You are on page 1of 5

KRITIKAL NA PAGSUSURI NG AKDANG

“Ang Munting Bariles”


(Akda ni:Henri Rene Albert Guy De Maupassant)

Grade 10 – Mckenna
Ipinasa nina:
Robica,Dimple 0.
Reyes,Walter Nico
Tumaca,Elrich Tristan
Bonilla,Samuel

Ipinasa kay:
Gng.Phoebe F. Oca
Guro sa Filipino
“Ang Munting Bariles”

I. Panimula

a. Uri ng panitikan

Ang akdang “Ang Munting Bariles” ay isang uri ng maikling kwento kung
saan ito ay nasasalaysay ng isang maikling kaganapan aat pangyayari na
nararanasan ng mga tauhan.Sa maikling kwento ay madalas na may isa o
ilang tauhan lang.Sumasaklaw sa maikling panahon.Sumasaklaw sa
maikling panahon.May isang kasukdulan,at nagiiwan ng impresyon sa isip
ng mambabasa.

b. Bansang Pinagmulan

Ang maikling kuwentong ito at nagmula sa Pransya(France) noong unang


mga dekada ng ika – labing siyam na siglo.Ang Pransya(France) ay
matatagpuan sa kanluran ng Europa.Ang pranses ay isang wika na
nagmula sa Pransiya.Pranses kung tawag sa mga kalalakiha at pransesa
naman ang tawag sa mga kababaihan. Ang mga mananalita ng wikang
pranses ay tinatawag ding Francophone sa mga wikang ingles at pranses

c. Pagkilala sa may akda

Ang Munting Bariles ay isinulat ni Henri Rene Albert Guy De Maupassant


ay ipinanganak noon ika – 5 ng Agusto 1850 at nawalan ng buhay noong
ika– 6 ng hulyo 1893.Siya ay isang manunulat na Pranses noong ika 19 na
siglo.Sikat ang kanyang maiikling kwento.Meron din siyang maraming
akdang nobela.Sinundan niya ang kasalukuyang aesthetic ng naturalism ng
Pransya.

d. Layunin ng akda

Ang layunin ng may akda ay ang maipahayag ang kanyang karanasan


sakanilang pamilya.Kung susuriin ng mabuti ang akda.Ito ay may layuning
magbibigay ng aral na magagamit sa totoong buhay.Ang akdang ito ay
makakapagbigay aliw katulad ng ibang maikling kwento subalit ito ay
naglalahad na ibang pangyayari na pwede mong sa iyong karanasan at itama
ang mga mali kaya naman ito ang layunin na makapagbigay ng gintong aral
sa mga mambabasa.

II. Pagsusuring Pangnilalaman


a. Paksa

Ang paksa o Pangunahing pinag – uusapan sa “Ang Munting Bariles” ay ang


Matangdang Babae kubg saan siya ay namatay dahil sa isang mayaman na
may kagustuhan sa kanyang lupain na si jules chicot.

b. Tauhan/Karakter sa akda

 Jules Chicot – Tusong negosyantr at nagmamay ari ng spreville hotel.Isang


taong nilinlang at ginawa niya ang lahat ng mapanlinlang at mga bagay para
makuha ang gusto.Ginawa ang lahat para sa bukirin ni Nanay Magloire
para makamot ang kagustuhan nya.
 Nanay Magloire – Isang matandang merong bukirin na may nagnanais
bilhin.Isang taong nasisindak. Nung una ay hindi ito nagpapadaa sa perang
inaalok sakanya ngunit ng napagisipan ay pumayag din ito.
 Rosalie – Ito ay utusan ni chicot sa una hanggang huli sya ay tumatayong
utusan nya
 Abogado – Pinagtanungan ni Nanay Magloire tubgkol sa inaalok ni chicot
para sa kanyang bukirin.Ito ang nagsuggest kung paano ang gaggawin ni
Nanay Magloire sa inaalok ni chicot

c. Tagpuan/Panahon

Naganap ang akdang “Ang Muntibg Bariles” sa probinsyang tinutuluyan


nila at sa bukirin ni Nanay Magloire kung saan laging dinadalhan ni Chicot
ng alak si Nanay Magloire at kung saan ito namatay.At sa bahay naman ni
Chicot kung saan unang nakatikim ng napakasarap na alak si Nanay
Magloire at ito din ako kadahilanan kung bakit ito namatay ng mas maaga.

d. Balangkas ng mga Pangyayari

Ang kwentong “Ang Munting Bariles” ay ang pagiging makatotohanan nito


at ang kwento nito kahit na wala itong plot twist ay naipakita saatin kung ano
ang mga tao ngayon.Si Chicot ay isang halimbawa ng taong mapanlinlang.Sa
lipunan natin ay maraming taong manloloko gagawin ang lahat para makuha
ang mga gusto at hindi iisipin ang kalalabasan nito.Si Nanay Magloire naman
ay isang halimbawa ng taong madamjng makuha ang loob dahil sa pera.
Ngayon ay madali lang tayong sumunod sa bagay na may kinalaman ang
pera hindi na natin iisipin ang ibang bagay dahil may pera tayo at halimbawa
din si Nanay Magloire na kapag naadik ka sa alak ay wala itong magandang
mapapala.Ang akdang ito ay makakatulong o masasabuhay ng mga
mambabasa.

e. Kulturang Masasalamin sa akda


Ang kulturang masasalamin sa akdang ito ay ang katangian at paguugali ng
mga Pranses.Makikita nito ang kanilang paguugali sa pagpapahalaga sa
kanilang bansa.Sa akdang ito na “Ang Munting Bariles”na paniniwalang male
dominated culture kaya ginawa talaga ni Chico tang lahat kahit na maling
gawin mapasakanya lang ang bukirin

III. PAGSUSURI PANGKAISIPAN

a. Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda

Naipabatid ng mabuti ng may akda ang mensahe at aral para sa mga


mambabasa.Ang akda ay makatotohanan dahil marami naman talagang
nalululong sa alak gaya ng nangyari kay nanay magloire.

b. Estilo ng Pagkasulat ng Akda

Ang diyalogo na ginamit ni Maupassant ay simple at madali maintindihan ng


mga mambabasa Wasto ang paggamit ng mga bantas,baybay, at mga salita
Maayos ang pagkakasunod ng mga pangyayari at naipakita ito sa paggamit ng
mga tamang salita

IV. BUOD

 May isang mapangahas at matalinong negosyante na si Jules Chicot at gusto


niyang maangkin ang lupa ng isang matandang si Nanay Magloire.
 Ilang beses nang inalok at sinubukang hikayatin ni Chicot si Nanay Magloire
upang payagang bilhin ng kanyang lupa ngunit kadalasang tinanggihan ni
Nanay Magloire si Chicot
 Isang araw, pumunta ulit si Chicot sa bahay ni Nanay Magloire.Inalok niya
ang isang kasunduan na hindi siya magtangkang bilhin ang bukirin pero
babayaran niya ang matanda .
 Kumunsulta ang matanda sa abogado sa sumunod na araw tungkol sa
kasunduan at sa huli ay pumayag siya.
 Tatlong taon na ang lumipas at naiinis na si Chicot dahil malakas parin si
Nanay Magloire.
 Isang araw, inanyayaan niya su Nanay Magloire na bumisita at maghapunan
sa bahay ni Chicot.Una,naghanda siya ng masaganang hapunan subalit hindi
na masyadong kumakain si Nanay Magloire.
 Kaya niya inihanda ang munting bariles at inalok sa matanda ang alak.
 Nalulong si Nanay Magloire sa alak at nagbigay it ong masamang epekto sa
kanya kaya siya ay namatay bago mag – pasko.

You might also like