You are on page 1of 6

FILIPINO 10

Mga Akdang Pampanitikan ng Daigdig


Pagsulat ng Critique ng Akdang Pampanitikan
Unang Markahan
SY 2022–2023

“Ang Munting Bariles”

Ni:
Robbie Janzen L. Chavez
Grade 10 St. Veronica

Isinumite kay:
Ms. France Macrene A. Dy
I. Panimula

Ang pamagat na "Ang Munting Bariles" ay angkop sa kabuuan ng akda. Ito ay nagpapahiwatig

ng isang malaking bahagi ng kwento na tumutukoy sa isang maliit na tangke o bariles.

Ang munting bariles na ito ay naglalarawan ng isang mahalagang elemento sa kuwento, na

nagdudulot ng mga pangyayari at pangunahing suliranin ng mga tauhan. Sa pamamagitan ng

pamagat na ito, naipapakita rin ang pagiging maliit at hindi pinahahalagahan ang mga bagay na

maaaring magkaroon ng malalim na kahulugan at epekto.

Pagkakilala kay Jules Chico Ang pangunahing tauhan ay inilalarawan bilang isang matangkad na

lalaki sa edad na apatnapu, may mapulang mukha, at kilala bilang matalino at tusong negosyante.

Siya ay naglalayon na makuha ang lupa ni Nanay Magloire na matagal na niyang

pinagnanasaang maangkin. Si Nanay Magloire Isang matandang babae sa edad na pitumpu't

dalawa, payat, kulubot na ang balat, at kuba. Bagamat nagtataglay pa rin ng lakas ng kabataan,

tinatanggihan niya ang alok ni Chico na bilhin ang kanyang lupain dahil ito ang kanyang pook

kung saan siya ipinanganak at mamamatay.

Si Guy de Maupassant, na ang buong pangalan ay Henri Rene Albert Guy de Maupassant ay

isang Pranses na akda na isinilang sa Agosto 5, 1850. Siya rin ang tinaguriang Ama ng

modernong maikling kuwento. Nakasulat siya ng 300 na maikling kuwento, anim na nobela,

tatlong librong panglakbay at isang volume na tula. Ang isa sa mga isinulat niyang maikling

kuwento na tinatawag na “Ang Munting Bariles” na sa Ingles ay “The Little Cask” at sa Pranses

ay “Le petit fût”, ay tungkol sa paano kinuha ng mapangahas na negosyanteng si Jules Chicot

anglupain na inaari ng matandang si Nanay Magloire.


II. Katawan

Ang tauhan sa kwento ay si Jules Chicot isang matalino, tuso at mayamang negosyante na

gagawing ang lahat makuha lang ang kanayang gusto. Inaasam asamniyang makuha ang lupa ni

Nanay Magloire. At si Nanay Magloire na isang matandang 72 anyos na ngunit malakas pa rin.

Ayaw niyang ibenta ang kanyang lupa

 Positibong Katangian ni Jules Chicot

Matalino, Ipinapakita ng kwento na si Jules Chicot ay may kahusayan sa negosyo at may

kakayahan na mag-isip ng mabilis.

Mapagkakatiwalaan, Sa simula, maipapakita na si Chicot ay may tiwala sa sarili at kanyang

kahusayan, kaya't handang gawin ang lahat para sa kanyang layunin

 Negatibong Katangian ni Jules Chicot

Tuso, Ipinakita niya ito sa kanyang paraan ng pangangalakal at pagtangkang makuha ang lupa ni

Nanay Magloire.

Gahaman, Ang pangangarap ni Chicot na makuha ang lupa ni Nanay Magloire ay nagpapakita ng

kanyang kasakiman sa yaman.

 Positibong Katangian ni Nanay Magloire

Matibay, Ipinakita ng kwento na sa kabila ng kanyang matandang edad, si Nanay Magloire ay

may malakas pa ring katawan at espiritu.

Matatag, Hindi siya pumayag na ibenta ang kanyang lupa sa kabila ng matinding pangangatwiran

ni Chicot.
 Negatibong Katangian ni Nanay Magloire

Mahirap maunawaan, Ang pagtanggi ni Nanay Magloire na ibenta ang lupa, at maipapakita ng

katatagan, ay nagdudulot din ng masalimuot na situwasyon na nagbunga ng trahedya sa kanyang

buhay.

Kasakiman, kasakiman ng matanda sa kwento ng alak ay nagdulot sa kanya ng hindi magandang

epekto sa kalusugan.

Naglalarawan ng pakikipagtagpo nina Jules Chicot, isang negosyante, at Nanay Magloire, isang

matandang may-ari ng lupang nais ni Chicot. Nagtatangka si Chicot na kunin ang lupa sa

pamamagitan ng matalinong alok at panlilinlang, kasunod ng pagbabago ng takbo ng kanilang

relasyon, at ang kanyang pag-uugma sa mga pangyayari na nagdulot sa pagkamatay ni Nanay

Magloire.

Ang kwentong ito ay naglalarawan ng ilang aspeto ng tao, tulad ng kasakiman, panlilinlang, at

implikasyon ng masamang gawain sa kabutihan at kalusugan. Ang pangunahing isyu ay

tumutukoy sa moralidad, pangangarap, at epekto ng pag-aalak sa tao.

Ang magagandang pahayag ay maaaring magtaglay ng emosyon, sagisag na paglalarawan ng

sitwasyon. Halimbawa, ang pagsasalaysay ng pagpapaubaya ni Nanay Magloire sa hapag kainan

at pagtikim ng alak ay maaaring bigyang-diin sa pagsusuri. Isa pang halimbawa ng pahayag ay

“Mananatili ang bahay na ito sa inyo, hindi ninyo ako iintindihin, at wala kayong sasagutin sa

akin. Ang gagawin niyo lang ay tatanggapin ang aking salapi. Puwede na ba sa inyo ang alok na

iyon?” ang alok na ito ay naglalaman ng komplikadong kalakaran ng karakter, nagbibigay daan

sa masusing pagsusuri ng kanilang moralidad at halaga.


Alak bilang simbolo ng pagbabago at pag-asa, Ang pag-aalok ni Chicot ng alak kay Nanay

Magloire at ang pagiging maligaya nito sa pag-inom nito ay maaaring magsilbing simbolo ng

pagbabago at pag-asa. Sa simula, ito ay tila nagiging positibo ang buhay ng matanda, ngunit sa

bandang huli, ito ay nagdudulot ng masamang epekto.

Isa pang simbolo tungkol sa alak, Simbolo ng kasiyahan, tagumpay, at ang pag-usbong ng

pananaw ni Nanay Magloire hinggil sa kanyang buhay.

Kasunduan bilang simbolo ng pagpapahirap, kasunduan sa pagitan ni Chicot at Nanay Magloire

na may kinalaman sa pagbibigay ng pera sa kanyang bukid ay maaaring magsilbing simbolo ng

pagpapahirap o pang-aapi. Sa pagkakaroon ng kontrata, ito ay tila ba si Chicot ay naging

mananakot at nagamit ang kanyang yaman upang mapasunod ang matanda.

Ang lupain, Sumisimbolo sa yaman, pangarap, at konsepto ng pag-aari, na nagdudulot ng

tunggalian sa kwento.

Lupa bilang simbolo ng pagmamay-ari at identidad, lupain ni Nanay Magloire ay maaaring

magsilbing simbolo ng kanyang pagmamay-ari at identidad. Ipinapakita niya ang kanyang

matibay na paninindigan sa pagtanggi sa alok ni Chicot na bilhin ang lupa. Kung saan

nagpahayag ng kanyang malalim na koneksyon sa lupang iyon.

Naglalaman ng mga aral tungkol sa kasakiman, pagpapahalaga sa mga pagkakataon, at ang

pagtutok sa mga pangunahing halaga ng buhay. Maaaring ito'y ipag-uugma sa mga halagang

Canossian tulad ng pag-aaruga, pagbibigayan, at pag-unawa.


III. Kongklusyon

Sa aking pananaw, ang akdang "Munting Bariles" ay binigyang diin ang masamang dulot ng

bisyo satin o ang pagiging hangal at makasarili. Alam naman natin na matanda na nang matuto si

Magloire na uminom Ito'y nangangahulugan na walang kinikilalang cdad ang bisyo at ito'y

nagdudulot ng mga negatibong cpckto, mapabata man o matanda. Kaya naman ito ang isa sa mga

naging dalhilan ng kanyang pagkamatay. Hindi lang ang pag-inom ng alak ang naging dahilan ng

kanyang pagpanaw dahil ang nagtulak sa kanya na malulong sa bisyong ito ay ang kanyang

pagkalangal at pagkamadamot. Nasilaw siya sa alok ni Jules Chicot na siya ay bibigyan ng pera

araw-araw at kapag naipon niya, ay napakalaking halaga Sa huli, ang plano nt Jules Chicot ang

nanaig ngunit nagpatunay lamang ito na siya ay makasarili at gagawin ang lahat para lang

makuha niya ang kanyang kagustuhan kahit ito'y nakakasama na. Sa kabuoan, ang kuwentong ito

ay may maraming kapupulutang aral na inaari nating mayamit sa ating buhay Ang mga aral na

ito ay, dapat na iwasan natin ang busyo lalong-lalo na ang pag-iinom ng alak at dapat na mabuo

ang isipin, ang bawal desisyon na ating gagawin sa ating buhay Isa pa ay dapat na hindi tayo

basta-basta na magtiwala sa ating mga kaibigan sapagkat hindi natin alam ang kanilang tunay na

pakay sa atin sa pagsusuri ang kuwentong ito ay naglalaman ng mahahalagang aral tungkol sa

pag-iingat sa mga pangako at pagsusuri ng kahalagahan ng pangarap na nauukol sa tama at

makatarungan. Nagbibigay ito ng babala ukol sa masamang epekto ng kasakiman at pang-aabuso

sa kapwa.

You might also like