You are on page 1of 2

Ang Munting Bariles

Si Guy de Maupassant, na ang buong pangalan ay Henri Rene Albert Guy de Maupassant ay
isang Pranses na akda na isinilang sa Agosto 5, 1850. Siya rin ang tinaguriang Ama ng modernong
maikling kuwento. Nakasulat siya ng 300 na maikling kuwento, 6 na nobela, 3 librong panglakbay at 1
volume na tula. Ang isa sa mga isinulat niyang maikling kuwento na tinatawag na “Ang Munting Bariles”
na sa Ingles ay “The Little Cask” at sa Pranses ay “Le petit fût”, ay tungkol sa paano kinuha ng
mapangahas na negosyanteng si Jules Chicot ang lupain na inaari ng matandang si Nanay Magliore.

Ang estilo ng Pagsulat ng kwento may maganda, maayos at malinis. May makukuha kang mga
magagandang aral at marami kang matutunan. Maayos din ang paraan ng pagkasulat ng may-akda at pati
na rin ang kanyang pagkakasunod-sunod sa mga pangyayari.

Sa mga tauhan, ang masasabi ko’y naipakita nila ng maayos ang kanilang mga karakter sa
pamamagitan ng maayos nilang “dialogue”. Kung babasahin mo ng maigi, mapapansin mong tuso nga si
Chikot at madaya. Nai-portray niya ng maayos ang kanyang karakter at naipakita niya sa mga mambabasa
ang kasamaan ng kanyang ugali.

Ang tanging masasabi ko lamang ay dapat sana’y mas ipinaliwanag pa ng maayos kung bakit
ayaw na ayaw ni Nanay Magloire ibigay ang lupain kay Chikot. Dapat sinabi at mas pinaunawa pa ito sa
mga mambabasa kung ano nga ba ang tunay na halaga ng lupain na iyon. Dahil sa ganitong paraan,
mas maliwanagan ang mga mambabasa at baka sakaling may makuha pa silang mga aral.

Ang Munting Bariles


Si Guy de Maupassant, na ang buong pangalan ay Henri Rene Albert
Guy de Maupassant ay isang Pranses na akda na isinilang sa Agosto 5, 1850.
Siya rin ang tinaguriang Ama ng modernong maikling kuwento. Nakasulat siya
ng 300 na maikling kuwento, 6 na nobela, 3 librong panglakbay at 1 volume na
tula. Ang isa sa mga isinulat niyang maikling kuwento na tinatawag na “Ang
Munting Bariles” na sa Ingles ay “The Little Cask” at sa Pranses ay “Le petit
fût”, ay tungkol sa paano kinuha ng mapangahas na negosyanteng si Jules
Chicot ang lupain na inaari ng matandang si Nanay Magliore.

Maayos ang banghay ng kuwento pati na rin ang pagkakasunod sunod


nito. Hindi ka magtataka kung bakit napunta agad sa ganoong eksena ang
kuwento, dahil naipaliwanag ito ng maigi ng may-akda. Hindi ka rin malilito at
maiintindihan mo ng maayos ang buod ng buong kuwento.

Para sa akin, dapat sana’y mas ipinakilala pa ng mabuti ang bawat


karakter at kaugnayan ng mga ito. Sapagkat, ito’y isang maikling kwento
lamang, sana’y binigyan ng kahit maliit na diskripsyon ukol sa ugnayan ni
Nanay Magloire at Chikot. Binigyan pansin din sana ang pagpapaliwanag ukol
sa kahalagahan ng lupain, kung bakit gusting-gusto ito ni Chikot at kung
bakit pilit itong pinoprotektahan ng matanda.

Maganda ang pagtatapos ng kuwento, subalit ito’y bitin at marami ka


pang natitirang mga katanungan, may makukuha ka namang mga aral.
Nakakamangha ang estilo ng pagsulat ng manunulat dahil kung hindi mo ito
babasahin ng maigi, hindi mo makukuha ang tunay na pinapahiwatig ng
kuwento.

You might also like