You are on page 1of 2

ANG MUNTING BARILES

Critique Paper sa Filipino 10 (First Quarter Performance Task)

Introduksyon
Ito ay isang kwento mula sa bansang Pransiya at sinulat ni Henri René Albert Guy de
Maupassant. Sa ika-19 na siglo ay naging isa siya sa mga kilalang manunulat. Ipinanganak
siya noong ika-5 ng Agosto, 1850 sa Château de Miromesnil (malapit sa Dieppe sa
Seine-Inférieure (ngayon ay Seine-Maritime) Department, France. Ang pamilya niya ay
mayaman at itinuturing bourgeoisie. Sinimulan niya ang pag-aaral ng batas ngunit ito ay
nagambala dahil sa pagkakaroon ng digmaan (Franco-German War, 1870-1871). Siya ay
nag-boluntaryo at nagsilbi sa militar at dahil dito ay mayroon siyang kasanayan sa digmaan at
nakaimpluwensiya sa kanyang mga magagandang kwento. . Ayaw niya sa lipunan o sa mga
tao kaya mahal niya ang retirement, ang pag-iisa, at pagmumuni-muni. Naglakbay siya nang
husto sa Algeria, Italy, England, Brittany, Sicily, at sa Auvergne at mula sa bawat pag-alis sa
iba’t ibang bansa ay may siya ng mga nobela. Naging magkaibigan sila Maupassant at
manunulat na si Alexandre Dumas fils (The Three Musketeers, Trois Hommes forts,
L’Homme-femme). Sa kultura ng Pransiya noon at sa mga nag-impluwensya sa kaniya tulad
ng mga isyu at , nakasulat siya ng mga maikling kwento tulad ng “Ang Munting Bariles” o
The Little Cask sa Ingles. Aking binigyang-pansin ay ang mga naisip kong pagpapabuti at
pagsusuri sa kwentong ito.

Buod
May isang mapangahas at matalinong negosyante na si Jules Chicot at gusto niyang bilhin
ang lupa ng isang matandang si Nanay Magloire. Ilang beses nang inalok at sinubukan
hikayatin ni Chicot si Magloire upang payagan na bilhin ang kanyang lupa ngunit kadalasang
tinanggihan ni Magloire si Chicot. Isang araw, pumunta ulit si Chicot sa bahay ni Magloire.
Inalok niya ang isang kasunduan na hindi siya nagtangkang bilhin ang bahay pero babayaran
niya ang matanda. Kumunsulta ang matanda sa abogado sa sumunod na araw tungkol sa
kasunduan at sa huli ay pumayag siya. Tatlong taon na ang lumipas at naiinis na si Chicot
dahil malakas pa rin si Magloire. Isang araw, inanyayahan niya si Magloire na bumisita at
mag-hapunan sa bahay ni Chicot. Una, naghanda siya ng masaganang hapunan subalit hindi
na masyadong kumain si Magloire. Kaya niya inihanda ang munting bariles at inalok sa
matanda ang alak. Hindi tinanggihan ni Magloire at naengganyo siya na matikman ang alak.
Nalulong si Magloire sa alak at nagbigay ito ng masamang epekto sa kanya dahil matanda na
siya. Dahil sa alak at sa pagtanda, namatay si Nanay Magloire bago mag-Pasko. Pagkatapos
ng pagkamatay ng matanda ay kinuha ni Chicot ang lupa at sinabi niya na kasalanan ni
Magloire kung bakit siya namatay.

Interpretasyon
Ngayon na alam na natin ang maikling kwento suriin natin ang mga pangyayari at
sumisimbolo sa mga karakter at dahil alam natin na si Maupassant ay lumakbay sa iba’t ibang
bansa at may interes siya sa pilosopiya dahil sa mga kaibigan niyang manunulat. Si Nanay
Magloire ang sumisimbolo sa mga mahihirap habang si Jules Chicot naman ang mga
mayayaman at mga sakim sa pera, lupa, at iba pa. Pinapakita na kahit anong mangyari,
mananalo at mananalo pa rin ang mga nasa taas habang ang mga nasa ilalim ay
makakalimutan na lamang ng lahat. Pinapakita rin ng alak ang binibigay ng mga mayayaman
o korap para sa masa na false hopes.
Konklusyon/Critique
Dalawa lamang ang aking napansing problema sa kwento: Una ay si Nanay Magloire; Kung
malungkot at makatotohanan ang kwento sana’y binigyan ni Maupassant si Magloire ng mga
anak o bigyan siya ng mahal niya sa buhay tulad ng isang alagang pusa para naman may mas
malungkot na wakas. Pangalawa ay ang abogado; maganda sana sa kwento na may
koneksyon ang abogado kay Chicot na tila may pinapatamaan si Maupassant sa sirang
sistema na nagpapakita na walang kakampi ang mga mahihirap.

Maganda ang maikling kwento na ito para sa araling panlipunan at batas dahil sa mga
simbolo at interpretasyon na sana ay makita ng bawat mambabasa. Kahit na sampung taon
lamang ang kanyang karera sa panitikan, si Maupassant ay isa sa mga magagaling at
mapanuring manunulat. Lubos kong inirerekomenda para sa mambabasa ng matuto nang higit
pa tungkol sa may-akda at higit pa sa kanyang mga gawa.

You might also like