mathilde na maganda at mapanghalinang babae. subalit sa pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.pumayag siyang pakasal sa isang abang taga sulat a kagawaran ng instruksiyon publiko sapagkat walang paraan upang siya ay makilala ,panuyuan ,bigyan ng dote,at pakasalan ng isang mayaman o tanyag na lalaki. II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN a.) PAKSA/TEMA Ang paksa ng kwentong pinamagatang "Ang Kwintas" ay ang pagiging mapaghangad ni Mathilde ng karangyaang hindi kayang ibigay ng kanyang asawa sa kanya. Malinaw na ipinapakita ng kuwento kung paanong ginusto ni Mathilde na magmukhang maykaya at maganda sa mga mata ng lipunan kahit na hindi naman iyon ang katotohanan. Ang tema ng kwentong ito ay maaaring iugnay sa mga kaganapan sa tunay na buhay kung saan marami sa atin ang pinipilit kuhanin ang mga bagay na wala sa kanila upang magmukhang mas magand, mas mayaman at mas kilala. Ito ay bunga ng masidhing ambisyon na kilalanin at sambahin ng lipunan
b.) SIMBOLISMONG GINAMIT SA AKDA
Kwintas dahil ayun ang pinaka pinag uusapan sa kwento at ayun din ang suliranin ng pangunahing tauhan
c.) URI NG AKDA
Ang uri ng akdang Ang Kwintas ay maikling kwento. d.) KULTURANG MASASALAMIN SA AKDA Maraming masasalaming kultura at katangian sa kwentong "Ang Kwintas" ni Guy de Maupassant. Isa na dito ang pagkahilig ng mga magagarang damit o bestida.Ang Paris ay kilala sa matataas na uri ng fashion houses; ang mga taga-France ay kilala sa hindi matatawarang mariringal na pananamit. Karamihan sa kanila ay sopistikado kung manamit, disente at sunod sa uso (professional and fashionable style), ngunit hindi sobra sa dekorasyon (overly fussy). Isa din sa mga kulturang masasalamin dito ay ang pagkahilig nila sa kasiyahan o pagdiriwang tulad ng piyesta. III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN a.) PAHIWATIG AT MGA KAHULUGAN NITO
Ipininapahiwatig ng kwentong ang kwintas na dapat makuntento sa kung
anong meron tayo at huwag ng magreklamo upang hindi tayo masangkot sa anumang gulo.
b.) KATOTOHANAN AT IMPLEKASYON SA
BUHAY(MGA ARAL NA NAPULOT)
Ang kwentong kwintas ay dapat na makuntento tayo sa kung anong mayroon
tayo, kung ano man ang ating naisin sa buhay ay dapat na tayo ang gumawa ng paraan upang matugunan ito.
c.) KASININGAN SA PAGPAPAHAYAG NG
KAISIPAN Dapat inuuna ang mga importanteng bagay at hindi ang mga luho o gusto lamang.
Hindi maitutuwid ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali.
Dapat matutong makuntento sa kung anong meron ka.
Ang paghahangad ng labis na karangyaan keysa inaasahan a ng dudulot saatin