You are on page 1of 39

Pagkakasunod-sunod ng mga pahina ng papel De La Salle Lipa Saint Brother Jaime Hilario FSC Learning Community Anak ng Jueteng:

Paggagad sa mga Suliraning Hatid ng Modernong Kahirapan

Isang Pagsusuri at Pananaliksik Bilang Isang Kailanganin sa Filipino 11

Isinumita kay: G. Darius Cantos

Isinunita nina: Joy Ann Caraan Joyce Tubo Shiela Marie Aguila Cj Salido Princess Sarah Virtudazo Jeanette Anne Umali Alex Fransisco Elizabeth Magboo

Marso 2012

PANIMULA

I. Panimula Sa bawat sugal sa buhay ng tao nandiyan ang pagka-panalo ngunit hindi mawawala ang pagkatalo. Sumablay man sa desisyon, hindi matatapos ang pagkakataon upang maisa-ayos muli ang pagkakamali. Maliit man ang pag-asang makaahon at makabalik sa tamang daloy ng pamumuhay doble naman ang maaaring makamit kung ito ay pagsisikapan. Maaaring isugal ang buhay ngunit walang kasiguraduhan ang mga ito sa mundo ng Jueteng. Dahil sa bawat yugto nito ay mayroong magtatagumpay at mayroong matatapakan.

Ang Jueteng ay patuloy na nanunuot sa ating lipunan. Marami man ang nagnanais na ito ay buwagin, ito ay hindi tuluyang mawawasak. Marami ring mga Pilipino ang nakadepende ang kabuhayan sa Jueteng. Kinapapalooban din ang Jueteng ng jargon o mga espesyal na salita na naiintindihan lamang ng mga taong may kinalaman dito.

Isang salitang naging bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino ay ang Jueteng maging siya man ay isang ordinaryong mananaya, kubrador, cabo, banca, o kung anu pa man. Isang salita na nauunawaan hindi lamang ng mga mahihirap kung hindi maging ng mga taong nasa alta-sosyedad o ang mga naghaharing uri. Isang salita na nakaukit na sa ating kultura. Mananatili ang Jueteng sa bokabularyo ng mga Pilipino hanggat may mga taong naghahalu-halo ng mga numero para matsambahan ang tamang kumbinasyon nito.

Sa pelikulang Kubrador, ito ay tungkol sa buhay ng isang kubrador na nagsisikap mangolekta ng taya sa mga tao araw-araw. Kahit na pinaghaharian ng takot na baka mahuli ng mga buwaya sa kanyang lipunan ay sinuong pa rin niya ang panganib at hirap ng pangungubra.

Sa pagsususring papel na ito ay iniuugnay ang Teoryang Pampanitikang Marxismo upang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging tiyakang nagpapakita ng paglabanan ng malakas at mahina; mayaman at mahirap. Makabuluhan rin kung paano natalo ng mahina ang malakas; ng mahirap ang mayaman. Ginagamit ang mga oriyentasyon na ito upang mabuksan ang mga isipan at ang mga mata ng tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan..

A. Layunin at Suliranin ng Pag-aaral Ang pagsusuring papel na ito ay tungkol sa suliraning hated ng modernong kahirapan patungkol sa Jueteng na inuugnay sa Teoryang Pampanitikang Marxismo. Sa pagsususirng papel na ito naghanap ang mga mananaliksik ng iba pang impormasyon upang mapalawak ang mga paksang napapaloob sa Teoryang Marxismo at pelikulang Kubrador.

Ang mga tanong na naisagwa ng mga mananaliksik ay ang mga sumusunod:

1. Ano ang Jueteng? 2. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit hindi mamatay-matay ang Jueteng sa Pilipinas? 3. Ano ang estado sa buhay ng mga kubrador? 4. Paano naging daan ang Jueteng sa kahirapan? 5. Paano naging solusyon ang Jueteng sa kahirapan?

B. Kahalagahan Ang pagsusuring ito ay mahalaga upang makapaghatid ng impormasyon hindi lamang sa mga manunuri kung hindi pati na rin sa mga mambabasa. Ito ay maaaring makatulong sa mga taong interesado at nais umusisa sa paksa ng pagsusuring papel na ito.

Mahalagang malaman ng mga mambabasa ang kahirapang hatid ng Jueteng sa modernong panahon. Nais din ng mga mananaliksik na mamulat ang mga mambabasa sa mga bagay na nakapaloob sa Jueteng.

C. Suliranin at Limitasyon Ang pagsusuring papel na ito na pinamagatang Anak ng Jueteng: Paggagad sa mga Suliraning Hatid ng Modernong Kahirap ay sumasaklaw sa pag-uugnay ng Teoryang Pampanitikang Marxismo at Jueteng sa mga mahihirap. Subalit hindi nito saklaw ang mga impormasyong may kinalaman sa iba pang teoryang pampanitikan na makikita sa pelikulang Kubrador.

KAUGANAY NA LITERATURA

II. Kaugnay na Literatura

Pagkataong Pilipino Ayon kay Ursula V. San Pablo, tinalakay niya ang ibat ibang kahulugan ng sugal, mga dahilan kung bakit nagsusugal ang isang tao, mga uri nito at mga epekto nito sa manunugal. Tinalakay rin niya rito ang kasaysayan ng sugal sa Pilipinas. Ilan sa mga nakasaad na kahulugan ng sugal ay ang pagpupusta ng isang bagay na may halaga, pagbabakasakali o pagsubok sa suwerte at pagkakaroon ng kaligayahan sa pakikipagbuno sa kapalaran. Pampalipas-oras, katutubong hangarin, bisyo at daan upang sumandaliang makalimutan ang problema ang ilan sa mga dahilan ng mga tao kung bakit sila nagsusugal. May mabuti at masamang epekto naman ang sugal sa mga tao depende na sa isang manunugal kung paano niya ito dadalhin. Batay din sa kanyang salig ng pag-aaral may apat na uri ng sugal. Ito ang sugal bata, sugal ng matatandang babae o mga may bahay, sugal ng mga kalalakihan at sugal para sa lahat. Ang jueteng ay kabilang sa uri ng sugal na para sa lahat. Tinalakay rin nito ang kasaysayan ng sugal sa ating bansa. Ayon din sa kanya, bago dumating ang mga dayuhang mananakop sa bansa, iisa lang ang kinagigiliwang sugal ng mga Pilipino ang karera ng kalabaw at hilahan nito. Hindi nagtagal ay itinigil rin nila umano ito sapagkat napagtanto nila na malaki ang naitutulong ng mga kalabaw sa kanilang pagsasaka. Nang dumating ang mga Kastila sa bansa, dala nila ang Kastilang baraha at sabong na kanilang pinalaganap sa buong kapuluan. Lalo pang lumaganap ang sugal noong panahon ng Amerikano. At noong ipataw ang Martial Law, nakabawas ito nang malaki sa

paglaganap ng sugal sa bansa. Ngunit hindi pa rin tuluyang huminto ang pagsusugal ng mga Pilipino. Likas na nga raw sa ating mga Pilipino ang kahiligan sa pagsusugal.

Anatomiya ng Jueteng Batay sa librong The Anantomy of Gambling na isinulat ni Ret. Police Director Wilfredo R. Reotutar ay tumatalakay sa ibat ibang uri ng sugal kung paano laruin ang mga ito, ang kayarian nito, mga kagamitang ginagamit sa mga sugal na ito at maging ang mga taong bumubuo rito. Tinalakay rin ng may-akda ang eksistensiya ng sugal, sistema ng pagtaya, mga argumento hinggil sa sugal, mga pangunahing simulain ng sugal at iba pa. Isa sa mga uri ng sugal na kaniyang tinalakay rito ay ang jueteng na kung saan marami siyang isiniwalat tungkol rito. Inihayag niya sa librong ito na ang jueteng ay isang laro ng mga mahihirap at may-kayang pamilya. Na ang mga taong ito ang nagpapanatili sa operasyon ng jueteng. Sinabi rin niya rito na malaking bilang ng mga Pilipino ay nakadepende ang kabuhayan sa jueteng sapagkat wala na silang ibang paraan na alam na hanapbuhay maliban dito. Sila ay nagtatrabaho rito bilang mga cobrador, cabo, revisador, bolador at iba pa. Isiniwalat niya ang nagaganap na dayaan sa jueteng. Bago pa man umpisahan ang bolahan, natignan na nang mabuti ang listahan ng mga taya at ang kombinasiyon na walang taya o di kaya ay may pinakamaliit na taya ang siyang karaniwang nananalo. Bihira lamang silang nagpapanalo ng malaking taya at gagawin lamang nila umano ito upang makahikayat ng mas marami pang mananaya. Isiniwalat rin niya na 30 porsiyento ng kabuuang koleksyon sa operasyon ng jueteng ay napupunta sa protection racket nila. Ito ay kinabibilangan ng mga opisyales ng gobyerno at kapulisan, maging siya man ay nasa mataas o mababang posisyon. Binibigyan nila ang mga ito ng

suhol upang hindi magambala ang operasyon ng jueteng. Kapalit ng suhol ay ang pagbibigay proteksyon sa mga ito. Makikita natin na ang pinakamataas na posisyon sa jueteng ay ang gambling lord o ang tinatawag nilang banca o financier. Kapantay naman ng banca ang mga benepisyaryo o intelligencia nito sapagkat sila ang nagbibigay proteksiyon sa operasyon ng jueteng at tulad niya ay may mataas ding posisyon ngunit sa gobyerno naman ito. Sumunod naman ang coordinator o ang tinatawag nilang table manager o jueteng operator.Sa management naman, dito kasapi ang revisador, caha, watcher, at bolador. Sila ang karaniwang makikita sa mga bolahan. Ikalawa sa panghuli ay ang mga cabo na siyang pinagdadalhan ng mga cobrador ng kanilang buong koleksiyon ng taya sa isang araw. Ang cobrador ang pinakamababang posisyon sa opersayon ng jueteng.

Small Town Lottery kapalit ng Jueteng Ayon sa ulat pananaw ni Dodie C. Banzuela (San Pablo City, December 6, 2005) Kung matatawag mang the same dog with different collar ay ito na nga ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) na nakatakdang ipalit sa jueteng ng Philippine Charity & Sweepstakes Office (PCSO). Sa nakalap ng DERETSO na Kapasiyahan Bilang 2005-013 mula sa Liga ng mga Bayan sa Pilipinas, Balangay ng Lalawigan ng Quezon, na pinagtibay noong September 23, 2005 nina Candelaria Mayor David V. Emralino, Pangulo ng Balangay at Tiaong Mayor Raul S. Umali bilang siyang Kalihim ng Balangay, ay sinabi nila na:

Sapagkat ang mga Punong Bayan sa Lalalawigan ng Quezon ay sumasang-ayon na napapanahon ang Small Town Lottery bilang panibagong gawaing pangkabuhayan na makakalagak din ng karagdagang pondo para sa mga Pamahalaang Lokal; Sapagkat, ang pondong magmumula sa operasyon ng Small Town Lottery ay makakatulong ng malaki upang higit pang mapag-ibayo ng mga Pamahalaang Lokal ang pagpapatupad ng mga lingkurang pambayan. Dahil dito, sa nagkakaisang mungkahi ng liga: Ipinasiya, gaya ng ngayon ay pinagpapasiyahan: Na ipahayon sa Tanggapan ng Swipstik ng Kawanggawa sa Pilipinas, sa pamamagitan ng Tagapangulo at Pangkalahatang Tagapangasiwa nito, ang Kgg. Rosario C. Uriarte, ang nagkakaisang pagtanggap ng Liga ng mga Bayan sa Pilipinas Balangay ng Quezon, sa nagkakaisang pagtanggap sa Small Town Lottery bilang alternatibo sa illegal na jueteng. Una ng sinubukang ipalit ang STL sa jueteng sa panahon ni dating pangulong Corazon Aquino matapos ang People Power 1986. Tila sa unang pagpapatupad ng STL ay pumalpak kaagad sapagkat nagkanya-kanyang agawan sa pagpapatakbo nito pulitiko, negosyante, at mismong mga jueteng operator. Kaya naman hanggang ngayoy may hinahabol pang mahigit sa 800 milyong pisong diumanoy itinakbo ng unang namahala sa national operation ng STL. At sa muling paginit ng usapin sa jueteng ay nakatakdang muling ipatupad ng PCSO ang STL upang anila pay makabalik na sa trabaho ang mga dating nawalan ng trabaho sa industriya ng jueteng. Subalit hanggang ngayoy wala pa ring malinaw na guidelines na inilalabas ang PCSO.

Ano nga ba ang pagkakaiba ng STL sa Jueteng? STL (Batay pa lamang sa Item Jueteng Unang pananaliksik ng DERETSO) Dami ng numerong 1 37 paglalabanan Halaga ng tatamaan PhP 8.00/centavo Buliton na aalugin PhP 9.00/centavo 1 38

Gamit sa pagbola

Katulad ng ginagamit sa Lotto

sa bote Puwede kahit sa

Printed sa newsprint at Listahan ng taya o palara o kaha ng lastilyas gagamitan ng carbon paper kailangan ay 3 kopya na

sigarilyo Pagkabola ibibigay

Pag-claim ng tama

Within 24-oras

na ang tama

Sariling diskarte Pagkuha ng empleyado ng operator Ayon sa impormasyon pinagaaralan pa kung: By Scope ng operation Kahit saan province or by congressional district Main operator Kahit sino PCSO Isa bawat probinsiya or # of sub-operator Kahit ilan Congressional district PhP 5M cash bond & PhP 2M cash deposit, at iba pang Ganansya ng Wala pamahalaan ng pamahalaan kaukulang buwis na ipapataw May endorso mula sa lokal na pulitiko

Regular: Mula Malakanyang Hanggang Barangay Tanod, Kasama na ang AFP Intelehensya & PNP; Media; Religious Sector; Charity Institutions Wala

Irregular: namatayan, Fiesta, irthday, Public & Private Schools atbpng. nais magsolicit 6% commission sa ; pamasahe; Gana ng kubrador engreso bastagan; balato kapag 7% commission sa Engreso may patama

Sagot ng operator ang pampyansa kapag nahuli; anumang oras ay nakakabale; sagot din ng bangka ang upa sa Wala ng huli; security of Proteksyon sa kawani boarding house, personal na gamit (sabon, toothpaste, etc.); pagkain; pang-goodtime tenure

Lalapitan ng kubrador ang Paraan ng pagtaya tataya Paraan ng pagkubra Dadalhin ng kubrador ng napanalunan

Ganoon pa rin: Lalapitan ng kubrador ang tataya Wala pang impormasyon ang Deretso

Ayon pa sa impormasyong nakalap ng DERETSO, dapat sanay nakapagsimula na ang operasyon ng STL noon pang December 1, subalit dahilan nga sa kawalan pa rin ng guidelines na nagmumula sa PCSO ay hindi pa ito maipatupad. Ayon pa sa source ng DERETSO, posibleng isa sa dahilan ng pagkabalam ay kung papaano nga ba ang sistema sa pagbibigay ng kapahintulutan ng PCSO sa magiging sub-operator nito. Considered na isang government owned and controlled corporations (GOCC) ang PCSO at sa ilalim ng batas hindi ito maaaring pumasok sa isang kontrata o kasunduan sa pagbibigay nga ng permit-to-operate. Sa operasyon ng Lotto, tanging PCSO lamang ang siyang nag-ooperate nito. At iisa lamang ang kombinasyon ng tamang numero na pinagbabatayan. Sa STL, na dapat ngay pamalit sa Jueteng, na kung saan, independent sa bawat isa ang sinumang jueteng operator sa isang lugar, ay mas maraming kumbinasyon ang tatamaan. Malaki rin aniya ang magagastos ng magiging sub-operator sapagkat siya ang magpapaimprenta ng sulatan ng taya at siya din ang bibili (exclusive na mabibili lamang sa PCSO) ng gagamitin sa pagbola. Initially, magkakahalaga diumano ang nasabing gamit sa pagbola ng mahigit sa limampung libong piso. Makakatiyak din aniya ang mananaya na magiging parehas ang labanan sapagkat ang gagamitin nga ay katulad ng ginagamit sa Lotto.

Police officials sabit din sa jueteng Ayon kay John Roson ng Inquirer hindi lamang mga dikit kay Pangulong Aquino ang tumatanggap ng jueteng payola kundi maging mga heneral at iba pang matataas na opisyal ng Philippine National Police.

Ito ang panibagong pagbubunyag ni anti-jueteng crusader na si dating Lingayen Archbishop Oscar Cruz kaalinsabay sa pagsasabi na lalong humahaba ang kanyang listahan ng mga taong gobyerno na nakikinabang sa iligal na sugal na jueteng. Sa press conference sa headquarters ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines sa Maynila, sinabi ni Cruz na nakipagkita siya sa mga sources na maraming nalalaman tungkol sa jueteng operations. Anya, higit umanong mas maraming pulis ang tumatanggap sa jueteng kaysa sa mga hindi tumatanggap. Ayon kay Cruz, dalawang beses siyang nagpadala ng sulat kay Verzosa hinggil sa jueteng ngunit dinedma lamang umano siya nito. Samantala, idinawit naman ni Sandra Cam ang bagong hepe ng pulisya PNP sa jueteng, gaya ng una na ring sinabi ng isang grupong nagpakilalang Junior Officers of the PNP. Ayon kay Cam, isa si Bacalzo sa binibigyan ng payola ng isang Delfin Gener alias "Boy Tangkad", kilala umanong jueteng lord, base na rin sa rebelasyon ni Wilfredo Boy Mayor. Si Cam at Mayor ay kapwa naging testigo sa isinagawang Senate inquiry sa jueteng controversy na kinasangkutan ng dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo. Itinanggi naman ni Bacalzo ang akusasyon ni Cam. Ayon kay Bacalzo, malabo na magkaroon siya ng kaugnayan sa jueteng dahil matagal na siyang hindi itinatalaga sa labas ng Camp Crame.

Katuturan ng mga Katawagan

Jargon. Ito ay lipon ng mga espesyal na lengguwahe o mga salita na ginagamit ng isang particular na grupo ng mga tao tulad ng mga dalubhasang manggagamot. Jueteng. Ayon sa pakahulugan ni Reotutar sa kanyang libro na pinamagatang Anatomy of Gambling, ang jueteng ay isang laro na pinatatakbo ng mga numero na kung saan tatlumpotpitong (37) numero ay isainasama o inihahalo sa isa pang pangkat ng tatlumpot-pito ring numero upang nakabuo ng iszng kombinasiyon ng dalawang numero o isang total ng 1369 (37 * 37) na kombinasiyon. Ang pinakamababang taya rito ay 25 centavos at ito ay umaabot hanggang isang daang piso bawat kombinasioyn. Ang jueteng ay isang uri ng sugal na labag sa batas o illegal na kung saan ang mga mananaya nito ay kabilang sa mga mahihirap at may-kayang pamilya. Tinatayang limampung milyong piso (P50 M) ang mga tayang nakokolekta o nasasamsam nila sa isang araw.

Cabo. Ang namamahala at nangangasiwa sa mga cobrador sa isang partikular na lugar na may operasiyon ng jueteng. Siya ang tagasamsam at tumatanggap ng mga nalikom na taya ng mga cobrador kasama na rin dito ang mga kopya ng mga listahan ng mga numerong tinayaan. Siya rin ang naggagarantiya na ang lahat ng mga patakaran ay sinusunod ng mga nasasakupan niyang cobrador. Siya rin ang nagpapataw ng kaukulang parusa sa sinumang cobrador na lalabag sa kanilang patakaran. Siya rin ang naghahanda ng listahan ng mga kombinasiyon na mayroong malaking taya na kanya namang ibibigay sa kanilang banca o financer upang makita kung aling kombinasiyon ang sisira sa kanilang bankroll.

Cobrador. Ang tagalikom ng mga kombinasiyon at taya ng mga mananaya sa jueteng sa pamamagitan ng paglilibot sa mga bahay-bahay. Ang isang cobrador ay maaaring isang tindera sa sari-sari store o bangketa, labandera, tambay o kung sinumang may kakayahang lumikom at patubuin ang mga taya para sa jueteng. Makikita mo siya na may dala-dalang mga papel at pluma na kung saan niya isinusulat o inililista ang mga indibidwal na kombinasiyon ng mga mananaya. Lahat ng kanyang listahan ay mayroong duplicate o kopya para sa mananaya at ang isa ay para sa kanya.

Table Manager/ Jueteng Operator. Ang namamahala ng mga operasyon sa isang malaking lugar o sa isang probinsiya. Lahat ng mga cabo at cobrador ay sa kanya kumukuha ng mga kautusan. Ang mga cabo ay direktang nag-uulat o nagsusumbong at nagbibigay-alam sa kanyang pansin sa mga malalaking taya ng mga kombinasiyon na maaaring sumira sa kanilang bangko. Tinitiyak rin niyang protektado ang interest ng banca upang hindi sila gambalain ng mga pulis o mga opisyales sa gobyerno. Siya ang tagatingin na ang kanilang racket sa proteksiyon ay patuloy na naisasagawa na ayon sa kanilang plano. Kung may problemang dumating, siya ang gumgawa ng paraan. Direkta siyang nag-uulat sa financier o banca. Banca. Ang financier ng jueteng. Siya ang taga tustos sa lahat ng gastusin sa mga operasiyon ng jueteng sa isang lugar. Siya ay mayroong malaking bank accounts para may pantustos sa mga gastusin sa kanilang operasiyon at may pambayad sa mga napatamang mga kombinasiyon. Intelligencia. Ang mga jueteng protectors. Ang mga kasapi rito ay maaaring isang opisyal sa gobyerno, kapulisan, barangay kapitan at iba pa. Sila ang nagbibigay proteksiyon sa mga operasyon ng jueteng kaya naman maayos na naisasagawa ang isang bolahan sa isang particular

na lugar kahit na labag ito sa batas. Kapalit ng kanilang pagprotekta sa jueteng ay malaki nilang porsiyento rito.

Caha Ang tagahawak, tagatago, at tagatanggap ng lahat ng perang nakolekta ng mga cobrador mula sa mga mananaya nito sa isang lugar o lalawigan.

Revisador. Ang tagatsek o tagatingin kung may tumamang numero o wala sa listahan o papelitos. Siya rin ang tagabilang kung magkano ang naipasok na pera ng isang cabo. Tinitiyak rin niya na tama ang mga bayarin na nagawa sa mga operasyon ng jueteng.

Look-out/Watcher. Ang tagapagbantay sa labas ng isang lugar kung saan isinasagawa ang bolahan. Sila ang nagbibigay ng babala sa mga taong nasa loob kung may parating na mga pulis.

Bolador. Ang tagabola sa bolahan ng jueteng.

Pompiyang. Kung magkapareho ang lumabas na kombinasiyon.Halimbawa: 1-1,

4-4, 3-3.

Bastag. Kung ang tumama lamang sa iyong kombinasiyon ay isang numero lamang. Halimbawa: Ang kombinasiyong tinayaan mo ay 2-9 at ang lumabas naman ay 2-5. Ang numerong 2 lang ang naitama mo. Bastag ang tawag doon. Isosoli iyong kalahati ng iyong taya pag nangyari iyon. Pero sa ngayon, tinanggal na ang bastag.

Casas. Ito ang tawag sa tatlong numero hanggang anim na numero na nilagyan ng bracket na kung saan kapag ang lumabas na kombinasiyon ay mayroon doon sa bracket na iyon, tumama ka na.

Tumbok at Sahod. Ito ang dalawang parte ng isang taya. Ang tumbok ay ang taya ng isang mananaya para sa mismo o eksaktong ayos ng kaniyang kombinasiyon habang ang sahod naman ay ang taya kapag baliktad ang ayos ng lumabas na kombinasiyon kumpara sa kaniyang tinayaan. Halimbawa: Tinayaan mo ang kombinasiyon na 1-29 ng

Php15 at Php 5. Ang Php 15 ay iyon ang tumbok at ang sahod naman ay iyong Php5. Kung ang lumabas ay saktong 1-20, ang kikilalanin nilang taya ay ang Php15 pero kung 20-1 naman ang lumabas, ang kikilalaning taya ay ang Php5 dahil kabaliktaran ito ng iyong tinayaang kombinasiyon.

Cotejo. Isang papel na listahan ng mga numero o kombinasiyong lumabas noong mga nakaraang buwan o taon. Ginagawa itong basehan ng mga mananaya sa pagpili at pagbuo ng isang kombinasiyon.

Papelitos. Ito ang tawag sa papel na karaniwang hawak o bitbit ng mga cobrador kapag sila ay lumilibot sa mga kabahayan upang kumuha ng mga taya. Dito nila isinusulat ang mga kombinasiyon na tinayaan ng mga mananaya.

Bulilyo/Tambiyolo. Isang rattan basket na hugis bote o di kaya ay isang karaniwang bote na binalutan ng packing tape sa labas nito. Dito inilalagay ang bolitas upang kalugin.

Bolitas. Mga maliliit na bilog na may nakaukit na mga numero mula 1 hanggang 37 na inilalagay sa loob ng bulilyo o tambiyolo.

Jueteng Payola. Ayon kay Aonuevo, ito ay tumutukoy sa kita ng operasiyon ng jueteng sa bansa.

Jueteng Blue Book. Nakasulat dito ang mga pangalan ng mga taong sinusuhulan ng jueteng gaya ng barangay tanod at kapitan, konsehal, pulis at iba pa.

Jueteng Country. Ito ay tumutukoy sa lalawigan o bansang tinutustusan ang mga pangangailangan sa pamamagitan ng jueteng.

III. Batayang Teorya at Konseptual na Balangkas

Batayang Teorya Teoryang Marxixmo, ito ang teoryang inilapat sa pelikulang Kubrador ni G. Jeffry Jeturan sa agkat sa istorya ng pelikulang ito makikita ang ibat ibang klase ng tungalian, mayroong mayaman at mahirap, mahina at malakas, makapangyarihan at api. Mapapasin din natin kung paano pinakita ng bawat tauhan sa mga manonood ang kanilang karakter at kung anung katangian mayroon ang bawat isa.Pinapakita sa teoryang ito ang paglabanan ng malakas at mahina; mayaman at mahirap. Makabuluhan rin kung paano natalo ng malakas ang mahina ng mayaman ang dukha. Ginagamit ng mga oriyentasyon na ito upang mabuksan ang mga isipan at ang mga mata ng tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan. Ito'y sumibol sa panahon ng kastila at hapon, at namayagpag naman sa makabagong panahon. Layunin ng teoryang ito ay lantad ang ibat ibang paraan ng mga tao sa pagtugon sa suliranin na kanyang kinakaharap. Kayat kung atin susuriin mabuti ay tugma ang teoryang maxixmo sa isang napakagandang pelikulang ito ni G. Jeffrey Jeutrian. Ang pagsusuring ito ay ibinatay sa Teoryang Marxismo na inilapat sa bawat senaryo o pangyayari sa Pelikulang Kubradorni G. Jeffry Jeturian. Ipinapakita sa tsart sa ibabang bahagi ng papel ang paglalapat na ibinatay sa teoryang nabangit.

Senaryong hango sa pelikula

Paglalapat ayon sa Teoryang Marxismo

Sa kadahilanang illegal ang Jueteng sa pelikulang Kubrador ay nahuli si Amelita ng mga pulis kabilang na ang kanyang mga kasamahang kubrador. Nakakita si Amelita ng kakampi sa loob ng batas sa katauhan ng mga pulis na tumataya rin sa jueteng. Dahilan upang siya ay madaling mapalaya sa kulungan.

Maipapakita dito ang kapangyarihan ng mga pulis sa pagpapairal ng jueteng. Dahil dito mas lalong lumalakas ang jueteng at maraming mahihirap ang natatapakan.

Naatasan si Amelita na dumalo sa bolahan ng jueteng. Kung saan siya ay hinuhusgahan ng mga kabo sapagkat siya ay isang hamak na kubrador lamang. At ayon sa kanila ay hindi maaaring pumunta ang isang kubrador sa bolahan ng jueteng.

Sa loob ng jueteng may nabibigyan ng mataas na posisyon na nangmamaliit sa mga mababang posisyon, katulad na lamang ng nabanggit na sitwasyon na nanggaling sa pelikulang Kubrador.

Isang Caha na nagbibigay ng suhol sa mga opisyales ng gobyerno upang hindi nila ilaglag ang operasyon ng jueteng.

Masasabing ang nagpapatakbo at nagpapalaganap sa jueteng ay ang salapi; na kahit ang mga opisyal ng gobyerno ay nagagawang bayaran ng mga kahero ng jueteng. Katulad ng maipakita sa pelikulang kubrador. At ito ay dahilan upang hindi masupil ang jueteng.

Ipinakita ng pelikulang Kubrador ang takot ng isang kubrador sa mga opisyal ng gobyerno na maaaring humuli sa kanya.

Dahil sa kapangyarihan ng opisyales nagkakaroon ng matinding takot ang mga taong nasa mabababang antas lalo na ang mga taong kumikita sa illegal na paraan katulad na lamang ng jueteng.

Konseptual na Balangkas

anak ng jueteng: paggagad sa mga suliraning hatid ng modernong kahirapan

Marxismo

Ano ang jueteng?

An-anu ang mga dahilan kung bakit Ano ang estado sa Paano naging daan hindi buhay ng mga ang jueteng sa mamataymatay kubrador? kahirapan? ang jueteng sa pilipinas?

Paano naging solusyon ang jueteng sa kahirapan?

surbey,interbyu,research

Paksa ng Balangkas Makikita sa itaas ang balangkas na nagawa ng mananaliksik. Napili ng mga mananaliksik ang ganitong uri ng balangkas sapagkat sa pamamagitan nito, naipapakita kung paano nagawa ng mananaliksik ang pagsusuring papel na ito. Makikita sa balangkas na ito ang pamagat na sumisimbulo ng pinakapinapaksa ng balangkas na ginawa. Makikita rin sa balangkas ang teoryang ginamit ng mga mananaliksik ang teoryang Marxismo. Ito ang napiling teorya ng mga mananaliksik sapagkat mailalarawan nito ng ayos ang paksang kanilang sinusuri. At sa pamamagitan nito, malalaman din ng mga mananaliksik ang mga kapangyarihang lumalaganap sa jueteng. Nariyan din ang mga na tumutulong sa mga mananaliksik na malaman ng ayos ang kanilang paksa. At sa pamamagitan nito, napapagtanto ng mga mananaliksik ang mga dapat na malaman. Dumaan sa matinding pagsusuri ang papel na ito, nariyan ang mga surbey at interbyus na nakatulong ng malaki sa paggawa ng papel na ito. At dahil sa mga nabanggit at pagsasaliksik sa internet, nabuo ang papel na ito na maaaring makatulong sa lahat ng mga mambabasa.

IV. Pagtalakay

Ang bahagi ng pagsususring papel na ito ay sumasagot sa mga katanungang nabuo sa unang bahagi ng papel na ito. Dito ay nabigyan ng mas malawak na detalye ang mga kahulugan ang mga bagay na may patungkol sa juteng na tinatalakay ng papel na ito.

1. Ano ang Jueteng?

Ang salitang jueteng ay hango sa salitang Chinese na hue na katumbas ng bulaklak (flower) at eng na ibig sabihin ay pagtaya (to bet). Ang jueteng sa Pilipinas ay mula pa noong panahon ng kolonya ng Espanya. Ang jueteng ay dumedepende sa dami ng mga tumatayang tao. Simple lamang laruin ang jueteng. Pipili ka lamang ng dalawang numero mula 1 hanggang 37. Ang larong ito ay mahigpit na ipinagbabawal ng gobyerno kaya ang pagbola nito ay palihim na ginagawa. Ang nananalong pares na numero sa jueteng ay binobola, gamit ang maliliit na bolang kahoy (tinatawag na bolitas) na markado ng numerong 1 hanggang 37. Ang bola ay ginagawa ng isang bolero at sinasaksihan ng mga cabo. Pagkatapos kalugin ng bolero ang bote ay kumukuha siya ng isang bolita. Ang numero sa bolita ay sinusulat at ang bolita ay binabalik sa bote. Kinakalog muli ito ng bolero at kumukuha ng ikalawang bolita at sinusulat. Ang dalawang magkasunod na numero ng bolitas ay ang nagiging panalong kombinasyon sa bolang iyon. Hindi pare-pareho ang panalo sa jueteng.

Nagbabayad and operator ng P700 hanggang P900 para sa nanalong kombinasyon sa bawat pisong taya. Napag-alaman ko na ang jueteng sa probinsiya ay ginagawa tatlong beses isang araw. Isa sa umaga, tanghali at gabi. Dati ay pwede tumaya sa jueteng sa halagang 25 centavos lamang. Ngunit sa pagtatanong ng mga mananaliksik ang malimit na pinakamababang taya ngayon ay piso. Walang limitasyon ang tayang pera. Ang jueteng ay popular sa mga mahihirap at mga lower-middle class na Pilipino.

Terminolohiyang Jueteng Sa pagtatanong ng mga mananaliksik tungkol sa jueteng, may mga terminolohiya ito . Ang tawag sa taongnangangalap ng taya ay kubrador. Ang taya naman ay tinatawag na kubra. Bangka ang ngalan ng pinagbibigyan ng lahat ng taya sa isang lugar. Ang mga numero naman na napipisil na lumabas ay paya. Ang tawag sa papel na sinusulatan ng mga taya ng isang kubrador ay dilito at ligaho naman ang mala-diary na pinagsusulatan ng mga numerong tumama na. Minsan may pagkakataong magkaparehong numero ang tumatama. Ang tawag sa parehong numerong lumabas ay tupyang o pares (halimbawa 23x23). Ang tumbok ay kapag ang unang numero mo ay tugma sa unang numero na lumabas sa bola, mananalo ka ng pera base sa iyong taya. Ang sahod ay ang taya sa panghuling numero kung sakaling nauna ang panghuling numero mo sa kinalabasan ng bola. Saklang ang tawag kapag tumaya ka ng parehong halaga sa dalawang numero. Ang alaga ay ang mga numerong paboritong tayaan o paulit-ulit na tinatayaan. Butas naman ang siyang tawag kapag kamuntikan nang lumabas ang numero mo ngunit nagkulang o sumobra lamang ito ng isa.

Panaginip at jueteng Dito nakasulat ang katumbas na numero ng mga panaginip. Nakopya ng mga mananaliksik ang iba sa mga ito. Mga halimbawa ng katumbas na numero ng mga panaginip: 1 lalaki, ahas na maliit, lubid 2 babae, ibon 3 lumilipad, tatlong sulok 4 aso, kalaban, baka, kabaong 5 ahas na malaki, apoy, dugo, kamay 6 kuwintas, balon ng tubig 7 itak, baril, gunting 8 tae, hubad, ginapos 9 patay, susi, pari 10 bilog, lasing, putol Mahaba ang annunsyo dahil hanggang 37 ang listahan. Mula pa daw noong panahon ng Espanyol ang pagpapakalat ng annunsyo ngunit marami pa din Pilipino ngayon ang naniniwala dito.

2. Anu-ano ang dahilan kung bakit laganap ang jueteng sa Pilipinas?

Ayon sa nasaliksik maraming dahilan kung bakit laganap ang jueteng sa Pilipinas. Ang una ay dahil ito ay sinusuportahan o tinatangkilik ng masang Pilipino. Tinatangkilik ito dahil napakababa ng taya sa jueteng. Mula sa limang piso pataas ang tayaan dito. Kung ikukumpara ito sa sugal tulad ng lotto masasabing abot-kayang tumaya sa jueteng at dahil ang mga kubrador ang mismong lalapit sa mananaya mas madali ang proseso ng pagtaya dito. Tinatangkilik din ito dahil mas malaki ang tsansang manalo ditto kumpara sa iba sapagkat tatlong beses sa isang araw kung magbola sa jueteng. At panghuli, mabilis na nakukuha ang napanalunang salapi. Ikalawang dahilan kung bakit laganap ang jueteng ay dahil naging bahagi na ng buhay ng mga Pilipino ang jueteng. Halos ang kabuhayan ng masang Pilipino ay nakadipende dito tulad na lamang ng mga kubrador at kabo. Dito kumukuha ang mga kabo at kubrador ng ipangbubuhay sa kanilang pamilya. Masasabing ang mga mamamayang tumataya dito ay masasabing nagbabakasakaling dumating ang pagkakataong tumama at mabawi ang perang itinaya sa jueteng. Ikatlo ay dahil ito ay protektado ng mga may kapangyarihan tulad ng mga opisyales sa gobyerno, ang kapulisan at ang mga mayayamang negosyante ng bansa. Bawat operasyon ng jueteng sa ating bansa ay sinusuportahan ng mga taong nasabi. Hanggang kumikita ang mga taong ito, asahang walang patutunguhan ang laban kontra jueteng. Nakakakuha ng malaking porsyento ang mga negosyanteng ito sa pagbibigay ng kanilang malaking bahagi sa jueteng sapagkat wala naman itong binabayarang buwis kaya naman ang mga mayayaman ay lalong yumayaman at ang mahihirap ay lalong naghihirap.

Hindi rin lingid sa ating kaalaman na laganap ang jueteng sa ating bansa. Pilit man itong pigilan ng ating pamahalaan, maging ang ating kapulisan, hindi pa ito tuluyang mabubuwag. Pansamantala lamang ang mambabatas.Ngunit patuloy pa rin itong lumalago habang dumadaan ang panahon. Sa pangkalahatan ang paglaganap ng jueteng ay dahil sa pagkakaroon ng mithiing ganap na magkaroon ng higit na karangyaan, kapangyarihan at pangalan sa lipunan. Dahil ang hindi pagiging kontento sa mga bagay-bagay ay nag-uudyok upang maging sakim at manhid ang isang tao. Sakim at manhid sa kadahilanang hindi nila nalalaman na may naaapakan ng iba at nagsasanhi ng mga bago problema at kapahamakan.

3. Ano ang estado sa buhay ng mga kubrador?

Ayon sa mga impormasyong nakalap ng mga mananaliksik ang kubrador ay ang tagalikom ng mga kombinasyon at taya ng mga mananaya sa jueteng sa pamamagitan ng paglilibot sa mga bahay- bahay. Sa kada isa, dalawa, o tatlong barangay may mga nakatakdang kubrador na nagpapataya ng jueteng na madalas ay nakabisikleta o kayay naglalakad lamang. Iniikot nito ang tatlong barangay upang magpataya, bale dalawang beses umiikot ang isang kubrador sa isang araw. Ang unang ikot nito ay sa umaga kung saan nangongolekta ng taya kung laking probinsya ang isang tao marahil alam nito ang mga bagay na ito. May dala- dala ang isang kubrador na dalawang ballpen, (reserba ang isa) pakete ng sigarilyo na tinupi sa apat na pahabang sukat at ito ay nakasuksok sa bulsa sa likuran. Ang unang ikot ay ang pinakamatagal na bahagi sapagkat dito ay pumupunta ito sa mga bahay- bahay para kumuha ng taya. Ang pangalawang ikot ay madali lamang sapagkat dito ay sumisigaw na lamang ito ng lumabas na numero at ang titigilan lamang

ay ang gusto ng tumaya para bukas at ang bahay ng mismong nanalo. Maliban kung nakikipagkwentuhan muna ang kubrador sa mga kakilala nito kayat halos lahat ng mga tao sa isang barangay ay nakikilala ng isang kubrador. Ang isang kubrador ay maaaring isang tindera sa sari- sari store o bangketa, labandera, tambay o kung sinumang may kakayahang lumikom at patubuin ang mga taya para sa jueteng. Ang kubrador din ay ang nangongolekta sa mga tao at sa jetang. Ngunit bakit nga ba nila napasok ang ganitong uri ng trabaho, gayong alam naman ng mga ito na ang jueteng ay iligal at hindi ganoong mataas ang kinikita nila dito? Base sa mga nakalap na impormasyon, napasok nila ang ganitong trabaho dahil iyon lamang ang propesyong tama para sa kanilang natapos. At ginagawa nilang hanapbuhay kasabay ng paghagilap ng impormayon o balita sa kanilang nasasakupan. Isa pang dahilan ng iba ay ang gawing pampalipas oras ang pangungubra. Dahil dito ay masasabing malaki talaga ang nagiging epekto ng jueteng sa mga kubrador. Pinaninindigan ng mga ito ang pagsali sa larangan ng sugal na ito. Hindi ito ikinahihiya at masasabing hindi pinagsisihan dahil maaring ang iba sa mga ito ay ilang ulit nang nabilanggo sa pangungubra. Maraming kubrador na pumasok sa ganitong propesyon na dahilan ay upang iahon ang pamilya masasabing mayroon itong pagpapahalaga sa pamilya. Gagawin ang lahat alang- alang sa pamilya kahit na malagay ang kanilang buhay sa panganib.

4. Paano naging solusyon ang jueteng sa kahirapan?

Kung mapapansin halos mahihirap na tao ang tumataya sa sugal na tinatawag na jueteng Sa makatuwid ang jueteng ay naging parte na ng pamumuhay ng maraming mga Pilipino. Dahil nagbabaka-sakaling palading naambunan ng konting grasya kapag nanalo sa jueteng kahit alam na walang kasiguruhan ang pagtaya dito. Mapapatunayan at mailalahad na totoo ang nasabing dahilan sa pamamagitan ng isang kwento na hango sa tunay na buhay. Ang kwentong ito ay galing sa isang website na naglalaman ng maikling impormasyon ukol sa jueteng. Si Fidel ( hindi niya tunay na pangalan ) ay isang OFW na nagtrabaho sa London. Nasa London siya nang natanggap niya ang malungkot na balita ng pagpanaw ng kanyang ama sa Pilipinas. Hindi po malaki ang kanyang naiipon sa London kaya noong una naiisip niya na imbes na umuwi at gumastos sa pamasahe ay ipapadala na lamang niya ang pera sa Pilipinas para sa ipang-gastos sa burol ng ama. Nang malaman ng kanyang mga kaibigang kapwa Pilipino ang sitwasyon ni Fidel sila ay nag-ambag ng pera para ipamasahe ni fidel pauwi sa Pilipinas. Lubos na lamang ang pasasalamat niya sa kanyang mga kaibigan at dali-dali siyang umuwi ng Pinas. Sa unang araw ni Fidel sa Pilipinas ay nakihalubo agad siya sa mga taong dumalaw sa burol ng ama. Sa bahay nila sa probinsya idinaos ang burol. Hindi po nagpapalit ng pounds si Fidel noong araw na iyon ngunit meron siyang isang libong piso sa kanyang pitaka (pera niya pa itong naitago noong sila ay umalis patungong London). Inutusan niya ang isa sa mga tao sa kanilang buhay na bumili ng pansit sa bilao at maiinom para sa mga bisita gamit ang isang libo. Bumalik ang taong kanyang inutusan dala ang pagkain at inumin at sukling dalawang daan at singkwenta pesos. Tamang tama naman na nandoon ang kubrador ng jueteng. Naisipan ni Fidel na magbakasakali at itinaya niya ang natirang sukli sa jueteng. Pinayuhan pa siya ng magjue-jueteng

na tayaan ang kaarawan ng ama at ang numerong 14X5 (tumbok na dalawang daan sa 14 at sahod naman ng singkwenta sa 5). Pinagdasal at hiniling ni Fidel sa ama na siya ay patamain sa jueteng upang merong ipangtustos sa libing kinabukasan, nagtungo ang kubrador sa bahay ni Fidel dala ang magandang balita na tumama ang 14X5. Dala ng kubrador ang halagang Php 140 000 para kay Fidel. Mataimtim na nagdasal at nagpasalamat si Fidel sa Panginoon at sa kanyang ama sa perang tila hulog ng langit. Ginamit ni Fidel ang pera sa gastos sa burol at paglilibing ng kanyang ama.

Katulad ng nangyari kay Fidel sa nasabing kwento, maraming Pilipino ang nagnanais umahon sa kahirapan sa paraan ng pagtaya sa jueteng. Ito ang dahilan kung bakit nagiging solusyon ang jueteng sa kahirapan ng mga mamamayang kapos palad. Ngunit hindi dapat na umasa lamang sa isang bagay na walang kasiguraduhan, kailangan pa rin na pagsisikap upang masigurado ang kinabukasang gustong marating.

5. Paano naging daan ang jueteng sa kahirapan?

Ang jueteng ay naging daan sa kahirapan sapagkat marami sa ating mamamayang Pilipino ang tumataya at nakikipagsapalaran sa jueteng. Dahil sa kahirapan ng ating bayan, marami ang sumusugal sa jueteng at umaasang sila ay mananalo. Ngunit imbis na sila ay umasenso o umahon sa kahirapan ay lalo pa silang nalulugmok ng dahil sa sugal na jueteng. Kung hindi naman mahirap ang ating bayan mayroon silang marangal na trabaho at hindi nila papasukin ang mapanganib na daigdig ng jueteng. Naging daan din sa kahirapan ang kawalan ng kooperasyon ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaan. Sa kawalan ng atensyon ng pamahalaan, nakakalimutan nila ang tunay na suliranin ng mamamayan. Mas iniisip pa nila ang kanilang sariling kapakanan kaya nawawalan ng tiwala ang taong bayan. Dahil dito, nabibigyan sila ng rason upang sumalungat sa mga patakaran ng ating pamahalaan. Hindi magkakaroon ng solusyon ang problema sa jueteng hanggat ang taong bayan ay lubog sa kahirapan at walang hanapbuhay na magbibigay ng disenteng pamumuhay. Hindi sapat ang trabaho lamang, ang kailangan ng bayan ay trabahong magbibigay ng disente at komportableng pamumuhay. Hindi kataka-taka na karamihan sa naki-kipagsapalaran tumaya sa jueteng ay yaong mga sawa na sa kahirapan sapagkat silay nagbabaka-sakali, tama man o mali, na sila ay palalayain ng jueteng mula sa kinalulugmukang kahirapan. Dapat nating maunawaan na ang jueteng ay sintomas lamang ng mas malalang suliranin - ang hindi maayos na hatian sa yaman ng bansa o yung kawalan ng katarungan. Ang kawalan ng katarungan ang dahilan kung bakit ang agwat ng mayaman at mahirap ay lalong lumalawak at ito naman ang nagtutulak sa ating mga kapatid na manandata at lumaban sa pamahalaan.

Ang kahirapan o kawalan ng katarungan, pang-aabuso sa mga mahihirap, ang malawakang paglabag sa karapatang pantao at ang pagsambulat ng ating populasyon ang ilan lamang sa mga seryosong suliranin n gating bansa. Kung maiaayos natin ang ating ekonomiya, politika at socio-kulturang suliranin ay tiyak na uunti, kundi man maglalaho, ang mga tumatangkilik sa jueteng.

V. Paglalagom, Pagbubuod at Rekomendasyon Paglalagom Ang pagaaral na ito ay isang pagtatangkang mapagugnay ang teoryang pampanitikang Marxismo sa pelikulang Kubrador ni Jeffrey Jeturian. Ito ay upang mabigyang kaalaman ang mga mambababasa ukol sa kapangyarihang saklaw ng jueteng. Naglalaman ito ng mga negatibo at positibong impormasyon ukol sa nasabing paksa. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng internet upang gawing basehan para mabigyang halaga ang papel na ito.

Rekomendasyon Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa lahat ng mga mambabasa na huwag ng gawing bisyo ang sugal na jueteng dahil maaari itong magsanhi ng mas malaki pang problema. Hindi sinasabi ng mga mananaliksik na masama ang jueteng dahil may maganda rin naman itong maidudulot ngunit hindi rin maikakaila ang negatibong epekto na naisasanhi ng sugal na ito sapagkat nasasabing Ang lahat ng labis ay masama. Kailangan lamang ng disiplina at control sa sarili upang magkaroon ng magandang buhay.

Pasasalamat Nagpapasalamat ako ng lubos sa Panginoong gumabay at nagbigay lakas sa aming grupo upang matapos ang pagsusuring papel na ito. Nagpapasalamat ako sa aking mga kagrupo na sina CJ, Ja- You, Potsii, Ehly, P.S., Alex at si Yen sa pagsusumikap na matapos ang pagsusuring papel na ito at sa pagtitiyaga sa lahat kung wala ang tulong nila ay di ko kaya ito mag- isa. Sa aking guro sa kanyang gabay upang maitama ang mali. Sa aking mga kaklase at kaibigan na hiningian ko ng opinyon. At sa aking ina na sumuporta sa akin. -Yann Yann Nais kong magpasalamat sa lahat ng taong tumulong sa amin sa matagumpay na pagsasagawa ng pagsusuring ito Sa mga kaibigan, kaklase at mga gurong ssumuporta sa amin. Sa aking mga kagrupo na nagsusumikap para sa tagumpay ng pagsusuring papel na ito. Higit sa lahat sa ating Panginoon na nagbibigay lakas sa amin. Maraming salamat sa inyong lahat. -CJ Gusto kong ipaabot ang aking pasasalamat una sa Panginoon dahil napagtagumpayan naming ang pagsusuring papel na ito. Sunod ay sa aming mga guro dahil sa pag-gabay sa amin sa pagsasagawa ng pagsusuring papel na ito. Huli ay sa aking mga kagrupo, kaklase at kaibigan na tumulong at nagbigay ng saya para mapagtagumpayan naming ang papel na ito. -Potsii Isang pasasalamat na nais ipaabot ng aking pusong at isipan sa mga taong nasa likod ng tagumpay na matapos ang papel na ito. Sa mga kaibigan at mga mahal sa buhay na palaging nariyan sa aming tabi upang tumulong at walang sawang sumusuporta para sa amin. At higit sa lahat sa Poong Maykapal na gumabay na walang sawang nagmamahal sa ain. Maraming salamat po. -Ja- You Una sa lahat nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal na gumabay sa amin upang matapos ang papel na ito nagpapasalamat din ako sa aming kagrupo na nagbigay ng oras at panahon upang magbigay ng kontribusyon sa papel na ito. At sa aming guro na si Sir Darius na nagbigay ng proyektong ito na masasabing luminang sa kaisipan ng mga Level 11 BM 103 -Yen

Isang taos pusong pasasalamat ang aking ipinaaabot sa aking mga kaibigan, kaklase, at guro na andyan para suportahan kami at walang humpay rin na pasasalamat sa Poong may likha na nagsilbing lakas at gumabay samin sa pag- gawa ng pagsusuring papel. -Ehly Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko na walang sawang umuunawa sa akin na sa kabila ng kadalasan kong pagkawala ay napagtagumpayan pa rin naming tapusin itong pagsusuring papel na ito. Sa aking magulang na laging sumusuporta at gumagabay at higit sa lahat sa nasa itaas na tumulong upang matapos ang pagsusuring papel na ito. -Alex Isang napakalaking opurtunidad ang mapasali sa grupong ito sapagkat sa grupong ito ko natutunang gumawa ng taos puso at may dedikasyon sa ginagawang papel. Kung paminsan ako ay hindi nakakasama sa gawaan ay nagpapasalamat parin ako dahil naniniwala ako na kahit sa kaunting oras na naialay ko ay nakatulong ako ng malaking parte sa pagsusuring papel na ito. At lahat ng iyon ay nagawa ko lamang dahil sa mga taong pinalalakas ang aking loob sa mga panahong ako ay nawawala na sa landas. At higit sa lahat sa Poong Maykapal na hindi ako pinababayan sa aking pangaraw-araw na buhay. -Pee-ehs

Dedikasyon Ang panunuring papel na ito ay inihahandog ng mga mananaliksik sa kanilang guro sa Filipino 11 na si G. Darius Cantos. Ang papel na ito ay iniaalay rin nila sa mga taong interesado sa paksang nauugnay sa jueteng at Teoryang Pampanitikang Marxismo. Una sa lahat nais ihandog ng mga mananaliksik ang papel na ito sa ating Panginoon na gumabay sa mga mananaliksik at patuloy na pagbibigay lakas ng pangangatawan at isipan. Iniaalay din ng mga mananaliksik ang pagsusuring papel na ito sa kani-kanilang mga magulang na nagbibigay ng suporta sa kanila.

Bibliyograpiya http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=210983 http://www.philstar.com/forums/Article.aspx?articleld=276525 http://www.talakayanatkalusugan.com/2010/09/15/jueteng-lords-kornerin-lahat-pinoy/ http://basketbolpilipinas.forummotion.com/t2546-p20-m-suhol-kay-cruz http://bomboradyo.com/news/more-news/19924-marami-pa-akong-alam-na-sangkt-sajueteng-sandra-cam http://thepoc.net/thepoc-features/buhay-pinoy-features/9519-bakit-mahirap-sugpuin-angjueteng-sa-buhay-pinoy.html http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/10/06/10/gov%E2%80%99t-officials-denyjueteng-involvement http://210.5.68.115/story-of-the-day/20939-jueteng-lords-welcome-sa-senate-probe http://www.gmanetwork.com/news/story/201555/pinoyabroad/balitangpinoy/mga-opisyalna-nakikinabang-umano-sa-jueteng-tinukoy-na-ni-cruz kulturangpop.blogspot.com/2005/10/jueteng.html

TALAAN NG NILALAMAN I. PANIMULA II. LAYUNIN KAHALAGAHAN SAKALAW AT LIMITASYON

KAUGNAY NA LITERATURA PAGKATAONG PILIPINO ANATOMIYA NG JUETENG SMALL TOWN LOTERY KAPALIT NG JUETENG OFFICIALS SAMBIT DIN SA JUETENG KATUTURAN NG KATAWAGAN

III. IV. V.

BATAYANG TEORYA AT KONSEPTUAL NA BALANGKAS PAGTATALAKAY PAGLALAGOM, PAGBUBUOD AT REKOMENDASYON

PASASALAMAT DEDIKASYON BIBLIYOGRAPIYA

You might also like