantas natin ang mga sumusunod na salitang magkakatulad sa kahulugan na magkaiba
naman sa tindi o digri ng nais ipahayag, ganito ang magiging ayos nila.

Hikbi --- nguyngoy --- iyak -- hagulgol

2. Pansinin ang salitang hinango sa teksto na may pagkakatulad sa kahulugan, ngunit


nagkakaiba sa tindi o digri ng pagpapahayag.
Ganito ang magiging ayos kung iaantas ito.

a. pagkawala --- pagkaubos --- pagkasaid

b. nasira --- nawasak

TAYAHIN

B. PAGTATAYA : Paglinang sa Talasalitaan. Isaayos mula bilang 1-5 ang mga salita
batay sa sidhi ng damdaming ipinahahayag ng bawat isa, ang 5 ang
pinakamataas na antas. Gamitin ang tsart at gawin ito sa sagutang papel.
Halimbawa:
5. Suklam
Pikon
4. Galit Tampo

3. Inis Inis

Galit
2. Tampo
Suklam

1. Pikon

1.
Kagalakan
5. _________

4. _________ katuwaan

3._________ kaluwalhatian

2. _________ kaligayahan

1. ________ kasiyahan
2.
Lungkot
5. _______________
Lumbay
4. ______________
Dalamhati
3._______________
Pighati

2. ________________ Pagdurusa

1. ________________

PAGYAMANIN

Pagsasanay 2.Sa sagutang papel, kompletuhin ang tula sa pamamagitan ng


pagpili ng naaangkop na matatalinghagang pananalita at simbolismo. Bigyan din ito ng
sariling pamagat.

______________________
(pamagat)

Sa ami’y... Isa kang 1. ___________________(manlalakbay,anghel,estranghero) na


may dalang ligaya, Ika’y tuwinang bukas-palad sa iba. Ang iyong gawi’y 2. ___________
(kakaiba, maipagkakaila,banal), Kayat kami’y humahalik sa ‘yong paa. Sa ami’y... Isa
kang 3.__________ (kalasag, mandirigma,matapang) na laging sandata, Di 4. __________
(natitinag, natatakot, lumalaban) sa hampas ng pala. Dito’y nasisilip, maningning na
5.______________ (tala, mata, tubig). Kaya’t kami’y humahalik sa ‘yong paa.

D. KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Gumuhit ng isang bagay na sumisimbolo sa inyong ina at ilarawan ito gamit ang
matatalinghagang pananalita.

Binabati kita. Salamat at matiyaga mong pinag-ukulan ng panahon ang pagaaral sa


araling ito. Handa ka na ngayong pag-aralan ang susunod na aralin.
SANGGUNIAN:

Magdalena O. Jocson at Aura Berta A. Abiera (2015).Filipino 10 Modyul Para sa mga Mag-aaral Unang
Edisyon 2015, Pasig City, Vibal Group, Inc., DepEd- Instructional Materials Secretariat (Dep-EdIMCS)

Alma M. Dayag, Emily V. Marasigan at Mary Grace Del Rosario (2015). Pinayamang Pluma 10, Phoenix
Publishing House Inc.

https://www.slideshare.net/JhaymieRRDagohoy/presentation1-36409576

https://gurosafilipino.blogspot.com/2010/07/mga-salita-ayon-sa-tindi-ng.html

https://philnews.ph/ /2019/06/27/tayutay-uri-at-halimbawa/

Inihanda ni:

LUZVIMINDA S. MEDELLIN Editor: IMELDA M. ECARMA


T1 District Filipino Coordinator
LNHS EXT. – DON BOSCO CAMPUS

Taga – suri:

PRESCILLA R. CACANOG
PSDS Liloan District

You might also like